Go to full page →

Isang babalang ukol sa atin PK 27

At, sa kabilang dako, ang mga kahatulan ng Diyos na ipinahayag laban sa kasalanan, ang hindi maiiwasang paghihiganti, ang pagbaba ng ating pagkatao, at ang huling pagkawasak ay mga inihahayag sa salita ng Diyos upang babalaan tayo sa paglilingkod kay Satanas. PK 27.2

Hindi baga natin pahahalagahan ang kahabagan ng Diyos? Ano pang higit sa rito ang magagawa Niya? lagay nga natin ang ating mga sarili sa tumpak na pakikiugnay sa Kanya na umibig sa atin ng kahanga-hangang pag-ibig. Tanggapin natin ang paraang inilaan sa atin upang mangatulad tayo sa Kanyang wangis, at masauli sa pakikisama ng mga anghel na tagapangasiwa, sa pakikiisa at pakikipag-usap sa Ama at sa Anak. PK 27.3