Sa pagbibigay natin ng ating mga sarili sa Diyos ay kinakailangang iwan natin ang lahat ng bagay na sa atin ay maghihiwalay sa Kanya. Kaya’t ang sabi ng Tagapagligtas: “Sino man sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad Ko.” Lukas 14:33. Ano mang bagay na maglalayo ng puso sa Diyos ay dapat na talikdan. Salapi ang diyusdiyusan ng marami. Ang pag-ibig sa salapi, ang pagha- hangad na yumaman, ay siyang gintong tanikala na nakatali sa kanila kay Satanas. Ang kabantugan at karangalang makasanlibutan ay sinasamba naman ng mga iba. Ang katamaran at pagpapabaya ang dinidiyos naman ng mga iba. Datapuwa’t ang mga tanikalang ito ng pagkaalipin ay dapat patirin. Di maaaring tayo’y maging kalahati sa Panginoon at kalahati sa sanlibutan. PK 60.1