Go to full page →

Mahalagang pag-ibig PK 18

Ang ganitong pag-ibig ay walang kapantay. Mga anak ng Hari ng langit! Mahalagang pangako! Isipang dapat bulaybulayin ng taimtim! Walang kahambing na pag-ibig ng Diyos sa isang sanlibutang hindi umibig sa Kanya! Ang isipang ito ay may kapangyarihang bumihag sa kaluluwa, at umakay sa pag-iisip upang pasakop sa kalooban ng Diyos. Habang lalo’t lalo nating pinag-aaralan ang banal na likas, sa liwanag ng krus, ay lalo’t lalo nating makikita ang kahabagan, pag-ibig, at pagpapatawad, na nakakalagum ng pagpapantay-pantay at katuwiran, at higit at higit naman nating naliliwanagan ang di mabilang na mga katunayan ng isang pag-ibig na walang-hanggan, at isang matimyas na pagmamahal na malaki ang kalamangan sa nananabik na pakikiramay ng isang ina sa kanyang anak na suwail. PK 18.2