Ang kabanatang ito ay batay sa Nehemias 1; 2.
Si Nehemias, na kasama ng mga itinapong Hebreo, ay nagkaroon ng mataas na tungkulin ng impluwensya at karangalan sa korteng Persiano. Bilang tagapaghatid ng saro ng hari siya ay malayang nakakaharap dito. Dahilan sa posisyong ito, at dahilan sa kanyang mga kakayahan at katapatan, siya ay naging kaibigan ng hari at tagapayo. Bagaman nakatanggap ng pabor ng hari at napapalibutan ng karangyaan at kagandahan, gayunman, ay di niya nakalimutan ang Dios at ang kanyang bayan. May pinakamalalim na pagpapahalaga na ang puso niya ay natuon sa Jerusalem; ang kanyang mga pag-asa at kagalakan ay natali sa kasaganaan ng kanyang siyudad. Sa pamamagitan ng lalaking ito, na naihanda dahilan sa kanyang paninirahan sa korte ng Persiano para sa gawain dito ay tatawagan siya, naging layunin ng Dios na magdala ng pagpapala sa Kanyang bayan sa lupain ng kanilang mga magulang. PH 507.1
Sa pamamagitan ng mga mensaherong buhat sa Judea nalaman ng tapat na Hebreong ito ang mga araw ng pagsubok na dumating sa Jerusalem, ang bayang hirang. Ang mga nagsibalik na bilanggo ay nagdaranas ng kahirapan at kahihiyan. Ang templo at bahagi ng siyudad ay muling naitayo na; ngunit ang gawain ng pagsasauli ay nahadlangan, ang mga serbisyo sa templo ay nagambala, at ang bayan ay dapat na laging listo sapagkat ang mga pader ng siyudad sa kalakhang bahagi ay giba pa. PH 507.2
Sa kalumbayan, si Nehemias ay di makakain o makainom; siya',y “umiyak, at nanangis ng ilang araw, at nag-ayuno.” Sa kanyang kalungkutan siya',y humingi sa Dios ng tulong. “Ako',y...nanalangin,” sabi niya, “sa harap ng Dios ng langit.” Tapat na nagkumpisal siya ng sariling kasalanan at ng kasalanan ng bayan. Sumamo siyang alalahanin ng Dios ang kapakanan ng Israel, isauli ang kanilang tapang at kalakasan, at tulungan silang itayong muli ang mga tiwangwang na dako ng Juda. PH 507.3
Habang dumadalangin si Nehemias, ay lumalakas ang kanyang pananampalataya at lakas ng loob. Mula sa labi ay nadinig ang banal na mga argumento. Itinuro niya ang kahihiyang dadanasin ng Dios, kung ang Kanyang bayan, ngayon ay nanunumbalik na sa Kanya, ngunit pababayaan sa kahinaan at opresyon; at hinimok niya ang Panginoon na tuparin ang Kanyang pangako: “Kung kayo'y magsibalik sa Akin, at ingatan ninyo ang Aking mga utos, at gawin; bagaman ang nangatapon sa inyo ay nasa kadulu-duluhang bahagi ng mga langit, Akin ngang pipisanin Ko sila sa dakong Aking pinili upang patahanin doon ang Aking pangalan.” Tingnan ang Deuteronomio 4:29-31. Ang pangakong ito ay ibinigay sa Israel sa pamamagitan ni Moises sa pagpasok nila sa Canaan, at sa paglakad ng mga daang taon ay hindi ito nabago. Ang bayan ng Dios ay nanumbalik na sa Kanya sa pagsisisi at pananampalataya, at ang Kanyang pangako ay di mabibigo. PH 508.1
Madalas na si Nehemias ay nanangis sa Dios para sa kanyang bayan. Ngunit sa kanyang dalangin ngayon ay may nabuong banal na adhikain. Naisip niyang kung makukuha niya ang tulong ng hari, at kailangang kagamitan at materyales, siya na ang mangunguna sa muling pagtatayo ng mga pader ng Jerusalem at pabalikin ang kalakasan ng bansang Israel. At hiniling niya sa Panginoon na ipagkaloob ang pabor na ito sa isipan ng hari, upang ang panukala ay maisakatuparan. “Paginhawahin Mo, isinasamo ko sa Iyo, ang Iyong lingkod sa araw na ito,” kanyang isinumamo at “pagkalooban Mo siya ng kaawaan sa paningin ng lalaking ito.” PH 508.2
Apat na buwang naghintay si Nehemias sa angkop na pagkakataong maiharap ang kahilingan sa hari. Sa panahong ito, bagama't ang puso ay mabigat, sinikap niyang maging masaya sa harapan ng hari. Sa bulwagang iyon ng karangyaan at kagandahan ang lahat ay dapat na maging masayahin. Ang lumbay ay di dapat mahayag sa sinumang naglilingkod sa hari. Datapuwat sa panahong si Nehemias ay nag-iisa, marami ang mga dalangin, pagkukumpisal, luha at panaghoy na narinig at nasaksihan ng Dios at ng mga anghel. PH 508.3
At dumating sa panahong di na maitago ng propeta ang lumbay ng puso. Mga gabing di makatulog at mga araw na puno ng alalahanin ay nabadya sa mukha niya. Ang hari na laging nagmamasid at nag-aaral ng mga kilos at mga galaw para na rin sa sariling kapanatagan, ay nakitang may bumabagabag sa kanyang tagapagdala ng saro. “Bakit malungkot ang iyong mukha, wala ka namang salat? ito ba ay kalungkutan ng puso.” PH 508.4
Ang tanong ay nakabagabag kay Nehemias. Hindi kaya magalit ang hari kapag nalamang bagama't siya ay masaya sa harapan mto, ang puso naman niya ay malayo at nasa kanyang bayang nagdurusa? Hindi kaya siya ipapatay? Ang panukala niyang ang Jerusalem ay maisauli sa dating kalakasan mto—ito kaya ay mawawala na? “Pagkatapos,” kanyang sinulat, “ako'y lubhang natakot.” May pangingirug na mga labi at namumuong mga luha sa kanyang mga mata ay kanyang isinalaysay ang kanyang kalungkutan. “Mabuhay ang hari magpakailanman,” kanyang sinagot “Bakit ang aking mukha ay hindi malulungkot, kung ang bayan, ang dako ng mga libingan ng aking mga magulang ay giniba, at ang mga pintuang-bayan niyaon ay nasupukan ng apoy?” PH 509.1
Ang paghahanay na ito ng kalagayan ng Jerusalem ay gumising sa pagdamay ng han na hindi naman nagbangon ng masamang haka. Isa pang tanong ang nagbigay ng pagkakataon na matagal nang hinihintay ni Nehemias: “Ano ang hihilingin mo?” Ngunit ang lalaki ng Dios ay di agad tumugon hanggang di muna niya naisasangguni sa Isang higit na mataas kay Artaxerxes. May banal na gawain siyang dapat gampanan na dito’y kailangan ang tulong ng hari; at nadama niyang malaki ang kinalaman ng paraan ng paghaharap niya ng kahilingan upang makuha ang pagsang-ayon nito. “Dumalangin ako,” kanyang sinabi, “sa Dios ng kalangitan.” Sa maikling dalanging iyon ay nalapit si Nehemias sa presensya ng Hari ng mga hari at nakuha sa panig niya ang kapangyarihang maaaring magpabago ng puso tulad ng pagbabago ng daloy ng tubig. PH 509.2
Ang manalanging tulad ni Nehemias sa panahon ng panganga-ilangan ay kapangyarihan sa kamay ng Kristiano na ang ibang porma pa ng panalangin ay imposible. Mga gumagawa sa abalang buhay, nabibigatan at naiipit ng mga pangyayari, ay maaaring magpaitaas ng panalangin sa Dios ukol sa patnubay. Mga naglalakbay sa dagat at lupa, kapag nahaharap sa dakilang panganib ay maaaring ilagak ang sarili sa proteksyon ng Langit. Sa panahon ng biglang kahirapan o panganib ang puso ay maaaring humibik sa tulong ng Isang nangakong laging tutulong sa Kanyang mga tapat na tumatawag sa Kanya. Sa bawat pagkakataon, sa bawat kondisyon, ang kaluluwang pagal sa lumbay at alalahanin, o natutuksong mainam, ay makasusumpong ng kasiguruhan, suporta, at sa hindi nagkukulang na pag-ibig at kapangyarihan ng Dios na nag-iingat ng tipan. PH 510.1
Si Nehemias, sa madaliang panalangin sa Hari ng mga hari, iyon ay nakadpon ng tapang upang sabihin kay Artaxerxes ang hangaring makalagan pansumandali sa mga tungkulin sa korte, at humingi ng otoridad upang muling itayo ang mga wasak na dako ng Jerusalem at upang ito ay muling maging matatag at makukutaang siyudad. Mga mahalagang bagay ang nakabitin sa kahilingang ito para sa bansang Judio. Ipinahayag ni Nehemias, “At pinagkalooban ako ng han ayon sa mabudng kamay ng aking Dios na sumasa akin.” PH 510.2
Matapos makuha ang tulong na hiniling, may pagpapanukala at ingat na nagpatuloy si Nehemias sa pagsasaayos ng lahat ng kailangan upang maging tagumpay ang gawaing ito. Bawat bagay ay inilagay sa tama at lahat ng pag-iingat ay isinagawa. Kahit na sa sariling mga kababayan ay di niya ipinaalam ang bagay na ito. Bagaman alam niyang marami ang matutuwa, nangangamba naman siyang may ilan na walang ingat ay maaaring magbangon ng inggit ng mga kaaway at magbunga ng kabiguan sa pagsisikap na ito. PH 510.3
Ang kanyang kahilingan sa hari ay totoong kinaluguran ng hari anupa't naisip niyang dagdagan pa ang kahilingan. Upang bigyang dignidad at karapatan ang gawaing ito, at upang magkaroon ng proteksyon sa paglalakbay, humiling siya ng mga kasamang kawal. Nakuha din niya ang mga liham para sa mga gobernador ng mga probinsya sa kabila ng Eufrates, na dadaanan niya pabalik sa Judea; at nakakuha din siya ng liham mula sa hari para sa tagapag-ingat ng kakahuyan ng hari sa kabundukan ng Lebanon, na nagtatagubiling magkaloob ng mga kahoy na kakailanganin. Upang hindi magkaroon ng pagkakataong may magreklamo na lumagpas siya sa kanyang komisyon, si Nehemias ay naging maingat na taglay niya ang mga otoridad at mga karapatang nabigay sa kanya. PH 511.1
Ang halimbawang ito ng matalinong pagpapanukala at tiyakang pagkilos ay dapat na maging liksyon sa lahat ng Kristiano. Ang mga anak ng Dios ay di lamang dadalangin sa pananampalataya, kundi gagawang may kasipagan at ingat. Napapaharap sila sa maraming kahirapan at madalas na sila ang humahadlang sa paggawa ng Dios para sa kanila, sapagkat ipinapalagay nila ang pag-iingat. Napapaharap sila sa maraming kahirapan, at madalas na sila ang humahadlang sa paggawa ng Dios para sa kanila, sapagkat ipinapalagay nila na ang pag-iingat at masipag na paggawa ay maliit ang kaugnayan sa relihiyon. Hindi inisip ni Nehemias na tapos na ang kanyang tungkulin matapos na siya ay dumalangin sa Dios. Sinamahan niya ang maningas na dalangin ng banal na pagsisikap, ng masigasig at taimtim na paggawa para sa tagumpay. Ang maingat na pagsasaalang-alang at maayos na panukala ay mahalaga sa pagsasakatuparan ng banal na gawain ngayon tulad ng sa muling pagtatayo ng mga pader ng Jerusalem. PH 511.2
Si Nehemias ay di nagbakasakali. Ang wala sa kanya ay nakuha niya sa maaring magkaloob nito. At ang Panginoon naman ay laan pa ring magpakilos ng puso nilang may mga kayamanan upang magkaloob para sa Kanyang gawain. Silang naglilingkod sa kanya ay dapat samantalahin ang kagandahang loob ng mga taong kinikilos ng Dios na magbigay. Ang mga kaloob na ito ay maaaring magbukas ng daan para sa liwanag ng katotohanan sa mga dakong mabutan ng gabi ng kasalanan. Ang mga nagkakaloob na ito ay maaaring walang pananampalataya kay Kristo, walang pagkaalam sa Kanyang salita; datapuwat ang kanilang mga kaloob ay di dapat tanggihan. PH 511.3