Bago nakapasok ang kasalanan, ay nagkaroon si Adan ng harapang pakikipag-usap sa May-gawa sa kanya; nguni't sapul nang ihiwalay ng tao ang kanyang sarili sa Diyos sa pamamagitan ng pagsalansang, ang tanging karapatang ito'y inalis sa sangkatauhan. Gayunman, sa pamamagitan ng panukala ng kaligtasan, ang daan ay nabuksan na sa pamamagitan nito'y maaaring magkaroon ng kaugnayan sa langit ang mga naninirahan sa lupa. Nakikisangguni ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, at ang banal na liwanag ay ipinagkaloob sa sanlibutan sa pamamagitan ng pagpapahayag sa pinili Niyang mga lingkod. “Ang mga tao ay nagsalita buhat sa Diyos, na nangaudyukan ng Espiritu Santo.” 2 Pedro 1:21. MT 7.1
Sa nalolooban ng naunang 2,500 taon ng kasaysayan ng sangkatauhan, ay walang napasulat na anumang banal na pahayag. Yaong mga tinuruan ng Diyos, ay siya namang nagturo ng kanilang kaalaman sa mga iba, at ito'y inilipat sa anak na lalaki buhat sa ama, sa mga sunudsunod na salin ng lahi. Ang paghahanda ng nakasulat na salita ay nagsimula noong panahon ni Moises. Ang mga kinasihang pahayag ay binuo noon sa isang kinasihang aklat. Ang gawaing ito'y nagpatuloy sa nalolooban ng mahabang panahon n,g 1,600 taon—mula kay Moises, na ma nanaysay ng paglalang at ng kautusan, hanggang kay Juan, na tagaulat ng pinakadakilang mga katotohanan ng ebanghelyo. MT 7.2
Itinuturo ng Biblia ang Diyos na siyang may-akda nito; nguni't ito'y sinulat ng mga kamay ng tao; at sa iba't ibang paraan ng pagkakasulat ng iba't ibang mga aklat nito ay ipinakikilala ang mga likas ng mga nagsisulat. Ang mga katotohanang ipinahahayag ay pawang “kina- sihan ng Diyos” (2 Timoteo 3:16): gayon ma'y ang mga ito'y binigkas sa salita ng mga tao. Ang Isang Walang-hanggan ay nagbigay ng liwanag sa mga isipan at mga puso ng Kanyang mga alipin sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu. Nagbigay Siya ng mga panagi-nip at mga pangitain. mga simbulo at mga sagisag; at sila na pinagpahayagan ng katotohanan sa gayong paraan, ay siya ring bumuo ng isipan nito sa salita ng tao. MT 7.3
Sinulat sa iba't ibang panahon, ng mga lalaking may malaking pagkakaiba ang uri at ang gawain, at sa mga kaloob na ukol sa pag-iisip at sa espiritu, ay ipinakikilala ng mga aklat ng Biblia ang malaking pagkakaiba ng pa-raan ng pagkakasulat ng bawa't isa sa mga ito, kung pa-anong mayroon din namang pagkakaiba ang uri ng mga paksang inihahayag. Iba't ibang anyo ng pangungusap ang ginagamit ng iba't ibang mga manunulat; madalas na ang di-naiibang katotohanan ay ipinakikilala ng isang manunulat sa isang paraang lalong maliwanag kaysa mga iba. MT 8.1
Sa pagpapakilala nito sa pamamagitan ng iba't ibang mga tao, ang katotohanan ay ipinahahayag ayon sa iba't ibang mga anyo nito. Ang isang panig ng paksa ay siyang lalong kumilos sa isang manunulat; naunawaan niya ang mga puntong itong nakakatugma ng kanyang karanasan o ng kanyang kabatiran at pagpapahalaga; iba namang panig ang nakikita ng iba; at ipinakikilala ng bawa't isa, sa ilalim ng pagpatnubay ng Banal na Espiritu, ang lalong malakas na nakakilos ng kanyang pag-iisip—ibang panig ng katotohanan sa bawa't isa, nguni't isang ganap na pagtutugma ng lahat. At ang mga katotohanang ipinahayag sa gayong paraan ay nagsasama-sama upang maging isang ganap na kabuuan, na naaangkop na tumugon sa pangangailangan ng mga tao sa lahat ng mga pangyayari at mga karanasan ng buhay. MT 8.2
Ikinalugod ng Diyos na isangguni ang Kanyang kato-tohanan sa sanlibutan sa pamamagitan ng mga tao, at Siya na rin. sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu, ang siyang nag-angkop at nagbigay sa tao ng kakayahan upang magawa ang gawaing ito. Pinatnubayan Niya ang isipan sa pagpili kung ano ang dapat sabihin at dapat isulat. Ang kayamana'y ipinagtiwala sa sisidlang lupa, gayon man ito'y, gayon ding buhat sa langit. Ang patotoo'y ibinigay sa pamamagitan ng walang kaganapang pagpapahayag ng salita ng tao, gayon ma'y ito'y salita ng Diyos; at dito'y nakikita ng masunurin at sumasampalatayang anak ng Diyos ang kaluwalhatian ng isang banal na kapangyarihan, na puno ng biyaya at katotohanan. MT 8.3
Ang Espiritu ay ipinangako ng ating Tagapagligtas, na siyang magbubukas ng Salita sa Kanyang mga alipin, upang liwanagan at iangkop ang mga turo nito. At sapagka't ang Espiritu ng Diyos ang siyang kumasi sa Biblia, ay di nga maaari na ang turo ng Espiritu ay maging laban sa itinuturo ng Salita. MT 9.1
Ang Espiritu'y hindi ipinagkaloob—ni hindi kailan man ito ipagkakaloob—upang siyang kumuha ng lugar ng Biblia; sapagka't maliwanag na sinasabi ng mga Kasulatan na ang salita ng Diyos ay siyang pamantayang sa pamamagitan nito'y ang lahat ng turo at karanasan ay dapat subukin. Ang wika ni apostol Juan, “Huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Diyos: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanlibutan.” 1 Juan 4:1. At ang pahayag ni Isaias, “Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.” Isaias 8:20. MT 9.2
Kasang-ayon ng salita ng Diyos, ang Espiritu Niya'y magpapatuloy ng paggawa sa buong panahon ng kapana-hunan ng ebanghelyo. Sa nalolooban ng mga panahong ang mga Kasulatan ng Matanda at Bagong Tipan ay ibi-nibigay, ay walang tigil ang Banal na Espiritu sa pagka-kaloob ng liwanag sa isa't isang isipan, bukod sa mga pahayag na nasa kabuuan ng Banal na Kasulatan. MT 9.3
Si Jesus ay nangako sa Kanyang mga alagad, “Ang Mang-aaliw, samakatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa Aking pangalan, Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y Aking sinabi.” “Kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: . . . at Kanyang ipaha-hayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.” Juan 14:26; 16:13. Maliwanag na itinuturo ng Kasulatan na ang mga pangakong ito, na malayong maging ukol lamang sa panahon ng mga apostol, ay umaabot sa iglesya ni Kristo sa lahat ng panahon. Tiyak na sinabi ng Taga-pagligtas sa Kanyang mga alagad, “Ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanlibutan.” Mateo 28:20. At sinabi ni Pablo na ang mga kaloob at mga pagkahayag ng Espiritu ay pawang inilagay sa iglesya “sa ika-sasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Kristo: hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagka-kilala sa Anak ng Diyos, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Kristo.” Efeso 4:12, 13. MT 10.1
Kaugnay kaagad ng mga panoorin ng dakilang araw ng Diyos, ay ipinangako ng Panginoon sa pamamagitan ng propetang si Joel ang tanging pagkahayag ng Kanyang Espiritu. (Joel 2:28.) Ang isang bahagi ng hulang ito ay nagkaroon na ng katuparan nang ibuhos ang Espiritu noong araw ng Pentekostes; nguni't aabutin nito ang lubusang pagkatupad sa pagkahayag ng biyaya ng Diyos na siyang sasama sa pangwakas na gawain ng ebanghelyo. MT 10.2
Sa pamamagitan ng liwanag ng Banal na Espiritu, ang mga panoorin ng matagal na labanan ng kabutihan at ng kasamaan ay nabuksan sa mga manunulat ng mga dahong ito. Sa pana-panahon ay ipinahintulot sa akin na makita ko ang paggawa, sa iba't ibang mga panahon, ng malaking tunggalian ni Kristo na Prinsipe ng buhay, na May- gawa ng ating kaligtasan, at ni Satanas, na prinsipe ng kasamaan, na may-gawa ng kasalanan, na unang sumalansang sa banal na kautusan ng Diyos. Ang kapootan ni Satanas laban kay Kristo ay inihayag laban sa Kanyang mga alagad. Ang kapootang ding yaon sa mga simulain ng utos ng Diyos, ang pamamalakad ding yaon ng pagdaraya, na sa pamamagitan nito'y pinalilitaw na matuwid an,g kamalian, ang mga kautusan ng mga tao ay ipinapalit sa utos ng Diyos, at. ang mga tao'y naaakay sa pagsamba sa kinapal sa halip ng sa May-kapal, ay maaaring matuntun sa lahat ng mga kasaysayan ng mga panahong nagdaan. MT 10.3
Sa pagbubukas ng Espiritu n,g Diyos sa aking isipan ng mga dakilang katotohanan ng Kanyang mga salita, at ng mga panoorin ng nakaraan at ng hinaharap na panahon, ay sinabi sa akin na ipaalam ko sa mga iba ang mga bagay na inihayag—na tuntunin ang kasaysayan ng tunggalian nang mga panahong nagdaan, at lalo na, na ito'y ipakilala sa paraang ito'y makapagbibigay liwanag sa labanan sa hinaharap na matulin na dumarating. Sangayon sa hangaring ito, ay pinagsikapang kong piliin at pagsama-samahin ang mga pangyayari sa kasaysayan ng iglesya sa isang paraang matutunton ang pagpapahayag ng dakilang sumusubok na mga katotohanan na sa iba't ibang panahon ay ibinigay sa sanlibutan, na siyang nagbunsod sa kagalitan ni Satanas, at ng kapootan ng iglesyang maka-sanlibutan, mga katotohanang iningatan ng mga pagsaksi niyaong mga hindi nagsiibig sa “kanilang buhay hanggang sa kamatayan.” MT 11.1
Sa mga ulat na ito'y makikita natin ang unang anino ng tunggalian sa panahong ating hinaharap. Sa pagsasaalang-alang sa mga ito ayon sa liwanag ng salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng liwanag ng Kanyang Espiritu, ay makikita natin ang pagkahayag ng mga pakana ng isang masama, at ang mga panganib na dapat iwasan nilang nagnanais na masumpungang “mga walang dungis” sa harapan ng Panginoon sa Kanyang pagdating. MT 11.2
Ang layunin ng aklat na ito ay hindi ang pagpapakilala ng bagong mga katotohanan tungkol sa mga pagpupunyagi ng unang mga panahon, kundi ang pagbibigay ng m,ga katunayan at mga simulaing may kinalaman sa mga darating na mga pangyayari. Gayunman, sa pagpapalagay na ito'y isang bahagi ng tunggalian ng mga hukbo ng kaliwanagan at ng mga hukbo ng kadiliman, ang lahat ng mga ulat na ito ng panahong nagdaan ay nakikitang mayroong bagong kahalagahan; at sa pamamagitan ng mga ito'y naliliwanagan ang panahong hinaharap, at naliliwanagan ang landas niyaong mga tatawagin, kagaya ng mga repormador ng mga panahong nagdaan, kahit na sa ikapapanganib ng lahat ng tinatangkilik sa sanlibutan, upang sumaksi “dahil sa salita ng Diyos at sa patotoo ni Jesus.” MT 12.1
Upang ipamalas ang mga panoorin ng malaking tunggalian ng katotohanan at ng kamalian; upang ihayag ang mga silo ni Satanas, at ang mga pamamaraan na sa pamamagitan ng mga ito'y matagumpay siyang mapaglabanan; upang ipakilala ang kasiya-siyang lunas sa malaking suliranin ng kasamaan, sa isang paraang makapagbigay liwanag sa pinagbuhatan at sa pagpawi sa wakas sa kasalanan upang lubusang ipahayag ang katarungan at kagandahang-loob ng Diyos sa lahat ng Kanyang pakikitungo sa mga nilalang Niya; at upang ipakita ang banal, at di-nagbabagong likas ng Kanyang kautusan, ay siyang layunin ng aklat na ito. Na sa pamamagitan ng impluensya nito ay maligtas ang mga kaluluwa mula sa kapangyarihan ng kadiliman, upang “makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan,” sa kapurihan Niya na umibig sa atin, at nagbigay ng Kanyang sarili dahil sa atin, ay siyang tauspusong dalangin ng sumulat nito. MT 12.2
E. G. W.