Kung sa araw na ito ay nakilala mo sana, sa iyong sarili, ang mga bagay na nauukol sa iyong kapayapaan! Datapuwa't ngayo'y pawang nangatatago sa iyong mga mata. Sapagka't darating sa iyo ang mga araw, na babakuran ka ng kuta ng mga kaaway mo, at kukubkubin ka, at gigipitin ka sa magkabi-kabila; at ilulugso ka sa lupa, at ang mga anak mo na nasa loob mo; at sa iyo'y hindi sila mag-iiwan ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato: sapagka't hindi mo nakilala ang panahon ng sa iyo'y pagdalaw.”1Lucas 19:42-44. MT 17.1
Mula sa tuluktok ng Bundok ng mga Olibo, ay tinunghayan ni Jesus ang Jerusalem. Maganda at payapa ang panooring nakalahad sa harap Niya. Noo'y panahon ng Paskua at mula sa lahat ng lupain ay nagtitipon doon ang mga anak ni Jakob upang ipagdiwang ang dakilang kapistahang pambansa. Sa gitna ng mga halamanan at mga ubasan, at luntiang mga libis ng bundok na napapalamutihan ng mga tolda ng mga nagsisipaglakbay ay nakatayo ang mga burol na may mga pitak, ang magagarang mga palasyo, at naglalakihang kuta ng punonglunsod ng Israel. Ang anak na babae ng Sion ay nagsasabi mandin sa kanyang kapalaluan: “Ako'y nauupong reyna, at hindi makakakita ng kalungkutan;” maganda siya noon at ipinalalagay ang kanyang sarili na mapanatag siya sa lingap ng Diyos, gaya ng inawit ng tagaawit ng hari nang mga panahong lumipas: “Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion . . . na bayan ng dakilang Hari.”2Mga Awit 48:2. MT 17.2
Lantad na lantad sa Kanyang paningin ang kahali-halinang kayarian ng templo. Ang sinag ng araw na lumulubog ay tumatama sa mapuputing marmol na pader na kasingputi ng niyebe, at kumikislap mula sa ginintuang pinto, at taluktok, at tore. Ang “kasakdalan ng kagandahan” ay nakatayo, ang ipinagmamalaki ng bansang Hudyo. Sinong anak ng Israel ang makatitingin dito na hindi makadarama ng katuwaan at paghanga! MT 18.1
Datapuwa't naiibang diwa ang naghari sa pag-iisip ni Jesus. “At nang malapit na Siya, nakita Niya ang bayan, at ito'y Kanyang tinangisan.”3Lucas 19:41. Sa kalagitnaan ng mga pagsasaya ng madla dahil sa matagumpay na pagpasok Niya sa lunsod, samantalang iwinawasiwas ang mga dahon ng palma, samantalang ang masasayang hosana ng pagpupuri ay umaalingawngaw sa mga burol, at itinatanyag Siyang hari ng mga libu-libong tinig, pinapanglumo ang Manunubos ng sanlibutan ng isang bigla at mahiwagang kalungkutan. Siya, na anak ng Diyos, Isang Pangako sa Israel, na ang kapangyariha'y nanaig sa kamatayan, at bumuhay sa mga bilanggo ng libingan, ay lumuha, hindi sa karaniwang kalumbayan, kundi sa matindi at di-mapaglabanang kapighatian. MT 18.2
Ang kasaysayan ng mahigit sa isang libong taong tanging paglingap at maibiging pagkupkop ng Diyos sa bayang hinirang, ay nakabukas sa paningin ni Jesus. Ang Jerusalem ay pinarangalan ng Diyos ng higit sa lahat ng bayan sa ibabaw ng lupa. “Pinili ng Panginoon ang Sion; Kanyang ninasa na pinakatahanan niya.”4Mga Awit 132:13. Sa dakong yaon, sa loob ng maraming panahon ay binigkas ng mga banal na propeta ang kanilang mga babala. Doo'y ipinakita ni Heoba ang Kanyang pakikiharap sa pamamagitan ng alapaap ng kaluwalhatian, sa ibabaw ng luklukan ng awa. Kung sa pagkabansa ng Israel ay iningatan niyang matapat ang kanyang pakikipanig sa Langit, nanatili sanang hirang ng Diyos ang Jerusalem magpakailan man.5Jeremias 17:21-25. Da- tapuwa't ang kasaysayan ng bayang iyan na pinagpakitaan ng Diyos ng lingap ay kasaysayan ng pagtalikod at paghihimagsik. Tinanggihan nila ang biyaya ng Langit, nagpakalabis sila sa kanilang mga karapatan, at niwalang kabuluhan ang kanilang mga pagkakataon. Higit sa pagibig ng isang ama sa anak na kanyang minamahal, ang Diyos ay “nagsugo sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang mga sugo, na bumangong maaga at nagsugo; sapagka't siya'y nagdalang habag sa Kanyang bayan, at sa Kanyang tahanang dako.”62 Cronica 36:15. Nang di-maari ang pagsansala, pamanhik, at pagsaway, ipinadala Niya ang pinakamabuting kaloob ng langit; hindi lamang gayon, kundi ibinuhos Niya ang buong sangkalangitan sa isang Kaloob na iyan. Ang Anak ng Diyos ay isinugo upang mamanhik sa bayang ayaw magsisi. MT 18.3
Tatlong taong singkad na ang Panginoon ng liwanag at kaluwalhatian ay naglabas-masok na kahalubilo ng Kanyang mga hinirang. Siya'y naglibot “na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diyablo,”7Mga Gawa 10:38. tinatalian Niya ang mga bagbag na puso, pinalalaya ang mga nagagapos, isinasauli ang paningin ng mga bulag, pinalalakad ang mga pilay at binibigyan ng pakinig ang mga bingi, nililinis ang mga ketongin, binubuhay ang mga patay, at ipinangangaral ang ebanghelyo sa mga dukha.8Lucas 4:18; Mateo 11:5. Bagaman masama ang iginanti sa mabuti, at kapootan sa Kanyang pag-ibig 9Mga Awit 109:5. mahigpit ding Kanyang pinanununtunan ang Kanyang tungkuling magdalang-awa. Kailan ma'y hindi Niya itinakwil yaong humahanap ng Kanyang biyaya. Ang mga alon ng kaawaan na sinagupang pabalik ng matitigas na puso ay muling dumarating sa isang malakas na agos ng puspos-habag at di masambitlang pag-ibig. MT 19.1
Datapuwa't ang Israel ay tumalikod sa kanyang pinakamabuting Kaibigan at tangi lamang Katulong. Ang pamanhik ng Kanyang pag-ibig ay inuyam, ang Kanyang mga payo ay itinakwil, at ang Kanyang babala ay nilibak. Ang oras ng pag-asa at kapatawaran ay mabilis na lumipas; ang saro ng kagalitan ng Diyos na malaon na Niyang tinimpi ay halos puno na. Ang ulap na natitipon sa mahabang panahon ng pagtalikod at paghihimagsik, at ngayo'y maitim nang taglay ang kakilakilabot na kahirapan ay babagsak na lamang sa bayang makasalanan; at Siya lamang na tanging makapag-aadya sa kanila sa nagbabalang kapahamakan ay niwalan nila ng kabuluhan, tinampalasan, itinakwil, at di malalauna't ipapako sa krus. Kapag nabayubay na si Kristo sa krus ng Kalbaryo, ang kaarawan ng Israel, sa kanyang pagkabansa na pinarangalan at pinagpala ng Diyos, ay mawawakasan. MT 19.2
Ang pagkawaglit ng kahi't isang kaluluwa ay isang kapahamakang lalong malaki kaysa pakinabang at kayamanan ng isang sanlibutan; datapuwa't sa pagtunghay ni Kristo sa Jerusalem, ay napasaharapan Niya ang kapahamakan ng buong lunsod, ng isang buong bansa—yaong lunsod, yaong bansa, na noong una'y hinirang ng Diyos, bansang tangi Niyang kayamanan. Nang malasin Niya ang kapanahunan, natanaw Niyang nagkakawatak-watak sa lahat ng lupain, “gaya ng wasak na sasakyan sa malungkot na tabi ng dagat” ang bayang sa Kanya'y nakipagtipan. Nakita ni Jesus sa parusang ibubuhos na lamang sa mga anak ng Jerusalem ang unang pagtungga nito sa saro ng kagalitan na sa huling panahon paghatol ay lalagukin Niya pati latak. Ang banal na awa at sabik na pag-ibig, ay binigkas ng Kanyang mga labi sa pamamagitan ng namimighating mga pangungusap: ” ‘Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta at bumabato sa mga sinusugo sa kanya! makailang inibig Kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, ay ayaw kayo.’10Mateo 23:37. Kapag ikaw ay nawasak, ikaw lamang ang may kapanagutan. ‘Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay.’11Juan 5:40. MT 20.1
Nakita ni Kristo sa Jerusalem ang isang sagisag ng sanlibutang pinatigas ng kawalang pananampalataya at paghihimagsik, na nagdudumaling sumagupa sa mga kahatulang ibubuhos ng Diyos. Ang kaaba-abang kalagayan ng lahing nagkasala, na sumisiil sa Kanyang kaluluwa ang pumilit sa Kanya na bukhin sa Kanyang mga labi ang napakapait na panambitan. Na kita Niya ang talaan ng kasalanan na nasusulat sa hirap, luha, at dugo ng sangkatauhan; ang Kanyang puso ay nabagbag sa hindi matingkalang awa Niya sa mga napipighati at nangahihirapang mga tao sa lupa; ibig Niyang tulungan silang lahat. Datapuwa't ang Kanya mang kamay ay hindi rin makapipigil sa agos ng kahirapan; iilan ang may nasang humanap sa tanging bukal ng saklolo. Laan siyang maglugmok ng Kanyang kaluluwa hanggang sa kamatayan, mabigyan lamang sila ng kaligtasan; subali't iilan ang ibig lumapit sa Kanya upang mangagkaroon ng buhay. MT 21.1
Ang Hari ng sangkalangitan ay tumatangis! Ang Anak ng walang-hanggang Diyos ay nagugulumihanan, at nanglulumo dahil sa kapanglawan! Ang tanawin ay nagdulot ng pagkamangha sa buong sangkalangitan. Inihahayag sa atin ng panooring yaon ang ganap na kasamaan ng kasalanan; ipinakikilala nitong isang napakahirap na gawain maging sa Kanya na walang-hanggan ang kapangyarihan, ang iligtas ang mga makasalanan sa ibinubunga ng kanilang pagsuway sa kautusan ng Diyos. Sa pagtunghay ni Jesus sa kahuli-hulihang salin ng lahi, ay nakita Niyang ang sanlibutan ay kalahok sa isang pagdarayang katulad niyaong nagbagsak sa Jerusalem. Ang malaking kasalanan ng mga Hudyo ay ang pagtatakwil nila kay Kristo; ang magiging malaking kasalanan naman ng Sangkakristiyanuhan ay ang pagtanggi nila sa kautusan ng Di- yos, na siyang patibayan ng Kanyang pamahalaan sa langit at sa lupa. Ang mga utos ni Heoba ay kapopootan at pawawalang kabuluhan. Angaw-angaw na nasa pagkaalipin sa kasalanan, na inaalipin ni Satanas, na walang pagsalang daranas ng ikalawang kamatayan, ang tatangging makinig sa mga salita ng katotohanan sa kaarawan ng sa kanila'y pagdalaw. Kakila-kilabot na pagkabulag! Nakapagtatakang pagkahaling! MT 21.2
Dalawang araw bago dumating ang Paskua, noong huling pag-alis ni Kristo sa templo, pagkatapos na Kanyang mabatikos ang pagkamapagpaimbabaw ng mga pinunong Hudyo, ay muli Siyang nagpunta sa Bundok ng Olibo na kasama ang Kanyang mga alagad, at naupo Siyang kasama nila sa madamong gulod na nakatunghay sa lunsod. Minsan pang minasdan Niya ang templo sa nakasisilaw na karilagan nito, isang diyadema ng kagandahang nakakorona sa banal na bundok. MT 22.1
Ang mga alagad ay napuno ng sindak at pagtataka sa sinabi ni Jesus na pagkawasak ng templo, at ninais nilang lubos na maunawaan ang kahulugan ng Kanyang mga salita. Ang kayamanan, pagpapagal, at kasanayan sa arkitektura ay malayang ginamit upang mapalalo ang karilagan nito. Malayang pinaggugulan ito ni Herodes na Dakila ng salaping Romano at ng kayamanan ng mga Hudyo, at kahit na ang mga emperador ng sanlibutan ay nagpasagana rin dito sa pamamagitan ng kanilang mga kaloob. Malalaking piraso ng maputing marmol, na halos ay di-mapaniniwalaan ang laki, na ipinadala buhat sa Roma ukol sa pagtatayo nito, ay naging isang bahagi ng kabuuan nito; at sa mga ito'y tinawag ng mga alagad ang pansin ng kanilang Guro, na kanilang sinasabi: MT 22.2
“Masdan Mo, pagkaiinam ng mga bato, at pagkaiinam ng mga gusali!”12Mateos 13:1. MT 22.3
Sa mga salitang ito'y isang solemne at nakagugulat na sagot ang itinugon ni Jesus, “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak.”13Mateo 24:2, 3. MT 22.4
Ipinahayag ni Jesus sa nagsisipakinig na mga alagad ang mga kahatulang babagsak sa Israel na tumalikod, at lalo na ang paghihiganting darating sa kanila dahil sa kanilang pagtanggi at pagpapako sa Mesias. Ang di-inapagkakamalang mga tanda ay siyang mar.gunguna sa kakila-kilabot na kasukdulan. Ang nakapanghihilakbot na oras na yao'y bigla at madaling darating. MT 23.1
Sa pamumuno ni Herodes, ay hindi lamang malaki ang iginanda ng Jerusalem, kundi sa pagkapagpatayo ng mga tore, mga bakod, at mga kuta, na mga naging karagdagan sa katutubong kalakasan ng pagkakatayo nito, ito'y naging wari di-kayang lupigin. Ang sinumang magsasabing hayagan ng pagkawasak nito sa panahong ito ay maaaring tawaging mangmang na mananakot, gaya noong kapanahunan ni Noe. Datapuwa't sinabi ni Kristo, “Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang Aking mga salita ay hindi lilipas.”14Mateo 24:35. Dahil sa kanyang mga kasalanan, ang kagalitan ay binigkas laban sa Jerusalem, at ang matigas na di niya pagsampalataya ay siyang nagdulot ng tiyak niyang kapahamakan. MT 23.2
Sa loob ng kulang-kulang na apatnapung taon pagkatapos na mabigkas ni Kristo ang pagkaguhong daranasin ng Jerusalem, ay pinigil ng Panginoon ang Kanyang parusa sa lunsod at sa bansa. Kagilagilalas ang mahabang pagtitiis ng Diyos sa mga tumatanggi sa Kanyang ebanghelyo at sa nagsipatay sa Kanyang Anak. Yaong talinghaga tungkol sa punong-kahoy na walang bunga ay kumakatawan sa mga pakikisama ng Diyos sa bansang Hudyo. Lumabas ang utos na nagsabi: “Putulin mo, bakit pa makasisikip sa lupa?”15Lucas 13:7. datapuwa't an,g banal na kaawaan ay nagpalugit dito ng kaunti pang panahon. Sa mga Hudyo'y marami pa rin ang hindi nakauunawa sa likas at ga- wain ni Kristo. At hindi pa nakakamtan ng mga anak ang mga pagkakataon o tinatanggap rnan ang liwanag, na tinanggihan ng kanilang mga magulang. Sa pamamagitan ng pangangaral ng mga apostol at ng kanilang mga katulong ay pasisikatin ng Diyos ang liwanag sa kanila; pahihintulutan silang makakita ng pagkatupad ng hula, hindi lamang sa pagkapanganak at naging kabuhayan ni Kristo, kundi sa Kanyang kamatayan at pagkabuhay na maguli. Ang mga anak ay hindi hinahatulan dahil sa kasalanan ng mga magulang; datapuwa't nang tanggihan ng mga anak ang karagdagang liwanag na ipinakilala sa kanila, bukod sa pagkakilala sa buong liwanag na ibinigay sa kanilang mga magulang, naging karamay na sila sa mga kasalanan ng kanilang mga magulang, at pinuno nila ang takalan ng kanilang kasamaan. MT 23.3
Ang lahat ng hulang sinabi ni Kristo hinggil sa pagkawasak ng Jerusalem ay nangatupad sang-ayon sa pagkatitik. Naranasan ng mga Hudyo ang katotohanan ng Kanyang mga babala na: “Sa panukat na inyong isusukat ay susukatin kayo.”16Mateo 7:2. MT 24.1
Lumitaw ang mga tanda at mga kagilagilalas na bagay na nagbabanta ng kapahamakan at kagibaan. Sa kinahatinggabihan napakita ang isang di-karaniwang liwanag sa ibabaw ng templo at ng dambana. Sa ibabaw ng mga alapaap kung lumulubog na ang araw ay napapalarawan ang mga karo at mga taong nasasakbatan na nagtitipon sa pagbabaka. Ang mga saserdoteng nangangasiwa kung gabi sa santuaryo ay kinilabutan dahil sa mga mahiwagang ugong; nayanig ang lupa, at narinig nila ang sumisigaw na tulad sa maraming tinig: “Umalis tayo rito.” Ang malaking pintuan sa silangan, na totoong napakabigat na anupa't mahirap na maipinid ng dalawampung lalaki, at pinatibay ng malalaking baras na bakal na malalim na nakabaon sa inilatag na matitigas na mga bato, ay nabuksan sa hating-gabi, na wala sinumang nakitang nagbukas.17H. H. Milman, Histpry of the Jews, aklat 13. MT 24.2
Wala isa mang Kristiyano ang napahamak sa pagkawasak ng Jerusalem. Binabalaan ni Kristo ang Kanyang mga alagad, at binantayan ng lahat ng nagsipanampalataya sa Kanyang mga salita ang tandang ipinangako. “Pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kanyang pagkawasak ay malapit na. Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas.”18Lucas 21:20, 21. MT 25.1
Pagkatapos na ang lunsod ay makubkob ng mga Romano sa ilalim ng pamumuno ni Gestio, ay bigla nilang iniwan ang pagkubkob sa gayorg wari'y napapanahon na ang lahat sa dagling pagsalakay. Ang mga nakukubkob, sa kawalang-pag-asa sa matagumpay na pakikipaglaban, ay magsisisuko na lamang nang paurungin ng heneral na Romano ang kanyang hukbo na walang makitang kaunti mang kadahilanan. Datapuwa't ang mahabaging kalooban ng Diyos ay siyang nangangasiwa sa mga pangyayari sa ikabubuti ng Kanyang bayan. Ang pangakong tanda ay ibinigay sa naghihintay na mga Kristiyano, at ngayo'y pinagkalooban ng pagkakataon ang lahat ng magsisisunod, upang makasunod sila sa babala ng Tagapagligtas. Walang pagpapalibang nagsilikas sila sa isang dakong panatag—sa lunsod ng Pela, sa lupain ng Perea, sa dako roon ng Jordan. Kakilakilabot ang kapahamakang bumagsak sa Jerusalem nang ang pagkubkob ay ulitin ni Tito.*Heneral ng hubo ng Roma. Ang lunsod ay linusob noong kasalukuyang idinaraos ang paskua, noong angaw-angaw na mga Hudyo ang nagkakatipon sa loob ng mga kuta nito. Ang itinatago nilang pagkain na kung inimbak lamang na maingat ay nagkasiya sa mga taong bayan sa maraming taon, kamakailan lamang ay inaksaya nila dahil sa pagkakainggitan at paghihiganti ng mga lapiang naglalabanan, at ngayo'y dinanas ng mga tao ang lahat ng kahirapan ng kagutom. MT 25.2
Libu-libo ang nangapuksa dahil sa salot at sa gutoni. Sinikap ng mga pangulong Romano na takutin ang mga Hudyo at sa gayo'y magsisuko. Yaong mga bihag na lumaban ay hinampas, pinahirapan, at ipinako sa krus sa harap ng kuta ng lunsod. Daan-daan ang pinagpapatay araw-araw sa ganitong paraan, at ang kakila-kilabot na pagpapahirap na ito ay nagpatuloy hanggang sa ang kapatagan ng Josafat at ang Kalbaryo ay matayuan ng mga krus ng mga pinatay na anupa't hindi na halos makaraan ang mga tao sa pagitan. Tunay na nakakikilabot ang nangyari na anupa't natupad yaong ipinahayag ng mga tao sa harap ng hukuman ni Pilato: “Mapasa amin ang Kanyang dugo, at sa aming mga anak.”19Mateo 27:25. MT 26.1
Inibig ni Tito na bigyang wakas ang mga nakapanghihilakbot na panoorin, at nang huwag mangyari sa Jerusalem ang lubos na kagibaan. Si Tito ay nangilabot ng makita niyang nakabunton ang mga bangkay sa mga kapatagan. Katulad ng isang nasa pangitain ay nagmalas siya at mula sa taluktok ng Bundok ng Olibo ay minasdan niya ang magandang templo at nag-utos na huwag galawin ni kahit isang bato noon. Datapuwa't hindi pinansin ang kanyang utos. Nang namamahinga na sa kanyang tolda sa kinagabihan ay nagsilabas ang mga Hudyo sa templo at sinalakay ang mga kawal sa labas. Sa pagsasagupaan ay isang dupong ang inihagis ng isang kawal na naglagos sa siwang sa portiko at nagliyab kapagkaraka ang mga silid na sedro sa palibot ng bahay na banal. MT 26.2
“Hindi nasawata ni Tito ang kagalitan ng mga kawal; kasama ng kanyang mga opisyal ay pumasok siya at tiningnan ang loob ng banal na gusali. Humanga sila sa kagandahan; at sapagka't hindi pa pumapasok ang apoy sa banal na dako, pinagsikapan niyang ito'y mailigtas, at muli niyang pinag-utusan ang mga kawal na patayin ang lagablab. Pinagsikapan ng senturiong si Liberalis pati ng kanyang mga katulong na pinuno na ipasunod ang utos; datapuwa't nawala kahit ang paggalang sa emperador at gumiit ang malaking ngitngit sa mga Hudyo, alalaong baga'y ang mabangis na paglalabanan at ang malaking katakawan sa masasamsam. Nakita ng mga kawal na ang lahat na nasa palibot nila'y nagliliwanag sa gintong nakasisilaw dahil sa naglalagablab na ningas ng apoy; ipinalagay nila na di-matatayang kayamanan ang naiimbak sa santuaryo. Ang isang kawal na hindi nakikita ay nagsulsul ng nagniningas na sulo sa kinakakabitan ng pinto; sa isang sandali ay nag-alab ang buong gusali. Itinaboy ng usok na nakabubulag at ng apoy ang mga pinuno at ang dakilang gusali'y naiwan upang mawasak!”20H. H. Milman, History of the Jews, aklat 16. MT 26.3
Pagkatapos na mabagsak ang templo, ang buong lunsod ay napasa kamay agad ng mga Romano. Ang lunsod at ang templo'y kapuwa ibinagsak nila at ang lupang kinatatayuan ng banal na bahay ay inararong “parang bukid.”21Jeremias 26:18. Sa pagkakubkub at sa pamumuksang sumunod ay mahigit sa 1,000,000 tao ang namatay; ang mga natirang buhay ay dinalang bihag, ipinagbiling bilang mga alipin, dinala sa Roma upang magparangal sa pagwawagi ng mananagumpay, inihagis sa mababangis na hayop sa ampitiyatro, o pinagwatak-watak bilang mga naglalagalag na walang tahanan sa lahat ng dako ng lupa. MT 27.1
Ang hula n,g Tagapagligtas hinggil sa pagdalaw ng mga parusa sa Jerusalem ay magkakaroon ng ikalawang katuparan na anupa't ang kakila-kilabot na pagwawasak na yaon ay isang malabong anino lamang. Sa naging palad ng lunsod na yaon na hinirang ng Diyos ay makikita natin ang kapahamakan ng sanlibutan na tumanggi sa kaawaan ng Diyos at yumurak sa Kanyang kautusan. MT 27.2
Maitim ang mga kasaysayan ng hirap na dinanas ng sangkatauhan na sinaksihan ng santinakpan sa mahabang panahon ng kanyang pagsalangsang. Nagdaramdam ang ating mga puso at napapagal ang ating mga pag-iisip kapag binubulay-bulay natin iyan. Nakapanghihilakbot ang mga ibinunga ng pagtatakwil sa kapangyarihan ng langit. Datapuwa't lalong madilim ang pangyayaring ipinakikilala sa pamamagitan ng mga pahayag na mangyayari sa panahong hinaharap. Ang kasaysayan ng nakaraan—ang mahabang pagkakasunud-sunod ng mga kaguluhan, digmaan at mga paghihimagsik, ang “lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan, at ang mga kasuutang puno ng dugo,“22Isaias 9:5. — ano ang mga ito, kung itutulad sa mga kakila-kilabot na pangyayari sa araw na yaon, kapag inalis nang lubusan ang pumipigil na Espiritu ng Diyos sa masasama, na hindi na nito mapipigilan pa ang mapupusok na damdamin ng mga tao at ang galit ni Satanas! Kung magkagayo'y makikita ng sanlibutan ang hindi pa niya nakikitang mga bunga ng paghahari ni Satanas. MT 27.3
Datapuwa't sa araw na yaon, gaya ng kaarawan ng mabagsak ang Jerusalem, ang bayan ng Diyos ay maliligtas, “ang bawa't nasusulat sa mga nabubuhay.”23Isaias 4:3. MT 28.1