Nang panahon ng malaking kadiliman sa espiritu, si Whitefield at sina Wesley ay lumitaw na pinakatagapagdala ng tanglaw ng Diyos. Sa ilalim ng pamamalakad ng tatag na iglesya, ang relihiyon ng mga tao sa Inglatera ay bumaba ng malaki at halos wala nang pinagibhan sa paganismo. Ang relihiyong ukol sa kalikasan ay siyang kinahihiligang pag-aralan ng mga pari, at dito'y nasasalig ang marami sa kanilang teolohiya. Ang pagpapakabanal ay tinatawanan lamang ng matataas na tao at may pagmamalaki pang sinasabi na sila'y malayo sa tinatawag nilang panatismo. Ang mga hamak na tao ay pawang napakamangmang, at gumon sa bisyo, samantala'y ang iglesya ay wala nang tapang o pananampalataya pa upang matangkilik ang nariwarang kapakanan ng katotohanan. MT 235.1
Ang dakilang aral na pag-aaring-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya, na napakalinaw na itinuro ni Lutero, ay halos nakaligtaan na; at ang simulaing Romano na pag-asa sa mabubuting gawa sa ikaliligtas ay siyang humalili. Si Whitefield at sina Wesley, na mga kasapi ng tatag na iglesya, ay tapat na nagsihanap ng lingap ng Diyos, at ito'y itinuro sa kanila na matatamo sa pamamagitan ng isang mabuting kabuhayan at sa pagsunod sa mga ipinag-uutos ng relihiyon. MT 235.2
Nang minsang magkasakit si Carlos Wesley, at inakalang hindi na siya makatatawid pa, ay tinanong siya kung saan niya ibinababaw ang kanyang pag-asa sa buhay na walang-hanggan. Ganito ang kanyang isinagot: “Ginamit ko ang aking pinakamabubuting pagsisikap sa pag- sunod sa Diyos.” Nang tila hindi maunawang mabuti ng kaibigan niya ang kanyang isinagot, ay ganito ang sumaisip ni Wesley, “Ano! hindi baga sapat nang patibayan ng aking pag-asa ang aking mga pagsisikap? Nanakawan ba niya ako sa aking mga pagsusumakit? Wala na akong sukat pagkatiwalaan.”1John Whitebead, Life of the Rev. Gharles Wesley, p. 102. (Ikalawang limbag, Amsterdam, 1845.) MT 235.3
Ganyang-ganyan ang makapal na kadilimang lumukob sa iglesya, tumakip sa pagtubos ni Kristo, umagaw sa Kanyang kaluwalhatian, at naglayo sa pag-iisip ng mga tao sa kanilang tanging pag-asa sa kaligtasan—ang dugo ng nabayubay na Manunubos. MT 237.1
Sina Juan at Carlos Wesley, pagkatapos na maitalaga sa paglilingkod ay isinugo ukol sa isang pagmimisyon sa Amerika. Sa bapor ay may kasama silang mga Morabo. Sa dagat ay nakasagupa sila ng malakas na unos, at naranasan ni Juan Wesley, nang mukhaan siyang mapaharap sa kamatayan, na wala siyang kapayapaan sa Diyos. Sa kabila nito'y ang mga Morabo ay nagpakilala ng isang kapayapaan at pagtitiwala na hindi niya nalalaman. MT 237.2
“Matagal ko nang pinagmamasdan,” ang wika niya, “ang kataimtiman ng pagkilos nila. Lagi nilang pinatutunayan ang kanilang pagkamapagpakumbaba. Mayroon na ngayong pagkakataon upang masubok kung sila nga'y ligtas na buhat sa espiritu ng katakutan, gaya rin naman ng sa kapalaluan, galit, at paghihiganti. MT 237.3
“Nang mangangalahati na ang awit sa pasimula ng kanilang kulto,” ang sabi niya, “ay umugong na ang dagat, nahapak ang malaking layag, at ang mga alon ay tumabon sa sasakyan na wari manding nilamon na kami ng kalaliman. Napasigaw ang mga Ingles. Ang mga Morabo ay payapang nagpatuloy sa pag-aawitan. Pagkatapos ay tinanong ko ang isa sa kanila: ‘Hindi ba kayo natakot?’ Siya'y sumagot: ‘Salamat sa Diyos at hindi’. Tinanong ko siyang muli: ‘Datapuwa't natakot ba ang inyong mga kasamang babae at mga bata?’ malumay siyang tumugon: ‘Hindi; ang aming kasamang mga babae at mga bata ay walang takot mamatay.’ ”2John Whitehead, Life of the Rev. Charles Wesley, p. 10. MT 237.4
Pagdating sa Sabana ay sandaling panahong nakisama si Wesley sa mga Morabo, at natanim na mabuti sa kanyang puso ang kanilang ugaling Kristiyano. Nang umuwi siya sa Inglatera, naliwanagan niya ang pananampalatayang ipinakikilala ng Banal na Kasulatan. Napagkilala niyang dapat niyang itakwil ang pananalig sa sarili niyang gawa sa ikaliligtas at lubusang magtiwala sa “Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlinbutan.” Sa isang pulong ng kapisanang Morabo sa Londres ay binasa ang isang pahayag na galing kay Lutero, na nagpapakilala ng pagbabagong ginagawa ng Espiritu ng Diyos sa puso ng sumasampalataya. Sa pakikinig ni Wesley ay nag-alab sa kanyang kaluluwa ang pananampalataya. “Naramdamang kong nakapagtatakang uminit ang aking puso,” ang wika niya. “Naramdamang kong ako'y nagtiwala kay Kristo, kay Kristo lamang, sa ikaliligtas: at pinagkalooban Niya ako ng pag-asa na inalis na Niya ang aking mga kasalanan, oo, ang akin, at iniligtas Niya ako sa kautusan ng kasalanan at kamatayan.”3John Whitehead, Life of the Rev. Charles Wesley, p. 52. MT 238.1
Sa mahabang panahon ng nakapapagod at walang kaaliwang pakikipagpunyagi ni Wesley—mga taon ng pangatawanang pagtanggi sa sarili, ng pag-uyam at pagpapakababa—siya'y mahigpit na nagtibay sa kanyang tanging hangad na hanapin ang Diyos. Ngayo'y natagpuan niya Siya; at nasumpungan niyang ang biyayang pinagsumakitan niyang matamo sa pamamagitan ng mga panalangin at pag-aayuno, sa pamamagitan ng paglilimos at pagtanggi sa sarili, ay isang kaloob pala “na walang salapi at walang kabayaran.” MT 238.2
Nang matatag na ang kanyang pananampalataya kay Kristo, ang buo niyang kaluluwa ay nag-alab sa pagnanasang ikalat sa lahat ng dako ang pagkakilala sa maluwalhating ebanghelyo ng walang-bayad na biyaya ng Diyos. “Ang buong sanlibutan ay ibinilang kong sakop ng aking parokya,” ang sabi niya.4John Whitehead, Life of the Rev. Charles Wesley, p. 74. MT 238.3
Ang buhay ni Wesley ay itinalaga niya sa pangangaral ng mga dakilang katotohanang kanyang tinanggap— pag-aaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya sa dugong tumutubos ni Kristo, at ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu na bumago ng puso, na nagpapabunga sa isang kabuhayang kasang-ayon sa halimbawa ni Kristo. MT 239.1
Si Whitefield at sina Wesley ay nangahanda sa kanilang gawain sa pamamagitan ng malaon at malinaw na pagkakilala nila sa kanilang waglit na kalagayan; at upang makapagbata sila ng kahirapan na gaya ng mga kawal ni Kristo, ay inilagay sila sa mahigpit na pagsubok ng pagtuya, pag-uyam, at pag-uusig, maging sa loob ng unibersidad at sa pagpasok nila sa gawain ng pangangaral. Sila at ang ilan pang iba na nakiramay sa kanila ay may pagkutyang tinawag na mga Metodista ng kanilang mga walang kabanalang kasama sa pag-aaral—isang pangalan na ipinalalagay ngayong marangal ng isa sa mga malalaking denominasion sa Inglatera at sa Amerika. MT 239.2
Ang mga alipin ng Diyos ay nagsilakad sa baku-bakong landas. Ginamit ng mga taong may impluensya ang kanilang karunungan at kapangyarihan laban sa kanila. Pagkaraan ng panahon ay marami sa mga ministro ng relihiyon ang nagpakita ng may kapasiyahang pagtutol, at ang mga pintuan ng iglesya ay pawang ipininid laban sa isang dalisay na pananampalataya at doon sa mga nagpapahayag nito. Ang ginawa ng mga paring pagbatikos sa mga ito sa pulpito, ay siyang gumising sa mga elemento ng kadiliman, kamangmangan, at kasamaan. MT 239.3
Si Juan Wesley ay muli at muling nakatakas sa kama- tayan sa isang hiwaga ng kaawaan ng Dios. Nang gayon na lamang ang kagalitan ng mga manggugulo laban sa kanya, at tila wala nang daang ikaliligtas niya, dumating sa kanyang piling ang isang anghel na nag-anyong tao at ang karamihan ay umurong, at ang lingkod ni Kristo ay panatag na nakalayo sa pook na mapanganib. MT 239.4
Ang mga Metodista noong unang panahong iyon—ang mga kaanib at mga mangangaral—ay nagbata ng libak at pag-uusig ng mga kasama nila sa iglesya at ng mga walang relihiyon na nagalit dahil sa masasamang bagay na sinabi patungkol sa kanila. Sila'y iniharap sa mga hukuman ng katarungan—iya'y sa pangalan lamang, sapagka't ang katarungan ay bibihira sa mga hukuman noong mga panahong yaon. Malimit silang magbata ng karahasan sa kamay ng sa kanila'y umuusig. MT 240.1
Hinalughog ng mga manggugulo ang bahay-bahay, sinira ang mga kasangkapan at mga pag-aari, dinala ang anumang maibigan nila, at nilapastangan ang mga lalaki at babae, at bata. Sa ilang pangyayari, ay nagdidikit sila ng mga pahiwatig sa mga lansangan, at inaanyayahan nilang magkatipon sa isang pook at sa takdang oras, ang lahat ng may nasang tumulong sa pagsira ng mga bintana at sa pagnanakaw sa mga bahay ng mga Metodista. Ang mga hayag na pagsalangsang na ito sa batas ng tao at ng Diyos ay pinaraan na hindi man lamang sinaway ng mga may kapangyarihan. Isang maayos na pag-uusig ang ginawa laban sa mga tao, na ang tanging kamalian ay ang pagsisikap nilang ilayo ang mga paa ng mga makasalanan sa landas ng kapahamakan upang itungo sa landas ng kabanalan. MT 240.2
Ang pagbaba ng bagay na ukol sa espiritu na nahayag sa Inglatera bago dumating ang kapanahunan ni Wesley, sa malaking bahagi, ay bunga ng aral ng antinomyanismo.”5Paliwanag: Ang antinomianismo ay nagtuturo na ang sangkatauhan ay hindi na nararapat sumunod sa Sampung Utos ng Diyos. Marami ang nagpatibay na pinawi na ni Kristo ang kautusang moral, at dahil dito'y hindi na tungkulin ng mga Kristiyano ang dito'y sumunod; na ang isang nananampalataya ay pinalaya na sa “pamatok ng mabubuting gawa.” Ang mga iba naman, bagaman umaaming nananatili ang kautusan ay nagpahayag na hindi na kailangang ipayo ng mga ministro sa bayan na sundin ang mga utos na ito, sapagka't yaong mga hinirang ng Diyos sa kaligtasan, “sa pamamagitan ng hindi mapaglalabanang udyok ng banal na biyaya, ay maaakay sa paggawa ng kabanalan at kagalingan,” samantalang yaong mga ukol sa walang-hanggang kaparusahan “ay walang kapangyarihang sumunod sa banal na kautusan.” MT 240.3
Bilang tugon sa katuwiran ng mga tao na sa pagkamatay ni Kristo ang mga utos na nasa Dekalogo ay nangapawing kasama ng kautusang seremonyal, ay ganito ang isinagot ni Wesley: “Ang kautusang moral, na nilalaman ng sampung utos at ipinasunod ng mga propeta, ay hindi pinawi ni Kristo. Hindi adhika ng Kanyang pagparito ang alisin ang alin mang bahagi nito. Ito'y isang kautusang hindi masisira kailan man, na ‘tumatayong matibay bilang tapat na saksi sa kalangitan.’ . . . Ito'y sapul pa sa pasimula ng sanlibutan, na ‘nasulat hindi sa mga tapyas na bato,’ kundi sa puso ng lahat ng anak ng tao, noong magsipanggaling sila sa kamay ng Maylalang. At bagaman ang mga titik na isinulat na minsan ng daliri ng Diyos ay napalabo na ngayon ng kasalanan, gayon ma'y hindi ganap na mapapawi ang mga ito hangga't nakakakilala tayo ng mabuti at ng masama. Ang bawa't bahagi ng kautusang ito ay kailangang sundin ng buong sangkatauhan, sa buong kapanahunan; na hindi nasasalig sa panahon o dako, o anumang ibang pangyayarri na nagbabago, kundi sa likas ng Diyos, at sa likas ng tao at sa kanilang hindi nagbabagong pagkakaugnay sa isa't isa. MT 241.1
“ ‘Hindi Ako naparito upang Aking sirain kundi upang ganapin.’ . . . Hindi natin mapag-aalinlanganan na ang ibig niyang sabihin sa talatang ito ay (nakakasangayon ng lahat ng nauuna at sumusunod pa)—ako'y naparito upang ito'y itatag sa kanyang kaganapan, sa kabila ng lahat ng pagdaraya ng mga tao: ako'y naparito uparg ipakitang buo at malinaw ang anumang madilim o malabo roon: ako'y naparito upang ipahayag ang tunay at ganap na kahulugan ng bawa't bahagi nito; upang ipakita ang haba at luwang at buong nalalaganapan, ng bawa't utos na nalalaman doon, at ang taas at lalim ng hindi malirip na kalinisan at pagkaespiritual nito sa lahat ng mga sanga.”6Wesley's Works, Sermon 25. MT 241.2
Ipinahayag ni Wesley ang lubos na pagkakatugma ng kautusan at ng ebanghelyo. “Samakatuwid ay naririyan ang pinakamahigpit na pagkakaugnay ng kautusan at ng ebanghelyo na mangyayaring maisip ninuman. Sa isang dako ang kautusan ay laging nagbibigay daan, at inilalapit tayo sa ebanghelyo; sa kabila naman, ay lagi tayong inaakay ng ebanghelyo sa lalong ganap na pagsunod sa kautusan. Halimbawa, hinihingi sa atin ng kautusan na ibigin natin ang Diyos, na ibigin ang ating kapuwa na maging maamo, mapagpakumbaba o banal. Nararamdaman nating hindi tayo ganap sa mga bagay na ito; oo, ‘hindi mangyayari ito sa mga tao;’ datapuwa't nakikita natin ang isang pangako ng Diyos na ibibigay sa atin ang pag-ibig na yaon, at gagawin tayong mapagpakumbaba, maaamo at banal; pinanghahawakan natin ang ebanghelyong ito, ang mabubuting balitang ito; ito'y natutupad sa atin alinsunod sa ating pananampalataya; at ‘ang katuwiran ng kautusan ay natutupad sa atin,’ sa pamamagitan ng pananampalatayang nasa kay Kristo Jesus. . . . MT 242.1
Sa kataas-taasang hanay ng mga kaaway ng ebanghelyo ni Kristo,” ang sabi ni Wesley, “ay nasusumpungan ang mga hayag at ganap na ‘humahatol sa kautusan,’ at ‘nagsasr.lita ng masama sa kautusan;’ na nagtuturo sa mga tao na sirain (iwasak, paluwagin, pawalang bisa) hindi ang isa lamang, maging ng pinakamaliit o ng pinakamalaki, kundi ang lahat ng utos, sa isang hampas lamang. . . . Ang lalong nakagugulat sa lahat ng pangyayaring umakbay sa malakas na pagdarayang ito, ay ang paniniwala ng mga nagumon na rito na iginagalang nila si Kristo sa pamamagitan ng kanilang pagwawasak sa Kanyang kautusan at pinadadakila nila ang Kanyang mataas na kalagayan samantalang sinisira nila ang Kanyang aral! Oo, iginagalang nila Siya kagaya ni Judas nang kanyang sabihin: ‘Aba, Rabbi! at siya'y hinagkan.’ At maaaring masasabi rin naman niya sa kanila: ‘Judas, sa isang halik baga ay ipagkakanulo mo ang Anak ng tao?’ Walang iba kundi isang pagkakanulo sa Kanya sa isang halik lamang, ang pawalang halaga ang Kanyang dugo, at alisin ang Kanyang putong; pawalang kabuluhan ang alin mang bahagi ng Kanyang kautusan, sa pagkukunwaring inilalaganap ang Kanyang ebanghelyo. Ni hindi makaiiwas sa paratang na ito ang sinumang nangangaral ng pananampalataya sa isang kaparaanang tuwiran o di-tuwirang nagwawaksi ng anumang sanga ng pagtalima: ang sinumang nangangaral ng tungkol kay Kristo upang pawalang bisa, o pahinain sa anumang kaparaanan ang kaliit-liitan sa mga utos ng Diyos.”6Wesley's Works, Sermon 25. MT 242.2
Doon sa mga nagpipilit na “ang pangangaral ng ebanghelyo ay tutugon sa lahat ng layunin ng kautusan,” ay ganito ang itinugon ni Wesley: “Ito ay lubos naming tinatanggihan. Iyan ay hindi tumutugon sa unang adhika ng kautusan, alalaong baga, ay ang pagpapakilala sa mga tao ng kanilang kasalanan, ang paggising sa nangatutulog pa sa gilid ng impiyerno.” Ipinahahayag ni apostol Pablo na “sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala sa kasalanan;” “at hanggang hindi kinikilala ng tao ang kanyang kasalanan, ay hindi niya madadamang kanyang kailangan ang tumutubos na dugo ni Kristo. . . . ‘Ang mga walang sakit'gaya na rin ng sinabi ng ating Panginoon’, ‘ay hindi nangangailangan ng mang- gagamot, kundi ang mga maysakit.’ Samakatuwid ay walang kabuluhan ang magdala ng isang manggagamot sa mga walang sakit, o kaya ay sa mga nag-iisip lamang na sila'y gayon nga. Kailangan munang papaniwalain na sila'y maysakit; kung hindi ay hindi nila pasasalamatan ang inyong pagpapagal. Gayon din namang walang kabuluhang idulot si Kristo roon sa mga walang sakit ang puso, at hindi pa nababagbag.”7Wesley's Works, Sermon 35. MT 243.1
Sa ganyang kaparaanan, si Wesley, gaya ng kanyang Panginoon, sa pangangaral ng ebanghelyo ng biyaya ng Diyos, ay nagsikap na “dakilain ang kautusan at gawing marangal.” Matapat niyang ginanap ang gawaing ibinigay sa kanya ng Diyos, at maluwalhati ang mga nakita niyang ibinunga nito. Nang magtatapos na ang mahaba niyang buhay na mahigit sa walumpung taon—na mahigit sa 50 taon ang ginugol niya sa yao't ditong paglilingkod— ang kanyang mga kapanalig ay bumilang ng mahigit sa kalahating angaw na kaluluwa. Datapuwa't ang karamihan, na sa pamamagitan ng kanyang pagpapagod ay nangalayo sa pagkapahamak at paninira ng kasalanan at nalipat sa lalong mataas at lalong malinis na pamumuhay, at ang bilang niyaong nagkaroon ng malalim at mayamang kabuhayan sa pamamagitan ng kanyang iniaral, ay hindi maaalaman kailan man hanggang sa matipon na sa kaharian ng Diyos ang lahat ng sambahayan ng mga tinubos. Ang kabuhayan ni Wesley ay nagpapakilala sa bawa't Kristiyano ng isang aral na hindi matutumbasan ng salapi. Ang pananampalataya, kapakumbabaan, walang kupas na kasiglahan, pagsasakripisyo ng sarili, at katapatan ng lingkod na ito ni Kristo, ay mahayag nawa sa mga iglesya sa panahong ito! MT 244.1