Pinapatnubayan niya ang mapagpakumbaba tungkol sa katuwiran, at itinuturo sa mapagpakumbaba ang kanyang daan. Awit 25:9 BN 56.1
Minamahal ni Jesus ang mga bata.... Nais Niyang sila'y matuto ng pagpapakumbaba mula sa Kanya. Ang mahalagang biyayang ito'y madalang nang nakikita sa mga kabataan ngayon, maging sa mga nag-aangking mga Cristiano sila. Ang kanilang sariling mga landas ay tila matuwid sa kanilang mga paningin. Sa pagtanggap sa pangalan ni Cristo hindi nila tinatanggap ang Kanyang karakter o sinusuot ang Kanyang pamatok; kaya't wala silang alam tungkol sa kasiyahan at kapayapaang matatagpuan sa paglilingkod sa Kanya. BN 56.2
Ang pagpapakumbaba ay mahalagang biyayang handang maghirap nang tahimik, na handang tiisin ang mga pagsubok. Ang pagpapakumbaba ay matiisin at nagsisikap na maging masayahin sa bawat kalagayan. Ang pagpapakumbaba ay palaging nagpapasalamat at gumagawa ng sarili niyang mga awit ng kasiyahan, na nagpapasya sa puso ng Diyos. Ang pagpapakumbaba ay dumaranas ng kabiguan at pang-aalipusta at hindi naghihiganti. BN 56.3
Ang isang mapagpakumbaba at tahimik na kaluluwa ay hindi hahanapin ang sariling kaligayahan kundi hihilinging makalimutan ang sarili at matutuwa sa pagpapaligaya sa kapwa. BN 56.4
Hindi ang pagsisikap na makaakyat sa katanyagan ang magpapadakila sa iyo sa paningin ng Diyos, kundi ang mapagpakumbabang buhay ng kabutihan at ng katapatan na ikaw ay magiging tampulan ng natatanging pangangalaga ng mga anghel sa langit. Ang Lalaking Tularan.. .ay nabuhay sa loob ng halos tatlumpung taon sa malayong bayan ng Galilea, nakatago sa mga burol. Ang lahat ng mga anghel ay maaari Niyang pag-utusan, ngunit hindi Niya inangkin ang anumang kadakilaan o karangyaan Siya'y naging isang karpinterong nagtatrabaho para sa sahod, isang lingkod ng kanyang mga pinagtatrabahuan. Ipinakita Niyang ang langit ay maaaring maging malapit doon sa mga may pangkaraniwang kabuhayan, at ang mga anghel mula sa mga bulwagan sa langit ay iingatan ang daan nila na sumusunod sa pagsugo ng Diyos. BN 56.5
_______________
Ang ganap na bunga ng pananampalataya, pagpapakumbaba, at pag-ibig ay madalas na nahihinog sa gitna ng mga ulap ng bagyo at kadiliman. BN 56.6