Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang isa pang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapangyarihan; at ang lupa ay naliwanagan ng kanyang kaluwalhatian. Apocaupsis 18:1 BN 63.1
Ang pagwawakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na. Kumikilos ang Diyos sa bawat kaisipan na bukas upang tumanggap sa mga pag-uudyok ng Kanyang Banal na Espiritu. Nagpapadala Siya ng mga tagapagbalita upang maibigay nila ang babala sa bawat lugar. Sinusubok ng Diyos ang katapatan ng Kanyang mga iglesia at ang kanilang kahandaang sumunod sa gabay ng Espiritu. Ang kaalaman ay lalago. Makikitang ang mga tagapagbalita ng Kalangitan na tumatakbo paroo't parito na nagsisikap sa anumang paraan na magbigay ng babala sa mga tao tungkol sa paparating na paghuhukom at mailahad ang mabuting balita ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Itataas ang pamantayan ng katuwiran. Ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa mga puso ng mga tao, at silang tutugon sa impluwensya nito ay magiging mga liwanag sa sanlibutan. Sa bawat lugar sila ay makikitang humahayo upang ipabatid sa iba ang liwanag na kanilang tinanggap gaya noong nangyari matapos bumaba ang Banal na Espiritu noong araw ng Penteeostes. At habang pinaliliwanag nila ang kanilang ilawan, tumatanggap sila ng higit at higit pa ng kapangyarihan ng Espiritu. Ang sanlibutan ay naliliwanagan ng kaluwalhatian ng Diyos. BN 63.2
Ang mensaheng ito ay magtatapos na may kapangyarihan at kalakasang hihigit pa sa sigaw sa hating-gabi. Ang mga lingkod ng Diyos, na binigyan ng kapangyarihan mula sa kaitaasan, na ang kanilang mga mukha ay nagliliwanag at nagniningning na may banal na pagtatalaga, ay humayo uparig itanghal ang mensahe mula sa langit. BN 63.3
Marami ang nagpupuri sa Diyos. Ang mga may karamdaman ay napagaling, at iba pang mga himala ang nagawa. Nakita ang espiritu ng pamamagitan, gaya rin noong ipinakita noong Araw ng Penteeostes. Daan-daan at libu-libo ang nakitang dumadalaw sa mga pamilya at binubuksan sa kanila ang Salita ng Diyos. Ang mga puso ay nabago ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, at ang espiritu ng tunay na pagkahikayat ay kanilang ipinakita. Sa bawat panig ang mga pinto ay nabuksan sa pagpapahayag ng katotohanan. Ang sanlibutan ay tila naliwanagan ng makalangit na impluwensya. BN 63.4