Ang makupad sa pagkagalit ay mas mabuti kaysa makapangyarihan, at ang namamahala sa kanyang diwa, kaysa sumasakop sa isang bayan. Kawikaan 16:32 BN 70.1
Nagapi niya ang kanyang sarili—siyang pinakamalakas na kaaway. Ang pinakamahalagang patimay ng karangalan sa isang Cristiano ay ang pagpipigil sa sarili. Siyang makatatayo na hindi gumagalaw sa gitna ng bagyo ng pang-aalipusta ay isa sa mga bayani ng Diyos.... BN 70.2
Siyang natutong pangunahan ang kanyang espiritu ay malalagpasan ang mga paninira, pagtanggi, at pagkayamot na araw-araw nating tinatanggap, at ang mga ito ay hindi makapaglalatag ng kalumbayan sa kanyang espiritu. BN 70.3
Layunin ng Diyos na ang makaharing kapangyarihan ng banal na pag-iisip na ginagabayan ng biyaya ng Diyos ay siyang mangingibabaw sa buhay ng mga tao. Siyang may pamamahala sa kanyang espiritu ay magtataglay ng ganitong kapangyarihan. BN 70.4
Ang lalaki o babaing magpapanatili sa balanse ng pag-iisip kapag siya'y natutuksong pangibabawin ang damdamin ay tumatayo nang higit na mataas sa paningin ng Diyos at ng mga anghel sa langit kaysa pinakatanyag na heneral na nanguna sa isang hukbo sa tagumpay sa pakikipaglaban. BN 70.5
Ang kailangan ng mga kabataang lalaki at babae ay Cristianong pagkabayani. Sinasabi ng Salita ng Diyos na “Mas mabuti.. .ang mamahala’sa”Kanyang diwa, kaysa sumasakop sa isang bayan.” Ang pamamahala sa espiritu ay nangangahulugan ng pagdidisiplina sa sarili.... Kailangan nilang masikap na dalhin sa kanilang buhay ang kasakdalang nakita sa buhay ng Tagapagligtas, upang kapag dumating si Cristo, sila ay magiging handang pumasok sa mga pintuan ng lunsod ng Diyos. Ang mayamang pag-ibig at presensya ng Diyos sa puso ay magbibigay ng kapangyarihan ng pagpipigil sa sarili at lililok at huhulma sa pag-iisip'at pag-uugali. Ang biyaya ni Cristo sa kabuhayan ang siyang gagabay^sa mga layunin at pagnanasa at kakayahan sa mga'daang magbibigay ng kapangyarihang moral at espirituwal— kapangyarihang hindi kakailanganing iwanan ng mga kabataan sa mundong ito, kundi madadala nila sa buhay sa kinabukasan at mapapanatili hanggang sa walang-hanggan. BN 70.6