Sinong aakyat sa bundok ng Panginoon? At sinong tatayo sa kanyang dakong banal? Siyang may malilinis na kamay at may pusong dalisay, na hindi nagtataas ng kanyang kaluluwa sa hindi totoo, at hindi sumusumpa na may panlilinlang. Awit 24:3, 4 BN 72.1
Ang mga tagapag-ingat sa ating kadalisayan ay dapat maging maingat na pagbabantay at panalangin. BN 72.2
Tayo ay nabubuhay sa kapaligirang puno ng malademonyong pambibighani. Sa palibot ng bawat kaluluwa na hindi nababantayan ng biyaya ni Cristo, ang kaaway ay nanggagayuma tungo sa kahalayan. Ang mga panunukso ay darating; ngunit kimg tayo ay magbabantay laban sa kaaway, at mapanatili ang balanse ng pagpipigil sa sarili at kadalisayan, ang mga espiritung mapanghibo ay hindi magkakaroon ng impluwensya sa atin. Silang walang ginagawa upang mahikayat ang panunukso ay magkakaroon ng kalakasan upang malabanan.ang mga ito kapag sila ay dumating. BN 72.3
Kung sila [ang mga kabataan] ay hindi kusang tatakbo patungo sa panganib, at ilalagay ang kanilang sarili sa daan ng panunukso, kung kanilang iiwasan ang mga masasamang impluwensya at mapanirang mga kasamahan, kung sakaling hindi maiiwasang mapasama sa mapanganib na mga kasamahan, magkakaroon sila ng tibay ng karakter upang manindigan para sa matuwid at pangalagaan ang mga prinsipyo, at sila ay lalabas sa kalakasan ng Diyos na ang kanilang moralidad ay hindi nadurungisan. Kung ang mga kabataang nagkaroon ng wastong edukasyon ay magtitiwala sa Diyos, Malalagpasan ang pinakamahigpit na pagsubok ngkanilang mga kakayahang moral. BN 72.4
Ang'pinili ng Diyos ay kailangang manindigang walang dungis sa gitna ng'karumihang pumapalibot sa kanila sa mga huling araw na ito. ... Ang Espiritu ng Diyos ay kailangang magkaroon ng perpektong pamamahalang ginagabayan ang bawat pagkilos. BN 72.5
Silang pumapasok sa buhay na may matitibay na prinsipyo ay mahahandang manindigang hindi nasasaling sa gitna ng mga karumihan ng moral sa masamang panahong ito. BN 72.6
“Ngunit sino ang makatatagal sa araw ng Kanyang pagdating, at sino ang makatatayo kapag Siya'y nagpakita?” Sila lang na may malilinis na kamay at dalisay na puso ang mananahan sa araw ng Kanyang pagdating. BN 72.7
... Habang ikaw ay umaasang sa huling araw ay makakasama sa lipunan ng mga anghel na hindi nagkasala at mabuhay sa kapaligirang wala kahit na ang pinakamaliit bahid ng kasalanan, hanapin mo ang kadalisayan, sapagkat wala nang iba pang mananatili sa pagsusulit sa araw ng Diyos at matatanggap sa kalinisan at kabanalan ng langit. BN 72.8