Nang ikatlong araw ay nagkaroon ng isang kasalan sa Cana ng Galilea at naroon ang ina ni ]esus. Inanyayahan din si ]esus at ang Kanyang mga alagad sa kasalan. ]uan 2:1, 2 BN 95.1
Magkakaroon ng kasalan sa Cana sa Galilea. Sila ay mga kamag-anak ni Jose at Maria. Alam ni Cristo ang tungkol sa pagtitipong ito. Alam Niya ringmaramingmaimpluwensyang mga tao ang magtitipon doon, kaya't kasama ang mga bago Niyang mga alagad, nagtungo sila sa Cana. Nang malaman ng mga taong dumating si Jesus sa lugar, nagpadala sa Kanya at sa Kanyang mga kaibigan ng tanging paanyaya.... BN 95.2
Nakisama Siya sa iba't ibang uri ng tao sa kapistahan, at kahima't walang bahid ng makamundong kawalang-katinuan sa Kanyang pagkilos, sinang-ayunan Niya ang pagtitipon sa pamamagitan ng Kanyang presensya. BN 95.3
Narito ang isang aral para sa mga alagad ni Cristo sa lahat ng kapanahunan na huwag silang humiwalay sa lipunang tumitiwalag sa lahat ng pakikipagkapwa patungo sa mahigpit na paghiwalay sa kanilang mga kapwa tao. Para maabot ang lahat ng uri ng tao, kailangan nating samahan sila kung saan sila naroroon, dahil napakadalang na sila ang magkukusang maghanap sa atin. Hindi lamang sa pamamagitan ng pulpito naaabot ng banal na katotohanan ang mga puso ng mga tao. Ginising ni Cristo ang kanilang interes sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa kanilang gaya ng isang nagnanasa sa kanilang kabutihan. Hinanap Niya sila sa kanilang pang-araw-araw na gawain at nagpakita ng malasakit sa kanilang mga pinagkakaabalahan. Dinala Niya ang Kanyang turo sa mga tahanan ng mga tao na dinadala sila sa ilalim ng impluwensya ng Kanyang banal na presensya. . . . BN 95.4
Sinaway ni Jesus ang kawalang pagpipigil, katakawan, at kalokohan, ngunit Siya ay likas na mahilig sa pakikisama. Tinanggap Niya ang mga imbitasyong makipagsalu-salo sa mga may pinag-aralan at mararangal, gayundin sa mga aba at may karamdaman.... Hindi Niya pinahintulutan ang pagwawaldas at walang kabuluhang kasiyahan, ngunit ang inosenteng kasiyahan ay nakalulugod sa Kanya. Ang kasalang Judio ay isang pagkakataong taimtim at nakababagbag ng puso. Ang kagalakan dito ay hindi nakayayamot sa Anak ng Tao. BN 95.5