Ano sa palagay mo, alin sa tatlong ito, ang naging kapwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan? At sinahi niya, Ang nagpakita ng habag sa kanya, sinabi sa kanya ni Jesus, Humayo ka, at gayundin ang gawin mo. Lueas 10:36, 37 BN 97.1
Dumating si Cristo upang pabagsakin ang bawat moog ng paghihiwalay. Dumating Siya para ipakitang ang Kanyang kaloob ng habag at pag-ibig ay hindi naikukulong na gaya ng hangin, ng liwanag, o ng ulan na nagpapasariwa sa lupa. . . . Hindi Siya gumawa ng pagkakaiba sa pagitan ng mga estranghero, mga magkaibigan o mga magkaaway. . . . BN 97.2
Walang taong kanyang ibinilang na walang halaga.... Sa anumang samahan ay Kanyang natagpuan ang Kanyang sarili, Siya ay naghayag ng aral na angkop sa panahon at mga pagkakataon. Ang bawat pagpapabaya o insultong ipinakita ng mga tao sa kanilang kapwa ay nagpaisip sa Kanya ng kanilang pangangailangan sa Kanyang pantao at pang-Diyos na simpatya. Nagsikap Siyang magbigay ng pag-asa sa pinakamagaspang at hindi maaasahan, na inihaharap sa kanila ang katiyakang maaari silang maging dalisay at maamo, na nakaaabot sa isang karakter na magpapakilala sa kanila bilang mga anak ng Diyos. BN 97.3
Madalas na nakasalamuha Niya silang napunta sa ilalim ng pangunguna ni Satanas at walang kapangyarihan na kumawala mula sa kanyang bitag. Sa kanilang pinanghihinaan ng Ioob, may karamdaman, natutukso, nagkakasala makikiusap si Jesus na may pinakamasuyuing kahabagan, ng mga salitang kinakailangan at mauunawaan. Ang iba namang nakasalamuha Niya ay nakikipaglaban sa kaaway ng mga kaluluwa. Ang mga ito ay Kanyang pinalakas ang kalooban para sila ay magtiyaga. Nagbigay Siya ng katiyakang sila ay mananaig. .. . BN 97.4
Sa hapag ng mga maniningil ng buwis, Siya ay naupo bilang panauhing pandangal. Sa pamamagitan ng Kanyang simpatya at kabutihan, ipinapakitang kinikilala Niya ang karangalan ng katauhan; at ang mga tao ay nagsikap na maging karapat-dapat sa Kanyang pagtitiwala. . . . BN 97.5
Bagaman Siya ay isang Judio, si Jesus ay nakihalubilo sa mga Samaritano. . . . Natulog Siyang kasama nila sa ilalim ng kanilang mga bubong, kumaing kasama nila sa kanilang mga hapag—na tumitikim ng pagkaing inihanda ng kanilang mga kamay—nagturo sa kanilang mga lansangan at itinuring silang may sukdulang kabutihan at paggalang. At habang pinapalapit Niya ang kanilang mga puso sa Kanya sa pamamagitan ng makataong pag-ibig, ang Kanyang banal na biyaya ay nagdala sa kanila ng kaligtasan na tinanggihan ng mga Judio. BN 97.6