Pirtahihiga Niya ako sa luntiang pastulan, inaakay Niya ako sa tabi ng mga tubig na pahingahan. Pinanunumbalik Niya ang aking kaluluwa. Inaakay Niya ako sa mga landas ng katuwiran alang-alang sa Kanyang pangalan. Awit 23:2, 3 BN 115.1
Hayaang ang ilang mga pamilyang naninirahan sa lunsod o sa bayan na magkaisa at iwanan ang mga gawaing nagpabigat sa kanilang pangangatawan at isipan, at magtungo sa kabukiran sa gilid ng isang magandang lawa o sa isang mayamang kakahuyan kung saan maganda ang tanawin ng kalikasan. Dapat silang maghanda upang sa kanilang mga sarili ng payak, malulusog na mga pagkain, ng pinakamabuting mga prutas at butil, at ilatag ang kanilang hapag sa lilim ng isang puno sa ilalim ng bubong ng kalangitan. Ang biyahe, ang ehersisyo, at ang tanawin ay bubuhay sa panlasa, at maaari silang magtamasa ng hapunang maaaring kainggitan ng mga hari. BN 115.2
Sa ganitong mga pagkakataon, ang mga magulang at mga anak ay dapat maging malaya mula sa pag-aalala, gawain, at kagulumihanan. Ang mga magulang ay dapat maging mga bata kasama ang kanilang mga anak, na ginagawang nakalulugod sa kanila ang lahat ng mga bagay. Ang buong araw ay dapat maitalaga sa paglilibang. Makatutulong sa kalusugan ang ehersisyo sa labas para sa kanila na ang gawain ay nasa loob at palaupo. Ang lahat ng makagagawa nito ay dapat isiping tungkulin nila ang ganitong gawain. Walang mawawala, ngunit napakalaki ng maaaring makamit. Maaari silang magbalik sa kanilang mga gawaing may kasiglahan at may higit na paghahandang paglabanan ang karamdaman.. . . BN 115.3
Ngunit iilan lamang ang nakauunawa sa palagian at nakapanghihinang gawain nilang nagtataglay ng mga responsibilidad ng gawain sa tanggapan. Sila ay nasa likod ng mga pintuan sa bawat araw habang ang patuloy na pagkapuwersa ng kanilang mga kapangyarihan ng pag-iisip ay sinisira ang kanilang mga pangangatawan at binabawasan ang kanilang paghawak sa buhay. .. . BN 115.4
Dapat silang magkaroon ng madalas na pagbabago at madalas na magtalaga ng isang buong araw sa paglilibang kasama ang kanilang mga pamilya na halos lubusan nang naagawan ng kanilang pakikisama. BN 115.5