Ang Iyong kalooban ang mangyari. Mateo 26:42. PnL
Para sa mga nagnanais sa panalangin para sa pagpapanumbalik ng kalusugan, dapat maging malinaw na ang pagsuway sa kautusan ng Diyos, ito man ay sa natural o espirituwal, ay kasalanan, at upang matanggap nila ang pagpapala, ang kasalanan ay dapat na ipahayag at talikuran. . . . PnL
Dapat na tandaan sa pananalangin sa maysakit na “hindi tayo marunong manalangin ng nararapat.” (Roma 8:26.) Hindi natin alam kung ang pagpapalang ninanais natin ay magiging pinakamabuti o hindi. . . . PnL
Ang patuloy na landasin ay italaga ang ating mga kagustuhan sa ating Ama na marunong sa lahat, at pagkatapos, sa isang lubos na pagtitiwala, ay manalig sa Kanya. Alam nating naririnig tayo ng Diyos kung tayo’y hihiling ayon sa Kanyang kalooban. Ngunit ang hindi tama pagpapatuloy natin sa ating mga kahilingan na walang nagpapasakop na espiritu; ang ating mga panalangin ay dapat magkaroon ng porma na hindi pautos kundi pamamagitan. PnL
May mga kalagayan kung saan tiyak na gumagawa ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan sa pagpapanumbalik ng kalusugan. Ngunit hindi lahat ng maysakit ay gumagaling. Marami ang namamatay upang matulog kay Jesus. Si Juan sa isla ng Patmos ay inutusang isulat ang: “Mapalad yaong mga namatay sa Panginoon, magmula ngayon: Oo, sabi ng Espiritu, upang sila ay makapagpahinga sa kanilang mga gawa; at ang kanilang mga gawa ay susunod sa kanila.” (Apocalipsis 14:13.) Mula sa talatang ito, makikita natin na kapag ang mga tao ay hindi ibinangon sa kalusugan, hindi dapat sila hatulan dahil dito na nagkukulang ng pananampalataya. PnL
Tayong lahat ay nagnanais ng agaran at direktang sagot sa ating mga panalangin, at natutuksong mapanghinaan ng loob kapag ang sagot ay natagalan o dumarating sa isang di-inaasahang paraan. Ngunit napakatalino at napakabuti ng Diyos upang palaging sagutin ang ating mga panalangin sa panahon mismo at sa isang matuwid na paraan na ninanais natin. Gagawa Siya nang higit at mas mabuti para sa atin kaysa isakatuparan ang lahat ng ating mga ninanais. At dahil maaari nating pagtiwalaan ang Kanyang katalinuhan at pag-ibig, huwag nating hilingin sa Kanya na sumang-ayon Siya sa ating kagustuhan, ngunit sikaping pumasok tayo at isakatuparan ang Kanyang kalooban. Ang ating mga ninanais at interes ay dapat mawala sa Kanyang kalooban. Ang mga karanasang ito na sumusubok ng pananampalataya ay para sa ating kabutihan. Sa pamamagitan ng mga ito mahahayag kung ang ating pananampalataya ay tunay at taos-puso, na nakasalalay lamang sa Salita ng Diyos, o nakadepende sa mga pangyayari, ito’y di-tiyak at pabagu-bago. Ang tumitibay ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagsasanay. Dapat nating hayaang gawin ng pagtitiyaga ang sakdal na gawain nito, na inaalalang may mga mahahalagang mga pangako sa Kasulatan para sa mga naghihintay sa Panginoon.— The Ministry Of Healing, pp. 228-231. PnL