Sa iyo Panginoon itinataas ko ang aking kaluluwa. O Diyos ko, sa iyo ako nagtitiwala. Awit 25:1, 2. PnL
Ilang beses sa bawat araw, ang mga mahalaga at ginintuang sandali ay dapat italaga sa pananalangin at sa pag-aaral ng Kasulatan, kung ito lang ay pagsasaulo ng isang talata, para umiral ang espirituwal na buhay sa kaluluwa. Ang iba’t ibang mga interes ng gawain ay nagkakaloob sa atin ng mga pagkain para sa pagbubulay-bulay at inspirasyon para sa ating mga panalangin. Ang pakikipag-usap sa Diyos ay napakahalaga para sa espirituwal na kalusugan, at dito lang matatamo ang karunungan at tamang paghatol na pinakakailangan sa paggawa ng bawat tungkulin. PnL
Ang ilan, dahil sa takot na mawalan ng kayamanan sa lupa, ay kinakalimutan ang panalangin at pagtitipon na magkakasama para sa pagsamba sa Diyos, upang sila’y makapaglaan nang higit na panahon sa kanilang bukirin at negosyo. Ipinapakita sa pamamagitan ng kanilang mga gawain kung saang mundo nila ilalagak ang pinakamataas na pagpapahalaga. Isinasakripisyo nila ang mga pribilehiyong pang-relihiyon, na mahalaga para sa kanilang espirituwal na paglago, para sa mga bagay sa buhay na ito at nabibigong tamuhin ang kaalaman ng kalooban ng Diyos. Kinukulang sila sa pagkakaroon ng kasakdalan ng karakter at hindi naaabot ang panukat ng Diyos. Inuuna nila ang pansamantala at makamundong interes, at ninanakawan ang Diyos ng panahon na dapat nilang italaga sa Kanyang gawain. Tinatandaan ng Diyos ang ganitong mga tao, at sila’y makatatanggap ng isang sumpa sa halip na isang pagpapala. . . . PnL
Huwag mong sabihin ang iyong mga kalungkutan at kahirapan sa ibang tao. Iharap mo ang iyong sarili sa Kanya na may kakayahang magbigay ng “higit na sagana” Alam Niya kung paano ka matutulungan. Huwag kang lumayo mula sa nagmamahal at maawaing Manunubos tungo sa mga taong kaibigan, na, bagaman maaari silang makapagbigay ng pinakamabuting mayroon sila, at maaaring maghatid sa iyo sa maling mga landas. Dalhin ang lahat ng iyong suliranin kay Jesus. PnL
Ikaw ay tatanggapin, palalakasin, at aaliwin Niya. Siya ang dakilang Manggagamot ng lahat ng karamdaman. Ang Kanyang dakilang puso ng walang hanggang pag-ibig ay nananabik sa iyo. Pinapadalhan ka Niya ng mensahe upang ikaw ay maka-ahon mula sa patibong ng kaaway. Maaari mong makuhang muli ang respeto mo sa sarili. Maaari kang tumindig sa lugar na itinuturing mo ang iyong sarili, na hindi isang bigo, kundi isang mananaig, dahil sa at sa pamamagitan ng nagtataas na impluwensya na Espiritu ng Diyos. PnL
Ito rin ay maginhawa at mahalaga para sa atin na manalangin ng tatlong beses kada araw tulad ni Daniel. Panalangin ang buhay ng kaluluwa, ang pundasyon ng paglagong espirituwal. Sa iyong tahanan, sa harap ng iyong sambahayan, at sa harap ng iyong mga manggagawa, Kailangan kang magpatotoo sa katotohanang ito. At kung may pribilehiyo kang makatagpo ang iba sa iglesya, sabihin mo sa kanila ang pangangailangan na pagpapanatili ng bukas ang daluyan ng pakikipag-usap sa pagitan ng Diyos at ng kaluluwa.— Daughters Of God , pp. 82-84. PnL