Mapalad silang sakdal ang landas, na sa kautusan ng Panginoon ay lumalakad! Awit 119:1. PnL
Mula pa sa pinakasimula ng malaking tunggalian sa langit, naging layunin na ni Satanas na alisin ang kautusan ng Diyos. Ang isakatuparan ito ang dahilan kaya siya nagrebelde laban sa Manlalalang, at bagaman itinapon mula sa langit siya’y nagpatuloy sa kanyang pakikipaglaban dito sa lupa. Ang dayain ang mga lalaki at babae, at sa gayo’y dalhin sila sa pagsuway sa kautusan ng Diyos, ang layuning patuloy niyang isinasagawa. Ito man ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng lubos na pag-aalis ng kautusan o sa pamamagitan ng pag-alis ng isa sa mga alituntunin nito, ang bunga sa huli ay pareho rin. Ang mga taong nainsulto “sa isang puntos,” ay nagpapakita ng pag-ayaw sa buong kautusan; ang kanilang impluwensya ay nasa panig ng pagsuway; sila’y nagiging “makasalanan sa lahat.” (Santiago 2:10.) PnL
Sa pagsisikap na lapastanganin ang makalangit na mga alituntunin, binaluktot ni Satanas ang mga doktrina ng Biblia, at ang mga kamalian ay inilahok sa pananampalataya ng libu-libo na nagpapahayag ng paniniwala sa Kasulatan. Ang huling malaking salungatan sa pagitan ng katotohanan at kamalian ay ang huling kaganapan ng napakatagal na labanan tungkol sa kautusan ng Diyos. Sa labanang ito na ating hinaharap—isang labanan sa pagitan ng mga kautusan ng tao at sa mga alituntunin ni Yahweh, sa pagitan ng relihiyon ng Biblia at sa relihiyon ng mga kathang-isip at tradisyon. PnL
Ang mga ahensyang magkakaisa laban sa katotohanan at katuwiran sa labanang ito ay aktibong gumagawa ngayon. Ang banal na salita ng Diyos, na ibinigay sa atin na bunga ng pagdurusa at dugo, ay kakaunti na lang ang halaga. Ang Biblia ay abot ng lahat, ngunit kakaunti lang ang tunay na tumatanggap nito bilang patnubay ng buhay. Ang kataksilan ay nagtatagumpay sa nakagugulat na kalagayan, hindi lang sa mundo kundi pati na rin sa iglesya. Marami ang lumapit para itakwil ang mga doktrina na siyang mga haligi ng pananampalatayang Cristiano. Ang mga dakilang katotohanan ng paglalang na inihayag ng mga kinasihang manunulat, ang pagkakasala ng sangkatauhan, ang pagbabayad-sala, at ang pananatili ng kautusan ng Diyos, ay tunay na tinanggihan, kabuuan man o bahagi nito, ng malaking bahagi ng mga nagpapahayag na mga Cristiano. Ang mga libu-libong nagmamalaki ng kanilang katalinuhan at kasarinlan tungkol dito bilang ebidensya ng kahinaan na magbigay ng walang-pasubaling pagtitiwala sa Biblia; iniisip nilang ito’y ebidensya ng napakahusay na talento at kaalamang pintasan ang Kasulatan at gawing espirituwal at ipaliwanag ang mga pinakamahalagang katotohanan nito.— The Great Controversy , pp. 582, 583. PnL