O, mahal na mahal ko ang Iyong kautusan! Ito'y siya kong binubulay-bulay sa buong araw. Awit 119:97. PnL
Nakikita ang bakas ng Diyos sa lahat ng mga nilikhang bagay. Ang kalikasan ay nagpapatotoo sa Diyos. Ang madaling tablan, na inilapit sa mga milagro at misteryo ng sansinukob, ay walang magagawa kundi kilalanin ang mga paggawa ng walang hanggang kapangyarihan. Hindi sa pamamagitan ng katutubo nitong lakas at taon-taon ay patuloy ang paggalaw nito sa pag-ikot sa araw. Isang di-nakikitang kamay ang pumapatnubay sa mga planeta sa kanilang pagkilos sa mga langit. Isang misteryosong buhay ang nangingibabaw sa buong kalikasan—isang buhay na nagsusustena sa di-mabilang na mga sanlibutan sa buong kalakhan nito, na nabubuhay sa mga maliit na insektong lumulutang sa simoy ng hangin sa tag-araw, na nagbibigay ng pakpak sa paglipad ng mga maya at nagpapakain sa mga uwak na sumisigaw, na nagpapamukadkad sa mga usbong at nagpapabunga sa mga bulaklak. PnL
Ang kaparehong kapangyarihang nagpapanatili sa kalikasan, ay kumikilos din sa atin ngayon. Ang mga kaparehong dakilang kautusan na pumapatnubay sa parehong mga bituin at atomo ang nangangasiwa sa buhay ng tao. Ang mga batas na namamahala sa pagkilos ng puso, na nag-aayos ng daloy ng buhay sa katawan, ay mga batas ng makapangyarihang Katalinuhan na may awtoridad sa kaluluwa. Nagmumula sa Kanya ang lahat ng buhay. Sa pakikiisa lang sa Kanya matatagpuan ang tunay na saklaw ng pagkilos nito. Pareho ang kondisyon sa lahat ng bagay ng Kanyang nilikha—isang buhay na pinanatili sa pamamagitan ng buhay na Diyos, isang buhay na ginamit na kaayon sa kalooban ng Manlilikha. Ang sumuway sa Kanyang kautusan, pisikal, mental, o moral man, ay pag-aalis ng sarili sa armonya ng sansinukob, at pagpapasok ng di-pagkakaisa, kaguluhan, at pagkawasak. PnL
Sa mga taong natuto nang gayon sa pagpapakahulugan ng mga aral nito, naliliwanagan ang lahat ng kalikasan; ang mundo ay isang aklat aralin, ang buhay ay isang eskuwelahan. Ang pakikiisa ng sangkatauhan sa kalikasan at sa Diyos, ang pangkalahatang pamumuno ng kautusan, ang mga bunga ng pagkakasala, ay hindi mabibigo sa pagkikintal sa isipan at paghuhubog ng karakter. PnL
Ito ang mga liksyong kailangang matutuhan ng ating mga anak. Sa maliit na bata, na hindi pa kayang matuto mula sa nakalathalang pahina o maipakilala sa mga karaniwang ginagawa sa silid-aralan, ang kalikasan ay nagpapahayag ng dinagmamaliw na pinagmumulan ng turo at kasiyahan. Ang pusong hindi pa napatigas dahil sa pagharap sa kasamaan ay mabilis makilala sa Presensya na nangingibabaw sa lahat ng nilikhang bagay. Ang taingang hindi pa nabingi sa ingay ng mundo ay matamang nakikinig sa Tinig na nagsasalita sa pamamagitan ng mga sinasabi ng kalikasan.— EDUCATION, pp. 99, 100. PnL