Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos, na ating tuparin ang kanyang mga utos. 1 Juan 5:3. PnL
Ang isang legal na relihiyon ay di-sapat na dalhin ang kaluluwa sa pakikiisa sa Diyos. Ang mahirap at mahigpit na ortodoksiya ng mga Fariseo, na kulang sa pagsisisi, kaamuan, o pag-ibig, ay isa lang batong katitisuran sa mga makasalanan. Sila’y tulad sa asin na nawalan ng lasa; dahil ang kanilang impluwensya ay walang kapangyarihang ingatan ang mundo mula sa kapahamakan. Ang tanging tunay na pananampalataya ay “gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig” (Galacia 5:6) para dalisayin ang kaluluwa. Ito’y tulad sa lebadurang bumabago sa karakter. . . . PnL
Tinukoy ni propeta Hosea kung ano ang binubuo ng pinakabuod ng paniniwala ng Fariseo, sa ibang salita, “Ang Israel ay isang mayabong na baging na namumunga, na namumunga para sa kanyang sarili.” (Hosea 10:1.) Sa kanilang ipinahayag na paglilingkod sa Diyos, talagang gumagawa lang ang mga Judio para sa kanilang mga sarili. Ang kanilang katuwiran ay bunga ng sarili nilang pagsisikap upang sundin ang kautusan ayon sa sarili nilang ideya at para sa pansarili nilang pakinabang. Kaya hindi ito mas bubuti kaysa sarili nila. Sa kanilang pagsisikap na gawing banal ang kanilang mga sarili, sinusubukan nilang magpalabas ng isang malinis na bagay mula sa marumi. Ang kautusan ng Diyos ay banal gaya Niyang banal, sakdal gaya Niyang sakdal. Inihahayag nito sa atin ang katuwiran ng Diyos, imposible para sa atin, sa ating mga sarili, na ingatan ang kautusang ito; sapagkat ang likas natin ay kulang, sira, at lubos na di-tulad sa karakter ng Diyos. Ang gawain ng isang pusong makasarili ay “gaya ng isang maruming bagay,” at “ang lahat naming katuwiran ay naging parang maruming kasuotan.” (Isaias 64:6.) PnL
Bagaman banal ang kautusan, hindi kayang abutin ng mga Judio ang katuwiran sa sarili nilang mga pagsisikap para sundin ang kautusan. Ang mga alagad ni Cristo ay dapat magkaroon ng katuwirang may ibang katangian sa mga Fariseo, kung sila’y papasok sa kaharian ng langit. Inihandog ng Diyos sa kanila, sa Kanyang Anak, ang sakdal na katuwiran ng kautusan. Kung lubos nilang bubuksan ang kanilang mga puso kay Cristo, ang mismong buhay ng Diyos, ang Kanyang pag-ibig, ay mananahan sa kanila, na binabago sila ayon sa Kanyang sariling larawan; kaya sa Kanyang malayang handog ay magkakaroon sila ang katuwiran na hinihiling ng kautusan. Ngunit tinanggihan ng mga Fariseo si Cristo; “sapagkat sa kanilang pagiging mangmang sa katuwiran ng Diyos, at sa pagsisikap nilang maitayo ang sariling pagiging matuwid” (Roma 10:3), ay hindi sila magpapasakop katuwiran ng Diyos. PnL
Nagpatuloy si Jesus para ipakita sa Kanyang mga tagapakinig kung ano ang kahulugan ng pagsunod sa mga kautusan ng Diyos—na ito’y reproduksyon sa kanilang mga sarili ng karakter ni Cristo. Sapagkat sa Kanya, araw-araw na nahahayag ang Diyos sa kanila.— Thoughts From The Mount Of Blessing , pp. 53-55. PnL