Talian mo ang patotoo, tatakan mo ang turo sa gitna ng aking mga alagad. Isaias 8:16. PnL
Nag-utos ang Panginoon sa pamamagitan ng propeta ring iyon, “Talian mo ang patotoo, tatakan mo ang turo sa gitna ng mga alagad.” (Isaias 8:16.) Ang tatak ng kautusan ng Diyos ay makikita sa ikaapat na utos. Ito lang sa sampu ang nagpapakita ng pangalan at titulo ng Tagapagbigay ng Utos. Ipinapahayag nito Siya bilang Manlilikha ng mga langit at ng lupa, at ipinapakita ang Kanyang pag-angkin sa paggalang at pagsamba na higit sa lahat. Maliban sa mga utos na ito, wala sa Dekalogo ang nagpapakita kung kaninong awtoridad ibinigay ang kautusan. Nang baguhin ang Sabbath ng kapapahan, naalis ang tatak sa kautusan. Tinawagan ang mga alagad ni Jesus upang ito’y ibalik muli sa pagtatanghal sa Sabbath ng ikaapat na utos sa tamang kalagayan nito bilang alaala ng Manlilikha at tanda ng Kanyang awtoridad. PnL
“Sa kautusan at sa patotoo.” Habang dumarami ang mga magkakasalungatang doktrina at teorya, ang kautusan ng Diyos ang isang di-nagkakamaling batas kung saan dapat subukan ang lahat ng mga opinyon, doktrina, at teorya. Sinasabi ng propeta: “Kung hindi sila nagsasalita nang ayon sa salitang ito ay sa dahilang wala silang umaga.” (Talatang 20.) . . . PnL
Ibinigay muli ang utos: “Sumigaw ka nang malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang trumpeta; at iyong ipahayag sa Aking bayan ang kanilang pagsuway, at sa sambahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.” Hindi ang masamang mundo, kundi ang mga taong itinuring ng Panginoon na “Kanyang bayan,” ang sinusumbatan ng kanilang mga pagsalangsang. Ipinahayag pa Niyang: “Gayunma’y hinahanap nila Ako araw-araw, at kinalulugdan nilang malaman ang Aking mga daan; na parang sila’y isang bansa na gumagawa ng kabutihan, at ang tuntunin ng kanilang Diyos ay hindi tinalikuran.” (Isaias 58:1, 2.) . . . PnL
Idinidiin ng propeta ang ordinansang itinakwil: “At mula sa inyo ay itatayo ang dakilang sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga saligan ng maraming salinlahi; at ikaw ay tatawaging tagapag-ayos ng sira, ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan. Kapag iyong iurong ang iyong paa dahil sa Sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa Aking banal na araw; at iyong tinawag ang Sabbath bilang isang kasiyahan, at marangal ang banal na araw ng Panginoon; at ito’y iyong pinarangalan, na hindi ka lalakad sa sarili iyong sariling kalayawan ni magsasalita ng sariling mga salita; kung magkagayo’y malulugod ka sa Panginoon, at pasasakayin kita sa mga matataas na dako sa lupa, at pakakainin kita ng mana ni Jacob na iyong ama, sapagkat sinalita ng bibig ng Panginoon.” (Talatang 12-14.) Angkop din ang propesiyang ito sa ating panahon. Ang pagsira ay ginawa sa kautusan nang palitan ang Sabbath ng kapangyarihan ng Roma. Ngunit dumating ang panahon para maibalik ang makalangit na institusyong iyon. Ang pagkasira ay dapat maayos at ang pundasyon ng maraming henerasyon ay dapat maitaas.— The Great Controversy , pp. 452, 453. PnL