At ang tumutupad ng Kanyang mga utos ay nananatili sa Kanya, at Siya sa kanya. 1 Juan 3:24. PnL
Matapos ang babala laban sa pagsamba sa hayop at sa kanyang larawan, ipinahayag ng propesiya: “Narito ang panawagan para sa pagtitiis ng mga banal, sa mga tumutupad sa mga utos ng Diyos, at humahawak ng matatag sa pananampalataya ni Jesus.” (Apocalipsis 14:12.) Yamang ang mga tumupad ng kautusan ng Diyos ay inilagay sa isang kalagayan nang paghahambing sa mga sumasamba sa hayop at sa kanyang larawan at tumanggap ng tanda niya, kaya ang pagtupad sa kautusan ng Diyos sa isang panig, at ang pagsuway dito, sa kabilang panig, ay magpapakita ng pagkakaiba sa pagitan ng mga sumasamba sa Diyos at sa mga sumasamba sa hayop. PnL
Ang espesyal na katangian ng hayop, at kung magkagayon pati na rin ang kanyang larawan, ay ang pagsuway sa kautusan ng Diyos. Sinabi ni Daniel, tungkol sa maliit na sungay, ang kapapahan: “At kanyang iisiping baguhin ang mga panahon at ang kautusan.” (Daniel 7:25.) At tinawag din ni Pablo ang kaparehong kapangyarihan na “ang lalaki ng kasalanan,” na magtataas ng kanyang sarili sa ibabaw ng Diyos. Ang isang propesiya ay nagpupuno sa isa. Sa pamamagitan lang ng pagbabago sa kautusan ng Diyos maaaring itanghal ng kapapahan ang kanyang sarili sa [ibabaw ng] Diyos; sinumang may pagkaunawang sundin ang kautusan na ganito ang ginawang pagbabago ay magbibigay nang lubos na pagpaparangal sa kapangyarihang iyon na ang pagbabago ay ginawa. Ang ganitong uri ng pagsunod sa mga kautusan ng kapapahan ay magiging isang tanda ng pagpapasakop sa papa sa halip na sa Diyos. PnL
Sinubukan ng kapapahan na baguhin ang kautusan ng Diyos. Ang ikalawang kautusang nagbabawal na sambahin ang larawan, ay inalis mula sa kautusan, at ang ikaapat na utos ay binago upang bigyang kapangyarihan ang pangingilin ng una sa halip na ikapitong araw bilang Sabbath. Ngunit ipinilit ng mga nasa kapapahan, bilang isang katuwiran para sa pag-alis ng ikalawang kautusan, na hindi ito kailangan, dahil kasama na ito sa una, at ibinibigay nila sa kautusan ang eksaktong panukala ng Diyos kung paano ito uunawain. Hindi ito ang pagbabagong inihula ng propeta. Ang isang sinadya, at kusang pagbabago ay ipinakita: “At kanyang iisiping baguhin ang mga panahon at ang kautusan.” Ang pagbabago ng ikaapat na utos ay eksaktong katuparan ng propesiya. Dahil dito, ang kapangyarihang inangkin ay ang nasa iglesya. Dito ay tahasang inilagay ng kapapahan ang kanyang sarili na mas mataas sa Diyos. PnL
Habang mas lalong makikilala ang mga mananamba ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagpapahalaga sa ikaapat na utos—dahil ito ang tanda ng Kanyang kapangyarihang lumikha at ang saksi sa Kanyang pag-angkin sa paggalang at pagsamba—ang mga mananamba ng hayop ay makikilala sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap na sirain ang bantayog ng Manlilikha, upang itanghal ang institusyon ng Roma.— The Great Controversy, pp. 445, 446. PnL