Ngunit may isang lalaki na ang pangalan ay Ananias ang nagbili ng isang ari-arian, na may pagsang-ayon ng kanyang asawang si Safira. Gawa 5:1. PnL
Hindi kinakailangang maging isang sumpa ang pera; ito’y napakahalaga sapagkat kung magagamit nang tama, may mabuti itong magagawa sa ikaliligtas ng mga kaluluwa, sa pagpapala ng iba na higit na mahirap kaysa ating mga sarili. Sa pamamagitan ng di-pagiimpok at di-matalinong paggamit, . . . ang pera ay maaaring maging silo sa gumagamit nito. Siyang gumagamit ng pera para bigyang kasiyahan ang sariling pagmamataas at ambisyon ay ginagawa itong sumpa sa halip na pagpapala. Ang pera ay isang patuloy na subukan ng pagmamahal. Sinumang nagsisikap na magkaroon nang higit sa tunay niyang pangangailangan ay dapat magsikap na magkaroon ng karunungan at biyaya para malaman ang kanyang sariling puso at maingatan ang kanyang puso nang may kasigasigan, kung hindi ay magkakaroon siya sa isipan ng mga pagkakagusto at magiging isang hindi tapat na katiwala, na ginagamit na may paglulustay ang puhunang ipinagkatiwala ng Panginoon. PnL
Kapag ating inibig ang Diyos ng higit sa lahat, ang mga pansamantalang mga bagay ay mailalagay sa tamang dapat kalagyan nito sa ating pagmamahal. Kapag may pagpapakumbaba at pagsisikap tayong humahanap ng karunungan at kakayahan para magamit natin nang tama ang pag-aari ng Diyos, tatanggap tayo ng karunungan mula sa itaas. Kapag kumiling ang puso sa sarili nitong kagustuhan at inklinasyon, kapag tinaglay ang kaisipang makapagbibigay ang pera ng kaligayahang walang pabor ng Diyos, kung magkagayon ang pera ay nagiging malupit, na nagdidikta sa atin; tumatanggap ito ng ating pagtitiwala at pagpapahalaga at sinasamba bilang diyos. Ang karangalan, katotohanan, katuwiran at hustisya ay inilalagay na sakripisyo sa dambana nito. Isinasantabi ang kautusan ng salita ng Diyos, at ang kaugalian at paggamit ng sanlibutan na inordinahan ng haring kayamanan, ang nagiging pumipigil na kapangyarihan. PnL
Kung ang mga kautusang ibinigay ng Diyos ay patuloy na tinutupad, gaano kalaki ang magiging kaibahan ng sitwasyon ng sanlibutan, sa moralidad, espirituwalidad, at sa mga bagay na pansamantala. Ang pagkamakasarili at kahambugan ay hindi makikita na gaya ngayon, sa halip ang bawat isa ay magtataglay ng mabait na pagtingin sa kaligayahan at ikabubuti ng iba Sa halip na ilagay yaong mga mahihirap sa malupit na paniniil noong mga mayayaman, sa halip na gamitin yaong utak ng iba para mag-isip at magplano para sa kanila para sa mga pansamantala at gayundin sa mga espirituwal na bagay, magkakaroon sila ng ilang mga pagkakataon para sa kalayaang mag-isip at kumilos. PnL
Ang pagkadama ng pagiging may-ari ng sarili nilang tahanan ay magpapasigla sa kanila ng may malalim na pagnanais na mapalago ang kanilang mga sarili. Agad silang magsisikap magkaroon ng mga kakayahan para sa pagpaplano at paggawa para sa kanilang sarili; ang kanilang mga anak ay matuturuan sa mga gawi ng kasipagan at pagtitipid, at ang katalinuhan ay mapapatatag. Kanilang madaramang sila’y mga kalalakihan at kababaihan, hindi alipin, at maibabalik sa mataas na kalagayan at ang nawala nilang respeto sa sarili at kalayaang moral.— The Adventist Home, pp. 372, 373. PnL