Tayo ay may mga kaloob na magkakaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin: kung propesiya ay gamitin ito ayon sa sukat ng pananampalataya. Roma 12:6. PnL
Idinisenyo ng Diyos na magpakita ang Kanyang iglesya sa sanlibutan ng pagiging lubos at kasapatang natagpuan natin sa Kanya. Tayo’y patuloy na tumatanggap ng kaloob ng Diyos, at sa pagbabahagi ng gayundin maipakikita natin sa sanlibutan ang pag-ibig at kabutihan ni Cristo. Habang abala ang langit, sa pagsusugo ng mga mensahero sa lahat ng bahagi ng mundo para pasulungin ang gawain ng pagtubos, ang iglesya ng buhay na Diyos ay kailangang maging kasamang manggagawa ni Jesu-Cristo. Tayo’y mga miyembro ng Kanyang katawan. Siya ang ulo, na pumipigil sa lahat ng bahagi ng katawan. Si Jesus mismo, sa Kanyang walang hanggang awa, ay gumagawa sa puso ng mga tao, na nagdadala ng espirituwal na mga pagbabagong tunay na kahanga-hangang pinagmamasdan ng mga anghel na may pagtataka at kaligayahan. Ang gayunding pag-ibig na walang pagiging makasarili na naglalarawan sa Panginoon ay makikita sa karakter at buhay ng Kanyang totoong mga lingkod. Inaasahan ni Cristo na tayo’y maging kabahagi ng Kanyang banal na likas habang nasa sanlibutang ito sa gayo’y hindi lamang nagpapakita ng Kanyang kaluwalhatian, sa ikapupuri ng Diyos, sa halip ay nililiwanagan ang kadiliman ng sanlibutan ng sinag ng kalangitan. Sa gayo’y natutupad ang salita ni Cristo, “Kayo ang liwanag ng sanlibutan.” PnL
“Tayo’y mga kamanggagawa ng Diyos”—“mga katiwala ng masaganang biyaya ng Diyos.” Ang pagkakilala sa biyaya ng Diyos, ang katotohanan ng Kanyang Salita, gayundin ang mga pansamantalang kaloob—panahon at yaman, talento at impluwensya—ay lahat ipinagkatiwala mula sa Diyos para gamitin para sa kaluwalhatian Niya at para sa kaligtasan ng iba. PnL
Saanman mayroong pagkadama ng pag-ibig at simpatya, saanman umaabot ang puso para iangat at pagpalain ang iba, doon ay hayag ang paggawa ng Banal na Espiritu ng Diyos. Sa kalaliman ng paganismo, iyong mga walang kaalaman tungkol sa nakasulat na kautusan ng Diyos, silang kailanman ay hindi nakarinig ng pangalan ni Cristo, ay naging mabait sa Kanyang mga lingkod, na iniingatan sila kahit sa ikapapahamak ng kanilang mga buhay. Ang kanilang kilos ay nagpapakita ng paggawa ng walang hanggang kapangyarihan. Itinanim ng Banal na Espiritu ang biyaya ni Cristo sa kanilang malulupit na puso, na binubuhay ang pakikiramay kabaligtaran ng kanilang likas, kabaligtaran ng kanilang edukasyon. Ang “Ilaw, na lumiliwanag sa bawat tao, na pumaparito sa sanglibutan,” ay lumiliwanag sa kanilang mga kaluluwa; at ang liwanag na ito, kung susundin, ay gagabay sa kanilang mga paa tungo sa kaharian ng Diyos.— Review And Herald , December 24, 1908. PnL