At itinapon ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, ang mandaraya sa buong sanlibutan; siya'y itinapon sa lupa at ang kanyang mga anghel ay itinapong kasama niya. Apocalipsis 12:9. PnL
Ang lahat ng mga anghel sa langit ay ipinatawag upang magpakita sa harap ng Ama, upang matukoy ang bawat kaso. Lantarang ipinakita ni Satanas ang kanyang pagkayamot na si Cristo ay mas gusto kaysa kanya. Siya’y tumayo ng buong pagmamalaki at hinimok na siya’y dapat na maging pantay sa Diyos, at dapat na dalhin sa pagpupulong kasama ng Ama at maunawaan ang Kanyang mga layunin. Ipinagbigay alam ng Diyos kay Satanas na sa Kanyang Anak lang Niya ihahayag ang Kanyang mga lihim na layunin, at hiniling Niya sa sambayanan sa langit, kahit si Satanas, na ibigay ang ganap, at hindi matututulang pagsunod; ngunit kanyang (Satanas) pinatunayan na siya’y di-karapatdapat sa langit. Pagkatapos ay malinaw na itinuro ni Satanas ang kanyang mga kasama, na binubuo ng halos kalahati ng lahat ng mga anghel, at sumigaw, Sila’y kasama ko! Sila din ba ay iyong paaalisin, at gagawa ng malaking kakulangan sa Langit? At kanya ngang idineklara na handa siyang labanan ang awtoridad ni Cristo at ipagtanggol ang kanyang lugar sa langit sa pamamagitan ng lakas, lakas laban sa lakas. PnL
Ang mga mabubuting anghel ay tumangis nang marinig ang mga salita ni Satanas, at ang kanyang pagmamalaki. Inihayag ng Diyos na ang mapaghimagsik ay hindi na maaaring manatili sa Langit. Ang kanilang mataas at masayang estado ay ginanap sa kondisyon ng pagsunod sa kautusan na ibinigay ng Diyos upang pamunuan ang pagkakaayos ng karunungan. Ngunit walang pagkakaloob na ginawa upang maligtas ang sinumang magsisikap na lumabag sa Kanyang batas. Lumakas ang loob ni Satanas sa paghihimagsik, at kanyang ipinahayag ang paglapastangan sa batas ng Lumikha. Ito’y hindi makaya ni Satanas. Sinabi niyang ang mga anghel ay hindi nangangailangan ng kautusan bagkus ay dapat maging malayang sundin ang kanilang sariling kagustuhan, na gagabay sa kanila sa tama; na ang batas ay isang paghihigpit sa kanilang kalayaan, at ang pagtanggal ng kautusan ay isang malaking bagay sa kanyang paninidigan tulad ng kanyang ginawa. Ang kalagayan ng mga anghel na akala niya’y kailangang mapabuti. Hindi gayon ang isipan ng Diyos, na gumawa ng mga batas at itinumbas ang mga ito sa Kanyang Sarili. Ang kaligayahan ng mga anghel sa langit ay binubuo ng kanilang perpektong pagsunod sa kautusan. Ang bawat isa ay naatasan ng natatanging bahagi; mayroong perpektong kaayusan at pagkilos sa langit, hanggang si Satanas ay nagrebelde. . . . PnL
Sumangguni ang Ama kay Jesus hinggil sa pagsasagawa ng Kanilang layunin na gawing naninirahan ang mga tao sa lupa. Kanya silang ilalagay sa pagsubok upang subukan ng kanilang katapatan, bago sila mailigtas ng walangn hanggan.— The Spirit Of Prophecy , vol. 1, pp. 22, 23. PnL