Kung ang sinuman ay sumasamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kanyang noo, o sa kanyang kamay, ay iinom din naman ng alak ng poot ng Diyos. Apocalipsis 14:9, 10. PnL
Paano nga ba tinatrato ng sanlibutan ang kautusan ng Diyos? Sa lahat ng dako, ang mga tao ay gumagawa laban sa mga banal na utos. Sa kanilang pagnanais na iwasan ang pagdadala ng krus na kalakip ng pagsunod, maging ang iglesya ay umaayon sa malaking pagtalikod sa pagsasabing ang kautusan ng Diyos ay nabago o tinanggal na. Marami sa kanilang pagkabulag ang nagmamalaki ng kamangha-manghang pagunlad at paliwanag; ngunit nakikita ng mga nagmamasid mula sa langit ang katiwalian at karahasan. Dahil sa kasalanan ang kapaligiran ng ating mundo ay naging tulad ng kapaligiran ng isang bahay ng peste. PnL
Ang malaking gawaing ito’y kailangang maganap sa pagpapalaganap sa mundo ng nagliligtas na katotohanan ng ebanghelyo. Ito ang paraan ng inordenahan ng Diyos upang pigilan ang pagtaas ng katiwalian sa moralidad. Ito ang Kanyang paraan ng pagpapanumbalik ng Kanyang moral na imahe sa sangkatauhan. Ito ang Kanyang lunas para sa makasanlibutang pagkabagabag. Ito ang kapangyarihan na naglapit sa mga tao para magkaisa. Ang pagpapakita ng mga katotohanang ito’y gawa ng mensahe ng pangatlong anghel. Dinisenyo ng Panginoon na ang paglalahad ng mensaheng ito ay magiging pinakamataas, pinakadakilang gawaing isasagawa sa panahong ito. PnL
Patuloy na hinihimok ni Satanas ang sangkatauhan na tanggapin ang kanyang mga simulain. Sa gayo’y sinasalungat niya ang gawain ng Diyos. Patuloy niyang kinakatawan ang hinirang na bayan ng Diyos bilang masasamang tao. Siya’y mang-aakusa ng mga kapatid, at ang kanyang kapangyarihan ng pag-aakusa ay palaging ginagamit laban sa mga gumagawa ng katuwiran. Nais ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang bayan na sagutin ang mga paratang ni Satanas sa pamamagitan ng pagpapakita ng bunga ng pagsunod sa mga tamang prinsipyo. PnL
Ang lahat ng ilaw ng nakaraan, ang lahat ng ilaw na nagliliwanag sa kasalukuyan at umaabot hanggang sa hinaharap, tulad ng ipinahayag sa salita ng Diyos, ay para sa bawat kaluluwang tatanggap nito. Ang kaluwalhatian ng liwanag na ito, na tunay na kaluwalhatian ng katangian ni Cristo, ay maipakikita sa bawat Cristiano, sa pamilya, sa simbahan, sa ministeryo ng salita, at sa bawat institusyon na itinatag ng bayan ng Diyos. Ang lahat ng mga dinisenyong ito ng Diyos ay magiging simbolo ng kung ano ang magagawa sa sanlibutan. Sila ang magiging uri ng nagliligtas na kapangyarihan ng katotohanan ng ebanghelyo. Sila’y mga ahensya sa katuparan ng dakilang layunin ng Diyos para sa sangkatauhan.— Testimonies For The CHURCH , vol. 6, pp. 10, 11. PnL