Sapagkat ang mga nakilala Niya nang una pa ay itinalaga naman Niya na maging katulad sa larawan ng kanyang Anak. Roma 8:29. PnL
Marami ang nagkakamali sa pagsubok na bigyan ng detalyadong kahulugan ang mga maayos na punto ng pagkakaiba sa pagitan ng pag-aaring ganap at pagpapakabanal. Sa mga depinisyon ng dalawang terminong ito’y madalas silang nagdadala ng sarili nilang mga ideya at haka-haka. Bakit kailangang subukang maging detalyado nang higit sa Inspirasyon tungkol sa mahalagang tanong ng katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya? Bakit kailangang subukang palabasin ang bawat detalyadong punto, na tila ang kaligtasan ng kaluluwa ay nakadepende sa lahat ng eksaktong pagkaunawa tungkol sa bagay na ito? Hindi nakikita ng lahat ang kaparehong pananaw. Ikaw ay nasa panganib na palakihin ang maliliit, at paliitin ang mga malalaki. PnL
Habang ang mga nagsisising makasalanan, nagsisisi sa harap ng Diyos, ay nakauunawa sa pagbabayad-sala ni Cristo para sa kanila, at tumatanggap sa pagbabayad-salang ito bilang tangi nilang pag-asa sa buhay na ito at sa hinaharap, ang kanilang mga kasalanan ay napapatawad. Ito ang pag-aaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya. Dapat italima ng bawat nananampalatayang kaluluwa ang kanyang buong kalooban sa kaloobang Diyos, at manatili sa kalagayan ng pagsisisi at paghihinagpis, na ipinagpapatuloy ang pananampalataya sa nagpapatawad na kabutihan ng Manunubos, at nagpapatuloy mula sa lakas tungo sa lakas, at kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian. PnL
Ang pagpapatawad at pag-aaring-ganap ay isa at magkaparehong bagay. . . . PnL
Ang pag-aaring ganap ay kabaligtaran ng paghatol. Ang walang hanggang awa ng Diyos ay kumikilos para sa mga di-karapat-dapat. Pinatatawad Niya ang mga pagsalangsang at mga kasalanan para sa kapakanan ni Jesus, na siyang naging kapatawaran ng ating mga kasalanan. Sa pananampalataya kay Cristo, dinadala ang nagkasala sa pabor ng Diyos at sa matibay na pag-asa ng walang hanggang buhay. PnL
Pinatawad si David sa kanyang kasalanan dahil nagpakumbaba ang kanyang puso sa harap ng Diyos sa paghingi ng tawad at pagsisisi ng kaluluwa at nanalig na tutuparin ng Diyos ang pangako ng pagpapatawad. Ipinahayag niya ang kanyang kasalanan, nagsisi, at muling nakumberte. Sa kaligayahan ng katiyakan ng pagpapatawad ay kanyang isinigaw, “Mapalad siya na pinatawad ang pagsuway, na ang kasalanan ay tinakpan. Mapalad ang tao na hindi pinaratangan ng kasamaan ng Panginoon, at sa kanyang espiritu na walang pandaraya” Dumarating ang pagpapala dahil sa pagpapatawad, dumarating ang pagpapatawad sa pamamagitan ng pananampalataya na ang kasalanan, na inihayag at pinagsisihan, ay dinala ng dakilang Tagapagdala-ng-kasalanan. Kaya mula kay Cristo ang lahat ng ating pagpapala. Ang Kanyang kamatayan ay nagpapatawad na handog para sa ating mga kasalanan. Siya ang dakilang daluyan kung kanino tayo tumatanggap ng awa at pabor ng Diyos. Siya ang tunay na Nagpasimula, ang May-akda, pati na rin ang Tagatapos, ng ating pananampalataya.— Manuscript Releases, vol. 9, pp. 300-302. PnL