O Ikaw na dumirinig ng panalangin! Sa lyo'y isasagawa ang mga panata. Awit 65:2. PnL
Ipinapahayag ng Diyos na Siya’y napararangalan ng mga lumalapit sa Kanya, na tapat na gumagawa ng Kanyang gawain. “Iyong iingatan siya sa ganap na kapayapaan, na ang pag-iisip ay nananatili sa Iyo, sapagkat siya’y nagtitiwala sa Iyo.” (Isaias 26:3.) Ang bisig ng Makapangyarihan ay iniuunat upang pangunahan tayo sa patuloy na pagsulong. Humayong pasulong, sinasabi ng Panginoon; Magsusugo Ako ang tutulong. Ito’y para sa kaluwalhatian ng Aking pangalan kaya kayo’y humihingi, at kayo’y makatatanggap. Ako’y mapararangalan sa harap nilang nagbabantay para sa inyong pagkabigo. Makikita nilang maluwalhating magtatagumpay ang Aking salita. “At anumang bagay na inyong hingin sa panalangin na may pananampalataya ay inyong tatanggapin.” (Mateo 21:22.) PnL
Hayaang dumaing sa Diyos ang lahat nang nahihirapan o di-makatarungang ginagamit. Lumayo mula sa may mga pusong gaya ng bakal, at ipaalam sa iyong mga kahilingan sa iyong Manlilikha. Walang sinuman ang itinataboy sa lumalapit na may pusong nagsisisi. Walang kahit isang taos-pusong panalangin ang nasasayang. Sa gitna ng mga awit ng makalangit na pangkat ng manganganta, naririnig ng Diyos ang daing ng pinakamahinang tao. Ibinubuhos natin ang nais ng ating puso sa ating mga silid, tayo’y nagpapailanglang ng panalangin sa ating daraanan, at ang ating mga salita ay nakaaabot sa trono ng Hari ng sansinukob. Maaaring hindi ito naririnig ng tainga ng sinumang tao, ngunit hindi ito mawawala tungo sa katahimikan, o hindi rin ito mawawala sa mga gawain ng kalakalan na kasalukuyang nagaganap. Walang anuman ang makatutugon sa pagnanasa ng kaluluwa, ito’y umaangat sa ibabaw ng ingay ng kalsada, sa ibabaw ng kaguluhan ng mga tao, tungo sa bulwagan sa langit. Sa Diyos tayo nakikipag-usap, at naririnig ang ating mga panalangin. PnL
Sa iyo na nakadaramang ikaw ay pinaka-di-karapat-dapat, huwag matakot na italaga ang iyong kalagayan sa Diyos. Ibinigay Niya ang Kanyang sarili kay Cristo para sa kasalanan ng mundo, Inangkin Niya ang katayuan ng bawat kaluluwa. “Siya na hindi ipinagkait ang kanyang sariling Anak, kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin na walang bayad ang lahat ng mga bagay?” (Roma 8:32.) Hindi ba Niya tutuparin ang mabiyayang salitang ibinigay para sa ating kasiglahan at lakas? PnL
Walang higit na ninanais si Cristo kaysa tubusin ang Kanyang mana mula sa pamumuno ni Satanas. Ngunit bago tayo maililigtas sa kapangyarihan ni Satanas sa labas, dapat muna tayong mailigtas mula sa kanyang kapangyarihan sa loob. . . . PnL
Walang panganib na makalimot ang Panginoon sa panalangin ng Kanyang bayan. Ang panganib ay ang kanilang panghihina, at pagkabigong manalangin nang matiyaga sa panahon ng tukso at pagsubok.— Christ’s Object Lessons , pp. 173-175. PnL