Mga ama, kayo’y sinusulatan ko sapagkat inyong nakilala siyang nagbuhat pa nang pasimula. Mga kabataan, kayo’y sinusulatan ko sapagkat kayo’y malalakas at ang salita ng Diyos ay nananatili sa inyo, at inyong dinaig ang masama. 1 Juan 2:14. LBD 202.1
Pinatungkol ang mga salitang ito ng pagsang-ayon at paalala sa lahat ng mga kabataang nagsuot ng buong baluti ng katuwiran. Sa kanilang kabataan at kalakasan, makagagawa sila ng malalaking gawa para sa Diyos, kung sa Diyos lamang nila ilalagak ang buo nilang tiwala. Ang matatandang tinukoy na “mga ama,” ay may mga gampaning dapat gampanan sa pag-iingat ng pamantayan: ngunit nararamdaman nila ang bigat ng mga alalahanin sa buhay, at nararapat palakasin ang loob ng mga kabataan upang magawa nilang karapat-dapat sila sa gawain sa pamamagitan ng karanasan sa karunungan ni Jesu-Cristo, upang sa paglaglag ng pamantayan mula sa mga ama, maaaring hawakan ito nang mahigpit ng malakas na kabataan, at pasanin ito paitaas. LBD 202.2
Maraming mga kabataan sa panahong ito ang magsisiyasat sa mga Kasulatan na gaya ng natatagong mga kayamanan, at sa pagkasumpong ng mga hiyas ng katotohanan, ay bubuksan ang mga kayamanan ng Salita sa isipan ng iba. . . . Ang “Kayo’y malalakas” ay mawawatasan na higit pa sa pisikal na lakas. Nangangahulugan ito na sinanay ang isipan upang mag-isip, na pinananatiling malinaw at malakas dahil sa pagsasanay sa istriktong pagpipigil sa mga kaugalian. Nangangahulugan ito na sumagupa ang mga kabataan na may kasigasigan, at napagtagumpayan ang kaaway, na iniuugnay ang relihiyon ni Jesu-Cristo sa araw-araw na pamumuhay, at dinadala si Cristo sa araw-araw nilang mga gawain at kasiyahan. Nangangahulugan ito na naging mga kabahagi sila sa banal na kalikasan. LBD 202.3
Ang mga kabataang nagbigay ng kanilang sarili sa gawain ng Diyos ay nasa posisyon upang buong giting na lumaban sa mga laban ng Panginoon. Hayaang gawing huwaran si Cristo ng mga kabataan, at gagawa silang may katuwiran, iibig sa kaawaan, at lalakad na may pagpapakumbaba kasama ang kanilang Diyos. Magiging malakas sila.— The Youth’s Instructor, October 25, 1894. LBD 202.4
Masusubok ang karakter. . . . Sa araw at taon, mapagtatagumpayan natin ang sarili at makahuhubog ng isang marangal na kabayanihan.— The Southern Watchman, February 7, 1905. LBD 202.5