At ako’y nagpadala ng mga sugo sa kanila, na nagsasasabi, Ako’y gumagawa ng isang dakilang gawain, at hindi ako makakababa: bakit kailangang itigil ang gawain, habang wala ako upang makababa lamang sa inyo? Nehemias 6:3. LBD 211.1
May mga inireserbang tao ang Diyos, nakahandang tumugon sa pangangailangan, upang mapangalagaan ang Kanyang gawain laban sa lahat ng mga nakalalasong impluwensya. Mapararangalan at maluluwalhati ang Diyos. Kapag pinukaw ng banal na Espiritu ang isipan ng taong itinalaga ng Diyos bilang karapat-dapat para sa gawain, tutugon siya sa pagsasabing, “Narito Ako; isugo Mo ako.” . . . Ipinakita ni Nehemias ang kanyang sarili bilang isang taong magagamit ng Diyos upang ibagsak ang mga maling prinsipyo at upang ibalik ang mga makalangit na prinsipyo; at pinarangalan siya ng Diyos. Gagamitin ng Panginoon sa Kanyang gawain ang mga taong matitibay sa prinsipyo, na hindi naitutulak ng mga mapanlinlang na mga salita ng mga taong nawalan ng kanilang makalangit na paningin. LBD 211.2
Pinili ng Diyos si Nehemias dahil handa siyang makipagtulungan sa Panginoon bilang isang tagapagbalik. Ginamit ang kamalian at intriga upang baluktutin ang kanyang integridad, ngunit hindi siya masusuhulan. Tumanggi siyang masira sa pamamagitan ng mga gawa ng mga hindi maprinsipyong tao, na ginagamit noon upang gumawa ng kasamaan. Hindi niya sila hahayaang makapanakot sa kanya upang sundan ang daan ng kaduwagan. Nang makita niya ang mga maling prinsipyong ginagawa, hindi siya tumayong nakatingin lamang, na nagpapaubaya sa kanyang pagtahimik. Hindi niya iniwang magpalagay ang mga tao na tumatayo siya sa maling panig. Tumayo siyang matibay at di-natitinag para sa tama. Hindi siya magpapahiram ng isang katiting ng impluwensya sa pagpapasama sa mga prinsipyong itinatag ng Diyos.— The Review and Herald, May 2, 1899. LBD 211.3
Masasalubong natin ang oposisyon ng bawat deskripsyon, gaya ng mga nagtayo ng mga pader ng Jerusalem; ngunit kung magbabantay at mananalangin tayo, tulad ng kanilang ginawa, Diyos ang lalaban para sa atin, at magbibigay sa atin ng mahalagang mga tagumpay. . . . Dapat tayong sumulong na may di-natitinag na kompiyansa, naniniwalang magbibigay ang Diyos sa Kanyang katotohanan ng dakila at mahalagang mga tagumpay. . . . sa pagtitiwala kay Jesus, magdadala tayo ng isang nakahihikayat na kapangyarihan sa atin na nasa atin ang katotohanan.— The Review and Herald, July 6, 1886. LBD 211.4