Sila’y magiging Akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, isang natatanging kayamanan sa araw na Ako’y kumilos. Kaaawaan Ko sila na gaya ng isang tao na naaawa sa kanyang anak na naglilingkod sa kanya. Malachi 3:17. LBD 215.1
Dakila ang gawain ng Panginoon. Pumipili ng panig ang mga tao. Pipiliin kahit na ng mga ipinalalagay na mga pagano ang panig ni Cristo, samantalang silang mga nasaktan, kagaya ng ginawa ng mga alagad, ay aalis at hindi na lalakad kasama Niya. . . . LBD 215.2
Ano ang epekto ng pagtatangka ng mga taong ipawalang bisa ang kautusan ng Diyos sa mga matuwid? Matatakot ba sila dahil sa pansanlibutang pagtuya sa banal ng kautusan ng Diyos? Ang mga totoong mananampalataya ba sa, “Sinasabi ng Panginoon,” ay magbabago at mahihiya dahil tila hinahamak ng buong sanlibutan ang Kanyang matuwid na utos? Madadala ba sila palayo sa paglaganap ng kasamaan?—Hindi; sa mga nagtalaga ng kanilang mga sarili sa Diyos upang paglingkuran Siya, magiging mas mahalaga ang kautusan ng Diyos kapag naipakita ang pagkakaiba sa pagitan ng masunu-rin at manlalabag. Kasukat sa paglago ng mga katangian ni Satanas sa mga nanghahamak at nanlalabag ng kautusan ng Diyos, magiging mas minamahal at mas mahalaga para sa mga matapat na tagasunod ang banal na alituntunin. Ipahahayag niya na, “kanilang winalang halaga ang Iyong mga batas. Kung kaya’t iibigin ko ang Iyong mga kautusan ng higit kaysa ginto; oo, higit kaysa mainam na ginto.” Ang mga ito ay ang mga naging tapat na katiwala ng biyaya ng Diyos na lumago ang pag-ibig sa kautusan ng Diyos sa kabila paghamak na inilagay sa kanila mga nasa paligid nila. LBD 215.3
Nagkaisa ang masasamang tao at ang iglesia sa pagkasuklam sa mga kautusan ng Diyos, at dumating kung gayon ang krisis. . . . Ngunit habang sila ay nagbubulong-bulungan at nagrereklamo, at nag-aakusahan ng mali, at masigasig na gumagawa ng gawain ni Satanas, isa pang uri ang nilagay sa ating pansin: “Nag-usap silang mga natatakot sa Panginoon. Binigyang-pansin ng Panginoon at pinakinggan, at ang isang aklat ng alaala ay isinulat sa ha'rap Niya, para sa kanila na natakot sa Panginoon at nagpahalaga sa Kanyang pangalan.”— The Review and Herald, June 15, 1897. LBD 215.4