Noo’y ikasiyam ng umaga nang Siya’y kanilang ipinako sa krus. Marcos 15:25. LBD 218.1
Nakabayubay sa krus ang walang dungis na Anak ng Diyos, nasugatan ng mga latay ang kanyang laman; naipako sa haliging kahoy ang mga kamay na napakadalas magbigay ng pagpapala; Tinusok sa puno ang mga kamay na walang pagod sa ministeryo ng pag-ibig; tinusok ng koronang tinik ang maharlikang ulo. Sumisigaw na may kapighatian ang nanginginig Niyang labi. At lahat ng Kanyang pinagtiisan—ang dugong pumapatak mula sa Kanyang ulo, mga kamay, mga paa, ang sakit na nagpapahirap sa Kanyang mukha, at ang di-mabigkas na hapis na pumupuno sa Kanyang kaluluwa sa pagkubli ng mukha ng Kanyang Ama—ay nagsasalita sa bawat anak ng sangkatauhan, nagpapahayag na, Pumayag ang Anak ng Diyos na dalhin ang bigat ng kasalanang ito para sa iyo; sinira Niya ang kapangyarihan ng kamatayan at binuksan ang tarangkahan ng langit para sa iyo. Ibinigay Niya . . . ang Kanyang sarili sa krus bilang sakripisyo, at dahil ito sa Kanyang pag-ibig sa inyo. Siya, na Tagapagdala ng Kasalanan, ay nagtiis ng galit ng banal na hustisya, at naging kasalanan mismo para sa inyong kapakanan. LBD 218.2
Matahimik na nanood ang mga tagamasid sa katapusan ng nakatatakot na eksena. Sumikat ang araw; subalit nababalot pa rin ng kadiliman ang krus. Tumingin sa Jerusalem ang mga Pari at namumuno; at narito, isang makapal na ulap ang nanatili sa lunsod, at sa kapatagan ng Judea. Inuurong ng Araw ng Katuwiran at Liwanag ng sanlibutan ang mga sinag nito mula sa dating pinapaborang lunsod ng Jerusalem. Nakadirekta ang malakas na mga kidlat ng galit ng Diyos laban sa tinadhanang lunsod. LBD 218.3
Naiangat bigla-bigla ang kalungkutan mula sa krus, at sa malinaw at parang trumpetang tunog, na tila umalingawngaw sa buong sansinukob, sumigaw si Jesus, “Natupad na.” “Ama sa mga kamay mo ay inihahabilin Ko ang Aking espiritu.” Isang liwanag ang pumalibot sa krus. At lumiwanag ang mukha ng tagapagligtas nang kaluwalhatian na gaya ng araw. Yumuko Siya, at namatay.— The Desire of Ages, pp. 755, 756. LBD 218.4