Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng isang burol ay hindi maitatago. Mateo 5:14. LBD 274.1
Makikilala at pahalagahan lamang ang ating tungkulin kung Ititingnan sa ilaw na nagniningning mula sa buhay ni Cristo. Habang sumisikat ang araw sa silangan at dumadaan sa kanluran, pinupuno ang mundo ng ilaw, upang ang tunay na tagasunod ni Cristo ay maging isang liwanag sa sanlibutan. Lalabas siya sa sanlibutan bilang isang maningning at nagliliwanag na ilaw, upang ang mga nasa kadiliman ay maliwanagan at maiinitan ng mga sinag na nagliliwanag mula sa kanya. Sinasabi ni Cristo tungkol sa Kanyang mga tagasunod na, “Kayo ang ilaw ng sanlibutan.”— The Review and Herald, December 15, 1874. LBD 274.2
Ang mga hindi gumagawang may pag-asa, na pinananatili ang kanilang sarili sa ilalim ng isang ulap ng pag-aalinlangan. Hindi pa patay ang kaaway, at kung mas malapit na tayo sa katapusan ng kasaysayan ng mundong ito, mas magiging mapagbantay ang mga pagsisikap ng mga ahensya ni Satanas upang panatilihin ang mga kaluluwa sa ilalim ng ulap ng pag-aalinlangan, upang hindi maipahayag ang ilaw ng langit sa mga salita at kilos, upang magdala ng pag-asa at magpasaya at magpalakas ng loob sa iba. . . . LBD 274.3
Puno ng pagmamadali at pagkabigo ang mundo. Tinutukoy sa inyo ang mga salitang ito, “Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit.” Ang mga salitang pumapabor sa katotohanan, sinalitang may kasiguruhan na nagmumula sa pagtataglay ng isang tamang layunin, at sa masayang pag-asa, mula sa isang dalisay na puso, ay magpapasaya sa mga anghel. Nais ng Panginoon na magkaroon tayo ng espirituwal na pag-iisip, upang makita natin ang pagsasagawa ng Kanyang mga plano sa ating buhay. Dapat tayong maging mga manggagawa kasama ng Diyos sa pagsasakatuparan ng gawaing gagawin Niya. Dapat nating ipakita ang ilaw saan man tayo naroon.— Letter 348, 1908. LBD 274.4
Kapag ipinahayag ang biyaya ni Cristo sa mga salita at gawa ng mga mananampalataya, liliwanag ang ilaw sa mga nasa kadiliman; para habang nagsasalita ang mga labi ng papuri ng Diyos, maiuunat ang kamay sa kapakinabangan para matulungan ang mga namamatay.— Special Testimonies to Ministers, Series B, No. 10, p. 11 LBD 274.5