Hindi ba silang lahat ay mga espiritung nasa banal na gawain, na sinugo upang maglingkod sa kapakanan ng mga magmamamna ng kaligtasan? Hebreo 1:14. LBD 34.1
May mga anghel ang Diyos na ang tanging gawain ay palapitin ang mga magiging tagapagmana ng kaligtasan. . . . Ang gawain ng mga anghel ay pigilan ang mga kapangyarihan ni Satanas.— Manuscript 17, 1893. LBD 34.2
Ang gawain ng mga makalangit na nilalang ay ihanda ang mga nananahan sa mundong ito na maging mga anak ng Diyos, dalisay, banal, malinis. Ngunit hindi inilalagay ng mga tao ang kanilang mga sarili, bagaman nag-aangking tagasunod ni Cristo, sa kalagayan kung saan mauunawaan nila ang ministeryong ito, kaya lalong napahihirap ang gawain ng mga makalangit na sugo. Mas nanaising manatili ng mga anghel na laging nakatingin sa mukha ng Ama sa langit na malapit sa Diyos, sa dalisay at banal na kapaligiran ng kalangitan; ngunit kinakailangang gawin ang isang gawain sa paglalapit ng makalangit na kapaligiran na ito sa mga kaluluwang natutukso at sinusubok, upang hindi magtagumpay si Satanas sa pag-alis sa kanila ng karapatan sa lugar na gusto ng Diyos na kanilang kalagyan sa mga bulwagan ng kalangitan. Sumasama ang mga panguluhan at mga kapangyarihan sa mga kalangitan sa mga anghel na ito sa kanilang paglilingkod para sa kanilang magiging tagapagmana ng kaligtasan.— The Review and Herald, July 4, 1899. LBD 34.3
Ang mga anghel, na gagawa para sa inyo ng mga hindi ninyo kayang gawin sa inyong sarili, ay naghihintay sa inyong pakikipagtulungan. Naghihintay silang tumugon kayo sa pagpapalapit ni Cristo. Lumapit kayo sa Diyos at sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng pagnanasa, ng matahimik na pananalangin, ng pagtanggi sa mga ginagamit ng kaaway, ilagay ninyo ang inyong kalooban sa panig ng kalooban ng Diyos. Habang mayroon kayong isang pagnanasang labanan ang diyablo, at matapat na nananalangin, “Iligtas mo ako sa tukso,” magkakaroon kayo ng kalakasan para sa inyong araw. Gawain ng mga anghel ang lumapit sa mga sinusubok, tinutukso, at mga nahihirapan. Matagal at walang kapaguran silang gumagawa upang magligtas ng mga kaluluwang pinagbuwisan ni Cristo ng Kanyang buhay. At kapag napahalagahan ng mga kaluluwang ito ang kanilang kalamangan, na napahahalagahan ang makalangit na tulong na ipinadala sa kanila, tutugon sila sa paggawa ng Banal na Espiritu sa kanila. Kapag inilagay nila ang kanilang kalooban sa panig ng kalooban ni Cristo, dinadala ng mga anghel ang mensahe paakyat sa langit. LBD 34.4
. . . At nagkakaroon ng kagalakan sa makalangit na hukbo.— The Review and Herald, July 4, 1899. LBD 34.5