At hindi ba bibigyan ng Diyos ng katarungan ang Kanyang mga pinili na sumisigaw sa Kanya araw at gabi, Kanya bang matitiis sila? Lucas 18:7. LBD 351.1
Sa panahong ito na sumisikat mula sa Salita ng Diyos ang malaking liwanag, na ginagawang kasinglinaw ng araw ang madidilim na hiwaga, ay siyang araw ng kahabagan, ng pag-asa, ng kagalakan at katiyakan sa lahat ng gustong makinabang dito, sa lahat ng magbubukas ng kanilang mga isipan at puso sa maniningning na sinag ng Araw ng Katuwiran. . . . LBD 351.2
May mga masisipag na mag-aaral ng Salita ng propesiya sa lahat ng bahagi ng sanlibutan, na nagtatamo ng liwanag at mas higit pang liwanag dahil sa pagsasaliksik ng mga Kasulatan. Totoo ito sa lahat ng mga bansa, sa lahat ng tribo, at sa lahat ng mga tao. Lalabas ang mga ito sa pinakamalulubhang kamalian, at papalitan iyong mga taong nagkaroon ng mga pagkakataon at pribilehiyo ngunit hindi pinahalagahan ang mga ito. . . . Namimili tayo ngayon, at di-magtatagal ay makikilala na natin siyang naglilingkod sa Diyos at siyang hindi naglilingkod sa Kanya (Malakias 3:18). . . . LBD 351.3
Paulit-ulit na ipinaaalam ng Panginoon ang paraan ng Kanyang paggawa. . . . At kapag dumating na ang krisis, inihahayag Niya ang Kanyang sarili, at nakikialam sa pagkilos ng mga plano ni Satanas. Madalas Niyang pinapayagan na humantong sa isang krisis ang mga nangyayari sa mga bansa, sa mga pamilya, at sa mga indibiduwal upang maging kapansin-pansin talaga ang Kanyang panghihimasok. Pagkatapos ay hinahayaan Niyang maalaman ang katotohanan na merong Diyos sa Israel na magbibigay ng lakas at katarungan sa Kanyang bayan. LBD 351.4
Kapag maging halos pangkalahatan na ang paglaban sa kautusan ni Jehovah, kapag ginipit na ng kanilang mga kapwa-tao sa kahirapan ang Kanyang bayan, mamamagitan na ang Diyos. Sasagutin ang mga taimtim na panalangin ng Kanyang bayan, sapagkat gustung-gusto Niyang hanapin Siya ng Kanyang bayan nang buo nilang puso, at umasa sa Kanya bilang Tagaligtas nila. Dudulugan Siyang gawin ang mga bagay na ito para sa Kanyang bayan. . . . Ang pangako ay, “Bibigyan ng Diyos ng katarungan ang Kanyang mga pinili na sumisigaw sa Kanya araw at gabi.”— The General Conference Bulletin, January 1, 1900. LBD 351.5