Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapwa; huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapwa, o ang kanyang aliping babae, o ang kanyang baka, o ang kanyang asno, o ang anumang bagay ng iyong kapwa. Exodo 20:17. LBD 63.1
Nagbabawal sa pag-iimbot ang huling utos. Ang bawat makasariling pagnanasa, antas ng kawalan ng pagkakontento, pagnanasa sa malabis na pakinabang, makasariling pagbibigay hilig ay gumagawa tungo sa pagpapalakas at pagbuo ng isang karakter na makasisira sa pagiging katulad ni Cristo, at magsasara sa mga pintuan ng lunsod ng Diyos laban sa kanya.— Letter 15, 1895. LBD 63.2
Kapag . . . dumarating ang mga anghel upang maglingkod sa mga magiging tagapagmana ng kaligtasan, at sumaksi sa pagkamakasarili, pag-iimbot, paghahangad ng labis, at sa pakikinabang mula sa kalugihan ng kapwa, ibinabaling nila ang kanilang mga mukha sa kalumbayan. . . . Wala nang mas bubuti pang paraan ng pagluwalhati sa Panginoon at pagpaparangal sa katotohanan kaysa makita ng mga hindi mananampalataya na gumawa ang katotohanan ng napakalaking kabutihan sa mga buhay ng mga likas na mapag-imbot at miserableng mga tao. Kung makikitang nagkaroon ng impluwensya ang pananampalataya ng mga tulad nito upang hubugin ang kanilang mga karakter, upang baguhin sila mula sa pagiging mga taong sarado, makasarili, mapagnasa nang labis, mapagmahal sa pananalapi tungo sa pagiging mga taong umiibig na gumawa ng kabutihan, na naghahanap ng pagkakataon upang gamitin ang kanilang mga kayamanan upang pagpalain silang kailangang pagpalain, na dumadalaw sa mga balo at mga ulila sa kanilang kahirapan, at nag-iingat sa kanilang mga sarili na walang dungis sa sanlibutan, magiging ebidensya ito na tunay ang kanilang relihiyon. . . . Ang mga nag-aangking naghihintay at nagbabantay para sa pagdating ng kanilang Panginoon ay hindi dapat magpahiya sa kanilang pag-aangkin sa pamamagitan ng pagbibiro sa pakikipagkalakal at pambabarat. Hindi tumutubo ang ganitong bunga sa Cristianong puno.— Testimonies for the Church, vol. 2, pp. 238, 239. LBD 63.3
Humahampas ang ikasampung utos sa pinakaugat ng lahat ng kasalanan, na ipinagbabawal ang makasariling pagnanasa na siyang pinagmumulan ng makasalanang gawain. Siyang sa pagsunod sa batas ng Diyos ay umiiwas sa pagbibigay hilig maging sa makasalanang pagnanasa para sa pag-aari ng kapwa, ay hindi magkakasala sa anumang maling gawain sa kanyang kapwa.— Patriarchs and Prophets, p. 309. LBD 63.4