Magtanong ka sa mga halaman sa lupa, at tuturuan ka nila. Job 12:8. LBD 133.1
Ginugol sa mapagpakumbabang kalagayan ang pagkabata at kabataan ni Cristo, sa ilalim ng mga kapanahunang pabor sa pag-unlad ng isang mahusay na pangangatawan. Halos ginugol Kanyang buhay sa labas ng bahay. Uminom Siya mula sa dalisay na daluyan ng tubig, at kumain ng bunga ng mga hardin. Naglakad Siyang pataas at pababa sa matarik na landas ng bundok, at sa mga lansangan ng Nazaret, habang paroon at parito Siya sa Kanyang lugar ng paggawa at pauwi sa Kanyang tahanan. Nasiyahan siya sa iba’t ibang mga tinig ng mga ibon habang umaawit sila ng papuri sa kanilang Manlilikha. Nagalak Siya sa kagandahan ng mga bulaklak na pinalamutian ang mga bukid. Pinansin Niyang may kagalakan ang kaluwalhatian ng kalangitan, ang dilag ng araw, buwan, at mga bituin, at pinagmasdan na may kagalakan ang pagsikat at paglubog ng araw. Bukas sa Kanya ang aklat ng kalikasan, at nasiyahan Siya sa mga maselang aral nito. Ang mga walang-hanggang burol, at ang mga puno ng olibo, ay mga paboritong lugar ng pahingahan kung saan Siya nagpunta para makipag-usap sa Kanyang Ama. Napuno Siya ng banal na karunungan, at sa pag-aaral ng kalikasan, at sa pagmumuni-muni sa pakikipag-usap sa Diyos, pinalakas ang Kanyang espirituwal na mga kapangyarihan.— The Youth’s Instructor, July 13, 1893. LBD 133.2
Umakyat at bumaba ang Manunubos ng mundo sa mga burol at bundok, mula sa malaking kapatagan hanggang sa lambak ng bundok. Nasiyahan Siya sa magandang tanawin ng kalikasan. Nagalak Siya sa mga bukid na kumikinang sa mga magagandang bulaklak, at sa pakikinig sa mga ibon sa himpapawid, at nakisama sa kanila ang Kanyang tinig sa kanilang maligayang awit ng papuri.— The Youth’s Instructor, February 1, 1873. LBD 133.3
Sa buhay ni Cristo, sa Kanyang pagkabata at kabataan, mayroong aralin para sa mga kabataan ngayon. Si Cristo ang ating halimbawa, at sa kabataan ay dapat nating pag-isipan ang Diyos sa kalikasan,—pag-aralan ang Kanyang karakter mula sa gawa ng Kanyang mga kamay. Pinalakas ang isip sa pagiging pamilyar sa Diyos, sa pagbabasa ng Kanyang mga katangian sa mga bagay na Kanyang ginawa. Habang ating pinagmamasdan ang kagandahan at kadakilaan sa mga gawa ng kalikasan, hahanapin ng ating pagmamahal ang Diyos; at . . . pinasisigla ang ating mga kaluluwa sa pakikipag-ugnay sa Walang-hanggan sa pamamagitan ng Kanyang mga kamangha-manghang gawa.—The Youth’s Instructor, July 13, 1893. LBD 133.4