Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay mananatili kayo sa aking pag-ibig gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako’y nananatili sa kanyang pag-ibig. Juan 15:10. LBD 135.1
Sa harap ng mga tao at ng mga anghel, isang kinatawan si Cristo ng karakter ng Diyos ng langit. Ipinakita Niya ang katotohanang kapag dumepende nang lubos ang sangkatauhan sa Diyos, ang mga tao ay maaaring tumupad ng mga utos ng Diyos at mabuhay, at magiging parang itim ng mga mata ang Kanyang kautusan.— Testimonies to Ministers and Gospel Workers, p. 226. LBD 135.2
Makapangyarihan ang halimbawa ni Cristo sa bawat anak na lalaki at anak na babae ni Adan. Kinakatawanan Niya ang kautusan ng Diyos sa Kanyang buhay, na nagbibigay sa mga tao ng isang halimbawa kung ano ang magagawa ng pagsunod sa bawat tuntunin sa likas ng tao. Siya ang ating halimbawa, at kinakailangang sumunod sa Kanyang mga yapak ang bawat isang pinagkalooban ng mga kakayahan ng pangangatwiran; dahil isang perpektong huwaran ang Kanyang buhay para sa lahat ng sangkatauhan. Si Cristo ang kabuuang pamantayan ng karakter na maaaring matamo ng bawat isa. . . . LBD 135.3
Paano lumakad ang Manunubos ng mundo?—Hindi sa paraang Sarili Niya lamang ang nabigyan ng kasiyahan, kundi upang luwalhatiin ang Diyos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawa ng Diyos sa pagtataas ng nagkasalang taong nilikha mula sa larawan ng Diyos. Sa pamamagitan ng tuntunin at halimbawa, itinuro Niya sa mga tao ang paraan ng katuwiran, na kumakatawan sa karakter ng Diyos, at nagbibigay sa mundo ng perpektong pamantayan ng moral na kahusayan sa sangkatauhan. Aayusin ng dalawang dakilang mga tuntunin ng kautusan ang pag-uugali ng lahat ng sangkatauhan. Ito ang aral na itinuro ni Jesus sa pamamagitan ng tuntunin at halimbawa. Sinabi niya sa mga tao, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at . LBD 135.4
. . ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.” Hinihiling ng Panginoon Diyos ng langit sa katalinuhan ng tao ang kataas-taasang pag-ibig at pagsamba.— The Youth’s Instructor, October 18, 1894. LBD 135.5
Hayaang ihambing ng tao ang kanyang buhay sa buhay ni Cristo. . . . Hayaang tularan niya ang halimbawa Niyang isinakabuhayan ang kautusan ni Jehovah, na nagsabing, “Tinupad ko ang mga utos ng aking Ama.” Patuloy na tumitingin sa perpektong batas ng kalayaan ang mga sumusunod kay Cristo, at sa pamamagitan ng biyayang ibinigay sa kanila ni Cristo, ay huhubugin ang karakter ayon sa mga hinihiling ng Diyos.— The Youth’s Instructor, October 18, 1894. LBD 135.6