Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, Kung ikaw ang Anak ng Diyos, ipag-utos mo na ang mga batong ito ay maging tinapay. Ngunit siya’y sumagot, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos. Mateo 4:3, 4. LBD 139.1
Ang dakilang pagsubok ni Cristo sa ilang sa punto ng pagkain ay upang iwanan ang tao ng isang halimbawa ng pagtanggi sa sarili. LBD 139.2
Ang mahabang pag-aayunong ito ay upang sumbatan ang mga tao sa kasalanan ng mga bagay kung saan nagpapakasasa ang mga nag-aangking Cristiano. Ang tagumpay na natamo ni Cristo sa ilang ay upang ipakita sa tao ang kasalanan ng mga bagay na kung saan nasisiyahan siya. Nasa alanganin ang kaligtasan ng tao, at pagpapasyahan ng pagsubok ni Cristo sa ilang. Kung mananagumpay si Cristo sa punto ng pagkain, kung gayon ay may pagkakataong magtagumpay ang tao. . . . LBD 139.3
Ang mga Cristiano, na nakauunawa ng misteryo ng kabanalan, na may mataas at banal na isipan tungkol sa pagpapatawad, na napagtanto sa mga paghihirap ni Cristo sa ilang, na isang tagumpay ang nakuha para sa kanila . . . ay lubos na mapalalakas ng masigasig at madalas na paghahambing ng kanilang buhay sa tunay na pamantayan, ang buhay ni Cristo. . . . Ang mga libangang humantong sa kaalwanan at pagkalimot sa Diyos, ay hindi makasusumpong ng pagsang-ayon sa halimbawa ni Cristo, ang Manunubos ng daigdig, ang tanging ligtas na huwaran para tularan ng tao kung magtagumpay siya tulad ng pagtatagumpay ni Cristo. . . . May higit na kalamangan ang mga tao ngayon kaysa kay Adan sa kanyang pakikipaglaban kay Satanas; sapagkat mayroon siya ng karanasan ni Adan sa pagsuway at ng kanyang kinahinatnang pagkahulog para bigyan siya ng babala upang tanggihan ang kanyang halimbawa. Mayroon din ang tao ng halimbawa ni Cristo sa pagdaig sa pagkain, at sa maraming tukso ni Satanas, at sa paggapi sa malakas na kaaway sa bawat punto, at nagiging matagumpay sa bawat paligsahan.— The Review and Herald, October 13, 1874. LBD 139.4
Pinakamahirap na pagtagumpayan ang mga kinagawiang pagkain at pag-inom dahil mahigpit kayong itinatali ni Satanas sa kanyang karwahe.— Manuscript 20, 1894. LBD 139.5
Susundin ng lahat nang nagbibigay ng kanilang sarili sa paglilingkod kay Cristo ang halimbawa ni Cristo, at magiging perpektong mananagumpay.— Manuscript 176, 1898. LBD 139.6