Patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos at dumaming lubha ang bilang ng mga alagad sa Jerusalem at napakaraming pari ang sumunod sa pananampalataya, Mga Gawa 6:7, TKK 323.1
Habang ang mga alagad, na puspos ng Banal na Espiritu, ay humahayo para ipahayag ang ebanghelyo, gayundin hahayo ngayon ang mga lingkod ng Diyos. Puno ng hindi makasariling pagnanais na magbigay ng mensahe ng kaawaan doon sa mga nasa kadiliman ng kamalian at kawalang paniniwala, kailangan nating pasanin ang gawain ng Panginoon. Ibinigay Niya sa atin ang ating bahagi upang gawin na nakikipagtulungan sa Kanya, at gagawa rin Siya sa mga puso ng mga hindi nanampalataya na pasanin pasulong ang gawain sa iba pang rehiyon. Marami na ang tumatanggap ng Banal na Espiritu, at hindi na mahahadlangan ang daanan sa pamamagitan ng matamlay na pagwawalang-bahala. TKK 323.2
Bakit ang kasaysayan ng gawain ng mga alagad, habang gumagawa silang taglay ang banal na kasigasigan, na binigyang buhay at pinasigla ng Banal na Espiritu, ay naitala, kung hindi mula sa talang ito ang bayan ng Panginoon ngayon ay magkakaroon ng inspirasyong gumawa ng masigasig para sa Kanya? Ang ginawa ng Panginoon para sa Kanyang bayan nang mga panahong iyon, ay mahalaga, at higit pa, na gagawin Niya sa Kanyang bayan ngayon. Ang lahat ng ginawa ng mga apostol ay dapat gawin ng bawat miyembro ng iglesya ngayon. At dapat tayong gumawa ng may higit na lakas, na sinasamahan ng Banal na Espiritu sa mas malaking sukat kung paanong ang paglago ng kasamaan ay humihingi ng higit na disididong pagsisisi. TKK 323.3
Sa lahat ng nasisinagan ng liwanag ng kasalukuyang katotohanan ay dapat gumalaw nang may pagkaawa para sa mga nasa kadiliman. Mula sa lahat ng mananampalataya ay dapat suminag ang maliwanag, naiibang sinag. Isang gawaing kagaya ng ginawa ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang piniling mga mensahero matapos ang Pentecostes ang Kanyang hinihintay na gawin ngayon. Sa panahong ito, kung kailan malapit na ang wakas ng lahat ng mga bagay, hindi ba dapat na ang kasigasigan ng iglesya ay humigit sa naunang iglesya? Kasigasigan para sa kaluwalhatian ng Diyos ang nagtutulak sa mga alagad para magpatotoo sa katotohanang may malakas na kapangyarihan. Hindi ba dapat na nag-aapoy ang kasigasigan sa mga pusong may pagnanais na ipahayag ang istorya ng tumutubos na pag-ibig, ni Cristo at Niyang ipinako? Hindi ba higit na makapangyarihang ihahayag ngayon ang kapangyarihan ng Diyos kaysa panahon ng mga apostol?— REVIEW AND HERALD, January 13,1903 . TKK 323.4