Ngunit si Pedro, na nakatayong kasama ng labing-isa, ay nagtaas ng kanyang tinig, at nagpahayag sa kanila, “Kayong mga kalalakihan ng Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, malaman sana ninyo ito, at makinig kayo sa aking sasabihin, Ang mga ito'y hindi lasing, na gaya ng inyong inaakala, sapagkat ngayo'y ikatlong oras pa lamang, Ngunit ito ay yaong ipinahayag sa pamamagitan ni propeta Joel,” Mga Gawa 2:14-16. TKK 329.1
Ang bautismo ng Banal na Espiritu gaya ng araw ng Penteeostes ay mag-aakay sa pagkabuhay ng tunay na relihiyon at pagsasagawa ng maraming kahanga-hangang mga bagay. Darating sa kalagitnaan natin ang makalangit ng mga anghel, at magsasalita ang mga tao habang kumikilos sa kanila ang Banal na Espiritu. Ngunit kung gagawa ang Diyos sa mga tao gaya ng ginawa niya ng panahon at pagkatapos ng Penteeostes, marami na sa ngayon ay nag-aangking naniniwala sa katotohanan ang napakakaunti ng alam sa pagkilos ng Banal na Espiritu na magsasabi sila, “Mag-ingat kayo sa panatisismo.” Kanilang sasabihin doon sa mga napuno ng Espiritu, “Sila'y lasing sa bagong alak” (Mga Gawa 2:13). TKK 329.2
Hindi na magtatagal ang oras ngayon kung kailan magnanais ang mga tao ng higit na malapit na relasyon kay Cristo, isang higit na malapit na pakikipagugnayan sa Kanyang Banal na Espiritu na nagkaroon sila, o magkakaroon sila, malibang bitawan nila ang kanilang kalooban at kanilang pamamaraan, at magpasakop sa kalooban ng Diyos at pamamaraan ng Diyos. Ang malaking kasalanan ng mga nag-aangking mga Kristiyano ay hindi nila binubuksan ang kanilang mga puso para tanggapin ang Banal na Espiritu. Kung nananabik ang mga kaluluwa kay Cristo, at hinahanap ang maging kaisa Niya, tapos yaong mga kontento na sa anyo ng kabanalan ay magsabing, “Mag-ingat kayo, huwag magtungo sa labis.” Kapag dumating sa gitna natin ang mga anghel, at gumawa sa pamamagitan ng mga tao, magkakaroon ng matatag, pangkalahatang mga pagbabago, ayon sa kung paano ang mga pagbabago matapos ang araw ng Penteeostes. TKK 329.3
Ngayon mga kapatid, mag-ingat at huwag gawin o subukang gumawa ng kaguluhan. Ngunit habang tayo'y nag-iingat at hindi gumagawa ng kaguluhan, hindi tayo dapat maging kabilang sa mga nagbabangon ng katanungan at nagtataglay ng pagdududa tungkol sa gawain ng Espiritu ng Diyos; sapagkat may mga mag-aalinlangan at babatikos kapag ang banal na Espiritu ay nagmay-ari ng isang lalaki o babae, dahil ang kanilang sariling mga puso ay hindi nakilos, sa halip ay malamig at matigas.— SELECTED MESSAGES, vol. 2, p. 57. TKK 329.4