“At siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Kordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, sapagkat hindi nila inibig ang kanilang buhay maging hanggang sa kamatayan” Apocalipsis 12:11, TKK 377.1
Ating isaalang-alang ang buhay at paghihirap ng ating tanging Tagapagligtas para sa atin, at alalahanin na kung hindi tayo nagnanais na tiisin ang pagsubok, paghihirap, at tunggalian, kung hindi tayo handang maging mga kabahagi kasama ni Cristo sa Kanyang mga pagdurusa, matatagpuan tayong hindi karapatdapat sa isang luklukan sa Kanyang trono. TKK 377.2
Lahat ay ating makakamit sa pakikipagtunggali laban sa ating dakilang kaaway, at huwag tayong maglakas-loob sa ni isang pagkakataon na madaig ng kanyang mga tukso. Alam natin na hindi posible sa ating magtagumpay sa ating sariling lakas; subalit gaya ng pagpapakumbaba ni Cristo sa Kanyang sarili, at pagkuha ng ating likas para sa Kanyang sarili, nababatid Niya ang ating mga pangangailangan, at Siya mismo ay tiniis ang pinakamabigat na mga tukso na kailangang tiisin ng tao, at napanagumpayan ang kaaway sa pagtutol sa kanyang mga iminumungkahi, upang matutuhan ng tao kung paano maging mananagumpay. Dinamitan siya ng katawan na gaya ng sa atin, at sa bawat kaparaanan ay pinagdusahan kung ano ang pagdudusahan ng tao, at higit pa. Hindi tayo kailanman tatawagin upang magdusa kung paano nagdusa si Cristo; sapagkat ang mga kasalanan ng hindi isa, kundi mga kasalanan ng buong mundo ang inilagay kay Cristo. Tiniis Niya ang kahihiyan, pamimintas, paghihirap, at kamatayan, upang tayo sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang halimbawa ay maaaring manahin ang lahat ng bagay. TKK 377.3
Si Jesus ang ating halimbawa, ang sakdal at banal na halimbawang ibinigay sa atin upang sundin. Hindi natin kailanman mapapantayan ang halimbawa; subalit maaari nating gayahin at tularan ito ayon sa ating kakayahan. Kapag nahulog tayo, pawang mahina, at naghihirap bilang bunga ng ating pagkatanto sa kasamaan ng kasalanan; kapag magpapakumbaba tayo sa harapan ng Diyos, na nagpapakasakit sa ating mga sarili sa pamamagitan ng tunay na pagsisisi; kapag ating inialay ang ating taimtim na mga panalangin sa Diyos sa ngalan ni Cristo, siguradong tatanggapin tayo ng Ama, habang tayo'y taos-pusong ganap na isinusuko ang ating lahat sa Diyos. Kailangan nating mapagtanto sa kailaliman ng ating kaluluwa na ang lahat ng ating mga pagsisikap sa loob at sa ating sarili ay magiging lubos na walang kabuluhan; sapagkat sa pangalan at lakas lamang ng Mananagumpay na tayo magiging mapagtagumpay.— REVIEW AND HERALD, February 5,1895 . TKK 377.4