Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 28—Ang Pagsamba sa diyus-diyusan sa Sinai

    Ang kabanatang ito ay batay sa Exodo 32 hanggang 34.

    Samantalang si Moises ay wala yaon ang panahon ng paghihintay at pananabik ng Israel. Alam ng bayan na siya ay pumanhik sa bundok kasama ni Josue, at pumasok sa makapal na ulap na nakikita sa kapatagan sa ibaba, na nasa tuktok ng bundok, at panakanakang liniliwanagan ng mga kidlat mula sa presensya ng Dios. Naghintay sila ng may kasabikan sa kanyang pagbabalik. Ayon sa kanilang nakasanayan sa Ehipto sa pagkakaroon ng mga materyal na kuma- katawan sa Dios, naging mahirap para sa kanila ang magtiwala sa isang hindi nakikita, at nangyaring sila ay nagtiwala kay Moises bilang siyang makapagpapanatili sa kanilang pananampalataya. Ngayon siya ay kinuha mula sa kanila. Ang mga araw, at mga linggo ay lumipas, at hindi pa rin siya nagbabalik. Bagaman ang ulap ay kanila pa ring nakikita, para sa marami ay tila iniwan na sila ng kanilang lider, o siya ay pinatay na ng makakapinsalang apoy.MPMP 372.1

    Sa panahong ito ng paghihintay, ay may panahon upang sila'y magmuni-muni tungkol sa kautusan ng Dios na kanilang narinig, at upang ihanda ang kanilang mga puso upang tumanggap ng karagda- gan pang pahayag na maaaring ibigay Niya sa kanila. Wala na silang maraming panahon na para sa gawaing ito; at kung sila sana ay gano'ng naghanap ng mas malinaw na pagkaunawa ng mga utos ng Dios, at nagpakumbaba ng kanilang mga puso sa harap Niya, sila sana ay nakakubli mula sa tukso. Subalit hindi nila ito ginawa, at sila'y madaling nagwalang bahala, di nakikinig, at walang kinikila- lang batas. Lalo na yaong karamihang sumasama. Sila'y mainipin sa kanilang pagtungo sa lupang pangako—ang lupaing binubukalan ng gatas at pulot. Sa kundisyon lamang ng pagiging masunurin ipina- ngako sa kanila ang mabuting lupain, subalit nakalimutan nila ito. May ilang nagmungkahi ng pagbalik sa Ehipto, subalit tumuloy man sa Canaan o bumalik sa Ehipto, ang karamihan sa mga tao ay nag- pasya nang hindi na maghihintay pa kay Moises.MPMP 372.2

    Sa pagkadama ng kawalan ng kakayanan sa pagkawala ng kanilang lider, sila ay nagbalik sa matanda nilang mga sabi-sabi. Ang sama- samang karamihan ang nangunguna sa pagbubulong-bulungan at pagkainip, at sila ang mga nanguna sa pagtalikod na sumunod. Kabilang sa mga bagay na itinuturing ng mga Ehipcio bilang simbolo ng Dios ay ang kapong baka o guya; at iyon ay batay sa mungkahi noong mga nagsasagawa ng ganitong uri ng pagsamba sa diyus- diyusan sa Ehipto na ang isang baka ay ginawa ngayon upang sam- bahin. Nais ng mga tao ang isang larawang kakatawan sa Dios, at upang mapasa harap nila sa lugar ni Moises. Ang Dios ay hindi nagbigay ng ano mang paglalarawan tungkol sa Kanya, at ipinagba- wal niya ang paggamit ng ano mang bagay para sa layuning iyon. Ang makapangyarihang mga himala sa Ehipto at sa Dagat na Pula ay iginayak upang patatagin ang pananampalataya sa Kanya bilang Dios na hindi nakikita, makapangyarihan sa lahat na tumutulong sa Israel, ang natatanging Dios na totoo. At ang pagnanais sa nakikitang pagpapahayag ng Kanyang presensya ay tinugon sa pamamagitan ng haliging ulap at ng apoy na pumatnubay sa kanila, at sa pagpapahayag ng kanyang kaluwalhatian sa bundok ng Sinai. Subalit samantalang ang ulap ng presensya ng Dios ay nasa harap pa nila, ay itina- likod nila ang kanilang mga puso tungo sa pagsamba sa diyus-diyusan ng Ehipto, at kinatawanan ang kaluwalhatian ng di nakikitang Dios tulad sa isang kinapong baka.MPMP 372.3

    Sa pagkawala ni Moises, ang pamamahala, upang humatol ay ipi- nagkatiwala kay Aaron, at isang karamihan ang natipon sa palibot ng kanyang tolda, na may pautos na kahilingan, “Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin; sapagkat tungkol sa Moises na ito, na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Ehipto, ay hindi namin maalaman kung ano'ng nangyari sa kanya.”(Tingnan ang Apendiks, Nota 4.) Ang ulap, sabi nila, na hanggang dito ay nagpatnubay sa kanila, ngayon ay nanatili na sa bundok; hindi na iyon mangunguna sa kanilang paglalakbay. Kinakailangang magkaroon sila ng larawang inanyuan sa lugar noon; at kung, ayon sa iminungkahi, sila ay magpapasyang babalik sa Ehipto, sila ay magbibigay lugod sa mga Ehipcio sa pamamagitan ng pagdadala ng larawang inanyuang ito at pagsasabihing ito ang kanilang diyos.MPMP 373.1

    Ang gano'ng krisis ay nangangailangan ng isang lalaki ng katata- gan, kapasyahan, at di pabago-bagong lakas ng loob; isa na nangha- hawak sa karangalan ng Dios ng higit sa kagustuhan ng nakararami, pangsariling kaligtasan, o maging sa buhay mismo. Subalit ang kasalukuyang lider ng Israel ay hindi ganito. Naging mahina ang pagreklamo ni Aaron sa bayan, subalit ang kanyang pagiging paba- go-bago at pagkamahiyain sa ganoong kalagayan ang lalo lamang naging sanhi upang magmatigas. Ang kagulo ay lumala. Isang bulag, at di makatuwirang silakbo ng damdamin ang tila kumikilos sa karamihan. Mayroong ilan na nanatiling tapat sa kanilang pakikipagtipan sa Dios, subalit ang malaking bahagi ng bayan ay sumama sa pagta- likod. Ang ilan sa nangahas magsalita laban sa paggawa ng larawang inanyuan bilang pagsamba sa diyus-diyusan, ay itinampok at sinak- tan, at sa kalituhan at pagkakagulo ay nangamatay.MPMP 373.2

    Si Aaron ay nangamba para sa sarili niyang kaligtasan; at sa halip na marangal na manindigan sa ikararangal ng Dios, siya ay sumang- ayon sa hinihiling ng karamihan. Ang una niyang ginawa ay ipinaku- ha ang mga gintong hikaw mula sa buong bayan upang madala sa kanya, umaasang ang pagmamataas ay maaaring maging sanhi upang sila ay magkaloob ng ganoon. Subalit malugod nilang ipinagkaloob ang kanilang mga palamuti; at mula sa mga ito siya ay gumawa ng isang inanyuang baka, kahawig ng mga diyos ng Ehipto. Ipinahayag ng mga tao, “Ang mga ito ang maging iyong mga diyos, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.” At napakasama na ipinahintulot ni Aaron ang pag-insultong ito kay Jehova. Dinagda- gan pa niya iyon. Nang makitang may kasiyahang tinanggap ang diyos na ginto, siya ay gumawa ng isang altar sa harap noon, at nagpahayag, “Bukas ay pista sa Panginoon.” Ang pahayag ay ikinalat sa pamamagitan ng pagpapatunog sa mga pakakak sa buong kampamento. “At sila'y bumangong maaga nang kinabukasan, at naghandog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; at ang bayan ay umupong kumain at uminom, at tu- mindig upang magkatuwa.” Sa gayak ng pagsasayaw ng isang “pista sa Panginoon,” ay pinahintulutan nila ang kanilang mga sarili na kumain ng labis at magkaroon ng katuwaang walang kontrol.MPMP 374.1

    Malimit, sa ating kapanahunan, ang pag-ibig sa layaw ay dinada- mitan ng isang “anyo ng kabanalan”! Ang relihiyon na nagpapahin- tulot sa mga lalaki, na samantalang nagsasagawa ng seremonya ng pagsamba, ay naiiupo ang kanilang mga sarili sa makasarili at pang- katawang pagpapasasa ay nagugustuhan ng nakararami ngayon gaya rin noong mga panahon ng Israel. At mayroon pa rin ngayong mga sunod-sunurang Aaron, na, samantalang humahawak ng tungkulin sa iglesia, ay sumasang-ayon sa mga kagustuhan ng walang pagtatala- ga, at sa pamamagitan noon ay pinasisigla sila sa pagkakasala.MPMP 374.2

    Ilang araw pa lamang ang nakalilipas nang ang mga Hebreo ay nagkaroon ng isang solemneng pakikipagtipan sa Dios na sila ay susunod sa Kanyang tinig. Tumayo silang nanginginig sa takot sa harap ng bundok, nakikinig sa tinig ng Panginoon. “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko.” Ang kaluwalhatian ng Dios ay umaali-aligid pa rin sa itaas ng Sinai na nakikita ng kongregasyon; subalit sila'y tumalikod, at humingi ng ibang mga diyos. “Sila'y nagsigawa ng guya sa Horeb, at nagsisamba sa larawang binubo. Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka.” Awit 106:19, 20 Wala nang hihigit pang kawalan ng utang na loob ang maipakikita, o higit pang mapangahas na pang-iinsulto ang maipagkakaloob, sa Kanya na nagpahayag ng Kanyang sarili sa kanila bilang isang mabait na Ama at isang Haring makapangyarihan sa lahat!MPMP 375.1

    Si Moises sa bundok ay binabalaan tungkol sa pagtalikod sa kampo at inutusang bumalik ng walang pag-aatubili. “Yumaon ka, bumaba ka,” ang sabi ng Dios; “ang iyong bayan, na iyong isinampa mula sa lupain ng Ehipto ay nagsisama: sila'y humiwalay na madali sa daan na Aking iniutos sa kanila: sila'y gumawa ng isang guyang binubo, at kanilang sinamba.” Maaari sanang sinita ng Dios ang pangyayaring iyon sa simula pa lamang; subalit tiniis Niyang iyon ay makarating sa hangganang ito upang makapagturo Siya ng isang liksyon sa Kanyang pagpaparusa sa kataksilan at pagtalikod.MPMP 375.2

    Ang tipan ng Dios sa Kanyang bayan ay pinawalan ng saysay, at Kanyang sinabi kay Moises, “Bayaan mo nga Ako upang ang Aking pag-iinit ay mag-alab laban sa kanila, at upang Aking lipulin sila: at ikaw ay Aking gagawing dakilang bansa” Ang mga Israelita, lalong- lalo na yaong sama-samang karamihan, ay palaging mabubuyo sa paghihimagsik laban sa Dios. Sila rin ay magsasalita laban sa kanilang lider, at pahihirapan sila sa pamamagitan ng kanilang di panini- wala at katigasan ng ulo, at iyon ay magiging isang mahirap at naka- kasubok ng kaluluwang gawain na sila'y pangunahan tungo sa Lupang Pangako. Ang kanilang mga kasalanan ay nagpawalang saysay na sa kaluguran ng Dios, at ang katarungan ay tumatawag sa kanilang pagkalipol. Kung kaya't ang Panginoo'y nagmungkahing sila'y lili- pulin, at si Moises ang gawing isang dakilang bansa.MPMP 375.3

    “Bayaan mo Ako,...upang Aking lipulin sila,” ang sabi ng Panginoon. Kung ang Dios ay may panukalang lipulin ang Israel, sino ang maaaring makipag-usap para sa kanila? Ilan lamang ang hindi magpapabaya sa makasalanang kanilang kahahantungan! Ilan lamang ang malugod na hindi ipagpapalit ang kahirapang pasanin at sakripisyong binayaran ng kawalan ng utang na loob at reklamo, para sa isang posisyong marangal at hindi mahirap, kapag ang Dios ang nag-aalok ng gano'n.MPMP 376.1

    Subalit si Moises ay nakakita ng mapagbabatayan ng pag-asa kung saan iyon ay pawang galit at kawalan ng pag-asa. Ang mga salita ng Dios na, “Bayaan mo Ako,” ay naunawaan niyang hindi nagbabawal kundi nag-aanyaya ng pamamagitan, nangangahulugang walang iba kundi ang mga dalangin ni Moises ang makapagliligtas sa Israel, subalit kung idadalangin ng ganoon, ay ililigtas ng Dios ang Kanyang bayan. “At dumalangin si Moises sa Panginoon niyang Dios, at sinabi, Panginoon, bakit ang Iyong pag-iinit ay pinapag- aalab Mo laban sa Iyong bayan, na Iyong inilabas sa lupain ng Ehipto sa pama-magitan ng dakilang kapangyarihan at ng makapangyarihang kamay?”MPMP 376.2

    Ang Dios ay nagpahiwatig ng Kanyang pagtakwil sa Kanyang bayan. Ang sinabi Niya kay Moises tungkol sa kanila ay “iyong bayan, na iyong isinampa mula sa lupain ng Ehipto.” Subalit may pagpapa- kumbabang itinanggi ni Moises ang pangunguna sa Israel. Sila'y hindi kanya, kundi sa Dios—“Iyong bayan, na Iyong inilabas...sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan at ng makapangyarihang kamay.” Bakit, kanyang ipinilit, “sasalitain ng mga Ehipcio, na sasabihin, Dahil sa kasamaan, inilabas sila upang patayin sa mga bundok, at upang lipulin sila sa balat ng lupa?”MPMP 376.3

    Sa loob ng ilang mga buwan mula ng iwan ng Israel ang Ehipto, ang ulat tungkol sa kanilang kahanga-hangang pagkaligtas ay ku- malat sa lahat ng mga bansa sa palibot. Takot at kilabot na pag- aagam-agam ang napasa mga hindi sumasamba sa Dios. Ang lahat ay nagmamasid upang makita kung ano ang gagawin ng Dios ng Israel sa Kanyang bayan. Kung sila ngayon ay lilipulin, ang kanilang mga kaaway ang magtatagumpay, at ang Dios ay hindi mapararangalan. Magiging totoo ang ibinibintang ng mga Ehipcio—na sa halip na sa akayin ang Kanyang bayan sa ilang upang maghain, ay ginawa Israel; ang pagkalipol ng bayan na hayagan Niyang pinarangalan ay maghahatid ng paninisi sa Kanyang pangalan. Anong laking respon- sibilidad ang nakasalalay doon sa lubos na pinarangalan ng Dios, upang gawing kapuri-puri ang Kanyang pangalan sa lupa! Anong laking pag-iingat ang kailangan nila laban sa paggawa ng kasalanan, upang mag-anyaya ng Kanyang hatol at maging sanhi ng paninisi sa Kanyang pangalan ng mga hindi maka-Dios!MPMP 376.4

    Samantalang si Moises ay namamagitan para sa Israel, ang kanyang pagiging mahiyain ay nawala sa kalaliman ng kanyang pagpapa- halaga at pagmamahal sa kanila na siya, sa mga kamay ng Dios, ang naging kasangkapan ng gano'n na lamang. Ang Panginoon ay nakinig sa kanyang mga pakiusap, at tinugon ang kanyang di makasari- ling pananalangin. Nasubok ng Dios ang Kanyang lingkod; Kanyang nasubok ang kanyang katapatan at pagmamahal sa mga nagkasala, at walang utang na loob na bayan, at marangal na natiis ni Moises ang pagsubok. Ang kanyang pagpapahalaga para sa Israel ay di dahil sa isang makasariling layunin. Ang paglago ng bayan ng Dios ay mas mahalaga para sa kanya kaysa sa sariling karangalan, mas mahalaga kaysa sa karapatan ng pagiging ama ng isang makapangyarihang bansa. Ang Dios ay nalugod sa kanyang katapatan, kapayakan ng puso, at kalinisan ng kanyang budhi, at Kanyang ipinagkatiwala sa kanya, bilang isang tapat na pastor, ang dakilang utos na pangunahan ang Israel tungo sa Lupang Pangako.MPMP 377.1

    Samantalang si Moises at si Josue ay bumababa mula sa bundok, ang una'y dala ang mga “tapyas ng patotoo,” narinig nila ang mga sigaw at mga palahaw ng magulong karamihan, na tunay na nasa isang kalagayan ng di pinong paniniklab. Para kay Josue na isang kawal, ang una niyang naisip ay isang pagsalakay mula sa kanilang mga kaaway. “May ingay ng pagbabaka sa kampamento,” wika niya. Subalit higit na tama ang naisip ni Moises tungkol sa kagulo. Ang ingay ay hindi mula sa isang labanan, kundi sa isang magulong pag- sasaya. “Hindi ingay ng pagtatagumpay, o ingay man ng pagkatalo, kundi ingay ng mga umaawit ang aking naririnig.”MPMP 377.2

    Samantalang sila'y lumalapit sa kampamento, nakita nila ang mga taong nagsisigawan at nagsasayawan sa palibot ng kanilang diyus- diyusan. Iyon ay isang tanawin ng isang kagulo ng mga hindi ku- mikilala sa Dios, isang paggaya sa mapagsamba sa diyus-diyusan kapistahan sa Ehipto; malaki ang kaibahan sa solemne at magalang na pagsamba sa Dios! Si Moises ay nabigla. Kagagaling pa lamang niya sa harapan ng kaluwalhatian ng Dios, at bagaman siya ay binalaan tungkol sa nangyayari, ay hindi siya handa sa nakalulungkot na pagpapakita ng pagkasira ng Israel. Nag-init ang kanyang galit. At upang ipakita ang kanyang pagkamuhi sa kanilang krimen, ay inihagis niya ang mga tapyas na bato, at ang mga iyon ay nangabasag sa harap ng buong bayan, ipinapakita na kung paanong kanilang bina- sag ang kanilang pakikipagtipan sa Dios, gano'n din naman binasag ng Dios ang Kanyang tipan sa kanila.MPMP 377.3

    Sa pagpasok sa kampamento, si Moises ay dumaan sa mga karamihang nagkakagulo, at nang makuha ang diyus-diyusan, iyon ay inihagis sa apoy. At kanya iyong dinikdik, at nang maisabog iyon sa batis na dumadaloy mula sa bundok, ay ipinainom niya iyon sa bayan. Sa gano'ng paraan ay ipinakita ang kawalang kabuluhan ng diyos na kanilang sinasamba.MPMP 378.1

    Tinanong ng dakilang lider ang kanyang nagkasalang kapatid at galit na sinabi, “Anong ginawa ng bayang ito sa iyo, na dinalhan mo sila ng isang malaking sala?” Sinikap ni Aaron na pagtakpan ang kanyang sarili sa pagsasaysay ng kahilingan ng bayan; na kung siya'y hindi sasang-ayon sa kanilang kagustuhan, siya sana ay kanilang pi- natay. “Huwag mag-init ang aking panginoon,” wika niya; “Iyong kilala ang bayan, na sila'y mahilig sa kasamaan. Sapagkat kanilang sinabi sa akin, Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin sapagkat si Moises na naglabas sa amin mula sa lupain ng Ehipto ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kanya. At aking sinabi sa kanila, Sinomang may ginto, ay mag-alis; na anopa't kanilang ibinigay sa akin: at aking inihagis sa apoy at lumabas ang guyang ito.” Paniniwalain niya si Moises na isang himala ang nangyari—na ang ginto ay inihagis sa apoy, at sa pamamagitan ng higit sa pangkaraniwang kapangyarihan ay naging isang guya. Subalit ang kanyang mga pagdadahilan at mga pahayag ay walang saysay. Siya ay maka- tarungang pinakitunguhan bilang pangunahin sa paggawa ng kasalanan.MPMP 378.2

    Ang katotohanan na si Aaron ay pinagpala at pinarangalan ng higit sa bayan ang nagpalala sa kanyang kasalanan. Si Aaron “na banal ng Panginoon” (Awit 106:16), ang gumawa ng diyus-diyusan at nagpa- hayag ng kapistahan. Siya ang itinalaga upang maging tagapagsalita ni Moises, at tungkol sa kanya ang Dios mismo ay nagpatotoo, “Nala- laman kong siya'y makapagsasalitang mabuti” (Exodo 4:14), ang nag- kulang sa pagbabawal sa mapagsamba sa diyus-diyusan sa kanilang mapangahas na gawang laban sa kalangitan. Siya na ginamit ng Dios sa pagdadala ng hatol kapwa sa mga Ehipcio at sa kanilang mga diyus-diyusan, ay kumilos ng marinig ang pahayag sa harap ng inan- yuang larawan, “Ang mga ito ang maging iyong mga diyos, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.” Siya na na- kasama ni Moises sa bundok, at doon ay nakita ng kaluwalhatian ng Panginoon, na nakita sa pagpapahayag ng kaluwalhatiang yaon na walang ano mang anyo noon ang maaaring magawa—siya ang nag- palit sa kaluwalhatiang iyon upang maging tulad sa isang guya. Siya na pinagkatiwalaan ng Dios ng pamamahala sa bayan samantalang si Moises ay wala, ang nasumpungang sumasang-ayon sa kanilang pang- hihimagsik. “At ang Panginoo'y totoong nagalit kay Aaron na siya sana'y papatayin.” Deuteronomio 9:20. Subalit bilang tugon sa taim- tim na dalangin ni Moises, ang kanyang buhay ay iniligtas; at sa kanyang pagsisisi at pagpapakumbaba sa kanyang malaking kasalanan, siya ay naibalik sa pagiging kalugod-lugod sa Dios.MPMP 378.3

    Kung si Aaron sana ay nagkaroon ng lakas ng loob upang manindi- gan para sa wasto, anuman ang mangyari, maaaring napigilan niya ang pagtalikod. Kung siya ay naging hindi pahapay-hapay sa sarili niyang pagtatapat sa Dios, kung kanyang binanggit sa bayan ang mga panganib ng Sinai, at ipinaalaala sa kanila ang kanilang so- lemneng pakikipagtipan sa Dios na sila'y susunod sa Kanyang kautusan, ang kasamaan sana ay napigilan. Subalit ang kanyang pagsang- ayon sa kahilingan ng bayan at ang tahimik na paniniyak sa pagtuloy niya upang isakatuparan ang kanilang mga panukala, ang nagpata- pang sa kanila upang dumako pa sa higit pang malaking kasalanan na dati'y wala naman sa kanilang mga isipan.MPMP 381.1

    Nang si Moises, sa pagbalik niya sa kampo, ay humarap sa mga manghihimagsik, ang mabigat niyang panunumbat at ang galit na kanyang ipinakita sa pagkakabasag ng banal na mga tapyas ng kautusan ay kabaliktaran para sa mga tao sa kanyang kapatid na may magandang pagsasalita at matipunong tindig, at ang kanilang simpatiya ay napa kay Aaron. Upang gawing matuwid ang kanyang sarili, sinikap ni Aaron gawing responsable ang bayan sa kanyang kahinaan sa pagsang-ayon sa kanilang kahilingan; subalit sa kabila nito, sila ay humanga sa kanyang kahinahunan at pagiging mapagpahinuhod. Su- balit nakikita ng Dios ang hindi nakikita ng tao. Ang mapagsang- ayong espiritu ni Aaron at ang kanyang pagnanasang magbigay lu- god ay bumulag sa kanya upang di niya makita ang kalalaan ng krimen na kanyang pinahintulutan. Ang ginawa niya sa pagbibigay ng impluwensya tungo sa pagkakasala ay naging sanhi ng pagkamatay ng libu-libo. Anong laking kaibahan naman sa ginawa ni Moises, na, samantalang tapat na isinasakatuparan ang mga kahatulan ng Dios, ay nagpakitang ang kapakanan ng Israel ay higit na mahalaga sa kanya kaysa sa kayamanan o karangalan sa buhay.MPMP 381.2

    Sa lahat ng mga kasalanang parurusahan ng Dios, walang higit na malala sa kanyang paningin kaysa doon sa umaakit sa iba upang gumawa ng masama. Nais ng Dios na patunayan ng kanyang mga lingkod ang kanilang katapatan sa pamamagitan ng tapat na pagsa- way sa kasalanan, gaano man kasakit ang gagawing iyon. Yaong mga pinararangalan ng utos ng Dios ay hindi dapat maging mahina, at pabago-bagong naglilingkod sa panahon. Hindi marapat na maging layunin nila ang pagpapataas sa sarili, o ang tumanggi sa mahihirap na gawain, kundi ang magawa ang gawain ng Dios ng may di hu- mahapay na pagtatapat.MPMP 382.1

    Bagaman tinugon ng Dios ang dalangin ni Moises na huwag patayin ang mga Israelita, ang kanilang pagtalikod ay kinakailangang mapa- rusahan. Ang kanilang di pagkilala sa kautusan at pagiging masu- wayin na doon sila ay pinahintulutan ni Aaron na mahulog, kung hindi agad pupuksain, ay magiging di napipigil na kasamaan, at maaaring masangkot ang buong bayan sa di na maisasauling pagkawasak. Sa pamamagitan ng matinding kabagsikan ang masama ay kinakailangang maalis. Samantalang nakatayo sa pintuang daan ng kampo, si Moises ay nanawagan sa bayan, “Sinomang sa Panginoon ang kiling ay lumapit sa akin.” Ang mga hindi sumama sa pagtalikod ay kinakailangang tumayo sa kanang panig ni Moises; yaong mga gumawa ng kasalanan subalit nagsisisi, sa kaliwa. Ang utos ay sinunod. Nasumpungan na ang tribo ni Levi ay hindi nakibahagi sa pagsamba sa diyus-diyusan. Mula sa ibang mga tribo ay may malaking bilang na, bagaman sila ay nagkasala, ngayon ay nagpapahayag ng kanilang pagsisisi. Subalit isang malaking pulutong, karamihan ay mula sa sama-samang karamihan na nagmungkahi ng paggawa ng baka, ay nagmatigas sa kanilang panghihimagsik. Sa ngalan ng “Panginoon, ng Dios ng Israel,” inutusan ngayon ni Moises yaong nasa kanyang kanang panig, na inihiwalay ang kanilang mga sarili sa pagsamba sa diyus-diyusan, upang dalhin ang kanilang mga tabak at patayin yaong mga nananatili sa panghihimagsik. “At nabuwal sa bayan ng araw na yaon, ang may tatlong libong katao.” Hindi pinansin ang posisyon, lahi, o kaibigan, yaong mga nanguna sa paggawa ng kasamaan ay pinatay subalit lahat ng nagsipagsisi at nagpakumbaba ay iniligtas.MPMP 382.2

    Yaong mga nagsigawa ng kahatulang ito ay kumikilos ayon sa utos ng Dios, isinasakatuparan ang hatol ng Hari ng kalangitan. Ang tao ay kinakailangang maging maingat, sa kanilang kabulagan sa pag- katao, ay humahatol at kumukundena sa kanilang kapwa tao; subalit kung sila ay utusan ng Dios upang isakatuparan ang Kanyang hatol sa kasamaan, Siya ay kinakailangang masunod. Yaong mga nag- sakatuparan ng masakit na gawaing ito, ay nagpapahayag ng kanilang pagkamuhi sa panghihimagsik at pagsamba sa diyus-diyusan, at lubos na itinatalaga ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa tunay na Dios. Pinarangalan ng Panginoon ang kanilang katapatan sa pamamagitan ng natatanging pagkilala sa tribo ni Levi.MPMP 383.1

    Ang mga Israelita ay nagkasala ng kataksilan, at laban sa isang Hari na naging mapagkaloob sa kanila ng maraming mga kaloob at may kapangyarihang bukal sa loob na kanilang pinangakuang susun- din. Upang ang pamahalaan ng Dios ay mapanatili ang kahatulan ay kinakailangang maipataw sa mga taksil. Gano'n pa man maging dito ang kaawaan ng Dios ay nahahayag. Samantalang pinananatili Niya ang Kanyang kautusan, nagbigay Siya ng karapatan upang pumili at pagkakataon upang makapagsisi ang lahat. Ang pinatay lamang ay yaong mga nagmatigas sa panghihimagsik.MPMP 383.2

    Kinakailangang ang kasalanang ito ay maparusahan, bilang pato- too sa mga kalapit na mga bansa na ang Dios ay galit sa pagsamba sa mga diyus-diyusan. Sa pamamagitan ng pagpaparusa sa nagkasala, si Moises, bilang kasangkapan ng Dios, ay mag-iiwan sa kasaysayan ng isang solemne at pangmadlang pagtutol laban sa kanilang krimen. Samantalang mula ngayon ay kinakailangang sumbatan ng mga Israelita ang pagsamba sa diyus-diyusan ng mga tribong kalapit nila, sila ay susumbatan ng kanilang mga kaaway na ang bayang kumikila- la kay Jehova bilang kanilang Dios ay gumawa ng baka at sinamba iyon sa Horeb. At bagaman mapilitang tanggapin ang nakahihiyang katotohanan, ay maituturo ng Israel ang kakila-kilabot na nangyari sa mga nagkasala, bilang katunayan na ang kanilang kasalanan ay ipinahintulot o pinatawad.MPMP 383.3

    Hinihiling ng pag-ibig gano'n din ng katarungan na ang kasalanang ito ay dapat parusahan. Ang Dios ang tagapag-ingat at makapangyarihan sa Kanyang bayan. Pinapatay Niya yaong mga nagmamati- gas sa paglaban, upang di nila maakay ang iba sa kapahamakan. Sa pagpapahintulot na si Cain ay mabuhay, ay ipinakita ng Dios sa buong sansinukob kung ano ang ibinubunga ng pagpapahintulot na ang kasalanan ay di napaparusahan. Ang naging impluwensya sa kanyang angkan ng kanyang buhay at mga itinuro ay naghatid sa isang kalagayan ng kasamaan na nangangailangang ang buong sanlibutan ay magunaw sa pamamagitan ng isang baha. Ang kasaysayan ng mga tao bago bumaha ay nagpapatotoo na ang mahabang buhay ay di isang pagpapala sa makasalanan; ang dakilang kahinahunan ng Dios ay di nakapigil sa kanilang kasamaan. Kung kailan humaba ang buhay ng tao, bagkus naging higit na masama.MPMP 384.1

    Gano'n din naman ang pagtalikod sa Sinai. Kung hindi kaagad parurusahan ang kasalanan, gano'n din ang mangyayari. Ang sanlibutan ay magiging kasing sama ng sanlibutan noong panahon ni Noe. Kung ang mga nagkasalang iyon ay hinayaang mabuhay, maraming kasamaan pa ang maaaring sumunod, higit sa naging bunga ng pagpapahintulot kay Cain na mabuhay. Kaawaan iyon ng Dios na ipahintulot na ang libu-libo ay magdusa, upang maiwasan ang pag- paparusa sa angaw-angaw. Upang mailigtas ang marami, kinakailangang parusahan Niya ang kaunti. Higit pa doon, sa pag-aalis ng bayan sa kanilang pagtatapat sa Dios, ay nawalan sila ng karapatan upang maingatan ng Dios, at, sa kawalan ng kanilang kublihan, ang buong bayan ay nakalantad sa kapangyarihan ng kanilang mga kaaway. Kung ang kasamaan ay hindi kaagad inalis, sila ay madali sanang nahulog sa marami at makapangyarihan nilang mga kalaban. Iyon ay kailangan sa ikabubuti ng Israel, at upang magsilbing isang liksyon para sa lahat ng susunod na mga henerasyon, na ang krimen ay kinakailangang maparusahan kaagad. At hindi rin naman kawalan ng habag sa mga nagkasala na maputol ang kanilang kasamaan. Kung sila ay hinayaang mabuhay, ang espiritu ding iyon na umakay sa kanila upang manghimagsik laban sa Dios ang maaaring nahayag sa kanilang galit at pakikipaglabanan sa isa't-isa, at pagdakay magpata- yan sa isa't-isa. Iyon ay dahil sa pag-ibig sa sanlibutan, pag-ibig sa Israel, at maging sa mga nagkasala, na ang kasalanan ay mabilis na pinarusahan na may kahigpitan.MPMP 384.2

    Nang maipakita sa bayan ang katindihan ng kanilang kasalanan, ang takot ay nanahan sa buong kampamento. Ikinatakot na ang bawat nagkasala ay papatayin. Sa awa sa kanilang pag-aalala, si Moises ay nangakong muling makikiusap sa Dios para sa kanila.MPMP 385.1

    “Kayo'y nagkasala ng malaking kasalanan,” wika niya, “at ngayo'y sasampahin ko ang Panginoon; marahil ay aking matutubos ang inyong kasalanan.” Siya ay pumanhik, at sa kanyang pagpapahayag sa Dios ay kanyang sinabi, “Oh, ang bayang ito'y nagkasala ng malaking kasalanan—; at kung hindi, ay alisin Mo ako, isinasamo ko sa Iyo, sa Iyong aklat na sinulat Mo.” Ang tugon ay, “Ang magkasala laban sa Akin ay siya Kong aalisin sa Aking aklat. At ngayo'y yumaon ka, iyong patnubayan ang bayan sa dakong aking sinalita sa iyo: narito, ang Aking anghel ay magpapauna sa iyo: gayon ma'y sa araw na Aking dalawin sila ay Aking dadalawin ang kanilang kasalanang ipinagkasala nila.”MPMP 385.2

    Sa dalangin ni Moises ang ating mga isip ay inaakay tungo sa mga talaan sa langit kung saan ang pangalan ng lahat ng tao ay nakasulat, at ang kanilang mga gawa, maging mabuti o masama, ay tapat na isinusulat. Ang aklat ng buhay ay naglalaman ng mga pangalan ng lahat ng pumasok sa paglilingkod sa Dios. Kung ang sino man sa mga ito ay humiwalay sa Kanya, at sa pamamagitan ng pagmamati- gas sa paggawa ng kasalanan ay maging matigas na upang maim- pluwensyahan pa ng Banal na Espiritu, ang kanilang pangalan sa pag-huhukom ay aalisin mula sa aklat ng buhay, at sila ay mauukol sa kamatayan. Batid ni Moises ang kakila-kilabot na kahahantungan ng makasalanan; gano'n pa man kung ang bayang Israel ay itinatakwil ng Panginoon, nais niyang ang kanyang pangalan ay mapawi kasama ng pangalan nila; hindi niya matitiis na ang mga hatol ng Dios ay mapapasa kanila na gano'n na lamang ang pagkakaligtas sa biyaya. Ang pamamagitan ni Moises para sa Israel ay naglalarawan ng pamamagitan ni Kristo para sa makasalanang tao. Subalit hindi ipinahin- tulot ng Panginoon kay Moises ang dalahin, gaya ng ginawa ni Kristo, ang kasalanan ng nagkasala. “Ang magkasala laban sa Akin,” wika Niya, “ay siya Kong aalisin sa Aking aklat.”MPMP 385.3

    Sa malalim na kalungkutan ay inilibing ng bayan ang kanilang mga patay. Tatlong libo ang namatay sa pamamagitan ng tabak; pagdaka'y nagkaroon ng isang salot sa buong kampamento; at nga- yon ang pabalita ay dumating sa kanila na ang presensya ng Dios ay hindi na sasakanila sa kanilang mga paglalakbay. Si Jehova ay nagsabi, “hindi Ako sasampa sa gitna mo; sapagkat ikaw ay bayang may matigas na ulo; baka ikaw ay Aking lipulin sa daan.” At ang utos ay ibinigay, “Alisin mo ang iyong mga pahiyas sa iyo upang Aking maalaman kung anong gagawin sa iyo.” Ngayon ay nagkaroon ng pagtangis sa buong kampamento. Sa pagsisisi at pagpapakumbaba “ang mga anak ni Israel ay naghubad ng kanilang mga pahiyas mula sa bundok ng Horeb.”MPMP 385.4

    Sa utos ng Dios ang tolda na nagsilbing pansamantalang dako ng pagsamba ay inilipat sa “malayo sa kampamento.” Ito ay dagdag na katibayan na inalis na ng Dios ang Kanyang presensya mula sa kanila. Ipapahayag Niya ang Kanyang sarili kay Moises ngunit hindi sa isang bayang gano'n. Ang sumbat ay lubos na nadama at sa karamihan ang konsensya ay pinalo. Iyon ay tila isang babala ng isang mas matinding kalamidad. Di ba't ibinukod ng Panginoon si Moises mula sa kampamento upang sila ay lubos na mangamatay? Subalit sila ay di iniwan ng walang pag-asa. Ang tolda ay itinayo sa labas ng kampamento, subalit iyon ay tinawag ni Moises na “tabernakulo ng ka- pisanan.” Ang lahat ng totoong nagsisisi, at nagnanais manumbalik sa Panginoon, ay inuutusang pumunta doon upang ipagtapat ang kanilang kasalanan at siyasatin ang Kanyang habag. Nang sila ay bumalik sa kanilang mga tolda si Moises ay pumasok sa tabernakulo. Matamang nagmasid ang bayan para sa anomang tanda kung ang kanyang pamamagitan para sa kanila ay tinanggap. Kung ang Dios ay bababa upang makipagtagpo sa kanya, maaari silang umasa na sila ay hindi lubos na mauubos. Nang ang haliging ulap ay bumaba, at tumindig sa harap ng tabernakulo, ang bayan ay tumangis sa ka- galakan, at sila'y “tumindig at sumamba, na bawat isa'y sa tabi ng pintuan ng kanyang tolda.”MPMP 386.1

    Alam ni Moises ang kalikuan at kabulagan noong mga inilagay sa ilalim ng kanyang pangangalaga; alam niya ang mga kahirapan na kailangan niyang paglabanan. Subalit kanyang natutunan na upang manaig sa bayan, siya ay kinakailangang magkaroon ng tulong mula sa Dios. Dumaing siya para sa mas malinaw na pagpapahayag ng kalooban ng Dios at para sa isang kasiguruhan ng Kanyang presensya. “Tingnan mo, Iyong sinasabi sa akin: Isampa mo ang bayang ito: at hindi Mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin Mo na kasama ko. Gayon ma'y Iyong sinabi, Aking nakikilala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa Aking paningin. Ngayon nga, isinasamo ko sa Iyo, na kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa Iyong paningin, ay ituro Mo sa akin ngayon ang Iyong mga daan, upang Ikaw ay aking makilala, na ano pa't ako'y makasumpong ng biyaya sa Iyong paningin: at tanggapin Mo, na ang bansang ito ay Iyong bayan.”MPMP 386.2

    Ang tugon ay, “Ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking bibigyan ng kapa- hingahan.” Subalit si Moises ay hindi nasiyahan. Naroong dumidiin sa kanyang kaluluwa ang pagkadama ng kakila-kilabot na mangya- yari kung iiwan ng Dios ang Israel sa pagmamatigas at di pagsisisi. Hindi niya matitiis na ang kanyang pagmamalasakit ay kailangang mailayo mula sa kanyang mga kapatid, at siya'y dumalangin na ang kaluguran ng Dios ay maibalik sa Kanyang bayan, at ang tanda ng Kanyang presensya ay makapagpatuloy sa pangunguna sa kanilang mga paglalakbay: “Kung Ikaw ay hindi sasa akin ay huwag Mo na kaming pasampahin mula rito. Sapagkat saan ngayon makikilala na ako'y nakasumpong ng biyaya sa Iyong paningin, ako at ang Iyong bayan? Hindi ba dahil sa Ikaw ay lumalakad na kasama namin, upang kami ay maging bukod, ako at ang Iyong bayan, sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa?”MPMP 387.1

    At ang Panginoon ay nagsabi, “Akin ding gagawin ang bagay na iyong sinalita: sapagkat ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa Aking paningin, at ikaw ay Aking nakikilala sa pangalan.” Ang propeta ay hindi tumigil sa pagdaing. Ang bawat dalangin ay tinugon na, subalit siya ay may pagkauhaw sa higit pang mga tanda ng kaluguran ng Dios. Siya ngayon ay humiling ng kailanman ay hindi pa hiniling ng tao: “Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian.”MPMP 387.2

    Hindi sinumbatan ng Dios ang kahilingang ito bilang isang kapa- ngahasan; sa halip ay binigkas ang mabiyayang mga salita, “Aking papangyayarihin ang Aking buong kabutihan sa harap mo.” Ang di natatabingang kaluwalhatian ng Dios, na di maaaring masdan ninoman at manatiling buhay; subalit si Moises ay sinabihan na kanyang makiki- ta ang kaluwalhatian ng Dios, hanggang sa kanyang makakayanan. Siya ay muling inanyayahan sa tuktok ng bundok; at ang kamay na gumawa sa sanlibutan, ang kamay na “naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman” (Job 9:5), at kumuha sa linalang na ito mula sa alabok, ang makapangyarihang tao na ito ng pananampalataya, at inilagay siya at ikinubli sa isang panig ng bato, samantalang ang kaluwalhatian ng Dios at ang lahat ng Kanyang kabutihan ay du- madaan sa harap niya.MPMP 387.3

    Ang karanasang ito—higit sa lahat ng pangako na ang presensya ng Dios ay sasa kanya—para kay Moises ay isang kasiguruhan ng pagtatagumpay sa gawaing nasa harap niya; at ibinilang niya iyong higit na mahalaga sa lahat ng kaalaman ng Ehipto o sa lahat ng kanyang naabot bilang isang lingkod ng bayan o bilang isang pinuno ng militar. Walang makalupang kapangyarihan o kakayanan o kaalaman ang maipapalit sa lugar ng patuloy na presensya ng Dios.MPMP 388.1

    Para sa nagkasala isang kakila-kilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng buhay na Dios; subalit si Moises ay tumayong mag- isa sa harap ng Walang Hanggang Dios, at siya ay hindi natakot; sapagkat ang kanyang kaluluwa ay kaisa ng kalooban ng kanyang Manlalalang. Wika ng mang-aawit, “Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, hindi ako didinggin ng Panginoon.” Awit 66:18. Subalit “ang pakikipag-ibigan ng Panginoon ay nasa nangata- takot sa Kanya; at ipakikilala Niya sa kanila ang Kanyang tipan.” Awit 25:14.MPMP 388.2

    Ipinahayag ng Dios ang Kanyang sarili, “Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan; na gumagamit ng kaawaan sa libu-libo, na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pag- salangsang, at ng kasalanan: at sa anomang paraan ay hindi sariling walang-sala ang salarin.”MPMP 388.3

    “At nagmadali si Moises, at itinungo ang kanyang ulo sa lupa, at sumamba.” Sa muli ay kanyang ipinakiusap na patawarin ng Dios ang kasalanan ng Kanyang bayan, at kunin sila bilang Kanyang mana. Ang kanyang dalangin ay tinugon. Mabiyayang ipinangako ng Dios na Kanyang babaguhing muli ang Kanyang kaluguran sa Israel, at para sa kanila ay gagawa ng mga kababalaghan na kailan man ay di nagawa “sa buong lupa, o sa alin mang bansa.”MPMP 388.4

    Apat na pung araw at gabi si Moises ay nanatili sa bundok; at sa loob ng buong panahong ito, gaya noong una, siya ay makaba- balaghang nakatagal. Walang sino mang pinahintulutang sumama sa kanya, at samantalang siya ay wala ay walang pinahintulutang lumapit sa bundok. Ayon sa iniutos ng Dios siya ay naghanda ng dalawang tapyas na bato, at dinala niya iyon sa tuktok ng bundok; at muli ay “isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang Sampung Utos.”(Tingnan ang Apendiks, Nota 5.)MPMP 388.5

    Sa loob ng mahabang panahong iyon na ginugol sa pakikipag- ugnay sa Dios, ang mukha ni Moises ay nagningning sa kaluwalhatian ng presensya ng Dios; hindi niya alam na ang kanyang mukha ay naghahayag ng maningning na liwanag nang siya ay bumaba mula sa bundok. Ang ganoong liwanag ang nagningning sa mukha ni Esteban nang sa harap ng kanyang mga hukom; “at lahat ng na- ngakaupo sa Sanhedrin, na nagsititig sa kanya, ay kanilang nakita ang kanyang mukha na katulad ng mukha ng isang anghel.” Gawa 6:15. Si Aaron gano'n din ang bayan ay lumayo kay Moises, at “sila'y natakot na lumapit sa kanya.” Nang makita ang kanilang pagkalito at takot, subalit hindi alam kung ano ang dahilan, ay pinilit niya silang lumapit. Inihayag niya sa kanila ang pangako ng pakikipagkasundo ng Dios, at tiniyak sa kanila ang Kanyang nanumbalik na kaluguran. Nabanaag nila sa kanyang tinig ang walang iba kundi pag-ibig at pagsusumamo, at sa huli ay may isang nangahas na lumapit sa kanya. Sa labis na pagkamangha upang makapagsalita, ay matahimik niyang itinuro ang mukha ni Moises, at pagkatapos noon ay tumuro sa langit. Naunawaan ng dakilang pinuno ang ibig niyang sabihin. Sa pagkabatid nila sa kanilang kasalanan, nakadarama na sila na nasa ilalim pa ng galit ng Dios, ay hindi nila matiis ang makalangit na liwanag, na, kung sila ay naging masunurin sa Dios, sila sana ay nagalak. Mayroong takot sa kasalanan. Ang kaluluwang malayo sa kasalanan ay di mag-iisip na tumago mula sa makalangit na liwanag.MPMP 389.1

    Si Moises ay maraming ipahahayag sa kanila; at sa awa sa kanilang takot, siya ay naglagay ng tabing sa kanyang mukha, at ginawa ang ganoon sa tuwing siya ay bumabalik sa kampamento mula sa pakiki- pag-ugnay sa Dios.MPMP 389.2

    Sa pamamagitan ng liwanag na ito ay nais ng Dios madama ng Israel ang kabanalan, at kataasan ng likas ng Kanyang kautusan, at kaluwalhatian ng ebanghelyo na inihayag sa pamamagitan ni Kristo. Samantalang si Moises ay nasa bundok, iniharap sa kanya ng Dios, hindi lamang ang mga tapyas ng kautusan, kundi pati ang panukala ng kaligtasan. Nakita niya na ang sakripisyo ni Kristo ay inilalarawan ng lahat ng mga halimbawa at simbolo sa kapanahunan ng mga Hudyo; at ang makalangit na liwanag na dumadaloy mula sa kal- baryo, ganoon din ng kaluwalhatian ng kautusan ng Dios, ang nag- paningning ng ganoong liwanag sa mukha ni Moises. Ang makalangit na ningning na iyon ay kumakatawan sa kaluwalhatian ng dis- pensasyon na si Moises ang nakikitang tagapamagitan, kinatawan ng isang tunay na Tagapamagitan.MPMP 389.3

    Ang kaluwalhatiang nagningning sa mukha ni Moises ay nagla- larawan sa pagpapalang tatanggapin ng bayan ng Dios na sumusu- nod sa Kanyang mga utos sa pamamagitan ni Kristo. Iyon ay nagpa- patotoo na habang lumalapit ang ating pakikipag-ugnay sa Dios, at habang nagiging higit na malinaw ang ating kaalaman tungkol sa Kanyang mga utos, ay lalong ganap na magiging kawangis tayo ng Dios, at higit tayong nagiging handa upang makibahagi sa likas Niya.MPMP 390.1

    Si Moises ay isang paglalarawan ni Kristo. Kung paanong ang tagapamagitan ng Israel ay nagtakip ng kanyang mukha, sapagkat ang bayan ay di makatingin sa kaluwalhatian noon, ganoon din naman si Kristo, ang Dios na Tagapamagitan, na tinakpan ang Kanyang pagka Dios ng pagkatao nang Siya ay naparito sa lupa. Kung Siya ay naparitong nararamtan ng ningning ng langit, ay maaaring hindi Niya nakaugnay ang tao sa kanilang kalagayang makasalanan. Maaaring hindi nila natagalan ang kaluwalhatian ng Kanyang presensya. Kung kaya't Siya ay nagpakababa, at “nag-anyo lamang salarin” (Roma 8:3), upang Kanyang maabot ang nahulog na lahi, at sila'y maitaas.MPMP 390.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents