Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 29—Ang Galit ni Satanas Laban sa Kautusan

    Ang kauna-unahang paglaban ni Satanas upang sirain ang kautusan ng Dios—isinagawa sa ga walang kasalanang naninirahan sa langit—sa isang panahon ay tila naging matagumpay. Ang malaking bilang ng mga anghel ay naakit; subalit ang tila pagtatagumpay ni Satanas ay nagbunga ng pagkatalo at kawalaan, pagkawalay mula sa Dios, at pagpapaalis mula sa langit.MPMP 391.1

    Nang ang labanan ay ipinagpatuloy sa lupa, si Satanas ay tila muling nananalo. Sa pamamagitan ng pagsalangsang, ang tao ay naging bihag niya, at ang kaharian ng tao ay napasa kamay ng punong rebelde. Ngayon ang daan ay tila nabuksan upang si Satanas ay magtatag ng isang nagsasariling kaharian, at upang hamakin ang pamamahala ng Dios at ng Kanyang anak. Subalit ang panukala ng kaligtasan ay nagpahintulot upang ang tao ay muling makasang-ayon ng Dios, at makasunod sa Kanyang kautusan, at upang kapwa ang tao at ang lupa sa wakas ay matubos mula sa kapangyarihan ng kasamaan.MPMP 391.2

    Si Satanas ay muling nadaig, at muli siya ay gumamit ng pan- lilinlang, sa pag-asang ang kanyang pagkatalo ay mapagtatakpan ng pagtatagumpay. Upang pumukaw ng panghihimagsik sa nagkasalang lahi, kanya ngayong inihayag ang Dios bilang isang di makatarungan sa pagpapahintulot sa tao ng masuway ang Kanyang kautusan. “Bakit,” wika ng mahusay na manunukso, “kung alam ng Dios ang ibubunga, ay pinahintulutan pa Niya ang taong malagay sa pagsubok, upang magkasala, at maghatid ng kahirapan at kamatayan?” At ang mga anak ni Adan, makalimutin sa mapagtiis na kaawaang nagbigay sa tao ng isa pang pagsubok, sa kabila ng kamangha-mangha, kakila- kilabot na sakripisyo ang halaga nito para sa Hari ng kalangitan, ay nakinig sa manunukso, at umungol laban sa tanging Kinapal na maka- pagliligtas sa kanila mula sa mapanirang kapangyarihan ni Satanas.MPMP 391.3

    Libu-libo ngayon ang umuungol din ng ganoong mapanghimag- sik na pagreklamo laban sa Dios. Hindi nila nakikita na ang magkait sa tao ng kalayaan upang pumili ay nangangahulugan ng pagkawala ng kanyang karapatan bilang isang matalinong nilalang at iniiwan siya bilang isang tau-tauhan. Hindi panukala ng Dios ang sumuhol ng kalooban. Ang tao ay nilalang na malaya at mabait. Tulad sa lahat ng mga naninirahan sa ibang daigdig, siya ay kinakailangang dumaan sa pagsubok ng pagiging masunurin; subalit di siya kailan man inila- gay sa isang kalagayang ang pagsang-ayon sa kasamaan ay kinakai- langan. Walang tukso o pagsubok man ang pinahihintulutang sumapit sa kanya na walang kakayanan upang tumanggi. Ang Dios ay nagka- loob ng sapat na kailangan upang ang tao ay huwag madaig sa paki- kipaglaban kay Satanas.MPMP 391.4

    Samantalang ang mga tao ay dumadami sa balat ng lupa, halos ang buong sanlibutan ay sumanib sa panghihimagsik. Minsan pang muli si Satanas ay mukhang nagtagumpay. Subalit pinaikli ng kapangyarihan ng Dios ang paggawa ng kasamaan, at ang sanlibutan ay nilinis sa pamamagitan ng Baha.MPMP 392.1

    Wika ng propeta, “pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanlibutan. Mag- pakita ka man ng awa sa masama, hindi rin siya matututo ng katuwiran,...at hindi niya mapapansin ang kamahalan ng Panginoon.” Isaias 26:9, 10. Gano'n din naman makalipas ang Baha. Hiwalay sa Kanyang mga kahatulan, ang mga naninirahan sa lupa ay muling nanghimagsik laban sa Panginoon. Dalawang beses ang tipan ng Dios at ang Kanyang kautusan ay tinanggihan ng sanlibutan. Kapwa ang mga tao bago bumaha, at ang mga naging mga anak ni Noe ay tumalikod sa awtoridad ng Dios. At ang Dios ay nakipagtipan kay Abraham, at kumuha ng isang bayan para sa Kanya upang maging tagapag-ingat ng Kanyang Kautusan. Upang akitin at puksain ang bayang ito, si Satanas ay kaagad naglagay ng kanyang mga bitag. Ang mga anak ni Jacob ay tinukso upang makipag-asawahan sa mga di kumikilala sa Dios at sumamba sa kanilang mga diyus-diyusan. Subalit si Jose ay tapat sa Dios, ang kanyang pagtatapat ay isang di nagbabagong patotoo para sa tunay na pananampalataya. Upang supi- lin ang liwanag na ito kinilos ni Satanas ang inggit ng mga kapatid ni Jose upang siya ay maipagbili bilang isang alipin sa isang lupaing di kumikilala sa Dios. Ginamit ng Dios ang mga pangyayari, gano'n pa man, upang ang kaalaman tungkol sa Kanya ay maparating sa mga Ehipcio. Sa bahay ni Potipar at sa bilangguan si Jose ay nagkaroon ng edukasyon at pagsasanay na, kalakip ng pagkatakot sa Dios, ay naghanda sa kanya para sa kanyang mataas na katungkulan bilang punong ministro ng bansa. Mula sa palasyo ng mga Faraon ng kanyang impluwensya ay nadama sa buong lupain, at ang pagkakilala sa Dios ay kumalat sa lahat ng dako. Ang mga Israelita rin sa Ehipto ay naging maunlad at mayaman, at sa pagiging tapat sa Dios ay nagkaroon ng malawak na impluwensya. Ang mga saserdote ng mga mapag- samba sa diyus-diyusan ay nangamba nang makita nilang ang ba- gong relihiyon ay kinaluluguran. Pinasigla ni Satanas ng sarili niyang galit sa Dios ng langit, ay iginayak nila ang kanilang mga sarili upang patayin ang liwanag. Sa mga saserdote nakatagubilin ang edukasyon ng magiging tagapagmana ng trono, at ang espiritung ito ng paglaban sa Dios at pagtatalaga sa pagsamba sa diyus-diyusan ang hu- mubog sa pagkatao ng hari sa hinaharap, at umakay tungo sa kalupi- tan at pang-aapi sa mga Hebreo.MPMP 392.2

    Sa loob ng apat na pung taong pag-alis ni Moises mula sa Ehipto, ang pagsamba sa diyus-diyusan ay tila nagtagumpay. Taon-taon ang pag-asa ng Israel ay nanghina ng nanghina. Kapwa ang hari at ang bayan ay nagalak sa kanilang kapangyarihan, at kinutya ang Dios ng Israel. Ito ay tumindi hanggang sa ito'y nagwakas sa Faraon na naka- harap ni Moises. Nang ang pinuno ng mga Hebreo ay humarap sa hari na may isang mensahe mula kay “Jehova, Dios ng Israel,” iyon ay di dahil sa kawalan ng kaalaman tungkol sa Dios, kundi isang paghamon sa Kanyang kapangyarihan, na nag-udyok upang tumugon ng, “Sino ang Panginoon na aking pakikinggan ang Kanyang tinig?... Hindi ko nakikilala ang Panginoon.” Mula sa simula hanggang sa huli, ang pagsalungat ni Faraon sa utos ng Dios ay di dahil sa kakulangan ng kaalaman kundi dahil sa galit at paghamon.MPMP 393.1

    Bagaman ang mga Ehipcio ay matagal nang tumangging kumilala sa Dios, ang Panginoon ay nagbigay pa rin sa kanila ng pagkakataon upang magsisi. Noong mga panahon ni Jose, ang Ehipto ay nagsil- bing ampunan para sa Israel; ang Dios ay naparangalan sa kabuti- hang ipinakita sa Kanyang bayan; at ngayon ang Dios na matiisin, hindi madaling magalit, at puspos ng kahabagan, ay nagbigay sa bawat hatol ng pagkakataon upang ganapin ang Kanyang gawain; ang mga Ehipcio, sinumpa sa pamamagitan ng mga bagay na kanilang sinasamba, ay nagkaroon ng katibayan tungkol sa kapangyarihan ni Jehova, at lahat ng magnanais, ay maaaring sumuko sa Dios at ma- ligtas mula sa Kanyang mga hatol. Ang kahangalan at katigasan ng hari ay humantong sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa Dios, at pag-akay sa maraming mga Ehipcio upang ibigay ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa Kanya.MPMP 393.2

    Ang mga Israelita ay may hilig umugnay sa mga di kumikilala sa Dios at gumaya sa kanilang pagsamba sa diyus-diyusan kung kaya ipinahintulot ng Dios na sila ay mapunta sa Ehipto, kung saan ang impluwensya ni Jose ay naging laganap, at kung saan ang mga pangyayari ay gano'n na lamang upang sila ay manatiling isang natatanging bayan. Dito rin ang malawakang pagsamba ng Ehipcio sa mga diyus- diyusan at ang kanilang kalupitan at pang-aapi sa huling bahagi ng paninirahan ng mga Hebreo ay maaaring nakapagpasigla sa kanilang pagkamuhi sa pagsamba sa diyus-diyusan, at maaaring umakay sa kanila upang tumakas upang kumanlong sa Dios ng kanilang mga ama. Maging ang kaloob na ito ng Dios ay ginamit ni Satanas para sa kanyang layunin, pinagdilim ang kaisipan ng mga Israelita at inakay sila upang gayahin ang ginagawa ng mga panginoon nilang hindi kumikilala sa Dios. Dahil sa mapamahiing pagsamba sa mga hayop na ginagawa ng mga Ehipcio, ang mga Hebreo ay di pinahintulutan, sa panahon ng kanilang pagkaalipin, na maghain ng mga handog. Kaya't ang kanilang kaisipan ay di napatuon sa dakilang Hain, at ang kanilang pananampalataya ay nanglupaypay. Nang ang panahon ay dumating upang ang Israel ay iligtas, iginayak ni Satanas ang kanyang sarili upang labanan ang layunin ng Dios. Ipinasya niyang ang dakilang bayan, na nasa mahigit dalawang milyon ay manatili sa kawalan ng kaalaman at mga pamahiin. Ang bayang pinangakuan ng Dios na pagpapalain at pararamihin, upang gawing makapangyarihan sa lupa, at sa pamamagitan nila ay ipapahayag Niya ang kaalaman tungkol sa Kanyang kalooban—ang bayang gagawin Niyang Tagapag-ingat ng Kanyang kautusan—ang mismong bayang ito ay sinisikap ni Satanas na manatili sa kadiliman at pagkaalipin, upang mapawi niya mula sa kanilang kaisipan ang pag-alala sa Dios.MPMP 394.1

    Nang ang mga kababalaghan ay isinagawa sa harap ng hari, si Satanas ay naroon upang kontrahin ang kanilang impluwensya at iiwas si Faraon mula sa pagkilala sa kataasan ng Dios at mula sa pagsunod sa Kanyang iniuutos. Ginawa ni Satanas ang lahat ng kanyang makakayanan upang gayahin ang gawa ng Dios at labanan ang Kanyang kalooban. Ang naging tanging bunga ay ihanda ang daan para sa higit pang matinding pagpapahayag ng kapangyarihan at kaluwalhatian ng Dios, at gawing higit na makatotohanan, kapwa sa mga Israelita at sa mga Ehipcio ang pagkakaroon at pagkamataas ng tunay at buhay na Dios.MPMP 394.2

    Iniligtas ng Dios ang Israel sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Kanyang kapangyarihan, at may mga hatol sa lahat ng mga diyos ng Ehipto. “Kanyang inilabas ang Kanyang bayan na may kagalakan, at ang Kanyang hirang na may awitan. Upang kanilang maingatan ang Kanyang mga palatuntunan, at sundin ang Kanyang mga kautusan.” Awit 105:43-45. Iniligtas Niya sila mula sa lugar ng pagkaalipin, upang Kanya silang madala tungo sa isang mabuting lupain—isang lupain na sa Kanyang kalooban ay inihanda para sa kanila bilang isang kublihan mula sa kanilang mga kaaway, kung saan sila ay maaaring manirahan sa silong ng Kanyang mga pakpak. Kanyang dadalhin sila sa Kanyang sarili, at palilibutan sila ng Kanyang walang hanggang mga bisig; at bilang ganti sa lahat ng Kanyang kabutihan at kahabagan sa kanila sila ay inutusang huwag magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Niya, ang buhay na Dios, at itaas ang Kanyang pangalan at gawin iyong kapuri-puri sa lupa.MPMP 395.1

    Sa panahon ng pagkaalipin sa Ehipto marami sa mga Israelita ang, sa isang banda, ay nakalimot sa kautusan ng Dios, at inihalo ang mga iniuutos noon sa mga gawi at kinaugalian ng mga hindi kumikilala sa Dios. Sila ay dinala ng Dios sa Sinai, at doon sa pamamagitan ng sarili Niyang tinig ay inihayag ang Kanyang kautusan.MPMP 395.2

    Si Satanas at ang masasamang mga anghel ay naroon din upang tuksuhin silang gumawa ng kasalanan. Itong bayang ito na pinili ng Dios, ay kanyang papawiin, sa harap mismo ng Kalangitan. Sa pamamagitan ng pag-akay sa kanila upang sumamba sa diyus-diyusan, kanyang sisirain ang kabuluhan ng pagsamba; sapagkat paano maitataas ang taong sumasamba sa hindi higit sa kanya at maaari lamang ilarawan ng sarili niyang gawa? Kung ang tao lamang ay magiging gano'n kabulag sa kapangyarihan, kamahalan, at kaluwalhatian ng walang hanggang Dios na Siya'y ilarawan ng isang larawang inanyuan, o sa pamamagitan ng isang hayop o reptilya; kung kanilang makakalimutan ang sarili nilang relasyon sa Dios, na nilalang sa wangis ng Manlalalang at yumuko sa mga mapanghimagsik at walang pakiramdam na mga bagay—kung magkagano'n ay bukas na ang daan upang ang masama ay pahintulutan; ang masamang nasa ng puso ay di mapipigilan, at si Satanas ay magkakaroon ng ganap na pangangasiwa.MPMP 395.3

    Sa mismong paanan ng Sinai, ay sinimulan ni Satanas ang kanyang mga panukala sa pagwawalang bisa sa kautusan ng Dios, sa gano'n ay maipagpapatuloy ang dati ring gawain na kanyang sinimulan sa langit. Sa loob ng apat na pung araw na si Moises ay kasama ng Dios sa bundok, si Satanas ay abala sa pagpukaw ng pag-aalinlangan, pagtalikod, at panghihimagsik. Samantalang isinusulat ng Dios ang Kanyang kautusan, upang ipagkatiwala sa bayan ng Kanyang tipan, ang mga Israelita, sa pagtakwil sa kanilang pagiging tapat kay Jehova, ay humihingi ng mga diyos na ginto! Nang si Moises ay dumating mula sa kagila-gilalas na kaluwalhatian, dala ang mga alituntunin ng kau- tusang ipinangako nilang susundin, nakita niya sila, na hayagang lumalabag sa mga utos noon, nakayukong pumupuri sa harap ng isang larawang yari sa ginto.MPMP 396.1

    Sa pamamagitan ng pag-akay sa Israel tungo sa mapangahas na pang-iinsultong ito kay Jehova, panukala ni Satanas ang sila ay mapa- hamak. Dahil pinatunayan nilang gano'n na lamang kababa ang kanilang mga sarili, waglit nang lubos sa pagkadama ng mga karapatan at pagpapalang inialok sa kanila ng Dios, at sa sarili nilang solemne at inulit na pangako ng pagtatapat, ang Panginoon, sa kanyang panini- wala, ay ihihiwalay sila mula sa Kanya at ilalaan sila sa kapahamakan. Sa gano'ng paraan ay matitiyak ang pagkawala ng lahi ni Abraham, ang binhing iyon ng pangako na mag-iingat sa kaalaman tungkol sa buhay na Dios, at sa pamamagitan noon Siya ay darating—ang tunay na Binhi, na siyang lulupig kay Satanas. Ang dakilang rebelde ay nagpanukalang puksain ang Israel, at sa gano'ng paraan ay sirain ang mga panukala ng Dios. Subalit muli siyang nadaig. Bagaman gano'n na lamang sila kamakasalanan, ang bayang Israel ay hindi pinatay. Samantalang yaong mga nagmatigas sa panig ni Satanas ay pinatay, ang bayan, na nagpakumbaba at nagsisi, ay may kahabagang pinata- wad. Ang kasaysayan ng kasalanang ito ay magsisilbing nagpapatuloy sa patotoo sa kasalanan at kaparusahan ng pagsamba sa diyus-diyusan, at ang katarungan at mapagtiis na kahabagan ng Dios.MPMP 396.2

    Ang buong sansinukob ay naging saksi sa mga pangyayari sa Sinai. Sa pagkilos ng dalawang pamahalaan ay nakita ng pagkakaiba ng pamamahala ng Dios at ni Satanas. Muling nakita ng di nagkasalang naninirahan sa ibang mga daigdig ang mga bunga ng pagtalikod ni Satanas, at ang uri ng pamahalaan na kanya sanang itinatag sa langit kung siya ay pinahintulutang manaig.MPMP 396.3

    Sa pamamagitan ng pag-akay sa tao upang labagin ang ikalawang utos, layunin ni Satanas na pababain ang kanilang pagkakilala sa Dios. Sa pamamagitan ng pagsasaisang tabi sa ikaapat, gagawin nilang makalimutan na nilang lubos ang Dios. Ang karapatan ng Dios sa paggalang at pagsamba, na higit sa mga diyus-diyusan, ay batay sa katotohanan na Siya ang Manlalalang, at utang sa Kanya ng lahat ng nilalang ang kanilang buhay. Kaya't gano'n ang inihahayag sa Banal na Kasulatan. Wika ng propetang Jeremias: “Ang Panginoon ay tunay na Dios; Siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari.... Ang mga diyos na hindi gumawa ng langit at ng lupa, ang mga ito ang mangalilipol sa lupa, at sa silong ng langit. Kanyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan, Kanyang itinatag ang sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang karunungan, at Kanyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng Kanyang pagkaunawa.” “Bawat tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawat panday ay nalagay sa kahihiyan sa kanyang larawang inanyuan; sapagkat ang kanyang larawang binubo ay kabulaanan, at hindi humihinga ang mga yaon. Sila'y walang kabuluhan, gawang kamalian: sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon sila ay mangalilipol. Ang bahagi ni Jacob ay hindi gaya ng mga ito; sapagkat Siya ang may kapal sa lahat ng mga bagay.” Jeremias 10:10-12, 14-16. Ang Sabbath, bilang pang- alaala ng kapangyarihan ng Dios bilang Manlalalang, ay nagtuturo sa Kanya bilang lumikha ng langit at ng lupa. Kaya't iyon ay nagpapa- tuloy na patotoo sa Kanya at nagpapaalaala ng Kanyang kadakilaan, Kanyang karunungan, at Kanyang pag-ibig. Kung ang Sabbath lamang ang patuloy na iningatan ng may kabanalan, ay hindi sana kailan man nagkaroon ng isang ateista o sumasamba sa mga diyus- diyusan.MPMP 397.1

    Ang Sabbath, na nagsimula sa Eden, ay kasing tanda ng sanlibutan. Iyon ay ipinangilin ng lahat ng mga patriarka, mula sa paglalang. Sa panahon ng pagkaalipin sa Ehipto, ang mga Israelita ay sapilitang pinalabag sa Sabbath ng kanilang mga taga-atang, at malaking kaalaman tungkol sa kabanalan noon ang sa kanila ay nawala. Nang ang kautusan ay inihayag sa Sinai ang kauna-unahang mga salita ng ikaapat na utos ay, “Alalahanin mo ang araw ng Sabbath upang ipangi- lin”—ipinapakita na ang Sabbath ay hindi lamang noon itinatag; tayo ay itinuturo sa pinagmulan noon sa paglalang. Upang mapawi ang Dios mula sa kaisipan ng mga tao, ginawang layunin ni Satanas ang ibagsak ang dakilang pang-alaalang ito. Kung ang mga tao ay maakay upang makalimutan ang kanilang Manlalalang, hindi na sila gagawa ng paraan upang labanan ang kapangyarihan ng kasamaan at si Satanas ay makatitiyak sa kanyang bihag.MPMP 397.2

    Ang galit ni Satanas sa kautusan ng Dios ang pumilit sa kanya upang makipagdigma laban sa bawat alituntunin ng Sampung Utos. Ang dakilang prinsipyo ng pag-ibig at katapatan sa Dios, ang Ama ng lahat, ang prinsipyo ng pag-ibig ng anak sa magulang at ng pagiging masunurin ay may malapit na kaugnayan. Ang paghamak sa awtoridad ng magulang ay madaling humahantong sa paghamak sa awtoridad ng Dios. Kaya't narito ang pagsisikap ni Satanas na ba- wasan ang obligasyon na nakasaad sa ikalimang utos. Sa mga hindi kumikilala sa Dios ang prinsipyong nakasaad sa alituntuning ito hindi masyadong pinahahalagahan. Sa maraming mga bansa ang mga magulang ay iniiwan o pinapatay kung mangyayaring dahil sa katandaan ay di na sila makatutustos sa sarili. Sa tahanan ang ina ay hindi masyadong iginagalang, at sa sandaling ang kanyang asawa ay mamatay siya ay inuutusang mapailalim sa awtoridad ng kanyang panganay na anak na lalaki. Ang pagiging masunurin sa magulang ay ipinag-utos ni Moises; subalit samantalang ang mga Israelita ay na- papalayo sa Panginoon, ang ikalimang utos, pati ang iba, ay nangya- ring binaliwala.MPMP 398.1

    Si Satanas ay “isang mamamatay-tao buhat pa nang una” (Juan 8:44); at nang siya ay magkaroon ng kapangyarihan sa sangkatauhan, hindi lamang niya inudyukan silang magalit at magpatayan sa isa't isa, kundi, upang higit pang hayag na lapastanganin ang pamahalaan ng Dios, ginawa niyang ang paglabag sa ikaanim na utos ay maging bahagi ng kanilang relihiyon.MPMP 398.2

    Sa pamamagitan ng mga maling kaisipan tungkol sa likas ng Dios, ang mga bansang di kumikilala sa Dios ay pinaniwala na ang mga taong sakripisyo ay kailangan upang malugod ang kanilang mga diyos; at ang pinakakilabot na kalupitan ay isinagawa sa ilalim ng iba't ibang anyo ng pagsamba sa diyus-diyusan. Kabilang dito ang pagpa- padaan ng mga anak sa apoy sa harap ng kanilang mga diyus-diyusan. Kung ang isa sa kanila ay makadaan sa pagsubok na ito na hindi nasaktan, ang mga tao ay naniniwala na ang kanilang mga handog ay tinanggap; ang isa na nakaligtas ng gano'n ay itinuturing na bukod tanging kinaluluguran ng mga diyos, binibigyan ng maraming mga kaloob, at pagkatapos noon ay binibigyan ng mataas na pagtingin; at gaano man kalala ang kanyang mga kasalanan, siya ay hindi pinaru- rusahan. Subalit kung ang sino man ay masunog sa pagdaan sa apoy, ang kanyang kapalaran ay natatakan na; pinaniniwalaang ang galit ng mga diyos ay mapapawi lamang sa pamamagitan ng pagkuha ng buhay ng biktima, at dahil doon siya ay iniaalay bilang isang handog. Sa mga panahon ng dakilang pagtalikod ang mga kasamaang ito ay nangyari, sa isang banda, maging sa mga Israelita.MPMP 398.3

    Ang paglabag sa ikapitong utos ay isinagawa rin sa ngalan ng relihiyon. Ang pinakamalaswa at kasuklam-suklam na gawain ay isinagawa bilang bahagi ng pagsamba ng mga di kumikilala sa Dios. Ang mga diyos mismo ay inihahayag na hindi dalisay, at ang mga sumasamba sa kanila ay nagbibigay laya sa pagnanasa ng laman. Ang mga di kaaya-ayang gawain ay isinagawa at ang mga kapistahan ay nagkaroon ng pangmaramihan at hayag na imoralidad.MPMP 399.1

    Ang pagkakaroon ng maraming asawa ay isinagawa na noon pa man. Isa iyon sa mga kasalanan na naghatid ng galit ng Dios sa sanlibutan bago bumaha. Gano'n pa man pagkatapos ng Baha iyon ay muling naging laganap. Sinisikap ni Satanas ng lubos na pag- sisikap na sirain ang pag-aasawa, upang pahinain ang mga obligasyong kaugnay noon at bawasan ang kabanalan noon; sapagkat wala nang hihigit pang tiyak na paraan na kanyang maaalis ang wangis ng Dios sa tao at magbukas ng daan tungo sa kahirapan at kasamaan.MPMP 399.2

    Mula sa pagbubukas ng malaking tunggalian naging layunin ni Satanas na ihayag sa maling paraan ang likas ng Dios at lumikha ng panghihimagsik laban sa Kanyang kautusan, at ang gawaing ito ay tila nagiging matagumpay. Ang karamihan ay nakikinig sa mga pan- lilinlang ni Satanas at iginagayak ang kanilang mga sarili laban sa Dios. Subalit sa kalagitnaan ng pagkilos ng kasamaan, ang mga layunin ng Dios ay nagpatuloy na sumulong tungo sa katuparan; sa lahat ng mga nilikhang may kaisipan ay inihahayag Niya ang Kanyang katarungan at kabutihan. Sa pamamagitan ng mga panunukso ni Satanas ang buong sangkatauhan ay naging tnananalangsang ng kautusan ng Dios, subalit sa pamamagitan ng sakripisyo ng Kanyang Anak, ang isang daan ay nabuksan upang sila ay makabalik sa Dios. Sa pamamagitan ng biyaya ni Kristo sila ay maaaring maging masu- nurin sa kautusan ng Ama. Kaya't sa bawat kapanahunan, mula sa kalagitnaan ng pagtalikod at panghihimagsik, ang Dios ay naglalabas ng isang bayang tapat sa Kanya—isang bayan “na ang puso ay kinaro- roonan ng Kanyang kautusan.” Isaias 51:7.MPMP 399.3

    Sa pamamagitan ng panlilinlang inakit ni Satanas ang mga anghel; at gano'n sa lahat ng mga panahon isinakatuparan niya ang kanyang gawain sa mga tao, at kanyang ipagpapatuloy ang patakaran niyang ito hanggang sa wakas. Kung hayagan niyang sasabihin na siya'y lumalaban sa Dios at sa Kanyang kautusan, ang mga tao ay mag- iingat; subalit siya ay nagbabalat kayo, at inihahalo ang katotohanan sa kamalian. Ang pinakamapanganib na mga kasinungalingan ay iyong kasama ng katotohanan. Sa gano'ng paraan ang mga kamalian ay tinatanggap at bumibihag at nagpapahamak sa kaluluwa. Sa ganitong paraan isinasama ni Satanas ang sanlibutan sa kanya. Subalit ang araw ay dumarating kung kailan ang kanyang pagtatagumpay ay wawakasan hanggang sa walang hanggan.MPMP 400.1

    Ang pakikitungo ng Dios sa panghihimagsik ay hahantong sa ganap na pagpapahayag ng gawain na matagal nang isinasagawang nakukublihan. Ang mga resulta ng paghahari ni Satanas, ang mga bunga ng pagsasaisang tabi sa mga utos ng Dios, ay mabubuksan upang makita ng lahat ng nilalang na may katalinuhan. Ang kautusan ng Dios ay titindig na ganap na napatotohanan. Makikita na ang lahat ng pakikitungo ng Dios ay isinakatuparan kaugnay ng walang hanggang ikabubuti ng Kanyang bayan, at ang kabutihan ng lahat ng mga daigdig na Kanyang nilikha. Si Satanas, sa harap ng sumasaksing sansinukob, ay magpapahayag ng katarungan ng pamamahala ng Dios at ng kabutihan ng Kanyang kautusan.MPMP 400.2

    Di na magtatagal ang Dios ay babangon upang patotohanan ang Kanyang awtoridad na kinukutya. “Ang Panginoon ay lumalabas mula sa Kanyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan.” Isaias 26:21. “Ngunit sino ang makata- tahan sa araw ng Kanyang pagparito?” Malakias 3:2. Ang bayang Israel, dahil sa kanilang pagkamakasalanan, ay di pinahintulutang lumapit sa bundok nang Siya ay malapit nang bumaba doon upang ihayag ang Kanyang kautusan, baka sila mamatay sa pamamagitan ng nag-aapoy na kaluwalhatian ng Kanyang pakikiharap. Kung ang gano'ng mga pagpapahayag ng Kanyang kaluwalhatian ay naganap sa lugar na piniling pagpapahayagan ng kautusan ng Dios, gaano kakilabot ang Kanyang paghuhukom kung Siya ay dumating para sa kaparusahan ng mga banal na utos na ito. Paano yaong mga yumurak sa Kanyang awtoridad makatatagal sa Kanyang kaluwalhatian sa dakilang araw ng huling pagsusulit? Ang mga kakilabutan sa Sinai ay maglalarawan sa bayan ng mga tagpo sa paghuhukom. Ang tunog ng pakakak ang tumawag sa Israel upang makipagtagpo sa Dios. Ang tinig ng arkanghel at ang pakakak ng Dios, ang tatawag, mula sa buong lupa, kapwa ang mga buhay at ang mga patay tungo sa harap ng kanyang Hukom. Ang Ama at ang Anak, kasama ang maraming mga anghel, ay naroroon sa bundok. Sa dakilang araw ng paghuhukom si Kristo ay darating na “nasa kaluwalhatian ng Kanyang Ama na kasama ang Kanyang mga anghel.” Mateo 16:27. At Siya ay lu- luklok sa luklukan ng Kanyang kaluwalhatian, at sa harap Niya ay matitipon ang lahat ng mga bansa.MPMP 400.3

    Nang ang Presensya ng Dios ay mahayag sa Sinai, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay tulad sa namumugnaw na apoy sa paningin ng buong Israel. Subalit sa pagdating ni Kristo sa kaluwalhatian kasama ang mga anghel ang buong lupa ay mag-aapoy sa pamamagitan ng kakila-kilabot ng liwanag ng Kanyang presensya. “Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik: Isang apoy na mamumugnaw sa harap Niya. At magiging totoong malaking bagyo sa palibot Niya. Siya'y tatawag sa langit sa itaas, at sa lupa upang mahatulan Niya ang Kanyang bayan.” Awit 50:3, 4. Isang ilog na umaapoy ang aagos mula sa harap Niya, na siyang tutunaw sa mga elemento sa pamamagitan ng lubhang kainitan, ang lupa rin, at ang mga gawa na naroon ay masusunog. “Sa pagpapakahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng Kanyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy, na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa ebanghelio” 2 Tesalonica 1:7.8.MPMP 401.1

    Kailan man mula nang ang tao ay lalangin ay di pa nasasaksihan ang ganoong pagpapahayag ng kapangyarihan ng Dios tulad nang ihayag ang kautusan mula sa Sinai. “Ang lupa ay nayanig, ang mga langit naman ay tumulo sa harapan ng Dios: Ang Sinai na yaon ay nayanig sa harapan ng Dios, ng Dios ng Israel.” Awit 68:8. Sa kalagitnaan ng pinakakilabot na pagkakagulo ng kalikasan ang tinig ng Dios, tulad sa isang pakakak ay narinig mula sa alapaap. Ang bundok ay nayanig mula sa paanan hanggang tuktok, at ang mga Israelita, mapuputla at nanginginig sa takot, ay nagsiubob sa lupa. Siya na ang tinig ay yumanig sa lupa ay nagsabi, “Minsan pang yayanigin ko, hindi lamang ang lupa, kundi pati ng langit.” Hebreo 12:26. Wika ng kasulatan, “Ang Panginoon ay uungol mula sa itaas, at ilalakas ang Kanyang tinig mula sa Kanyang banal na tahanan;” “at ang langit at ang lupa ay mangayayanig.” Jeremias 25:30; Joel 3:16. Sa dakilang araw na yaon na dumarating, ang kalangitan ay mahahawi “gaya ng isang lulong aklat kung nalululon.” Apocalipsis 6:14. At ang bawat bundok at pulo ay makikilos mula sa kanyang kinaroroonan. “Ang lupa ay gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; at ang kanyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kanya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon.” Isaias 24:20.MPMP 401.2

    “Kaya't lahat ng kamay ay manghihina,” lahat ng mga mukha “ay naging maputla,” “at bawat puso ng tao ay manglulumo. At sila'y manglulupaypay: mga pagdaramdam at mga kapanglawan ay dada- nasin nila.” “At aking parurusahan ang sanlibutan dahil sa kanilang kasamaan,” wika ng Panginoon, “at aking patitigilin ang kahambu- gan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot.” Isaias 13:7, 8, 11; Jeremias 30:6.MPMP 402.1

    Nang si Moises ay manggaling mula sa harapan ng Dios sa bundok, tinanggap niya ang mga tapyas ng patotoo, ang nagkasalang Israel ay hindi makatingin sa liwanag na lumuluwalhati sa kanyang mukha. Paano pa kaya yaong mga nagsisilabag sa kautusan makati- tingin sa Anak ng Dios kung Siya ay mahayag sa kaluwalhatian ng Kanyang Ama, napapalibutan ng lahat ng naninirahan sa langit, u- pang hatulan ang mga sumalangsang sa Kanyang kautusan at tumanggi sa Kanyang pagtubos. Yaong mga nagsitanggi sa kautusan ng Dios at yumurak sa dugo ni Kristo, “ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan,” ay magsisipagtago “sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok,” at kanilang sasabihin sa mga bundok at sa mga bato, “Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Kordero: sapagkat dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?” Apocalipsis 6:15-17. “Sa kaarawang yaon ay ihahagis ng mga tao ang kanilang mga diyus-diyusang pilak, at ang kanilang diyus-diyusang ginto,...sa yungib ng mga bilig at ng mga paniki; upang pumasok sa mga puwang ng malalaking bato, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kanyang kamaha- lan, pagka Siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.” Isaias 2:20, 21.MPMP 402.2

    At mahayag na ang panghihimagsik ni Satanas laban sa Dios ay nagbunga ng pagkapahamak ng kanyang sarili at noong lahat na pumiling maging mga kampon niya. Kanyang inihayag na malaking kabutihan ang ibubunga ng pagsalangsang; subalit mahahayag na “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” “Sapagkat, narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na anopa't hindi mag-iiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man.” Malakias 4:1. Si Satanas, ang ugat ng bawat kasalanan, at lahat ng gumagawa ng kasamaan, na kanyang mga sanga, ay lubos na mapupuksa. Ang kasalanan ay wawakasan, kabilang ang lahat ng kapighatian at kasiraang ibinunga noon. Wika ng mang-aawit, “Iyong nilipol ang masama, Iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man. Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man.” Awit 9:5, 6.MPMP 403.1

    Subalit sa kalagitnaan ng bagyo ng paghuhukom ng Dios, ang mga anak ng Dios ay walang anomang sukat ikatakot. “Ang Panginoon ay magiging kanlungan sa Kanyang bayan, at katibayan sa mga anak ni Israel.” Joel 3:16. Ang araw na naghahatid ng takot at pagkawasak sa mga sumusuway sa kautusan ng Dios sa masunurin ay maghahatid ng kasiyahang “totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian.” “Pisanin mo ang Aking mga banal sa Akin,” wika ng Panginoon, “yaong nangakikipagtipan sa Akin sa pamamagitan ng hain. At ipahahayag ng langit ang Kanyang katuwiran; sapagkat ang Dios ay siyang Hukom.”MPMP 403.2

    “Kung magkagayo'y manunumbalik kayo at makikilala ninyo ang matuwid at ang masama, yaong naglilingkod sa Dios at yaong hindi naglilingkod sa Kanya.” Malakias 3:8. “Inyong pakinggan Ako, ninyong nakakaalam ng katuwiran, bayan na ang puso ay kinaroroonan ng Aking kautusan.” “Narito, aking inalis sa iyong kamay ang saro na pangpagiray,...hindi ka na iinom pa.” “Ako, Ako nga, ay Siyang umaa- liw sa inyo.” Isaias 51:7, 22, 12. “Sapagkat ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; ngunit ang Aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang Aking man tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.” Isaias 54:10.MPMP 403.3

    Ang dakilang panukala ng pagtubos ay humahantong sa ganap na pagbabalik ng sanlibutan sa kaluguran ng Dios. Ang lahat ng nawala dahil sa kasalanan ay naisauli. Hindi lamang ang tao kundi pati ang lupa ay natubos, upang maging pangwalang hanggang tirahan ng mga masunurin. Sa loob ng anim na libong mga taon si Satanas ay nakipagpunyagi upang panatilihin ang pang-aangkin sa lupa. Ngayon ang orihinal na panukala ng Dios sa paglalang noon ay naganap. “Ang mga banal ng Kataastaasan ay magsisitanggap ng kaharian, at aariin ang kaharian magpakailan man.” Daniel 7:18.MPMP 404.1

    “Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin.” Awit 113:3. “Sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang Kanyang pangalan ay isa.” “At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa.” Zacarias 14:9. Wika ng kasulatan, “Magpakailan man, Oh Panginoon, ang Iyong salita ay natatag sa langit.” “Lahat Niyang mga tuntunin ay tunay. Nangatatatag magpakailan-kailan man.” Awit 119:89; 111:7, 8. Ang mga banal na tuntunin na kinagalitan at sinikap na sirain ni Satanas, ay pararangalan sa buong sansinukob na walang kasalanan. At “kung paanong ang lupa'y nagsisibol ng pananim, at kung paanong ang halamanan ay nagsisibol ng mga bagay na natanim sa kanya; gayon pasisibulin ng Panginoong Dios ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat ng bansa.” Isaias 61:11.MPMP 404.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents