Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 53—Ang Naunang mga Hukom

    Ang kabanatang ito ay batay sa Mga Hukom 6 - 8; 10.

    Nang matapos ang pagsasa-ayos sa Canaan, ang mga lipi ay hindi nagsagawa ng mga sigasig na pagsisikap na malubos ang pagsakop sa lupain. Nasiyahan sa teritoryo na kanila nang nakamtan, ang kanilang kasigasigan ay kaagad nanghina, at ang pakikipagdigma ay hindi na itinuloy. “Nang lumakas ang Israel, na kanilang pinapagatag ang mga Cananeo, at hindi nila lubos na pinalayas.” Hukom 1:28.MPMP 641.1

    Tapat na tinupad ng Panginoon ang Kanyang bahagi, sa mga pangako sa Israel; nasira ni Josue ang kapangyarihan ng mga Cananeo, at naipamahagi ang lupain sa mga lipi. Naiiwan na lamang para sa kanila, samantalang nagtitiwala sa katiyakan ng pagtulong ng Dios, upang tapusin ang gawain ng pagpapalayas sa mga naninirahan sa lupain. Subalit ito ay kinaligtaan nilang gawin. Sa pamamagitan ng pakikipagtipan sa mga Cananeo ay malinaw na sinalangsang nila ang utos ng Dios, kaya't hindi naganap ang kondisyon upang maibigay sa kanilang ariin ang Canaan.MPMP 641.2

    Mula sa pinakaunang pakikipag-ugnay ng Dios sa kanila sa Sinai, sila ay binabalaan laban sa pagsamba sa diyus-diyusan. Di nagtagal matapos ang pagpapahayag ng kautusan, ang mensahe ay pinarating sa kanila sa pamamagitan ni Moises, tungkol sa mga bansa ng Canaan: “Huwag kang yuyukod sa kanilang mga diyos, o maglilingkod man sa mga yaon, o gagawa man ng ayon sa kanilang mga gawa. Kundi iyong iwawaksi at iyong pagpuputol-putolin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala. At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios, at Kanyang babasbasan ang inyong tinapay at ang iyong tubig; at Aking aalisin ang sakit sa gitna mo.” Exodo 23:24, 25. Ang pangako ay ibinigay upang samantalang sila ay nananatiling masunurin, lulupigin ng Dios sa harap nila ang kanilang mga kalaban: “Aking susuguin ang sindak sa unahan mo, at Aking liligaligin ang buong bayan na iyong paroroonan, at Aking patatalikurin sa iyo ang lahat ng iyong mga kaaway. At Aking susuguin ang mga putakti sa unahan mo, na magpapalayas sa Heveo, sa Cananeo, at sa Hetheo, sa harap mo. Hindi Ko palalayasin sila sa harap mo sa isang taon; baka ang lupa ay maging ilang, at ang mga ganid sa parang ay magsidami laban sa iyo. Unti-unting Aking palalayasin sila sa harap mo, hanggang sa ikaw ay kumapal at manahin mo ang lupain.... Aking ibibigay ang mga nananahan sa lupain sa iyong kamay, at iyo silang palalayasin sa harap mo. Huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni sa kanilang mga diyos. Sila'y hindi tatahan sa iyong lupain, baka papagkasalahin ka nila laban sa Akin: sapagkat kung ikaw ay maglilingkod sa kanilang mga diyos ay tunay na magiging silo sa iyo.” Exodo 23:27-33. Ang mga tagubiling ito ay binanggit ni Moises sa isang lubhang solemneng paraan bago siya namatay, at ang mga ito ay inulit ni Josue.MPMP 641.3

    Inilagay ng Dios ang Kanyang bayan sa Canaan na isang makapangyarihang moog na pipigil sa alon ng kasamaan ng moralidad upang iyon ay huwag magpabaha sa sanlibutan. Kung magiging tapat sa Kanya, panukala ng Dios na ang Israel ay magpapatuloy sa pang- lulupig at manlulupig. Kanyang ibibigay sa kanilang mga kamay ang mga bansa na higit na malaki at higit na makapangyarihan kaysa mga Cananeo. Ang pangako ay: “Kung inyong susunding masikap ang buong utos na ito na Aking iniuutos sa inyo upang gawin,...ay palalayasin nga ng Panginoon ang lahat ng mga bansang ito sa harap ninyo, at kayo'y mag-aari ng mga bansang lalong malaki at lalong makapangyarihan kay sa inyo. Bawat dakong tuntungan ng talampakan ng inyong paa ay magiging inyo: mula sa ilang, at sa Libano, mula sa ilog, sa ilog Eufrates, hanggang sa dagat kanluran ay magiging inyong hangganan. Walang lalaking makatatayo sa harap ninyo: sisidlan ng Panginoong Dios ng takot at ng sindak sa inyo sa ibabaw ng buong lupain na inyong tutuntungan, gaya ng Kanyang sinalita sa inyo.” Deuteronomio 11:22-25.MPMP 642.1

    Subalit sa kabila ng kanilang matayog na kahihinatnan, kanilang pinili ang landas ng kaginhawahan at pagpapalayaw sa sarili; kanilang pinahintulutang lumampas ang mga pagkakataon upang matapos ang paglupig sa lupain; at sa loob ng maraming mga henerasyon sila ay ginambala ng mga nakatira sa mga bayang ito na mapagsamba sa mga diyus-diyusan, na, ayon sa unang pahayag ng propeta, parang “tibo sa kanilang mga mata,” at parang “tinik sa kanilang mga tagi- liran.” Mga Bilang 33:55.MPMP 642.2

    Ang mga Israelita ay, “nangakihalo sa mga bansa, at nangatuto ng kanilang mga gawa.” Mga Awit 106:35. Sila'y nakipag-asawa sa mga Cananeo, at ang pagsamba sa diyus-diyusan ay lumaganap na parang salot sa buong lupain. “Sila'y naglingkod sa kanilang mga diyus- diyusan; na naging silo sa kanila: Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalaki at babae sa mga demonio.... At ang lupain ay nadumhan ng dugo...Kaya't nag-alab ang pag-iinit ng Panginoon laban sa Kanyang bayan, at kinayamutan Niya ang Kanyang pamana.” Mga Awit 106:36-40.MPMP 642.3

    Hanggang ang henerasyon na tumanggap ng tagubilin mula kay Josue ay nawala, kaunti lamang ang naging pagpasok ng pagsamba sa mga diyus-diyusan; subalit ang mga magulang ay naghanda ng daan para sa pagtalikod ng kanilang mga anak. Ang pagbabaliwala sa mga ipinagbabawal ng Dios sa bahagi noong mga sumapit sa pag-aari sa Canaan, ay naghasik ng binhi ng kasamaan na nagpatuloy hanggang magbunga ng mapait para sa maraming mga henerasyon. Ang simpleng mga kaugalian ng mga Hebreo ay naghatid sa kanila ng malusog na pangangatawan; subalit ang pakikisalamuha sa mga hindi kumikilala sa Dios ay umakay tungo sa pagpapalaya sa panglasa at pagnanasa, na unti-unting nagpahina sa lakas ng pangangatawan, nagpahina sa mga kapangyarihan ng pag-iisip at ng moralidad. Sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan ang mga Israelita ay nawalay sa Dios; ang Kanyang lakas ay naalis mula sa kanila, at hindi na sila makapanaig sa kanilang mga kaaway. Kaya nga sila ay napailalim sa mga bansa na sa pamamagitan ng Dios ay kanila sanang nalupig.MPMP 643.1

    “Kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, na naglabas sa kanila sa lupain ng Ehipto,” “at pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.” “Minungkahi nila Siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako, at kinilos nila Siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.” Kaya't ang ginawa ng Panginoon ay “pinabayaan ang tabernakulo sa Silo, ang tolda na Kanyang inilagay sa gitna ng mga tao; at ibinigay ang Kanyang kalakasan sa pagkabihag, at ang Kanyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.” Mga Hukom 2:12; Mga Awit 78:52, 58, 60, 61. Gano'n pa man hindi Niya lubos na pinabayaan ang Kanyang bayan. Palaging may nalalabi na naging tapat kay Jehova; at sa bawat panahon ang Panginoon ay nagbabangon ng mga tapat at matatapang na mga lalaki upang ibagsak ang pagsamba sa mga diyus-diyusan at iligtas ang mga Israelita mula sa kanilang mga kaaway. Subalit kapag ang tagapagligtas ay patay na, at ang bayan ay wala na sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, unti-unti silang bumabalik sa kanilang mga diyus-diyusan. Kaya't gano'n na lamang ang kasaysayan ng pagtalikod at pagpaparusa, ng pagsisisi at pagliligtas, na paulit-ulit.MPMP 643.2

    Ang hari ng Mesopotamia, ang hari ng Moab, at pagkatapos nila ay ang mga Filisteo, at ang mga Cananeo ng Hasor, sa pangunguna ni Sisera, ang nang-api sa Israel. Sina Othoniel, at Samgar, at sina Aod, Debora at Barac, ay ibinangon bilang mga tagapagligtas ng kanilang bayan. Subalit sa muli “ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon: at ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Madian.” Nang nakalipas na mga panahon ang kamay ng manlulupig ay hindi gaanong nanakit sa mga lipi na naninirahan sa silangan ng Jordan, subalit sa kasalukuyang sakuna ay sila ang mga unang nagdusa.MPMP 644.1

    Ang mga Amalekita na nasa gawing timog ng Canaan, gano'n din ang mga taga Madian na nasa mga hangganan sa silangan at sa mga ibayong disyerto, ay nananatili pa ring mga kaaway ng Israel. Ang huli ay halos napuksa na ng mga Israelita noong panahon ni Moises, subalit sila ngayon ay lubha nang dumami, at naging napakarami at makapangyarihan. Kinauhawan nila ang makapaghiganti; at ngayong ang nag-iingat na kamay ng Dios ay inalis na mula sa Israel, ang pagkakataon ay dumating. Hindi lamang ang mga lipi sa silangang bahagi ng Jordan, sapagkat ang buong lupain ay nakaranas ng kanilang paninira. Ang mabagsik, at matatapang na mga taga disyerto, “na parang balang sa karamihan,” (Hukom 6:5), ay maramihang nag- sidating sa lupain, dala ang kanilang mga kawan at mga alagang hayop. Tulad sa isang nananalantang salot sila ay kumalat sa buong bansa, mula sa ilog ng Jordan hanggang sa kapatagan ng mga Filisteo. Sila ay dumating nang hustong nahihinog na ang ani, at nanatili hanggang ang mga bunga ng lupa ay natipon. Inaani nila ang mga bukid, at ninanakawan at sinasaktan ang mga naninirahan, at buma- balik sa mga disyerto. Kung kaya't ang mga Israelitang naninirahan sa mga bukas na kaparangan ay napilitang iwan ang kanilang mga tahanan, at magsasama-sama sa mga nakukutaang mga bayan, upang magkaroon ng kaligtasan sa mga moog, o humanap ng mapagkukublihan sa mga yungib at malalaking mga bato sa mga bundok. Sa loob ng pitong taon ang pang-aaping ito ay nagpatuloy, hanggang sa kawalan nila ng pag-asa sila ay nakinig sa mga panunumbat ng Panginoon, at tinanggap ang kanilang mga kasalanan, ang Dios ay nagbangon muli ng isang katulong para sa kanila.MPMP 644.2

    Si Gedeon ay anak ni Joas, ng lipi ni Manases. Ang grupo na kinabibilangan ng sambahayang ito ay walang mataas na posisyon, subalit ang sambahayan ni Joas ay kilala sa katapangan at pagiging tapat. Tungkol sa kanyang matatapang na mga anak ay sinabi, “Bawat isa'y nahuhuwad sa mga anak ng isang hari.” Silang lahat liban lamang sa isa ay namatay sa pakikipaglaban sa mga taga Madian at pina- pangyari niyang ang kanyang pangalan ay katakutan ng mga mana- nalakay. Dumating kay Gedeon ang pagtawag ng Dios na iligtas ang kanyang bayan. Siya noon ay naggigiik ng trigo. May kaunting butil na naitago, at sa hindi pangangahas na iyon ay ihampas sa pang- karaniwang sahig na giikan, ay pinili niya ang dakong pinagpipigaan ng ubas; sapagkat ang panahon ng pag-ani ng ubas ay matagal pa, at hindi pa gaanong pinapansin ngayon ang mga ubasan. Samantalang si Gedeon ay gumagawa sa lihim at katahimikan, malungkot niyang iniisip ang kalagayan ng Israel, at binibigyang pansin kung paanong ang pamatok ng nang-aapi ay maaaring maalis mula sa kanyang bayan.MPMP 644.3

    At biglang napakita “ang Anghel ng Panginoon”, at pinarating sa kanya ang mga salitang, “Ang Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang.”MPMP 645.1

    “Oh Panginoon ko,” ang kanyang isinagot, “kung ang Panginoon ay sumasa amin, bakit nga ang lahat ng ito ay sumapit sa amin? at saan naroon ang lahat niyang kababalaghang gawa na isinaysay sa amin ng aming mga magulang, na sinasabi, hindi ba tayo iniahon ng Panginoon mula sa Ehipto? ngunit ngayo'y hiniwalayan kami ng Panginoon at ibinigay kami sa kamay ng Madian.”MPMP 645.2

    Ang Sugo ng langit ay sumagot, “Yumaon ka sa kalakasan mong ito, at iligtas mo ang Israel sa kamay ng Madian: hindi ba kita sinugo?”MPMP 645.3

    Ginusto ni Gedeon na magkaroon ng palatandaan na ang nangu- ngusap sa kanya ngayon ay ang Anghel ng Tipan, na sa nakalipas na mga panahon ay gumawa para sa Israel. Ang mga anghel ng Dios na dati'y nakipag-ugnayan kay Abraham, minsan ay nanatili upang maki- bahagi sa kanyang pagka-mapagtanggap; at ngayon ay nakiusap si Gedeon sa Sugo upang manatili at maging kanyang panauhin. Nag- madaling nagtungo sa kanyang tolda, siya ay naghanda mula sa kaunti niyang naitabi ng batang kambing at tinapay na walang lebadura, na kanyang dinala at inihain sa harap Niya. Subalit sinabi sa kanya ng Anghel, “Kunin mo ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura, at ipatong mo sa batong ito at ibuhos mo ang sabaw.” Ginawa iyon ni Gedeon, at ang ninais niyang tanda ay ipinagkaloob: sa pamamagitan ng tungkod na nasa kanyang kamay, ay sinalang ang karne at ang mga tinapay na walang lebadura, at isang apoy na nagliyab mula sa bato ang umubos sa hain. At ang Anghel ay nawala sa kanyang paningin.MPMP 645.4

    Ang ama ni Gedeon na si Joas, na nakibahagi sa pagtalikod ng kanyang mga kababayan, ay nagtayo sa Ophra, na kanyang tinitirahan, ng isang malaking dambana para kay Baal, kung saan ang mga tao sa bayan ay sumasamba. Si Gedeon ay inatasang gibain ang dambanang ito, at magtayo ng altar kay Jehova, doon sa bato na pinagsunugan ng hain, at doon ay maghandog ng hain sa Panginoon. Ang paghahain sa Dios ay itinalaga sa mga saserdote at bukod tangi sa Silo lamang isinasagawa; subalit siya na nagtatag ng seremonyang iyon, na siya ring tinutukoy ng lahat ng mga handog, ay may kapangyarihan upang baguhin ang mga ipinag-uutos na ukol doon. Ang pagliligtas sa Israel ay kinakailangang pangunahan ng isang banal na paglaban sa pagsamba kay Baal. Kinakailangang ipag-utos ni Gedeon ang pakikipagdigma sa pagsamba sa diyus-diyusan, bago siya humayo upang makipagdigma sa mga kaaway ng kanyang bayan.MPMP 646.1

    Ang ipinag-utos ng Dios ay matapat na tinupad. Batid na siya ay mahahadlangan kung iyon ay gagawin ng hayagan, iyon ay isinagawa ni Gedeon ng lihim; sa tulong ng kanyang mga lingkod, tinapos nila iyon sa loob ng isang gabi. Malaki ang galit ng mga lalaki ng Ophra nang sila ay dumating, kinaumagahan, upang sumamba kay Baal. Maaaring pinatay nila si Gedeon, kung hindi dahil kay Joas—-na nagsalaysay tungkol sa pagdalaw ng anghel—na tumayo para sa kanyang anak. “Ipagsasanggalang ba ninyo si Baal?” ang sabi ni Joas. “Ililigtas ba ninyo siya? yaong magsasanggalang sa kanya ay papatayin samantalang umaga pa: kung siya'y dios ay magsasanggalang siya sa kanyang sarili, sapagkat may nagwasak ng kanyang dambana.” Kung hindi ni Baal maipagsanggalang ang kanyang sariling dambana, paano siya mapagtitiwalaang magsasanggalang sa mga sumasamba sa kanya?MPMP 646.2

    Naalis ang lahat ng kaisipan ng pagpatay kay Gedeon; at nang kanyang patunugin ang pakakak ng pakikipagdigma, ang mga lalaki ng Ophra ay kabilang sa mga unang natipon sa kanyang sagisag. Nagparating ng pabalita sa sarili niyang lipi sa Manases, at gano'n din sa Aser, Zebulun, at Naptali, at ang lahat ay tumugon sa panawagan.MPMP 646.3

    Si Gedeon ay hindi nangahas na ilagay ang kanyang sarili sa pamumuno sa hukbo na walang karagdagang katibayan na siya ay tinawagan ng Dios sa gawaing ito, at Siya ay sasakanya. Kanyang idinalangin, “Kung Iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng Iyong sinalita, narito, aking ilalagay ang isang balat na lana sa giikan, kung dumuon lamang sa balat ang hamog, at maging tuyo ang lupa, ay malalaman ko nga na Iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng Iyong sinalita.” Kinaumagahan ang balat ay basa, samantalang ang lupa ay tuyo. Subalit ngayon ay may bumangong isang pag-aalinlangan, sapagkat ang lana ay likas na sumisipsip ng hamog kapag mayroong hamog sa hangin; hindi maaaring batayan ng pagpapasya ang pagsubok. kaya't siya ay humiling na ang tanda ay mabaliktad, nakikiusap na ang kanyang labis na pag-iingat ay huwag maging masama sa Panginoon. Ang kanyang kahilingan ay tinugon.MPMP 647.1

    Napasigla sa gano'ng paraan, pinangunahan ni Gedeon ang kanyang mga kawal upang makipaglaban sa mga nanloloob. “Lahat ng mga Madianita, at mga Amalecita at mga anak ng silangan ay nagpulong; at sila'y nagtuloy at humantong sa libis ng Jezreel.” Ang buong hukbo na nasa ilalim ng pag-uutos ni Gedeon ay umabot lamang sa tatlumpu't dalawang libong mga lalaki; subalit samantalang naroon ang malaking hukbo ng kaaway na nasa harap niya, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kanya: “Ang bayang kasama mo ay totoong marami sa Akin upang Aking ibigay ang mga Madianita sa kanilang kamay, baka ang Israel ay magmalaki laban sa Akin, na sabihin, Aking sariling kamay ang nagligtas sa akin. Kaya't ngayo'y yumaon ka, ipagpatawag mo sa mga pakinig ng bayan, na iyong sabihin, sinomang matatakutin at mapanginig, ay bumalik at pumihit mula sa bundok ng Galaad.” Yaong mga hindi handang humarap sa panganib at kahirapan, o ang pinag-uukulan ng pansin sa mundo ay maka- paglalayo ng kanilang mga puso mula sa gawain ng Dios, ay hindi makakadagdag ng lakas sa mga hukbo ng Israel. Ang kanilang pakikisama ay magiging sanhi lamang ng kahinaan.MPMP 647.2

    Naging batas sa Israel na bago sila humayo sa pakikipagdigma, ang sumusunod na mga pahayag ay kinakailangang paratingin sa buong hukbo: “Sinong tao ang nagtayo ng isang bagong bahay, at hindi pa niya natatalagahan? siya'y yumaon at bumalik sa kanyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka at ibang tao ang magtalaga. At sinong lalaki ang may itinanim na isang ubasan at hindi pa niya napapakinabangan ang bunga niyaon? At sinong lalaki ang nag- asawa sa isang babae at di pa niya nakukuha? Siya'y yumaon at bumalik sa kanyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka at ibang lalaki ang makinabang ng bunga niyaon. At sinong lalaki ang nagasawa sa isang babae at di pa niya nakukuha? Siya'y yumaon at bumalik sa kanyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka, at ibang lalaki ang kumuha sa kanyang asawa.” At sa pagpapatuloy ay ihahayag ng mga nanunungkulan, “Sinong lalaki ang matatakutin at mahinang loob? siya'y yumaon at bumalik sa kanyang bahay, baka ang puso ng kanyang mga kapatid ay manglupaypay na gaya ng kanyang puso.” Deuteronomio 20:5-8.MPMP 647.3

    Sapagkat ang kanyang mga nabilang ay lubhang kakaunti kung itutulad sa bilang ng mga kaaway, hindi na isinagawa ni Gedeon ang karaniwang ipinapahayag. Siya ay nagulat sa pahayag na ang kanyang hukbo ay lubhang napakalaki. Subalit nakita ng Panginoon ang kapalaluan at kawalan ng pananampalataya sa puso ng Kanyang bayan. Nakilos ng makabagbag damdaming panawagan ni Gedeon, sila ay kaagad nakilahok; subalit marami ang napuno ng takot nang kanilang makita ang malaking bilang ng mga Madianita. Gano'n pa man, kung ang Israel ay magtatagumpay, sila ang tatanggap ng papuri sa halip na sabihing ang Dios ang sanhi ng kanilang pagtatagumpay.MPMP 648.1

    Sinunod ni Gedeon ang iniutos ng Panginoon, at may mabigat na puso na nakita niya na ang dalawampu't dalawang libo, o higit sa dalawang ikatlo ng buo niyang hukbo, ay umuwi sa kanilang mga tahanan. At muli ang salita ng Panginoon ay dumating sa kanya: “Ang bayan ay totoong marami pa; palusungin mo sila sa tubig, at doo'y Aking susubukin sila sa iyo: at mangyayari, na sinomang Aking sabihin sa iyo, Ito'y sumama sa iyo, yao'y huwag sumama sa iyo.” Ang bayan ay inihatid sa malapit sa tubig, umaasang kaagad lulusob sa mga kaaway. May ilang nagmamadaling kumuha ng tubig sa pamamagitan ng kanilang kamay, at iyon ay ininom samantalang sila ay nagpapatuloy; subalit halos lahat ay lumuhod, at marahang uminom sa tubig na nasa sapa. Yaong mga kumuha ng tubig sa pamamagitan ng kanilang kamay ay tatlong daan lamang mula sa sampung libo; gano'n pa man, sila ang pinili; ang lahat ng iba ay pinahintulutang umuwi sa kanilang mga tahanan.MPMP 648.2

    Sa pamamagitan ng pinakasimpleng mga paraan ang pagkatao ay nasusubok. Yaong sa panahon ng panganib ay naglalayong tugunin ang sarili nilang pangangailangan, ay hindi mapagkakatiwalaan sa panahon ng isang kagipitan. Ang Panginoon ay walang lugar sa Kanyang gawain para doon sa tamad at mapagtingin sa sariling kapakanan. Ang mga lalaking pinili Niya ay ang kakaunti na hindi ipinapahintulot na ang sarili nilang pangangailangan ay humadlang sa kanilang pagtupad sa tungkulin. Ang tatlong daan na mga napiling mga lalaki ay hindi lamang matatapang at may pangangasiwa sa sarili, sila ay mga lalaki ng pananampalataya. Hindi nila dinungisan ang kanilang sarili ng dahil sa pagsamba sa diyus-diyusan. Sila ay maaaring pangunahan ng Dios, at sa pamamagitan nila ay maaari Siyang magsagawa ng pagliligtas sa Israel. Ang tagumpay ay hindi nakasalalay sa mga bilang. Ang Dios ay makapagliligtas sa pamamagitan ng kakaunti gano'n din ng marami. Siya ay higit na napa- parangalan hindi sa pamamagitan ng malalaking bilang kundi sa pamamagitan ng pagkatao noong mga naglilingkod sa Kanya.MPMP 648.3

    Ang mga Israelita ay nakahimpil sa gilid ng isang burol na maaring makita sa libis na kampamentong kinaroroonan ng mga nanloloob. “At ang mga Medianita at ang mga Amalekita at ang lahat ng mga anak ng silangan ay nalalatag sa libis na parang balang dahil sa karamihan; at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang, na gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat dahil sa karamihan.” Hukom 7:12. Si Gedeon ay 'kinakabahan samantalang iniisip niya ang labanan sa kinaumagahan. Subalit ang Panginoon ay nagsalita sa kanya nang gabing iyon, at inutusan siya, kasama si Phara na kanyang lingkod, na bumaba sa kampo ng mga Medianita, iminumungkahi na doon siya ay makakarinig ng makapagpapasigla sa kanya. Siya ay pumunta, at samantalang naghihintay na nasa dilim at katahimikan, nakarinig siya ng isang sundalong nagsasalaysay ng kanyang panaginip sa kanyang kasama: “Narito, isang munting tinapay na sebada, ay gumulong hanggang sa kampamento ng Madian, at umabot sa tolda, at tinamaan yaon ng malakas na tuloy bumagsak, at natiwarik, na ang tolda'y lumagpak.” Ang isa ay sumagot ng mga salitang kumilos sa nakikinig na iyon na hindi nakikita, “Ito'y walang iba, kundi ang tabak ni Gedeon, na anak ni Joas, isang lalaking Israelita, na ibinigay ng Dios sa kanyang kamay ang Madian at ang buong hukbo niya.” Nabatid ni Gedeon ang tinig ng Dios na nagsasalita sa kanya sa pamamagitan ng mga Medianitang iyon na mga dayuhan. Nang bumalik sa kakaunting mga lalaki na nasa ilalim ng kanyang pag-uutos, ay sinabi niya, “Tumindig kayo; sapagkat ibinigay ng Panginoon sa inyong kamay ang hukbo ng Madian.”MPMP 649.1

    Ayon sa ipinag-utos, isang panukala ng pagsalakay ang iminungkahi sa kanya, na mabilis niyang inihanda upang isakatuparan. Ang tatlong daang mga lalaki ay binahagi sa tatlong pulutong. Ang bawat isa ay binigyan ng pakakak, at sulo sa loob ng isang banga. Ang mga lalaki ay inilagay sa lugar na kung saan sila ay magtutungo sa kampamento ng mga Medianita mula sa iba't ibang panig. Sa malalim na katahimikan ng gabi, sa isang hudyat mula sa pakakak ni Gedeon, ang tatlong pulutong ay nagpatunog ng kanilang mga pakakak; at, pagka- basag ng kanilang mga banga, at pagpapahayag ng kanilang nagliliyab na mga sulo, sila ay mabilis na lumusob sa kanilang mga kaaway na may pangdigmaang-sigaw, “Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon!” Ang hukbong natutulog ay biglang nagising. Sa bawat panig ay nakita ang liwanag ng nagliliyab na mga sulo. Sa bawat panig ay naririnig ang tunog ng mga pakakak, kasabay ang sigaw ng mga sumasalakay. Sa paniniwala sa kanilang sarili na sila ay nasa habag ng isang lubhang napakalaking hukbo, ang mga Medianita ay nagkaroon ng biglaang labis na pagkatakot. May malalakas na sigaw bunga ng pagkabahala sila'y nangagsitakas upang mabuhay, at sa pag-aakalang ang sarili nilang mga kasama ay kanilang mga kalaban, sila ay nag- patayan sa isa't-isa. Nang ang balita tungkol sa pagtatagumpay ay kumalat, libu-libo sa mga lalaki ni Israel na pinauwi sa kanilang mga tahanan ay nagsibalik, at sumama sa paghabol sa kanilang mga kaaway na nagsisilikas. Ang mga Medianita ay nangasa daan na patungo sa Jordan, umaasang makararating sa sarili nilang teritoryo, sa kabila ng ilog. Si Gedeon ay nagparating ng mga sugo sa lipi ni Ephraim, upang kanilang harangin ang mga tumatakas sa timog na bahagi ng Jordan. Samantala, kasama ang kanyang tatlong daan, “mga pagod na, ay'humahabol pa,” si Gedeon ay tumawid sa sapa sa masikap na paghabol doon sa nakarating na sa kabilang panig. Ang dalawang mga prinsipe, si Zeba at si Zalumna, na silang namuno sa buong hukbo, at nakatakas kasama ng labing limang libong mga lalaki, ay naabutan ni Gedeon, ang kanilang puwersa ay lubos na nangalat, at ang mga pinuno ay nahuli at napatay.MPMP 650.1

    Sa malaking pagkatalong ito, hindi kukulangin sa isang daan dalawampung libong mananalakay ang nangamatay. Ang kapang- yarihan ng mga Medianita ay nasira, kung kaya't hindi na kailan man nakipag digmaan pa sa Israel. Ang balita ay kumalat na ang Dios ng Israel ay muling lumaban para sa Kanyang bayan. Walang salitang makapaglalarawan sa takot ng mga kalapit na mga bansa nang kanilang marinig ang simpleng kaparaanang dumaya sa kapangyarihan ng isang matapang, at mapangdigmang mga tao.MPMP 650.2

    Ang pinuno na pinili ng Dios upang ibagsak ang mga Medianita, ay walang mataas na posisyon sa Israel. Siya ay hindi isang hari, hindi isang saserdote, o isang Levita. Iniisip niyang ang kanyang sarili ay pinakamaliit sa sambahayan ng kanyang ama. Subalit ang Dios ay nakakita sa kanya ng isang lalaking matapang at matapat. Hindi siya nagtitiwala sa kanyang sarili, at handa siyang sumunod sa pagpatnubay ng Panginoon. Ang Dios ay hindi palaging pumipili para sa Kanyang gawain, ng mga lalaking may pinakamahusay na mga talento, subalit pinipili Niya yaong lubos na magagamit Niya. “Sa unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba.” Kawikaan 15:33. Ang Panginoon ay higit na makakagawa sa pamamagitan noong pinaka nakadarama ng kanilang kahinaan, at magtitiwala sa Kanya bilang kanilang pinuno at pinagmumulan ng lakas. Gagawin Niya silang malakas sa pamamagitan ng paglakip ng kanilang kahinahan sa Kanyang lakas, at pantas sa pamamagitan ng pag-ugnay ng kanilang kamangmangan sa Kanyang karunungan.MPMP 653.1

    Kung kanilang iibigin ang tunay na pagpapakumbaba, ang Panginoon ay maraming magagawa para sa Kanyang bayan; subalit kakaunti ang maaaring pagkatiwalaan ng anumang malaking respon- sibilidad o tagumpay na hindi nagiging mapagtiwala sa sarili, at mapag- kalimot sa kanilang pangangailangan sa tulong ng Dios. Ito ang dahilan kung bakit sa pagpili ng kasangkapan para sa kanyang gawain, ay nilalampasan ng Dios yaong pinararangalan ng sanlibutan na dakila, may talento, at matalino. Malimit silang mapagmalalki at mapagtiwala sa sarili. Nadama nilang makakayanan nilang kumilos na walang payo mula sa Dios.MPMP 653.2

    Sa pamamagitan ng simpleng paghihip ng pakakak sa pamamagitan ng hukbo ni Josue sa palibot ng Jerico, at sa pamamagitan ng maliit na hukbo ni Gedeon sa palibot ng hukbo ng mga Madianita, ay napapangyari, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, na napag- bagsak ang lakas ng kanilang mga kaaway. Ang pinakakumpletong sistema na maaaring ihanda ng tao, hiwalay sa kapangyarihan at karunungan ng Dios, ay mabibigo samantalang ang pinaka mukhang walang magagawang paraan ay magtatagumpay kapag ipinag-utos ng Dios, at pinasok na may pagpapakumbaba at pananampalataya. Ang | pagtitiwala sa Dios, at ang pagkamasunurin sa kanyang kalooban, ay mahalaga para sa mga Kristiano sa espirituwal na pakikipagbaka tulad rin kina Gedeon ni Josue sa kanilang pakikipagbaka sa mga Cananeo.MPMP 653.3

    Sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagpapahayag ng Kanyang kapangyarihan alang-alang sa Israel, sila ay inaakay ng Dios upang magkaroon ng pananampalataya sa Kanya—upang may pagtitiwala nilang hilingin ang Kanyang tulong sa bawat pangangailangan. Siya ay gano'n pa rin handang gumawang kasama ng Kanyang bayan ngayon, at gumawa ng dakilang mga bagay sa pamamagitan ng mahihinang mga kasang- kapan. Ang buong langit ay naghihintay sa ating paghiling sa kanilang karunungan at lakas. Ang Dios ay may “kapangyarihang gumawa na lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip.” Efeso 3:20.MPMP 654.1

    Nang si Gedeon ay bumalik mula sa paghabol sa mga kaaway ng bansa, siya ay sinalubong ng pamimintas at pagpaparatang mula sa sarili niyang mga kababayan. Nang sa kanyang pagtawag ang mga lalaki ng Israel ay natipon laban sa mga Madianita, ang lipi ni Ephraim ay naiwan. Ang tingin nila sa gawaing iyon ay isang mapanganib na gawain; at sapagkat si Gedeon ay hindi nagparating sa kanila ng espesyal na panawagan, ginawa nila iyong dahilan ng kanilang hindi pagsama, sa kanilang mga kapatid. Subalit nang ang balita ng pagtatagumpay ng Israel ay nakarating sa kanila, ang mga Ephraimita ay nainggit sapagkat hindi sila nakabahagi doon. Nang ang mga Madianita ay mangalat sa pagtakas, ang mga lalaki ng Ephraim, sa pag-uutos ni Gedeon, ay nagbantay sa kabila ng Jordan, kaya't naiwasan ang pagkawala ng mga tumatakas. Sa pamamagitan nito isang malaking bilang ng mga kaaway ang napatay, kabilang doon ang dalawang prinsipe, si Oreb at Zeeb. Kaya't sa gano'ng paraan ang mga lalaki ng Ephraim ay tumulong sa pakikipagdigmaan, at nakatulong upang maging ganap ang tagumpay. Gano'n pa man sila ay nagkaroon ng inggit at galit, na tila si Gedeon ay nakilos lamang ng kanyang sariling kalooban at pagpapasya. Hindi nila nabatid ang kamay ng Dios sa pagtatagumpay ng Israel, hindi nila pinasalamatan ang Kanyang kapangyarihan at kaawaan sa pagliligtas sa kanila; at ang katotohanang ito ang nagpapahayag na sila ay hindi karapatdapat na mapili bilang Kanyang mga natatanging mga kasangkapan.MPMP 654.2

    Umuuwing dala ang mga katibayan ng pagtatagumpay, galit na sinisi nila si Gedeon: “Bakit ginawa mo sa amin ang ganyan, na hindi mo kami tinawag nang ikaw ay yumaong makipaglaban sa Madianita?” “Ano ang aking ginawa ngayon na paris ng inyo?” wika ni Gedeon. “Di ba mainam ang pagsimot ng ubas ng Ephraim kay sa pag-aani ng sa Abiezer? Ibinigay ng Dios sa inyong kamay ang mga prinsipe sa Madian, si Oreb, at si Zeeb, at ano ang aking magagawa na paris ng inyo?”MPMP 655.1

    Ang espiritu ng paninibugho ay madali sanang naging away na maaaring maging sanhi ng hidwaan at pagdanak ng dugo; subalit ang mapagpakumbabang sagot ni Gedeon ay gumamot sa galit ng mga lalaki ng Ephraim, at sila ay umuwing mapayapa sa kanilang mga tahanan. Matatag at hindi pumapasok sa kompromiso kung saan ang prinsipyo ay nakatay, at sa digmaan ay isang lalaking “makapangyarihang may tapang,” si Gedeon ay nagpahayag din ng espiritu ng paggalang na bihirang nasasaksihan.MPMP 655.2

    Ang mga tao sa Israel, sa kanilang pagpapasalamat sa pagkakaligtas mula sa mga Madianita, ay nagmungkahi kay Gedeon na gagawin siyang kanilang hari, at ang trono ay pananatilihin sa kanyang mga inanak. Ang mungkahing ito ay isang tuwirang paglabag sa mga prinsipyo ng pamamahala ng Dios. Ang Dios ang hari ng Israel, at ang sila ay maglagay ng isang lalaki sa trono ay magiging isang pagtanggi sa kanilang Dios na makapangyarihan. Nabatid ni Gedeon ang katotohanang ito; ang kanyang sagot ay nagpahayag ng kung gaano katotoo at gaano karangal ang kanyang mga motibo. “Hindi ako magpupuno sa inyo,” pahayag niya; “ni magpupuno man ang aking anak sa inyo: ang Panginoon ang magpupuno sa inyo.”MPMP 655.3

    Subalit si Gedeon ay nahulog sa ibang pagkakamali na naghatid ng sakuna sa sarili niyang sambahayan at sa buong Israel. Ang panahon na walang ginagawa na kasunod ng isang malaking pagpupunyagi ay laging puno ng mas malaking panganib kaysa panahon ng pakiki- pagtunggali. Sa panganib na ito ngayon nalantad si Gedeon. Isang espiritu ng pagkabalisa ang napasa kanya. Sa mga nakalipas na panahon ay nasiyahan na siyang tumutupad ng mga ipinag-uutos sa kanya ng Dios; subalit ngayon, sa halip na maghintay sa pagpatnubay ng Dios, nagsimula siyang magpanukala para sa kanyang sarili. Kapag ang mga hukbo ng Panginoon ay nagkakaroon ng isang malinaw na pagtatagumpay, dinodoble ni Satanas ang kanyang pagsisikap upang ibagsak ang gawain ng Dios. Dahil dito ang mga kaisipan at mga panukala ay iminungkahi sa isip ni Gedeon, na sa pamamagitan noon ang bayan ng Israel ay nailigaw.MPMP 655.4

    Sapagkat siya ay inutusang maghandog ng hain sa bato na doon ang Anghel ng Panginoon ay napakita sa kanya, ipinasya ni Gedeon na siya ay itinalaga upang maglingkod bilang isang saserdote. Hindi na naghintay sa pagsang-ayon ng Dios, ipinasya niyang gumawa ng isang angkop na dako, at magtatag ng isang sistema ng pagsamba na katulad ng isinasagawa sa tabernakulo. Taglay ang pagkadama ng malakas na pagsang-ayon sa kanya, siya ay hindi nahirapan sa pagsasa- katuparan ng kanyang panukala. Sa kanyang kahilingan, ang lahat ng mga hikaw na nakuha mula sa mga Madianita ay ibinigay sa kanya bilang kanyang bahagi sa mga samsam. Ang mga tao ay nagtipon din ng ibang mamahaling mga kasuutan ng mga prinsipe ng Madian. Mula sa mga materyales na iyon na ipinagkaloob, si Gedeon ay gumawa ng isang epod at ng isang pektoral, na ginaya doon sa mga isinusuot ng punong saserdote. Ang ginawa niya ay naging bitag para sa kanyang sarili at sa kanyang sambahayan, gano'n din sa Israel. Ang hindi ipinahintulot na pagsamba ay umakay sa marami upang sa huli ay tumalikod sa Panginoon, upang maglingkod sa mga diyus- diyusan. Nang si Gedeon ay mamatay, malaking bilang na kabilang doon ang kanyang sariling sambahayan, ay tumalikod sa Panginoon. Ang mga tao ay naakay palayo sa Dios sa pamamagitan ng lalaking minsan ay nag-alis sa kanilang pagsamba sa diyus-diyusan.MPMP 656.1

    Kakaunti ang nakakabatid sa nararating na bunga ng kanilang mga salita at mga kilos. Malimit ang mga pagkakamali ng mga magulang ay lumilikha ng malaking pinsala sa kanilang mga anak at sa mga inanak ng kanilang mga anak, malaon nang napasa libingan ang mga nagsigawa noon. Ang bawat isa ay lumilikha ng impluwensya sa iba, at mananagot sa naging bunga ng impluwensyang iyon. Ang mga salita at mga kilos ay may kapangyarihang magsaysay, at ang mahabang panahong sumusunod ay magpapahayag ng epekto ng ating buhay dito. Ang kaisipang pinarating ng ating mga salita at mga gawa ay tunay na babalik sa atin bilang pagpapala o sumpa. Ang kaisipang ito ay nagbibigay sa atin ng isang dakilang karingalan ng buhay, at kinakailangang umakit sa atin tungo sa Dios sa dalangin tayo ay Kanyang patnubayan sa pamamagitan ng Kanyang karunungan.MPMP 656.2

    Yaong mga nakatayo sa pinakamataas na mga tungkulin ay maaaring umakay sa kapahamakan. Ang pinakapantas ay nagkakamali; ang pinakamalakas ay maaaring magkamali at mabuwal. Kailangang ang liwanag mula sa kalangitan ang patuloy na mapasa ating landas. Ang tanging kaligtasan natin ay nakasalalay sa lubos na pagtitiwala ng ating daan sa Kanya na nagsabi, “Sumunod ka sa Akin.”MPMP 657.1

    Makalipas ang pagkamatay ni Gedeon, “hindi naalaala ng mga anak ni Israel ang Panginoon nilang Dios, na siyang nagpapaging laya sa kanila sa kamay ng lahat nilang mga kaaway sa buong palibot: O gumanti man lamang ng kagandahang loob sa sangbahayan ni Jero-baal, na siyang Gedeon ayon sa lahat ng kabutihan na kanyang ipinakita sa Israel.” Sa pagkalimot sa lahat ng kanilang utang kay Gedeon, na kanilang hukom at tagapagligtas, tinanggap ng bayan ng Israel ang kanyang anak sa karamihan na si Abimelech bilang kanilang hari, na, upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan, ay pinatay ang lahat, liban lamang sa isa, na tunay na mga anak ni Gedeon. Kapag inalis ng tao ang pagkatakot sa Panginoon, madali silang humihiwalay sa karangalan at pagkamatapat. Ang pagkilala sa kaawaan ng Panginoon ay maghahatid tungo sa pagkilala doon sa, tulad ni Gedeon, ay ginamit na mga kasangkapan upang pagpalain ang Kanyang bayan. Ang malupit na ginawa ng Israel sa sambahayan ni Gedeon ay maaaring asahan mula sa isang bayan na nagpapahayag ng ganon kalaking kawalan ng utang na loob sa Dios.MPMP 657.2

    Makalipas ang pagkamatay ni Abimelech, ang pamumuno ng mga hukom na may pagkatakot sa Panginoon, sa isang kapanahunan, ay nagsilbing pagpigil sa pagsamba sa diyus-diyusan, subalit palaging bumabalik ang tao sa mga gawain ng mga bayan sa paligid nila na hindi kumikilala sa Dios. Sa mga lipi na nasa hilaga, ang mga diyos ng Siria at ng Sidon ay maraming taga samba. Sa timog kanluran ang diyus-diyusan ng mga Filisteo, at sa silangan ay ang sa Moab at Ammon, ang nagpalayo ng puso ng Israel mula sa Dios ng kanilang mga ama. Subalit ang pagtalikod ay mabilis na naghatid ng parusa niyaon. Nilupig ng mga Ammonita ang mga lipi sa silangan, at pagkatawid ng Jordan, ay linooban ang nasasakupang Juda at ng Ephraim. Sa kanluran ang mga Filisteo ay dumating mula sa kanilang mga kapatagan sa tabi ng dagat, nanununog at naninira sa malayo at sa malapit. At muli ng Israel ay tila binayaan sa kapangyarihan ng malupit na mga kaaway.MPMP 657.3

    Sa muli ang bayan ay humiling ng tulong mula sa Kanya na matagal na nilang nilimot at ininsulto. “At dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon, na sinasabi, kami ay nagkasala laban sa Iyo, sapagkat aming pinabayaan ang aming Dios, at kami ay naglingkod sa mga Baal.” Subalit ang kapighatian ay hindi gumawa ng tunay na pagsisisi. Ang mga tao ay nalungkot sapagkat ang kanilang mga kasalanan ay naghadd ng paghihirap sa kanila, subalit hindi sa dahilang kanilang nilapastangan ang Dios sa pamamagitan ng pagsalangsang sa Kanyang kautusan. Ang tunay na pagsisisi ay higit pa sa pagkalungkot sa kasalanan. Iyon ay isang may kapasyahang pagtalikod mula sa kasamaan.MPMP 658.1

    Ang Panginoon ay sumagot sa kanila sa pamamagitan ng isa sa Kanyang mga propeta: “Di ba pinapaging laya ko kayo sa mga taga Ehipto, at sa mga Amorrheo, sa mga anak ni Ammon, at sa mga Filisteo? Ang mga Sidonio man, at ang mga Amalecita, at ang mga Maonita ay pumighati rin sa inyo; at kayo'y dumaing sa Akin, at pinapaging laya Ko kayo sa kanilang mga kamay. Gayon ma'y pinabayaan ninyo Ako, at kayo'y naglingkod sa ibang mga diyos: Kaya't hindi Ko na kayo palalayain. Kayo'y yumaon at dumaing sa mga diyos na inyong pinili; palayain kayo nila sa panahon ng inyong kapighatian.”MPMP 658.2

    Ang solemne at kakilakilabot na mga salitang ito ay naghahatid sa pag-iisip tungo sa isa pang tagpo—ang dakilang araw ng huling paghuhukom—kapag ang mga tumanggi sa kahabagan ng Dios at ang mga tumanggi sa Kanyang biyaya ay humarap sa Kanyang pag- hatol. Sa hukumang iyon sila ay kinakailangang magsulit sa mga talentong ibinigay ng Dios tulad ng panahon, mga tinatangkilik, o ng karunungan, na ipinaglingkod sa mga diyos ng sanlibutang ito. Kanilang kinaligtaan ang kanilang tunay at mapagmahal na Kaibigan, upang sumunod sa landas ng kaginhawahan at makamundong kasi- yahan. Pinanukala nilang pagdating ng panahon ay manunumbalik sa Dios; subalit inubos ng sanlibutan ang kanilang panahon sa kanyang kahangalan at mga panglilinlang. Walang gaanong kabuluhang mga libangan, kapalaluan sa pananamit, pagbibigay laya sa panglasa, ang nagpatigas ng puso at nagpapurol sa isipan, kung kaya't ang tinig ng katotohanan ay hindi na narinig. Ang tungkulin ay hinamak. Ang mga bagay na may walang hanggang kahalagahan ay hindi gaanong pinahalagahan, hanggang ang puso ay lubos nang nawalan ng pagna- nasang magsakripisyo para sa Kanya na nagbigay ng gano'n na lamang para sa tao. Subalit sa panahon ng pag-aani ay kanilang titipunin ang kanilang inihasik.MPMP 658.3

    Wika ng Panginoon: “Ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: Aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig; kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang Aking saway:...pagka ang inyong takot ay dumarating na parang bagyo, at ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipo-ipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo. Kung magkagayo'y tatawag sila sa Akin, ngunit hindi Ako sasagot; hahanapin nila Akong masikap, ngunit hindi nila Ako masumpungan: sapagkat kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon. Ayaw sila ng Aking payo; kanilang hinamak ang buo Kong pagsaway: kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.” “Ngunit ang nakikinig sa Akin ay tatahang tiwasay. At tatahimik na walang takot sa kasamaan.” Kawikaan 1:24-31, 33.MPMP 659.1

    Ang mga Israelita ngayon ay nagpakumbaba sa harap ng Panginoon. “At kanilang inihiwalay ang mga diyos ng iba sa kanila, at naglingkod sa Panginoon.” At ang puso ng Dios na mapagmahal ay nagda- Iamhati—“nagdalamhati dahil sa karalitaan ng Israel.” O, ang ma- tiising kahabagan ng ating Dios! Kapag inaalis ng Kanyang bayan ang kanilang mga kasalanan na nakapaglalayo sa Kanyang pakikiharap, Kanyang dinirinig ang kanilang mga dalangin, at kaagad nagsisimulang gumawa para sa kanila.MPMP 659.2

    Isang tagapagligtas ang ibinangon sa katauhan ni Jephte, isang Galaadita, na nakipagdigma sa mga Ammonita, at mahusay na winasak ang kanilang kapangyarihan. Sa loob ng labingwalong taon sa pagkakataong ito, ang Israel ay nagdusa sa ilalim ng pang-aapi ng kanilang mga kalaban, gano'n pa man muling nalimutan ang aral na itinuro ng kapighatian.MPMP 659.3

    Sa panunumbalik ng Kanyang bayan sa kanilang masasamang mga gawain, pinahintulutan ng Panginoon na sila ay maapi pa rin ng kanilang mga kaaway na makapangyarihan, na mga Filisteo. Sa loob ng maraming mga taon sila ay patuloy na sinasaktan, at sa ibang mga pagkakataon sila ay lubos na nalulupig, nitong malupit at mapandig- mang bansa. Sila ay nakisalamuha sa mga mapagsambang ito sa mga diyus-diyusan, nakilakip sa kanila sa kanilang mga kasiyahan at sa pagsamba, hanggang sa naging tila kaisa na nila sila sa espiritu at sa kinahihiligan. At ang mga nag-aangking mga kaibigang ito ng Israel ay naging pinakamabagsik na mga kaaway nila, at buong sikap na sila ay ipinahamak sa lahat ng paraan.MPMP 659.4

    Tulad ng Israel, ang mga Kristiano ay malimit sumasang-ayon sa impluwensya ng sanlibutan, at umaayon sa mga prinsipyo at mga gawain, upang makuha ang pakikipagkaibigan ng mga hindi kumikilala sa Dios; subalit sa huli ay masusumpungan na ang mga nag-aangking ito na mga kaibigan ang pinakamapanganib na mga kaaway. Ma- liwanag na itinuturo ng Biblia na walang magandang pagsasamahan sa pagitan ng bayan ng Dios at ng sanlibutan. “Huwag kayong mag- taka mga kapatid kung kayo'y kinapopootan ng sanglibutan.” 1 Juan 3:13. Wika ng ating Tagapagligtas, “Talastas ninyo na Ako muna ang kinapootan bago kayo.” Juan 15:18. Si Satanas ay gumagawa sa pamamagitan ng mga hindi kumikilala sa Dios, sa ilalim ng isang nagpapanggap na kaibigan, upang akitin ang bayan ng Dios tungo sa kasalanan, upang kanila silang maihiwalay mula sa Kanya; at kapag ang kanilang pananggalang ay naalis, kanyang pangungunahan ang kanyang mga kasangkapan upang lumaban sa kanila, at sikaping sila ay mapahamak.MPMP 660.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents