Kabanata 59—Ang Unang Hari ng Israel
- Paunang Salita
- Panimula
- Kabanata 1—Bakit Ipinahintulot ang Kasalanan?
- Kabanata 2—Ang Paglalang
- Kabanata 3—Ang Tukso at ang Pagkahulog
- Kabanata 4—Ang Panukala ng Pagtubos
- Kabanata 5—Si Cain at si Abel ay Sinubok
- Kabanata 6—Si Set at si Enoc
- Kabanata 7—Ang Baha
- Kabanata 8—Pagkalipas ng Baha
- Kabanata 9—Ang Literal na Sanlinggo
- Kabanata 10—Ang Tore ng Babel
- Kabanata 11—Ang Pagkatawag kay Abraham
- Kabanata 12—Si Abraham sa Canaan
- Kabanata 13—Ang Pagsubok ng Pananampalataya
- Kabanata 14—Ang Pagkagunaw ng Sodoma
- Kabanata 15—Ang Pag-aasawa ni Isaac
- Kabanata 16—Si Jacob at si Esau
- Kabanata 17—Ang Pagtakas at Pagiging Distiyero ni Jacob
- Kabanata 18—Ang Gabi ng Pakikipagbuno
- Kabanata 19—Ang Pagbabalik sa Canaan
- Kabanata 20—Si Jose sa Ehipto
- Kabanata 21—Si Jose at ang Kanyang mga Kapatid
- Kabanata 22—Si Moises
- Kabanata 23—Ang Mga Salot sa Ehipto
- Kabanata 24—Ang Paskua
- Kabanata 25—Ang Exodo
- Kabanata 26—Mula sa Pulang Dagat Hanggang sa Sinai
- Kabanata 27—Ang Kautusang Ibinigay sa Israel
- Kabanata 28—Ang Pagsamba sa diyus-diyusan sa Sinai
- Kabanata 29—Ang Galit ni Satanas Laban sa Kautusan
- Kabanata 30—Ang Tabernakulo at ang mga Serbisyo
- Kabanata 31—Ang Kasalanan ni Nadab at ni Abihu
- Kabanata 32—Ang Kautusan at ang mga Tipan
- Kabanata 33—Mula sa Sinai Hanggang sa Cades
- Kabanata 34—Ang Labindalawang Tiktik
- Kabanata 35—Ang Paghihimagsik ni Core
- Kabanata 36—Sa Ilang
- Kabanata 37—Ang Hinampas na Bato
- Kabanata 38—Paglalakbay sa Palibot ng Edom
- Kabanata 39—Ang Pagsakop sa Basan
- Kabanata 40—Balaam
- Kabanata 41—Ang Pagtalikod sa Jordan
- Kabanata 42—Muling Isinaysay ang Kautusan
- Kabanata 43—Ang Pagkamatoy ni Moises
- Kabanata 44—Pagtawid sa Jordan
- Kabanata 45—Ang Pagkaguho ng Jerico
- Kabanata 46—Ang mga Pagpapala at ang mga Sumpa
- Kabanata 47—Ang Pakikilakip sa mga Gabaonita
- Kabanata 48—Ang Pagkakabahagi ng Canaan
- Kabanata 49—Ang Huling mga Salita ni Josue
- Kabanata 50—Ang mga Ikapu at mga Handog
- Kabanata 51—Ang Pangangalaga ng Dios so Mahihirap
- Kabanata 52—Ang Taun-taong mga Kapistahan
- Kabanata 53—Ang Naunang mga Hukom
- Kabanata 54—Samson
- Kabanata 55—Ang Batang si Samuel
- Kabanata 56—Si Eli at ang Kanyang mga Anak
- Kabanata 57—Ang Kaban ay Nakuha ng mga Filisteo
- Kabanata 58—Ang mga Paaralan ng mga Propeta
- Kabanata 59—Ang Unang Hari ng Israel
- Kabanata 60—Ang Kapangahasan ni Saul
- Kabanata 61—Tinanggihan si Saul
- Kabanata 62—Ang Pagpapahid kay David
- Kabanata 63—Si David at si Goliath
- Kabanata 64—Si David Bilang Isang Pugante
- Kabanata 65—Ang Kagandahang-loob ni David
- Kabanata 66—Ang Pagkamatay ni Saul
- Kabanata 67—Ang Sinauna of Makabagong Pang-eengkanto
- Kabanata 68—Si David sa Ziklag
- Kabanata 69—Tinawagan Tungo sa Trono si David
- Kabanata 70—Ang Paghahari ni David
- Kabanata 71—Ang Kasalanan at Pagsisisi ni David
- Kabanata 72—Ang Paghihimagsik ni Absalom
- Kabanata 73—Mga Huling Taon ni David
- Apendiks
Search Results
- Results
- Related
- Featured
- Weighted Relevancy
- Content Sequence
- Relevancy
- Earliest First
- Latest First
- Exact Match First, Root Words Second
- Exact word match
- Root word match
- EGW Collections
- All collections
- Lifetime Works (1845-1917)
- Compilations (1918-present)
- Adventist Pioneer Library
- My Bible
- Dictionary
- Reference
- Short
- Long
- Paragraph
No results.
EGW Extras
Directory
Kabanata 59—Ang Unang Hari ng Israel
Ang kabanatang ito ay batay sa 1 Samuel 8 hanggang 12.
Ang pamahalaan ng Israel ay pinangasiwaan sa ngalan at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios. Ang gawain ni Moises, ng pitumpung mga matanda, ng mga pinuno at mga hukom, ay pawang upang isakatuparan ang mga kautusan na ipinagkaloob ng Dios; sila ay walang kapangyarihan upang gumawa ng batas para sa bansa. Naging ganito, at ipinagpatuloy ang ganito, sa kalagayan ng Israel bilang isang bansa. Sa bawat kapanahunan ang mga lalaking kinasihan ng Dios ay sinusugo upang turuan ang mga tao, at pangunahan sa pagsasakatuparan ng mga kautusan.MPMP 713.1
Nakita ng Panginoon bago pa man mangyari iyon na nanaisin ng Israel ang magkaroon ng isang hari, subalit hindi Siya sumang-ayon sa isang pagbabago ng mga prinsipyo na sa pamamagitan noon ang bansa ay itinatag. Ang hari ay kinakailangang maging kinatawan ng Kataas-taasan. Ang Dios ay kinakailangang kilalanin na pinuno ng bansa, at ang Kanyang kautusan ay kinakailangang ipatupad bilang pinakamataas na batas ng lupain. [Tingnan ang Apendiks, Nota 8.]MPMP 713.2
Nang ang mga Israelita ay unang nanirahan sa Canaan, kanilang kinilala ang mga prinsipyo ng pamamahala ng Dios, at ang bansa ay umunlad sa ilalim ng pamumuno ni Josue. Subalit ang paglago ng populasyon, at ang pakikilakip sa ibang mga bansa, ay naghatid ng isang pagbabago. Ang bayan na hindi kumikilala sa Dios, at sa pamamagitan noon ay isinakripisyo sa isang malaking banda, ang sarili nilang natatanging, banal na likas. Unti-unting nawala ang kanilang paggalang sa Dios, at hindi na pinahalagahan ang karangalan ng pagiging Kanyang piniling bayan. Naakit ng karilagan at pagpapakita ng mga hari ng hindi kumikilala sa Dios, sila ay nanawa sa sarili nilang kasimplihan. Paninibugho at inggit ay bumangon sa pagitan ng mga lipi. Ang pangloob na hidwaan ay nagpahina sa kanila; sila'y patuloy na nakalantad sa pagsalakay ng kanilang mga kaaway na hindi kumikilala sa Dios, at ang mga tao ay naniwala na upang mapanatili ang kanilang pagiging kabilang ng mga bansa, ang mga lipi ay kinakailangang magkaisa sa isang malakas na sentrong pamahalaan. Sa kanilang paghiwalay mula sa pagiging masunurin sa kautusan ng Dios, ninasa nilang maging malaya mula sa pamumuno ng kanilang Dios na Makapangyarihan sa lahat; kung kaya't ang kahilingan para sa isang hari ay naging laganap sa buong Israel.MPMP 713.3
Mula noong mga araw ni Josue, ang pamahalaan ay hindi pa kailan man napangasiwaan na may dakilang karunungan at pagtatagumpay na tulad sa pangangasiwa ni Samuel. Pinagkalooban ng Dios ng tatlong tungkulin ng pagiging hukom, propeta, at saserdote, siya ay gumawa na may hindi napapagod at walang pag-iimbot na kasigasigan para sa kapakanan ng kanyang bayan, at ang bansa ay umunlad sa ilalim ng kanyang pantas na pangangasiwa. Ang kaayusan ay naibalik, at ang pagkarelihiyoso ay naitanyag, at ang espiritu ng kawalan ng kasiyahan ay nasupil sa ilang panahon. Subalit dahil sa pagtanda ang propeta ay napilitang ibahagi sa iba ang mga pasanin ng pamahalaan, at kanyang itinalaga ang dalawa niyang mga anak bilang kanyang mga katulong. Samantalang ipinapagpatuloy ni Samuel ang kanyang tungkulin sa Rama, ang dalawang kabataan ay nasa Beerseba, upang pangasiwaan ang pagiging hukom sa bayan malapit sa timog na hangganan ng lupain.MPMP 714.1
Iyon ay may ganap na pagsang-ayon ng bayan na itinalaga ni Samuel ang dalawa niyang mga anak sa tungkulin, subalit hindi sila naging karapat-dapat sa pagkapili ng kanilang ama. Ang Panginoon, sa pamamagitan ni Moises, ay nagbigay ng espesyal na mga tagubilin sa Kanyang bayan na ang mga namumuno sa Israel ay kinakailangang maghukom na matuwid, maging makatarungan sa pakikitu- ngo sa babaeng balo at sa walang ama, at huwag tatanggap ng mga suhol. Subalit ang mga anak ni Samuel ay “lumingap sa mahalay na kapakinabangan, at tumanggap ng mga suhol, at sinira ang paghatol.” Ang mga anak ng propeta ay hindi nakinig sa mga aral na sinikap niyang maitanim sa kanilang mga isip. Hindi nila tinularan ang dalisay, at hindi makasariling buhay ng kanilang ama. Ang babala na ibinigay kay Eli ay hindi nagkaroon ng impluwensya sa pag-iisip ni Samuel na sana ay nagawa noon. Siya ay naging labis na mapagpalayaw sa isang banda sa kanyang mga anak, at ang naging bunga ay nakikita sa kanilang pagkatao at buhay.MPMP 714.2
Ang pagiging hindi makatarungan ng mga hukom na ito ay naging sanhi ng maraming hindi pagkasiya, at nagkaroon ng dahilan sa gano'ng paraan ang naigayak upang ipagpilitan ang pagbabago na matagal nang lihim na ninanais. “Nang magkagayo'y nagpisan ang mga matanda ng Israel, at naparoon kay Samuel sa Ramatha; at kanilang sinabi sa kanya, Narito, ikaw ay matanda na, at ang iyong mga anak ay hindi lumalakad sa iyong mga daan: ngayon nga'y lagyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin gaya ng lahat ng mga bansa.” Ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga tao ay hindi pinarating kay Samuel. Kung ang masasamang gawain ng kanyang mga anak ay ipinaalam sa kanya, kanya sanang inalis sila ng walang pag-aatubili; subalit hindi ito ang ninanais ng mga may kahilingan. Nakita ni Samuel na ang tunay na motibo nila ay kawalan ng kasiyahan at pagpapaimbabaw, at ang kanilang hinihiling ay bunga ng isang pinag-aralan at ipinagpasyang layunin. Walang reklamong ginawa laban kay Samuel. Ang lahat ay kumikilala sa katapatan at karunungan ng kanyang pangangasiwa; subalit ang matandang propeta ay tumingin sa kahilingan iyong bilang isang pamimintas sa kanya, at isang tuwirang pagsisikap upang siya ay mapasa isang tabi. Hindi niya, gano'n pa man inihayag ang kanyang nadama; hindi siya bumanggit ng panunumbat, kundi dinala ang bagay na iyon sa Panginoon sa panalangin, at humingi ng payo mula lamang sa Kanya.MPMP 714.3
At sinabi ng Panginoon kay Samuel: “Dinggin mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo; sapagkat hindi ikaw ang kanilang itinakwil, kundi itinakwil nila Ako, upang huwag Akong maghari sa kanila. Ayon sa lahat na gawa na kanilang ginawa mula nang araw na iahon Ko sila mula sa Ehipto hanggang sa araw na ito, sa kanilang pag-iiwan sa Akin, at paglilingkod sa ibang mga diyos ay gayon ang ginagawa nila sa iyo.” Ang propeta ay kinagalitan sa pagkalungkot sa ginawa ng mga tao sa kanya bilang isang tao. Sila ay hindi nagpahayag ng hindi paggalang sa kanya, kundi sa awtoridad ng Dios, na nagtatalaga ng mga pinuno ng Kanyang bayan. Sila na humamak at tanggihan ang tapat na lingkod ng Dios ay nagpapakita ng pag-iring hindi para sa tao, kundi para sa Panginoon na nagpadala sa kanya. Ito'y salita ng Dios, ang Kanyang pagbabawal, at payo; ang Kanyang awtoridad ang tinatanggihan.MPMP 715.1
Ang mga araw ng kasaganaan ng Israel, ay ang mga panahon na kanilang kinilala si Jehova na kanilang Hari—noong ang mga utos at pamahalaan na, Kanyang itinatag ay kinilala bilang pinakamataas kaysa sa lahat ng mga bansa. Ipinahayag ni Moises sa Israel ang tungkol sa ipinag-utos ng Panginoon: “Ito ang inyong karunungan at ang inyong kaalaman sa paningin ng mga tao, na makakarinig ng mga palatuntunang ito, at magsasabi, Tunay na ang dakilang bansang ito ay isang pantas at maalam na bayan.” Deuteronomio 4:6. Subalit sa pamamagitan ng paghiwalay sa kautusan ng Dios ang mga Hebreo ay nabigo sa pagiging bayan na nais ng Dios gawin sa kanila, at ang lahat ng mga kasamaan na bunga ng sarili nilang kasalanan at kahangalan ay kanilang ibinintang sa pamamahala ng Dios. Sila ay lubos na binulag ng kasalanan.MPMP 715.2
Ang Panginoon, sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta, ay nagpahayag bago pa man iyon mangyari na ang Israel ay pamumunuan ng isang hari; subalit iyon ay hindi nangangahulugan na iyon ang pinakamabuting uri ng pamamahala para sa kanila, o iyon ay sang- ayon sa Kanyang kalooban. Pinahihintulutan Niya ang mga tao na sumunod sa sarili nilang kagustuhan, sapagkat sila ay tumangging sumunod sa Kanyang payo. Ipinahayag ni Oseas na sila ay binigyan ng Dios ng hari sa Kanyang kagalitan. Oseas 13:11. Kapag pinili ng tao ang sundin ang sarili nilang kagustuhan, na hindi humihingi ng payo mula sa Dios, o nasa paglaban sa Kanyang inihayag na kalooban, kalimitan ay ipinapagkaloob Niya ang kanilang ninanasa, upang, sa mapait na karanasang kasunod noon-, sila ay maakay upang kanilang makita ang kanilang kahangalan at upang magsisi sa kanilang kasalanan. Ang pagpapaimbabaw ng tao at karunungan ay mapa- patunayang isang mapanganib na patnubay. Yaong ninanasa ng puso na salungat sa kalooban ng Dios, sa huli ay masusumpungang isang sumpa sa halip na isang pagpapala.MPMP 716.1
Nais ng Dios na ang Kanyang bayan ay sa Kanya lamang tumingin bilang kanilang tagapagbigay ng batas at kanilang pinagkukunan ng lakas. Nadarama ang kanilang pagpapaaruga sa Dios, sila ay patuloy na maaakit upang higit na mapalapit sa Kanya. Sila ay maiaangat at mapaparangal, angkop para sa isang mataas na kahihinatnan na itinawag sa kanila bilang Kanyang piniling bayan. Subalit kung ang isang tao ay mailalagay sa trono iyon ay nakahilig upang akitin ang isip ng mga tao mula sa Dios. Sila ay higit na magtitiwala sa lakas ng tao, at mababawasan ang pagtitiwala sa kapangyarihan ng Dios, at ang mga pagkakamali ng kanilang hari ay aakay sa kanila tungo sa kasalanan, at ihihiwalay ang bayan mula sa Dios.MPMP 716.2
Si Samuel ay inutusang ipagkaloob ang hinihiling ng bayan, subalit sila ay bibigyan ng babala tungkol sa hindi pagsang-ayon ng Dios, at ipapaalam din kung ano ang magiging bunga ng kanilang landasin. “At isinaysay ni Samuel ang buong salita ng Panginoon sa bayan na humihingi sa kanya ng isang hari.” Matapat na inihayag niya sa kanila ang mga pasanin na mapapasa kanila, at ipinakita ang pag- kakaiba na gano'ng kalagayan ng pang-aapi sa kasalukuyang malaya at umuunlad na kalagayan. Tutularan ng kanilang hari ang karingalan at kaluhuan ng ibang mga hari, at upang masuportahan iyon, mabibigat na pagbubuwis sa kanilang katauhan at sa kanilang mga ari-arian ang kakailanganin. Ang pinakamahusay sa kanilang mga kabataang lalaki ay kanyang kakailanganin sa paglilingkod sa kanya. Sila ay gagawing mga tagapagpatakbo ng karo, mangangabayo, at mga taga takbo para sa kanya. Sila ay tatao sa kanyang hukbo, at kakailanganing magbungkal ng kanyang bukid, umani ng kanyang mga ani, at gumawa ng mga kasangkapang pangdigmaan para sa paglilingkod sa kanya. Ang mga anak na babae ng Israel ay kukunin upang maging tagagawa ng mga pabango at mga magtitinapay para sa sambahayan ng hari. Upang matustusan ang kanyang makaharing lupain kanyang kukunin ang pinakamabuti nilang mga lupain, na ibinigay ni Jehova sa mga tao. Gano'n din ang pinakamahusay nilang mga alipin, at kanilang baka, ay kanyang kukunin, at “ilalagay sa kanyang mga gawain.” Bukod sa lahat ng ito, kukunin ng hari ang ikasampung bahagi ng lahat ng kanilang kinikita, ang kita sa kanilang mga paggawa, o ang mga bunga ng lupa. “Kayo'y magiging kanyang mga lingkod,” binuod ng propeta. “At kayo'y dadaing sa araw na yaon, dahil sa inyong hari na inyong pipiliin; at hindi kayo sasagutin ng Panginoon sa araw na yaon.” Gaano man kabigat ang mga masusumpungang iaatang, minsang ang isang hari ay maitatag, ay hindi nila iyon maaalis ayon sa kanilang kaluguran.MPMP 716.3
Subalit ibinalik ng mga tao ang sagot, “Hindi; kundi magkakaroon kami ng hari sa amin; upang kami naman ay maging gaya ng lahat ng mga bansa, at upang hatulan kami ng aming hari, at lumabas sa unahan namin, at ipakipaglaban ang aming pakikipagbaka.”MPMP 717.1
“Gaya ng lahat ng mga bansa.” Hindi batid ng mga Israelita na ang mapasa ganitong kalagayan na hindi tulad ng lahat ng mga bansa ay isang natatanging karapatan at pagpapala. Inihiwalay ng Dios ang mga Israelita mula sa lahat ng mga bayan, upang sila ay gawing Kanyang natatanging yaman. Subalit sila, sa hindi pagpapahalaga sa karangalang ito, ay sabik na sabik na ninasang tularan ang halimbawa ng mga hindi kumikilala sa Dios! At ang pagnanasang makiayon sa mga gawain at ugali ng sanlibutan ay nanatili pa rin sa nag-aangking bayan ng Dios. Sa kanilang paglayo mula sa Panginoon, sila ay na- giging mapagmithi sa mga pakinabang at pagpaparangal ng sanlibutan. Ang mga Kristiano ay patuloy na nagsisikap tumulad sa mga gawain noong mga sumasamba sa diyos ng sanlibutang ito. Ipinagpi- pilitan ng marami na sa pamamagitan ng pakikilakip sa mga taga sanlibutan at pakikiayon sa kanilang mga ugali, sila ay maaaring magkaroon ng malakas na impluwensya sa mga hindi relihiyoso. Subalit ang lahat ng tumatahak sa landasing ito, ay nawawalay mula sa pinagmumulan ng kanilang lakas. Sa pagiging mga kaibigan ng sanlibutan, sila ay mga kaaway ng Dios. Alang-alang sa pagkilala ng nasa sanlibutan kanilang isinasakripisyo ang di mabigkas na karangalan na itinawag sa kanila ng Dios, na ipinapakita ang kaluwalhatian Niya na tumawag sa atin mula sa kadiliman tungo sa Kanyang kagilagilalas na liwanag. 1 Pedro 2:9.MPMP 717.2
May malalim na kalungkutan, na nakinig si Samuel sa mga salita ng bayan; subalit sinabi sa kanya ng Panginoon, “Dinggin mo ang kanilang tinig at lagyan mo sila ng hari.” Nagawa ng propeta ang kanyang tungkulin. Matapat na niyang naihayag sa kanila ang babala, at iyon ay tinanggihan. Mabigat ang kanyang puso na kanyang pinauwi ang mga tao, at siya rin ay umalis upang maghanda para sa malaking pagbabago sa pamahalaan.MPMP 718.1
Ang dalisay na buhay at hindi makasariling pagtatalaga ni Samuel ay isang nagpapatuloy na sumbat kapwa sa mga mapag-imbot na mga saserdote at mga matanda, at sa mga mapagmalaki, at mapagbi- gay sa hilig ng katawan sa kapisanan ng Israel. Bagaman hindi siya nag-angkin ng karingalan at hindi gumawa ng mga pagpapakita, ang kanyang mga paggawa ay nagtaglay ng tatak ng langit. Siya ay pinarangalan ng Tagatubos ng sanlibutan, na sa ilalim ng kanyang pagpatnubay ay pinamunuan niya ang bansang Hebreo. Subalit ang mga tao ay nanawa na sa kanyang kabanalan at pagtatalaga; kanilang inayawan ang kanyang mapagpakumbabang awtoridad, at tinanggihan siya para sa isang lalaki na mamumuno sa kanila bilang isang hari.MPMP 718.2
Sa pagkatao ni Samuel ay nakakakita tayo ng sinag ng wangis ni Kristo. Ang kadalisayan ng buhay ng ating Tagapagligtas ang pumu- kaw sa galit ni Satanas. Ang buhay na iyon ang liwanag ng sanlibutan at inihahayag ang natatagong kakulangan sa puso ng mga lalaki. Ang kabanalan ni Kristo ang pumukaw laban sa kanya sa pinakamalupit ,na pagnanasa ng di tunay na pusong nag-aangkin ng kabanalan. Si Kristo ay hindi naparitong taglay ang mga kayamanan at karangalan ng sanlibutan, subalit ang mga gawa na Kanyang ginawa ay nagpapahayag na siya ay may kapangyarihang higit sa sinumang prinsipe. Ang mga Hudyo ay tumingin sa Mesias bilang siyang mag- papalaya mula sa pamatok ng mang-aapi, gano'n pa man kanilang inibig ang kasalanan na nag-atang noon sa kanilang mga leeg. Kung pinagtakpan lamang ni Kristo ang kanilang kasalanan at pinuri ang kanilang kabanalan, kanila sanang tinanggap Siya bilang kanilang hari; subalit hindi nila papasanin ang walang takot na panunumbat sa kanilang mga masasamang mga gawain. Ang pagiging kaibig-ibig ng isang pagkatao na kung saan ang pagiging mapagbigay, kadalisayan, at kabanalan ay dakila sa lahat, na hindi tumatanggap sa pagkagalit liban lamang sa kasalanan, ay kanilang tinanggihan. At gano'n ang nangyayari sa lahat ng kapanahunan ng sanlibutan. Ang liwanag mula sa langit ay naghahatid ng paghatol sa lahat ng tumatangging lumakad sang-ayon doon. Kapag nasumbatan sa pamamagitan noong mga namumuhi sa kasalanan, ang mga taong nagpapakunwaring banal ay magiging mga kasangkapan ni Satanas upang saktan at usigin ang mga tapat. “Lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Kristo Jesus ay mangagbabata ng pag-uusig.” 2 Timoteo 3:12.MPMP 718.3
Bagaman ang isang monarkiyang sistema ng pamahalaan para sa Israel ay inihayag sa hula bago pa man maganap iyon, iningatan ng Dios para sa Kanyang sarili ang karapatang pumili ng kanilang hari. Hanggang sa mga panahong iyon ang mga Hebreo ay nagtitiwala pa sa Dios na kanilang lubos na ipinagkatiwala sa Kanya ang pagpili. At ang pagpili ay napunta kay Saul, isang anak na lalaki ni Cis, ng lipi ni Benjamin.MPMP 719.1
Ang personal na katangian ng magiging hari ay yaong makatutugon sa kapalaluan ng puso na kumilos sa puso upang magnasa ng isang hari. “Sa mga anak ni Israel ay walang lalong makisig na lalaki kaysa kanya.” 1 Samuel 9:2. May marangal at matipunong anyo, na nasa katanghalian ng buhay, kaakit-akit at matangkad, ang anyo niya ay tulad sa isang isinilang upang mamuno. Sa kabila ng pagkakaroon ng lahat ng mga katangiang ito na panglabas, si Saul ay wala noong mga higit na mataas na mga katangian na bumubuo sa tunay na karunungan. Sa kanyang kabataan ay hindi niya natutunang supilin ang kanyang padalos-dalos, at mapusok na mga pagnanasa; hindi pa niya kailan man nadama ang nakapagpapabagong kapangyarihan ng biyaya ng Dios.MPMP 719.2
Si Saul ay anak ng isang makapangyarihan at mayamang pinuno, gano'n pa man sang-ayon sa kasimplihan ng panahon, siya ay gu- magawang kasama ng kanyang ama sa abang mga tungkulin ng isang magsasaka. Nang ang ilan sa mga hayop ng kanyang ama ay naligaw sa mga bundok, si Saul ay humayo kasama ang isang lingkod upang' hanapin ang mga iyon. Sa loob ng tatlong araw ay walang saysay na naghahanap sila, samantalang sila ay hindi nalalayo sa Ramah [Tingnan ang Apendiks, Nota 9.], ang tirahan ni Samuel, iminungkahi ng lingkod na sila ay magtanong sa propeta tungkol sa nawawalang mga pag-aari. “Mayroon ako sa aking kamay na ikaapat na bahagi ng isang siklong pilak,” wika niya: “iyan ang aking ibibigay sa lalaki ng Dios, upang saysayin sa atin ang ating paglalakbay.” Ito ay sang-ayon sa kaugalian ng panahon. Ang isang taong lumalapit sa isang taong may posisyon o tungkulin ay nagbibigay sa kanya ng isang maliit na kaloob, bilang isang pagpapa- hayag ng paggalang.MPMP 720.1
Samantalang sila ay napapalapit sa lungsod, sila ay nakasalubong ng ilang mga dalaginding na lumabas upang sumalok ng tubig, at ipinagtanong nila sa kanila ang propeta. Bilang tugon ay sinabi sa kanila na may isang serbisyong panrelihiyon ang malapit nang ma- ganap, at ang propeta ay dumating na, magkakaroon ng paghahain sa “mataas na dako,” at pagkatapos noon ay may isang piging ukol sa hain. Isang malaking pagbabago ang naganap sa ilalim ng pamamahala ni Samuel. Nang ang panawagan ng Dios ay unang dumating sa kanya, ang mga serbisyo ng santuwaryo ay kinamumuhian. “Niwa- walan ng kabuluhan ng mga tao ang handog sa Panginoon.” 1 Samuel 2:17. Subalit ang pagsamba sa Dios ay pinananatili na ngayon sa buong lupain, at ang mga tao ay nagpahayag ng pagkawili sa mga serbisyong panrelihiyon. Sapagkat wala na noong ginagawang paglilingkod sa tabernakulo, ang mga paghahain sa ilang panahon ay isinasagawa sa ibang lugar; at ang mga lungsod ng mga saserdote at ng mga Levita, kung saan ang mga tao ay nagtutungo para sa pagtuturo, ang pinili para sa layuning ito. Ang pinakamataas na dako sa mga lungsod na iyon ay kalimitang pinipili bilang lugar ng paghahain, at dahil dito'y tinawag na “matataas na dako.”MPMP 720.2
Sa pintuang daan ng lungsod, Si Saul ay nakatagpo ng propeta.MPMP 720.3
Ang Dios ay nagpahayag kay Samuel na sa pagkakataong iyon ang piniling hari ng Israel ay magpapakilala ng kanyang sarili sa harap niya. Samantalang sila ngayon ay nakatayong magkaharap, si Samuel ay sinabihan ng Panginoon, “Narito ang lalaki na aking sinalita sa iyo! ito nga ang magkakaroon ng kapangyarihan sa Aking bayan.”MPMP 721.1
Sa kahilingan ni Saul, na, “Isinasamo ko sa iyo na saysayin mo sa akin, kung saan nandoon ang bahay ng tagakita,” si Samuel ay tumugon, “Ako ang tagakita.” Tinitiyak din sa kanya na ang nawa- walang mga hayop ay nasumpungan na, pinilit niya siyang manatili at dumalo sa piging, at sa pagkakataon ding iyon ay nagbigay ng ilang mungkahi sa dakilang kahihinatnan na nasa harap niya: “Kani- no ang buong pagnanasa sa Israel? Hindi ba sa iyo, at sa buong sangbahayan ng iyong ama?” Ang puso ng nakikinig ay kinilabutan sa mga salita ng propeta. Walang iba siyang magawa kundi mabatid ang kahalagahan noon, sapagkat ang kahilingan para sa isang hari ay naging isang lubos na pinag-uukulan ng pansin ng buong bayan. Gano'n pa man ay may mainam na pagpapakumbaba, si Saul ay sumagot, “Hindi ba ako Benjamita, sa pinakamaliit na lipi ng Israel? at ang aking angkan ang pinakamababa sa mga angkan ng lipi ng Benjamin? Bakit nga nagsasalita ka sa akin ng ganitong paraan?” Sinamahan ni Samuel ang dayuhan tungo sa lugar na pagpupu- lungan, kung saan ang mga pangunahing mga lalaki ng bayan ay nagkakatipon. Kasama sila, ayon sa ipinag-utos ng propeta, ang lugar ng karangalan ay ibinigay kay Saul, at sa piging ang pinaka piling bahagi ay inihain sa harap niya. Nang matapos ang serbisyo, dinala ni Samuel ang kanyang panauhin sa sarili niyang tahanan, at doon sa bubong ng bahay ay nakipag-usap siya sa kanya, na inilahad ang mga dakilang prinsipyo na doon ang pamahalaan ng Israel ay itinatag, at sa gano'ng paraan ay sinikap na ihanda siya, sa isang antas, para sa kanyang mataas na tungkulin.MPMP 721.2
Nang si Saul ay umalis, madaling araw kinaumagahan, ang propeta ay sumama sa kanya. At nang makalampas sa bayan, inutusan niya ang lingkod na magpatuloy. At pinanatili niya si Saul upang tumanggap ng salita mula sa Dios. “Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa Kanyang mana?” Bilang katibayan na ito ay isinagawa ayon sa kapamahalaan ng Dios, kanyang isinaysay ang mga magaganap sa kanyang paglalakbay papauwi, at tiniyak kay Saul na siya ay ihahanda ng Espiritu ng Dios para sa tungkuling naghihintay sa kanya. “Ang Espiritu ng Panginoon ay makapangya- rihang sasaiyo,” wika ng propeta, at “ikaw ay magiging ibang lalaki. At mano nawa, na pagka ang mga tandang ito ay mangyari sa iyo, na gawin mo ang idudulot ng pagkakataon; sapagkat ang Dios ay suma- saiyo.”MPMP 721.3
Nang si Saul ay naglalakad na sa kanyang landas, ang lahat ay naganap ayon sa sinabi ng propeta. Malapit sa hangganan ng Benjamin siya ay sinabihan na ang nawawaglit na mga hayop ay nakita na. Sa kapatagan ng Tabor siya ay nakasalubong ng tatlong lalaki na pupunta upang sumamba sa Bethel. Ang isa sa kanila ay may dalang tatlong batang kambing na ihahain, ang isa ay tatlong tinapay ang dala, at ang ikatlo ay isang bote ng alak, para sa piging ukol sa hain. Binati nila si Saul sa karaniwang pagbati, at ibinigay sa kanya ang dalawa sa tatlong tinapay. Sa Gabaa, na sarili niyang lungsod, isang pulutong ng mga propeta na nanggaling sa “mataas na dako” ang umaawit ng papuri sa Dios ayon sa tugtog ng tipano at ng alpa, ng salterio, at ng pandereta. Samantalang si Saul ay papalapit sa kanila, ang Espiritu ng Panginoon ay sumakanya rin, at siya ay suma- ma sa kanilang awit ng pagpuri, at siya'y nanghulang kasama nila. Siya ay nagsalita na may dakilang kahusayan at karunungan, at taim- tim na nakilahok sa serbisyo, anupa't yaong nakakilala sa kanya ay nagsabi sa pagkamangha, “Ano itong nangyari sa anak ni Cis? Si Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta?”MPMP 722.1
Samantalang si Saul ay nakikisama sa mga propeta sa kanilang pagsamba, isang malaking pagbabago ang ginawa sa kanya ng Banal na Espiritu. Ang liwanag ng kadalisayan at kabanalan ng Dios ay suminag sa loob ng kadiliman ng natural na puso. Nakita niya ang kanyang sarili na nasa harap ng Dios. Nakita niya ang kagandahan ng kabanalan. Siya ngayon ay tinawagan upang simulan ang pakiki- pagpunyagi laban sa kasalanan at kay Satanas, at ipinadama sa kanya na sa pakikipagbakang ito ang kanyang lakas ay kinakailangang magmula lamang sa Dios. Ang panukala ng kaligtasan, na dati ay tila madilim at di tiyak, ay binuksan sa kanyang pang-unawa. Siya ay binigyan ng Panginoon ng tapang at ng karunungan para sa kanyang mataas na tungkulin. Ipinahahayag Niya sa Kanya ang Pinagmumulan ng lakas at ng biyaya, at niliwanagan ang kanyang pang-unawa sa mga ipinag-uutos ng Dios at sa sarili niyang tungkulin.MPMP 722.2
Ang pagpapahid kay Saul bilang hari ay hindi ipinaalam sa bayan. Ang pinili ng Dios ay ihahayag sa publiko sa pamamagitan ng pagtatalaga. Para sa layuning ito, ay tinipon ni Samuel ang bayan sa Mizpa. Nagkaroon ng panalangin para sa pagpatnubay ng Dios; at sumunod ang solemneng seremonya ng pagtatalaga. Sa katahimikan, ang natipong karamihan ay naghintay sa ipapahayag. Ang lipi, ang angkan, ang sambahayan ay sunod-sunod na inihayag at si Saul, ang anak ni Cis, ang nahayag bilang siyang pinili. Subalit si Saul ay wala sa kapulungan. Nabibigatan sa pagkadama ng malaking responsibilidad na mapapasakanya, siya ay lihim na umalis. Siya ay ibinalik sa kapulungan, na nagmasid na may pagmamalaki at kasiyahan na siya ay may makaharing tindig at marangal na anyo, dahil “mataas siya kay sa sinoman sa bayan, mula sa kanyang mga balikat at paitaas.” Maging si Samuel, nang inihaharap siya sa kapulungan ay nagsabi, “Nakikita ba ninyo siya na pinili ng Panginoon, na walang gaya niya sa buong bayan?” At bilang tugon ay bumangon mula sa malaking kapulungan ang isang mahaba, at malakas na sigaw ng kagalakan, “Mabuhay ang hari!”MPMP 723.1
At iniharap ni Samuel sa bayan “ang paraan ng kaharian,” binanggit ang mga prinsipyong batayan ng monarkiyang pamahalaan, at sa pamamagitan noon iyon ay pangangasiwaan. Ang hari ay hindi magiging isang ganap na hari, kundi magkakaroon ng kanyang kapangyarihan sa ilalim ng kalooban ng Kataas-taasan. Ang pananalitang ito ay itinala sa isang aklat, kung saan inilahad ang mga karapatan ng prinsipe at ang mga karapatan at pribilihiyo ng nga tao. Bagaman tinanggihan ng bayan ang babala ni Samuel, ang matapat na propeta, samantalang napipilitang sumang-ayon sa kanilang mga ninanais, ay nagsikap pa rin, hanggat sa maaari, na maingatan ang kanilang mga kalayaan.MPMP 723.2
Samantalang ang mga tao sa pangkalahatan ay handa nang kilalanin si Saul bilang kanilang hari, mayroong isang malaking bahagi ang hindi sumasang-ayon. Ang pagpili ng isang hari mula sa Benjamin, ang pinakamaliit na lipi ng Israel—at hindi sa Juda at Ephraim, ang pinakamalaki at pinaka makapangyarihan—ay isang pagwawalang halaga na hindi nila maaaring mapalampas. Tumanggi silang mag- angkin ng pagtatapat kay Saul, ni maghatid sa kanya ng mga kaugaliang kaloob. Yaong mga pinakamasigasig sa paghiling nila ng isang hari ay sila ay hindi tumanggap na may pagpapasalamat sa lalaking pinili ng Dios. Ang mga kaanib ng bawat panig ay mayroong kanilang pinipili, na nais nilang mailagay sa trono, at ang ilan sa mga pinuno ay nagnanasang ang karangalan ay mapasa kanila. Inggit at paninibugho ay alimpuyo sa puso ng marami. Ang mga pagsisikap ng pagpapaimbabaw at ambisyon ay nagbunga ng pagka- bigo at hindi pagkasiya ng marami.MPMP 723.3
Sa ganitong kalagayan ng mga pangyayari, hindi ni Saul makitang marapat para sa kanya ang manungkulan sa pagkahari. Iniwan kay Samuel ang pangangasiwa sa pamahalaan tulad ng dati, siya ay bumalik sa Gabas. Siya ay marangal na inihatid doon ng isang pulutong, na, nang makita ang pinili ng Dios, ay nagpasyang tulungan siya. Subalit hindi siya gumawa ng anuman upang makuha sa pamamagitan ng dahas ang kanyang karapatan sa trono. Sa kanyang tahanan sa mataas na lupain ng Benjamin ay matahimik niyang ginampanan ang mga tungkulin ng isang magsasaka, iniwan ng lubos ang pagtatatag ng kanyang kapangyarihan sa Dios.MPMP 724.1
Makalipas ang pagkahirang kay Saul, ang mga Amonita, sa ilalim ng kanilang hari na si Naas, ay sumalakay sa nasasakupan ng mga lipi na nasa silangan ng Jordan, at binantaan ng lungsod ng Jabes-galaad. Ang mga naninirahan doon ay nagsikap makipagkasundo sa pag- aalok ng paglilingkod sa mga Amonita. Dito ay hindi makakasang- ayon ang malupit na hari kung hindi niya maaalis muna ang kanang mata ng bawat isa sa kanila, upang sila ay maging mga buhay na patotoo sa kanyang kapangyarihan.MPMP 724.2
Ang mga tao sa sinalakay na lungsod ay nakiusap na magkaroon ng palugit na pitong araw. Dito ay sumang-ayon ang mga Amonita, iniisip na sa pamamagitan noon ay higit pang mapararangal ang inaasahan nilang tagumpay. Kaagad nagpadala ng mga sugo mula sa Jabes, upang humiling ng tulong mula sa mga lipi sa kanluran ng Jordan! Inihatid nila ang balita sa Gabaa, na lumikha ng laganap na pangamba. Si Saul, nang umuwi kinagabihan mula sa pag-aararo sa bukid, ay nakarinig ng malakas na pag-iyak na nagsasaysay na malaking sakuna. Kanyang sinabi, “Anong mayroon ang bayan at sila'y umiiyak?” Nang ang nakahihiyang kasaysayan ay isinalaysay, ang lahat niyang natutulog na mga kapangyarihan ay napukaw. “Ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihang suma kay Saul.... At siya ay kumuha ng dalawang magkatuwang na baka, at kanyang kinatay, at ipinadala niya sa lahat ng mga hangganan ng Israel sa pamamagitan ng mga kamay ng mga sugo, na sinasabi, Sinomang hindi lumalabas na sumunod kay Saul at kay Samuel, ay ganyan ang gagawin sa kanyang mga baka.”MPMP 724.3
Tadong daan at tatlumpung libong mga lalaki ang natipon sa kapatagan ng Bezec sa ilalim ng pag-uutos ni Saul. Kaagad nagsugo tungo sa sinalakay na lungsod, na may paniniyak na sa kinabukasan sila ay makaaasang may darating na tulong, sa araw ng kanilang pagsuko sa mga Amonita. Sa pamamagitan ng isang mabilis na paglalakbay ng kinagabihan, si Saul at ang kanyang hukbo ay tumawid ng Jordan, at nakarating sa Jabes “sa pagbabantay sa kinaumagahan.” Tulad ni Gedeon, na hinati niya ang kanyang puwersa sa tatlong pulutong, sila ay lumusob sa kampamento ng mga Amonita nang ganon kaaga, samantalang, hindi nag-iisip nang panganib sila ay lubhang hindi ligtas. Sa pagkakagulong sumunod, sila ay nangalat, na may maraming napatay. At “ang mga nalabi ay nangalat, na anupa't walang naiwang dalawang magkasama.”MPMP 725.1
Ang kaliksihan at katapangan ni Saul, gano'n din ang kanyang mahusay na pamumuno na ipinakita sa matagumpay na pamumuno sa isang malaking puwersa, ay mga katangian na ninanais ng Israel sa isang hari, upang kanilang makaya ang ibang mga bansa. Kanila ngayong binati siya bilang kanilang hari, inilalagay ang karangalan ng pagtatagumpay sa mga kakayanan ng tao, at kinalimutan na kung wala ang espesyal na pagpapala ng Dios ang lahat ng kanilang mga pagsisikap ay mawawalan ng saysay. Sa kanilang kasiglahan, ang ilan ay nagmungkahing ipapatay ang lahat ng sa simula ay tumangging kumilala sa kapangyarihan ni Saul. Subalit ang hari ay namagitan, na sinasabi, “Walang taong papatayin sa araw na ito; sapagkat ngayo'y gumawa ang Panginoon ng pagliligtas sa Israel.” Dito si Saul ay nagbigay ng katibayan ng pagbabago na naganap sa kanyang pagkatao. Sa halip na tinanggap ang parangal sa kanyang sarili, ibinigay niya ang papuri ng Dios. Sa halip na magpakita ng pagnanasang maghiganti, siya ay nagpahayag ng espiritu ng pagkahabag at pagpapatawad. Ito ay hindi mapagkakamaliang katibayan na ang biyaya ng Dios ay nananahan sa puso.MPMP 725.2
Si Samuel ngayon ay nagmungkahi na magkaroon ng isang pam- bansang pagtitipon sa Gilgal, upang ang kaharian ay mapagtibay kay Saul sa madla doon. Iyon ay isinagawa; “at doo'y naghain sila ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon; at si Saul at ang lahat ng mga lalaki sa Israel ay nagalak na mainam doon.”MPMP 725.3
Ang Gilgal ang naging dako ng unang pagkakampamento ng Israel sa Lupang Pangako. Dito si Josue, ayon sa ipinag-utos ng Dios, nagtayo ng haligi ng labindalawang bato bilang alaala sa mahiwa- gang pagtawid sa Jordan. Dito ay binagong muli ang pagtutuli. Dito ay isinagawa nila ang unang paskua makalipas ang pagkakasala sa Kades, at ang paglalagalag sa ilang. Dito tumigil ang mana. Dito nagpakita ang Kapitan ng hukbo ng Panginoon bilang pinunong nangunguna sa mga hukbo ng Israel. Mula sa dakong ito sila ay nagmartsa tungo sa pagkaguho ng Jerico at sa paglupig sa Ai. Dito ay pinarusahan si Achan dahil sa kanyang kasalanan, at dito isinagawa ang pakikipagkasundo sa mga Gabaonita na nagparusa sa pagkalimot ng Israel na humingi ng payo sa Dios. Sa kapatagang ito, na kaugnay sa maraming kapanapanabik na mga naganap, ay tumindig si Samuel at si Saul; at nang ang mga sigaw ng pagtanggap sa hari ay pumanaw na, ibinigay ng matandang propeta ang kanyang mga salita ng pagpapaalam bilang pinuno ng bansa.MPMP 726.1
“Narito,” wika niya, “aking dininig ang inyong tinig sa lahat na inyong sinabi sa akin, at naghalal ako ng isang hari sa inyo. At ngayo'y narito, ang hari ay lumalakad sa unahan ninyo; at ako'y matanda na at mauban;...at ako'y lumakad sa unahan ninyo mula sa aking kabataan hanggang sa araw na ito. Narito ako: sumaksi kayo laban sa akin sa harap ng Panginoon, at sa harap ng Kanyang pinahiran ng langis: kung kaninong baka ang kinuha ko? kung kaninong asno ang kinuha ko? o kung sino ang aking dinaya? kung sino ang aking pinighati? o kung kaninong kamay ako kumuha ng suhol upang bulagin ang aking mga mata niyaon? at aking isasauli sa inyo.”MPMP 726.2
May nagkakaisang tinig ang mga tao ay sumagot, “Hindi ka nagdaya sa amin, ni pumighati man sa amin, ni tumanggap man ng anoman sa kamay ng sinoman.”MPMP 726.3
Si Samuel ay hindi nagnanasang mabigyan lamang ng katuwiran ang sarili niyang ginawa. Bago iyon ay inihayag niya ang mga prinsipyo na dapat sundin kapwa ng hari at ng mga tao, at ninais niyang idagdag sa kanyang mga sinalita ang impluwensya ng sarili niyang halimbawa. Mula pa sa pagkabata ay napaugnay na siya sa gawain ng Dios, at sa loob ng mahabang buhay niya ay nagkaroon ng iisang layunin sa harap niya—iyon ang ikaluluwalhati ng Dios at pinakamatayog na ikabubuti ng Israel.MPMP 726.4
Bago magkaroon ng anumang pag-asa ng pag-unlad para sa Israel sila ay kinakailangang maakay tungo sa pagsisisi sa harap ng Dios. Bunga ng kasalanan sila ay nawalan ng pananampalataya sa Dios, nawala ang kanilang pagkabatid sa Kanyang kapangyarihan at karunungang pamunuan ang bansa—nawala ang kanilang pagtitiwa- la sa Kanyang kakayanan upang maitaguyod ang Kanyang gawain. Bago sila magkaroon ng tunay na kapayapaan, kinakailangang sila ay maakay upang makita at ipahayag ang kanilang kasalanang nagawa. Ipinahayag nila ang layunin ng kanilang paghiling ng hari, “Upang hatulan kami ng aming hari, at lumabas sa unahan namin, at ipaki- paglaban ang aming pakikipagbaka.” Isinalaysay ni Samuel ang kasay- sayan ng Israel, mula sa araw na sila ay kinuha ng Dios mula sa Ehipto. Si Jehova, ang Hari ng mga hari, ay nanguna sa kanila, at nakipaglaban para sa kanilang mga pakikipagbaka. Malimit sila ay ipinagbili ng kanilang mga kasalanan sa kapangyarihan ng kanilang mga kaaway, subalit di pa natatagalan na kanilang iwan ang kanilang masasamang mga gawa na ang kaawaan ng Dios ay nagbangon ng isang tagapagligtas. Sinugo ng Dios si Gedeon at si Barak, at “si Jeptae, at si Samuel, at pinapaging laya kayo sa kamay ng inyong mga kaaway sa bawat dako, at kayo'y tumahang tiwasay.” Gano'n pa man nang humaharap sa isang panganib ay kanilang sinabi, “isang hari ang maghahari sa amin,” samantalang wika ng propeta, “dan- gang ang Panginoon ninyong Dios ay siya ninyong Hari.”MPMP 727.1
“Ngayon nga'y,” ipinagpatuloy ni Samuel, “tumahimik kayo at tingnan ninyo itong dakilang bagay na gagawin ng Panginoon sa harap ng inyong mga mata. Hindi ba pag-aani ng trigo sa araw na ito? Ako'y tatawag sa Panginoon, na siya'y magpapasapit ng kulog at ulan; at inyong malaman at makikita na ang inyong kasamaan ay dakila, na inyong ginawa sa paningin ng Panginoon sa paghingi ninyo ng isang hari. Sa gayo'y tumawag si Samuel sa Panginoon; at ang Panginoon ay nagpasapit ng kulog at ulan ng araw na yaon.” Sa panahon ng pag-aani ng trigo, sa bandang Mayo at Hunyo, ay hindi umuulan sa silangan. Ang kalawakan ay walang ulap, at ang hangin ay matahimik at mahinahon. Kaya't ang isang matinding bagyo sa panahong iyon ay pumuno ng takot sa lahat ng puso. Sa pagpa- pakumbaba ay ipinagtapat ngayon ng bayan ang kanilang kasalanan— ang mismong kasalanan na kanilang nagawa: “Ipanalangin mo ang iyong mga lingkod sa Panginoon mong Dios, upang huwag kaming mamatay; sapagkat aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasalanang ito, na humingi kami para sa amin ng isang hari.” Hindi ni Samuel iniwan ang bayan sa isang kalagayan ng pagkabi- go, sapagkat iyon ay maaaring pumigil sa lahat ng pagsisikap upang bumuti ang buhay. Maaaring akayin sila ni Satanas upang tumingin sa Dios bilang isang malupit at hindi nagpapatawad, at sa gano'ng kalagayan sila ay malalantad sa maraming mga tukso. Ang Dios ay mahabagin at mapagpatawad, parating nagnanais magpakita ng kaluguran sa Kanyang bayan, kung sila ay susunod sa Kanyang tinig. “Huwag kayong matakot,” ang pahayag ng Dios sa pamamagitan ng kanyang lingkod: “tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito; gayon ma'y huwag kayong lumihis ng pagsunod sa Panginoon, kundi kayo'y maglingkod ng buong puso sa Panginoon: at huwag kayong lumiko; sapagkat kung gayo'y susunod kayo sa mga walang kabuluhang bagay na hindi ninyo mapapakinabangan o maka- pagpapalaya man, sapagkat mga walang kabuluhan. Sapagkat hindi pababayaan ng Panginoon ang Kanyang bayan.”MPMP 727.2
Si Samuel ay hindi nagsalita ng anuman tungkol sa pagwawalang halaga sa kanya; hindi siya nagsalita ng panunumbat sa kawalan ng utang-na-loob na iginanti ng Israel sa kanyang habang buhay na pagtatalaga; subalit tiniyak niya sa kanila ang walang tigil na pangangalaga niya sa kanila: “Malayo nawang sa akin na ako'y magkasala laban sa Panginoon sa paglilikat ng pananalangin dahil sa inyo: kundi ituturo ko sa inyo ang mabuti at matuwid na daan. Matakot lamang kayo sa Panginoon, at maglingkod kayo sa Kanya sa katotohanan ng inyong buong puso; dilidilihin nga ninyo kung gaanong dakilang mga bagay ang Kanyang ginawa sa inyo. Ngunit kung kayo'y mamalaging gagawa ng kasamaan, kayo'y malilipol, kayo at gayon din ang inyong hari.”MPMP 728.1