Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 72—Ang Paghihimagsik ni Absalom

    Ang kabanatang ito ay batay sa 2 Samuel 13 hanggang 19.

    “Magsasauli siya ng apat,” ang walang malay na hatol ni David sa kanyang sarili, sa pakikinig sa talinghaga ni Nathan; at sang-ayon sa sarili niyang hatol siya ay hahatulan. Apat sa kanyang mga anak ay kinakailangang mamatay, at ang pagkawala ng bawat isa ay magiging bunga ng kasalanan ng ama.MPMP 866.1

    Ang kahiya-hiyang krimen ni Amnon, ang panganay na anak, ay pinalipas ni David na hindi pinaparusahan at pinapagalitan. Ang batas ay nagpapataw ng kamatayan sa pangangalunya, at ang hindi likas na krimen ni Amnon ay nagpapadoble pa sa kanyang pagkakasala. Subalit si David, dahil kinukundina ang sarili dahil sa sarili niyang kasalanan, ay hindi nagawang dalhin ang may sala sa paghatol. Sa loob ng dalawang taon si Absalom na, ang likas na tagapagsanggalang ng kapatid na babae na ginawan ng labis na kasamaan, ay inilihim ang kanyang panukala ng paghihigantd, upang maging tiyak ang paghampas sa huli. Sa isang piging ng mga anak ng hari ang lango, at may kasalanang si Amnon ay pinatay sa pag-uutos ng kanyang kapatid.MPMP 866.2

    Dalawang kahatulan na ang sumapit kay David. Ang kakilakilabot na pahayag na pinarating sa kanya ay, “Pinatay ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari, at walang nalabi isa man sa kanila. Nang magkagayo'y bumangon ang hari at hinapak ang kanyang mga suot, at humiga sa lupa; at lahat niyang mga lingkod ay nakatayo sa palibot na hapak ang kanilang mga suot.” Ang mga anak ng hari, nang bumalik na nababahala sa Jerusalem, ay nagpahayag ng katotohanan sa kanilang ama; si Amnon lamang ang napatay; at kanilang “inilakas ang kanilang mga tinig at nagsiiyak: at ang hari naman at ang lahat niyang mga lingkod ay nagsiiyak na mainam.” Subalit si Absalom ay tumakas tungo kay Talmai, na hari ng Gessur, na ama ng kanyang ina.MPMP 866.3

    Tulad ng ibang mga anak ni David, si Amnon ay napabayaan sa makasariling pagpapalayaw. Hinangad niyang bigyan ng kaluguran ang bawat pahalagahan ng kanyang puso, na walang pagsasaalang- alang sa mga ipinag-uutos ng Dios. Sa kabila ng kanyang malaking kasalanan, siya ay matagal na tiniis ng Dios. Sa loob ng dalawang taon ay binigyan siya ng pagkakataon upang magsisi; subalit siya ay nagpatuloy sa kasalanan, at dahil sa kanyang pagkakasala, siya ay ibinuwal sa pamamagitan ng kamatayan, upang hintayin ang kakilakilabot na pagharap sa hukuman.MPMP 866.4

    Napabayaan ni David ang tungkulin ng pagpaparusa sa krimen ni Amnon, at dahil sa pagiging hindi tapat ng hari at ama at sa kawalan ng pagsisi ng anak, pinahintulutan ng Panginoon na maganap na hindi nahahadlangan ang mga pangyayari, at hindi pinigilan si Absalom. Kapag kinaligtaan ng mga magulang o ng mga namumuno ang pagpaparusa sa kasalanan, ang Dios ang hahawak sa usaping iyon. Ang kapangyarihan niya na pumipigil sa mga kasangkapan ng kasamaan sa isang banda ay aalisin, upang ang isang hanay ng mga pangyayari ay bumangon na siyang magpaparusa sa kasalanan sa pamamagitan ng kasalanan.MPMP 867.1

    Ang masasamang mga bunga ng hindi matuwid na pagpapalayaw ni David kay Amnon ay hindi pa tapos, sapagkat dito nagsisimula ang paglayo ni Absalom sa kanyang ama. Nang siya ay makatakas tungo sa Gessur, si David, sa pagkadama na ang krimen ng kanyang anak ay kinakailangang parusahan, ay pinagkaitan siya ng pahintulot na bumalik. At iyon ay nagkaroon ng hilig na madagdagan sa halip na mabawasan ang di malulutas na mga kasamaang kinasangkutan ng hari. Si Absalom, na masigla, ambisyoso, at walang prinsipyo, hinayaan sa labas sa kanyang pagiging desterado mula sa pakikilahok sa maraming mga bagay sa kaharian, di nagtagal ay naluluong sa mapanganib na mga pagpapanukala.MPMP 867.2

    Nang makalipas ang dalawang taon ipinasya ni Joab na gawan ng paraan upang magkaroon ng muling pagkakasundo ang ama at ang kanyang anak. At sa layuning ito ay hiniling niya ang paglilingkod ng isang babae mula sa Tecoa, na kilala sa karunungan. Sa pag-uutos ni Joab, ang babae ay nagpakilala kay David na isang balo na ang dalawang anak na lalaki ang tangi na lamang niyang aliw at katulong. Sa kanilang pag-aaway napatay ng isa ang isa, at ngayon ang lahat ng mga kamag-anak ng pamilya ay humihiling na ang natira ay lana- kailangang ipapatay sa tagapaghiganti. “Sa gayo'y,” wika ng ina, “ganito nila papatayin ang aking baga na nalabi; at walang iiwan sa aking asawa kahit pangalan o anomang labi sa balat ng lupa.” Ang damdamin ng hari ay nakilos ng pangungusap na ito, at tiniyak niya ang babae sa pagsanggalang ng hari para sa kanyang anak.MPMP 867.3

    Matapos makakuha sa kanya ng paulit-ulit na mga pangako para sa kaligtasan ng kabataang lalaki, siya ay nakiusap para sa kahinahunan ng hari, at ipinahayag na ang hari ay nagsalita na tila siya ang may sala, sapagkat hindi niya ipinabalik muli ang kanyang itinapon. “Sapagkat”, wika niya, “tayo'y mamamatay na walang pagsala at gaya ng tubig na mabubuhos sa lupa, na hindi mapupulot uli; ni nag-aalis man ang Dios ng buhay, kundi humahanap ng paraan na Siya na itinapon ay huwag mamalagi na tapon sa Kanya.” Ang may pag-ibig at nakakakilos na pagpapahayag ng pag-ibig ng Dios sa nagkasala—na nagmula gaya noon kay Joab, na malupit na kawal—ay isang kapansin- pansing katibayan ng pagkabihasa ng mga Israelita sa mga dakilang katotohanan ng pagtubos. Ang hari, na nakadarama ng sarili niyang pangangailangan ng habag, ay hindi makatanggi sa pangungusap na ito. Ang utos ay ibinigay kay Joab, “Yumaon ka nga, dalhin mo rito uli ang binatang si Absalom.”MPMP 868.1

    Si Absalom ay pinahintulutang bumalik sa Jerusalem, ngunit hindi nakita sa korte o nakipagtagpo sa kanyang ama. Si David ay nagsisimula nang makita ang masasamang mga epekto ng kanyang pagpapalayaw sa kanyang mga anak; at may pagkagiliw tulad ng pagmamahal niya sa may hitsura at likas na matalinong anak, nadama niyang kailangan, bilang isang liksyon kay Absalom at sa bayan, na ang pagkamuhi sa gano'ng krimen ay kinakailangang maipahayag. Si Absalom ay tumira sa kanyang sariling bahay sa loob ng dalawang taon, subalit itinaboy mula sa korte. Ang kanyang kapatid na babae ay kasama niya sa tirahan, at ang kanyang presensya ay nagpanatiling sariwa sa alaala sa hindi na maaayos na pagkakasala na kanyang dinanas. Sa kaisipan ng nakararami ang prinsipe ay isang bayani sa halip na isang may sala. At sa pagkakaroon ng kalamangang ito, iginayak niya ang kanyang sarili upang akitin ang puso ng bayan. Ang kanyang hitsura ay isa na kahuhulugan ng paghanga ng lahat ng nakakakita. “Sa buong Israel nga'y walang gaya ni Absalom na pinakakapuri dahil sa kagandahan: mula sa talampakan ng kanyang paa hanggang sa tuktok ng kanyang ulo, ay walang ipipintas sa kanya.” Hindi mabuti para sa isang hari na iwan ang isang lalaking tulad ni Absalom—na ambisyoso, rnapusok, at magagalitin—upang malungkot na pinakaiisip sa loob ng dalawang taon ang inaaring mga hinanakit. At ang ginawa ni David na pagpapahintulot na siya'y makabalik sa Jerusalem, gano'n pa man ay tinatanggihang tanggapin siya sa kanyang presensya, ay umakit para sa kanya sa pakikiramay ng taong bayan.MPMP 868.2

    Taglay ang alaala ng sarili niyang pagsalangsang sa kautusan ng Dios, si David ay tila naging paralisado sa moralidad; siya ay mahina at walang kapasyahan, samantalang bago siya nagkasala siya ay naging malakas ang loob at mayroong kapasyahan. Ang kanyang impluwensya sa taong bayan ay nanghina. At ang lahat ng ito ay naging kalugod- lugod para sa mga panukala ng kanyang balintunang anak.MPMP 869.1

    Sa pamamagitan ng impluwensya ni Joab si Absalom ay muling tinanggap sa harap ng kanyang ama; subalit bagaman mayroong panlabas na pagkakasundo, ipinagpatuloy niya ang kanyang ambisyosong pagpapanukala. Siya ngayon ay nanunungkulan na halos isang hari, mayroong mga karo at mga kabayo, at limampung mga lalaki na tumatakbo sa harapan niya. At samantalang ang hari ay higit at higit na nagkakahilig sa pagpapahinga at sa katahimikan, may katusuhang inakit ni Absalom ang kaluguran ng nakararami.MPMP 869.2

    Ang impluwensya ng kawalan ng sigla at kawalan ng matibay na pasya ay umabot sa kanyang mga nasasakupan; ang pagkapabaya at pagkaantala ang nakikita sa pagsasakatuparan ng katarungan. Mahusay na ginamit ni Absalom ang bawat sanhi ng hindi pagkasiya para sa sarili niyang ikalalamang. Araw-araw ang lalaking ito na may marangal na tindig ay maaaring makita sa pintuang daan ng lungsod, kung saan ang isang malaking grupo ng mga karaingan ay naghihintay upang ihayag ang mga sala sa kanila na nangangailangan ng pag- tutuwid. Si Absalom ay nakisalamuha sa kanila at nakinig sa kanilang mga karaingan, nagpapahayag ng kanyang pakikiramay sa kanilang mga paghihirap, sinisisi ang kawalan ng kakayanan ng pamahalaan. Matapos pakinggan ng gano'n ang salaysay ng isang lalaki ng Israel, ang prinsipe ay tumutugon, “Ang iyong usap ay mabuti at matuwid: ngunit walang kinatawan ang hari na duminig sa iyong usap;” na idinadagdag, “Oh maging hukom sana ako sa lupain, upang ang bawat tao na may anumang usap, o anumang bagay, ay pumarito sa akin at siya'y aking magawan ng katuwiran! At nangyari na pagka ang sinoman ay lumalapit upang magbigay galang sa kanya, na kanyang iniuunat ang kanyang kamay at hinahawakan siya at hinahalikari siya.”MPMP 869.3

    Nasusulsulan ng mahusay na mga pagmumungkahi ng prinsipe, ang kawalan ng kasiyahan sa pamahalaan ay mabilis na lumaganap. Ang pagpuri kay Absalom ay nasa labi ng lahat. Siya ay itinuturing ng karamihan na siyang tagapagmana ng kaharian; ang taong bayan ay tumingin sa kanya na may pagmamalaki na angkop sa kanyang mataas na tindig, at isang pagnanasa ang napukaw na siya ay makaupo sa trono. “Sa gayo'y ginanyak ni Absalom ang mga kalooban ng mga tao ng Israel.” Gano'n pa man ang hari, na binulag ng pagmamahal sa kanyang anak, ay hindi naghinala ng anuman. Ang makaharing kalagayan na pinanunungkulan ni Absalom, ay inisip ni David na may layuning maghatid ng karangalan sa kanyang korte—bilang pag- papahayag ng kagalakan sa naging muling pagkakasundo.MPMP 870.1

    Samantalang ang pag-iisip ng taong bayan ay inihahanda para sa kung anong susunod, si Absalom ay palihim na pumili ng mga lalaki sa lahat ng mga lipi, upang magtulong-tulong sa mga hakbang para sa isang paghihimagsik. At ngayon ang balabal ng pagtatalaga sa relihiyon ay ginamit upang ikubli ang kanyang taksil na mga panukala. Isang panata na isinagawa matagal na ng siya ay isang tapon ay kinakailangang tuparin sa Hebron. Wika ni Absalom sa hari, “Isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako at ako'y tumupad ng aking panata na aking ipinanata sa Panginoon, sa Hebron. Sapagkat ang iyong lingkod ay nanata ng isang panata samantalang ako'y tumatahan sa Gesur sa Siria, na nagsabi, kung tunay na dadalhin uli ako ng Panginoon sa Jerusalem, maglilingkod nga ako sa Panginoon.” Siya ay pinaalis na may pagpapalang nalulugod na ama, na naaliw ng katibayan ng kabanalan ng kanyang anak. Ang pagsasabwatan ay ganap ng hinog. Ang katindihan ng pagkukunwaring banal ni Absalom ay inihanda hindi lamang upang gawing bulag ang hari kundi upang itatag ang pagtitiwala ng taong bayan, at sa gano'ng paraan ay maakay sila sa paghihimagsik laban sa hari na pinili ng Dios.MPMP 870.2

    Si Absalom ay nagtungo sa Hebron, at doon ay may sumama sa kanyang “dalawang daang lalaki na mga inanyayahan, at nangaparoon silang walang malay; at wala silang nalalamang anuman.” Ang mga lalaking ito ay sumama kay Absalom, na hindi gaanong iniisip na ang kanilang pag-ibig para sa anak ay umaakay sa kanila tungo sa paghihimagsik laban sa ama. Nang makarating sa Hebron, kaagad ipinatawag ni Absalom si Achitophel, isa sa mga punong tagapayo ni David, isang lalaki na kinikilala dahil sa karunungan, na ang kaisipan ay ipinapalagay na ligtas at matalino tulad ng isang orakulo. Si Achitophel ay sumama sa mga nagsasabwatan, at ang kanyang suporta ay naging dahilan upang ang isinasagawa ni Absalom ay magmukhang tiyak na magtatagumpay, na umakit sa kanyang sagisag ng maraming may impluwensyang mga lalaki mula sa lahat na bahagi ng lupain. Nang ang pakakak ng paghihimagsik ay pinatunog, ang mga tiktik ng prinsipe sa buong lupain ay nagpalaganap ng pahayag na si Absalom ay hari, at marami sa mga tao ang natipon sa kanya.MPMP 870.3

    Samantalang nagkakagayon ang babala ay pinarating sa Jerusalem, sa hari. Si David ay biglang napukaw, upang makita ang paghihimagsik na pumapailanglang sa piling ng kanyang trono. Ang sarili niyang anak—ang anak na kanyang minahal at pinagkatiwalaan—ay nagpa- panukalang agawin ang kanyang korona at tiyak upang kunin ang kanyang buhay. Sa kanyang malaking panganib pinagpag ni David ang kalumbayan na matagal nang nananahan sa kanya, at taglay ang espiritu ng kanyang naunang mga taon siya ay naghanda upang harapin ang kilabot na pangangailangang ito. Tinitipon ni Absalom ang kanyang puwersa sa Hebron, dalawampung milya lamang ang layo. Ang mga rebelde ay kaagad makakarating sa mga pintuang daan ng Jerusalem.MPMP 871.1

    Mula sa kanyang palasyo si David ay tumingin sa labas sa kanyang kapitolyo—“maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa,...bayan ng dakilang hari.” Mga Awit 48:2. Nanginig siya sa kaisipan na iyon ay malalantad sa malaking paninira at pagkawasak. Siya ba ay tatawagan ng tulong sa kanyang mga sakop na tapat pa rin sa kanyang trono, at manatiling hawak ang kanyang kapitolyo? Ipa- hihintulot ba niyang ang Jerusalem ay pagbahaan ng dugo? Siya ay nagkaroon ng pasya. Ang mga panganib ng digmaan ay hindi kinakailangang mahulog sa piniling lungsod. Kanyang iiwan ang Jerusalem, at kung magkagayon ay masusubok ang pagtatapat ng kanyang bayan, na binibigyan sila ng pagkakataon upang sama- samang tumulong sa kanya. Sa malaking krisis na ito tungkulin niya sa Dios at sa kanyang bayan ang panatilihin ang awtoridad na ibinigay sa kanya ng Langit. Ang usapin ng pakikipagbaka ay kanyang ipagkakatiwala sa Dios.MPMP 871.2

    Sa pagpapakumbaba at kalungkutan si David ay lumabas sa pintuang daan ng Jerusalem—napaalis mula sa kanyang trono, mula sa kanyang palasyo, mula sa kaban ng Dios, dahil sa paghihimagsik ng kanyang iniibig na anak. Ang mga taong bayan ay sumunod na isang mahaba, at malungkot na prosisyon, tulad sa isang hanay na maglili- bing. Ang mga tanod ni David na mga Ceretheo, at mga Peletheo, at anim na raang mga Getheo na mula sa Gath, sa ilalim ng pamumu- no ni Ittai, ay sumama sa hari. Subalit si David, na likas na hindi makasarili, ay hindi makapayag na ang mga taga ibang lupa na mga ito na humiling ng kanyang pag-iingat ay makakasangkot pa sa kanyang sakuna. Siya ay nagpahayag ng pagtataka na sila ay maging handa upang gawin ang sakripisyong ito para sa kanya. Kaya't sinabi ng hari kay Ittai na Getheo, “Bakit pati ikaw ay sumasama sa amin? bumalik ka at tumahan kang kasama ng hari: sapagkat ikaw ay taga ibang lupa at tapon pa; bumalik ka sa iyong sariling dako. Yamang kahapon ka lamang dumating ay papagpapanhik-manaugin na ba kita sa araw na ito na kasama namin, dangang ako'y yumayaon kung saan maaari? bumalik ka, at ibalik mo ang iyong mga kapatid; kaa- waan at katotohanan nawa ang sumaiyo.”MPMP 871.3

    Si Ittai ay sumagot, “Buhay ang Panginoon, at buhay ang aking panginoon na hari, tunay na kung saan dumoon ang aking panginoon na hari, maging sa kamatayan o sa kabuhayan ay doroon naman ang iyong lingkod.” Ang mga lalaking ito ay nahikayat mula sa paganismo tungo sa pagsamba kay Jehova, at may karangalan na kanila ngayong pinatunayan ang kanilang pagtatapat sa Dios at sa kanilang hari. Tinanggap ni David, na may pasalamat na puso, ang kanilang pagtatalaga sa kanyang tila lumulubog na kalagayan, at lahat ay tumawid sa batis ng Cedron sa landas tungo sa ilang.MPMP 872.1

    Sa muli ang prusisyon ay tumigil. Isang grupo na mga nakasuot ng banal na kasuutan ay dumarating. “At, narito, pati si Sadoc at ang lahat na Levita na kasama niya, na may dala ng kaban ng tipan ng Dios.” Ang tingin ng mga tagasunod ni David dito ay isang masayang pahiwatig. Ang presensya ng banal na simbolong iyon para sa kanila ay isang panata ng kanilang pagkaligtas at pagtatagumpay sa wakas. Iyon ay makapagbibigay ng lakas ng loob sa mga tao upang sumama sa hari. Ang pagkawala noon sa Jerusalem ay maghahatid ng lagim sa mga tagasunod ni Absalom.MPMP 872.2

    Nang makita ang kaban, kagalakan at pag-asa sa isang maikling sandali ang nagpasigla sa puso ni David. Subalit pagdaka iba pang mga kaisipan ang sumapit sa kanya. Bilang itinalagang pinuno ng mana ng Dios siya ay may solemneng responsibilidad. Hindi pansariling kapakanan, kundi ang kaluwalhatian ng Dios at ang kabutihan ng kanyang bayan, ang kinakailangang maging pinaka tampok sa pag-iisip ng hari ng Israel. Ang Dios, na nanahan sa pagitan ng mga kerubin ay nagsabi tungkol sa Jerusalem, “Ito'y Aking pahingahang dako” (Mga Awit 132:14); at kung walang kapahintulutan ng Dios maging saserdote o hari man ay walang karapatan na alisin mula doon ang simbulo ng Kanyang pakikiharap. At alam ni David na ang kanyang puso at buhay ay kinakailangang maging katugma ng mga utos ng Dios, at kung hindi ang kaban ay magiging sanhi ng sakuna sa halip na pagtatagumpay. Ang kanyang malaking kasalanan ay palagi pa ring nasa harapan niya. Nababatid niya sa pagsasabwatang ito ang matuwid na kahatulan ng Dios. Ang tabak na hindi hihiwalay sa kanyang sambahayan ay wala nang sisidlan. Hindi niya alam kung ano ang ibubunga ng labanan. Hindi ukol sa kanya ang pag-aalis ng mga banal na mga kautusan na naglalaman ng kalooban ng kanilang Dios na Hari, mula sa kapitolyo ng bansa na siyang konstitusyon ng kaharian at pundasyon ng pag-unlad niyaon.MPMP 872.3

    Ipinag-utos niya kay Sadoc, “Ibalik mo ang kaban ng Dios sa bayan: Kung ako'y makakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon, Kanyang ibabalik ako at ipakikita sa akin ang kaban at gayon din ang Kanyang tahanan: ngunit kung sabihin Niyang ganito, Hindi kita kinalulugdan; narito, Ako'y nandito, gawin Niya; sa akin ang inaakala Niyang mabuti.”MPMP 875.1

    Idinagdag ni David, “Hindi ka ba tagakita?”—isang lalaki na pinili ng Dios upang magturo sa mga tao. “Bumalik kang payapa sa bayan, at ang iyong dalawang anak na kasama ninyo, si Ahimaaz na iyong anak, at si Jonathan na anak ni Abiathar. Tingnan mo, ako'y maghihintay sa mga tawiran sa ilang, hanggang sa may dumating na salita na mula sa inyo na magpatotoo sa akin.” Doon sa lungsod ang mga saserdote ay maaaring makagawa ng mabuting paglilingkod sa kanya sa pamamagitan ng pag-alam sa mga kilos at mga panukala ng mga rebelde, at lihim na maipapaalam iyon sa hari sa pamamagitan ng kanilang mga anak, na si Ahimaaz at si Jonathan.MPMP 875.2

    Samantalang ang mga saserdote ay bumabalik tungo sa Jerusalem isang higit na malalim ng anino ang napasa umaalis na grupo. Ang kanilang hari ay isang pugante, at sila'y mga tapon, pinabayaan maging ng kaban ng Dios—ang hinaharap ay madilim na may malaking takot at babala. “At umahon si David sa ahunan sa bundok ng mga olibo, at umiiyak habang siya'y umaahon; at ang kanyang ulo ay may takip, at lumalakad siya na walang suot ang paa; at ang buong bayan na kasama niya ay may takip ang ulo ng bawat isa, at sila'y nagsisiahon, na nagsisiiyak habang sila'y nagsisiahon. At isinaysay ng isa kay David na sinasabi, si Achitopel ay nasa nanganghihimagsik na kasama ni Absalom.” Minsan pa si David ay napilitang mabatid sa kanyang mga sakuna ang mga bunga ng sarili niyang kasalanan. Ang pagtalikod ni Achitophel, na pinakamahusay at pinakamarunong sa mga pinuno sa politiko, ay kinilos ng paghihiganti sa malaking sala ng nagawa sa sambahayan na kasangkot sa kasamaang ginawa kay Bathsheba, na kanyang apo.MPMP 875.3

    “At sinabi ni David, Oh Panginoon, isinasamo ko sa Iyo, na Iyong gawing kamangmangan ang payo ni Achitophel.” Nang makarating sa tuktok ng bundok, ang hari ay yumuko sa panalangin, na inilalagak sa Dios ang pasanin ng kanyang kaluluwa at may pagpapakumbabang humiling ng kahabagan ng Dios. Ang kanyang dalangin ay tila kaagad nasagot. Si Husai na Arachita, na isang matalino at mahusay na tagapayo, na isang tapat na kaibigan ni David, ngayon ay dumating kay David na hapak ang kanyang mga damit at may lupa sa kanyang ulo, upang ihanay ang kanyang mga kapalaran sa napaalis sa trono at puganteng hari. Nakita ni David, na tulad sa isang pagpapahayag ng Dios, na ang lalaking ito, na tapat at matuwid ang puso, ang isang kailangan upang maglingkod para sa ikabubuti ng hari sa mga konsilyo sa kapitolyo. Sa kahilingan ni David si Husai ay bumalik sa Jerusalem upang ipagkaloob ang kanyang mga paglilingkod kay Absalom at talunin ang tusong payo ni Achitophel.MPMP 876.1

    Sa maliit na sinag na ito ng liwanag sa kadiliman, ang hari at ang kanyang mga tagasunod ay nagpatuloy sa kanilang landas pababa sa silangang bahagi ng bundok ng mga Olibo, dumaan sa isang mabato at masukal na ilang, dumaan sa mga saluysoy, at sa mga mabato at mabanging mga landas, tungo sa Jordan. “At nang dumarating ang hari sa Bahurim, narito, lumalabas na mula roo'y isang lalaki sa angkan ng sambahayan ni Saul, na ang pangala'y Semei, na anak ni Gera: siya'y lumalabas, nanunumpa habang siya'y lumalabas. At kanyang hinagisan ng mga bato si David, at ang lahat ng lingkod ng haring si David: at ang buong bayan, at ang lahat na malalakas na lalaki ay nasa kanyang kanan, at sa kanyang kaliwa. At ganito ang sinabi ni Semei nang siya'y nanunumpa, lumayas ka, lumayas ka, ikaw na lalaking mabagsik, at hamak na lalaki: Ibinalik sa iyo ng Panginoon ang buong dugo ng sambahayan ni Saul na siya mong hinalinhan ng pagkahari; at ibinigay ng Panginoon ang kaharian sa kamay ni Absalom na iyong anak: at, narito, ikaw ay nasa iyong sariling kasamaan, sapagkat ikaw ay lalaking mabagsik.”MPMP 876.2

    Noong panahon ng pag-unlad ni David si Semei ay hindi nagpakita sa pamamagitan ng pananalita o ng kilos na siya ay isang hindi tapat na sakop. Subalit sa kapighatian ng hari ipinahayag ng Benjamitang ito ang tunay niyang pagkatao. Pinarangalan niya si David sa kanyang trono, subalit kanyang sinumpa sa kanyang kahihiyan. Hamak at makasarili, ang tingin niya sa iba ay tulad rin sa pagkatao ng kanyang sarili, at, inudyukan ni Satanas, ibinunton niya ang kanyang galit sa kanya na pinarusahan ng Dios. Ang espiritu na umaakay sa tao upang mangtuya, upang manglait o manakit, sa isa na naghihirap ay ang espiritu ni Satanas.MPMP 877.1

    Ang akusasyon ni Semei laban kay David ay pawang hindi totoo isang walang batayan at nakapopoot na paninirang puri. Si David ay walang ginawang kasalanan kay Saul o sa kanyang sambahayan. Nang si Saul ay lubos na nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan, at sana'y napatay na niya siya, kanya lamang pinirasuhan ang laylayan ng kanyang damit, at sinisi pa niya ang kanyang sarili sa pagpapakita ng ganong kawalan ng paggalang sa pinahiran ng Panginoon.MPMP 877.2

    Tungkol sa banal na pagtingin ni David sa buhay ng tao, kapansin- pansing katibayan ang ibinigay, maging nang siya ay inuusig na parang isang hayop na maninila. Isang araw samantalang siya'y nagtatago sa yungib ng Adullam, na ang kanyang mga pag-iisip ay bumabalik sa hindi ginugulong kalayaan ng kanyang buhay bata, ang tapon ay nagpahayag, “Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Bethlehem, na nasa tabi ng pintuang bayan!” 2 Samuel 23:13-17. Ang Bethlehem noon ay nasa kamay ng mga Filisteo; subalit tatlo sa makapangyarihang mga lalaki ni David ay nakalampas sa mga bantay, at naghatid ng tubig ng Bethlehem sa kanilang panginoon. Hindi ni David mainom iyon. “Malayo sa akin,” sigaw niya, “iinumin ko ba ang dugo ng mga lalaki na nagsiparoon na ipain ang kanilang buhay?” At magalang niyang ibinubo ang tubig bilang isang handog sa Dios. Si David ay naging isang mandirigma, ang malaking bahagi ng kanyang buhay ay ginugol sa kalagitnaan ng mga tagpo ng karahasan; subalit sa lahat ng dumaan sa gano'ng uri ng pagsubok, tunay na kakaunti ang hindi naaapektuhan ng nakapagpapatigas at nakakademoralisang impluwensya tulad ni David.MPMP 877.3

    Ang pamangkin ni David, na si Abisai, isa sa pinakamatapang sa kanyang mga kapitan, ay hindi makapakinig na may pagtitimpi sa nakapang-iinsultong mga salita ni Semei. “Bakit,” wika niya, “susumpain nitong asong patay ang aking panginoon na hari? payaunin mo ako, isinasamo ko sa iyo, at pugutin ang kanyang ulo.” Subalit binawalan siya ng hari. “Narito,” wika niya, “ang anak ko...siyang humahanap ng aking buhay: gaano pa nga kaya ang gagawin ngayon ng Benjamitang ito? bayaan ninyo siya at manumpa siya: sapagkat iniutos ng Panginoon sa kanya. Marahil ay titingnan ng Panginoon ang kasamaang ginagawa sa akin, at gagawan ako ng mabuti ng Panginoon sa sumpa niya sa akin sa araw na ito.”MPMP 878.1

    Ang konsensya ay nagpapahayag ng mapait at nakahihiyang mga katotohanan kay David. Samantalang ang kanyang mga tapat na sakop ay nagtataka sa kanyang biglaang pagbabago ng kapalaran, iyon ay hindi mahiwaga para sa hari. Malimit na siyang nagkaroon ng pag-aagam-agam para sa oras na tulad nito. Nagtaka siya kung bakit matagal na tiniis ng Dios ang kanyang mga kasalanan, at ipinagpaliban ang nararapat na kaparusahan, at ngayon sa kanyang nagmamadali at malungkot na pagtakas, na ang kanyang mga paa ay walang sapin, at ang kanyang kasuutang panghari ay pinalitan ng damit na magaspang, at ang mga panaghoy ng kanyang mga tagasunod ay pumupukaw ng mga alingawngaw sa mga burol, inalala niya ang kanyang minamahal na kapitolyo—ang lugar na pinapangyarihan ng kanyang kasalanan—at samantalang kanyang inaalaala ang kabutihan at pagkamatiisin ng Dios, hindi siya lubos na nawalan ng pag-asa. Nadama niya na ang Panginoon ay makikitungo pa rin sa kanya sa kahabagan.MPMP 878.2

    Maraming gumagawa ng kasalanan ang pinalalampas ang sarili nilang kasalanan sa pamamagitan ng pagbanggit sa pagkahulog ni David, subalit kay unti ng nagpapahayag ng tulad sa pagsisisi at pagpapakumbaba ni David. Kay unti noong tumatanggap ng pagsansala at pagpaparusa na may pagtitiis at katatagan ng loob na kanyang ipinahayag. Kanyang ipinahayag ang kanyang kasalanan, at sa loob ng mga taon ay sinikap na gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang tapat na lingkod ng Dios; siya ay naglingkod para sa ikatatatag ng kanyang kaharian, at sa ilalim ng kanyang pamumuno iyon ay naging malakas at maunlad na kailan man ay hindi pa naging gano'n. Nakapagtipon siya ng mayayamang mga kasangkapan para sa pagtatayo ng bahay ng Dios, at ngayon ang lahat ba ng pagpapa- gal ng kanyang buhay ay kailangang maalis? Ang mga bunga ba ng mga taon ng natatalagang paggawa, ang mga gawa ng kanyang ka- talinuhan at pagtatalaga at pagkapinuno, ay mapapasa mga kamay ng kanyang walang pag-iingat at traydor na anak, na walang pagpapaha- laga sa karangalan ng Dios ni sa ikauunlad ng Israel? Kay dali sanang naging likas lamang para kay David ang magreklamo laban sa Dios sa malaking kapighatiang ito!MPMP 878.3

    Subalit nakita niya sa sarili niyang kasalanan ang sanhi ng kanyang kaguluhan. Ang pananalita ng propetang si Mikas ang huminga sa espiritung nagpasigla sa puso ni David. “Pagka ako'y naupo sa kadiliman, ang Panginoo'y magiging ilaw sa akin. Aking babatahin ang kagalitan ng Panginoon, sapagkat ako'y nagkasala laban sa kanya, hanggang sa kanyang ipagsanggalang ang aking usap, at lapatan ako ng kahatulan.” Mikas 7:8, 9. At hindi ng Panginoon pinabayaan si David. Ang kabanatang ito sa kanyang karanasan, na, sa ilalim ng pinakamalupit na kasamaan at pang-iinsulto, ipinakita niyang siya ay mapagpakumbaba, hindi makasarili, may magandang kalooban, at nagpapasakop, ay isa sa pinakamarangal sa kanyang buong karanasan. Di pa kailan man ang hari ng Israel naging higit na tunay na dakila sa paningin ng langit kaysa oras na ito ng kanyang pinakamala- lim na kahihiyang panglabas.MPMP 879.1

    Kung pinahintulutan ng Dios si David na hindi nasusumbatan sa kasalanan, at samantalang sinasalangsang ang mga utos ng Dios, ay nananatili sa kapayapaan at pag-unlad sa kanyang trono, ang taong mapag-alinlangan at ang taong hindi naniniwala sa Dios ay maaaring magkaroon ng ilang dahilan sa pagbanggit sa karanasan ni David bilang isang sumbat sa relihiyon ng Biblia. Subalit sa karanasan na ipinahintulot nilang danasin ni David, ipinakita ng Panginoon na hindi Niya matitiis o mapapalampas ang kasalanan. At ang kasaysayan ni David ay tumutulong sa atin upang makita rin ang mga dakilang kawakasan na natatanaw ng Dios sa Kanyang pakikitungo sa kasalanan; tinutulungan tayong matuntun, maging sa pinakamadilim na mga kahatulan, ang pagsasakatuparan ng Kanyang mga layunin ng kaawaan at kabutihan. Pinapangyari Niyang dumaan si David sa ilalim ng pamalo, subalit hindi Niya siya pinatay; ang humo ay upang dumalisay, hindi upang tumupok. Wika ng Panginoon, “kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan Ko, at hindi ingatan ang mga utos Ko; kung magkagayo'y dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, at ng mga hampas ang kanilang kasamaan. Ngunit ang Aking kagandahang loob ay hindi Ko lubos na aalisin sa kanya, ni Akin mang titiisin na ang pagtatapat Ko'y magkulang.” Mga Awit 89:31-33.MPMP 879.2

    Pagdaka ng ang Jerusalem ay iwan ni David, si Absalom at ang kanyang hukbo ay pumasok, at wala ni isang paghihirap ay sinamsam ang matibay na moog ng Israel. Si Husai ay kabilang sa mga unang bumati sa bagong kinoronahang hari, at ang prinsipe ay gulat at nagpasalamat sa pagkakadagdag ng matandang kaibigan at tagapayo ng kanyang ama. Si Absalom ay nakatitiyak sa tagumpay. Hanggang sa mga sandaling ito ang kanyang mga panukala ay nagtagumpay, at sabik na mapalakas ang kanyang trono at makuha ang pagtitiwala ng bayan, tinanggap niya si Husai sa kanyang korte.MPMP 880.1

    Si Absalom ngayon ay mayroon nang nakapalibot na isang malaking puwersa, subalit iyon ay binubuo ng nakararaming mga lalaki na hindi bihasa sa pakikipagbaka. Hindi pa man sila nakakaharap sa pakikipagbaka. Alam na alam ni Achitophel na ang kalagayan ni David ay sa malayo pa sa kawalan ng pag-asa. Isang malaking bahagi ng bayan ay tapat pa rin sa kanya; siya ay mayroong sulok na mga mandirigma, na tapat sa kanilang hari, at ang kanyang hukbo ay pinamumunuan ng bihasang mga heneral. Alam ni Achitophel na makalipas ang unang bugso ng kasiglahan na kalugod-lugod sa bagong hari, isang ganti ang darating. Kung ang panghihimagsik ay mabigo, si Absalom ay maaaring muling magkaroon ng pakikipagkasundo sa kanyang ama; kung magkagayon si Achitophel, bilang kanyang pangunahing tagapayo, ang ituturing na may pinakamalaking kasalanan sa paghihimagsik; sa kanya ipapataw ang pinakamabigat na parusa: Upang hadlangan ang panunumbalik ni Absalom, siya ay pinayuhan ni Achitophel ng isang gawa na sa paningin ng buong bayan ay magiging imposible ang muling pagkakasundo. May katusuhan ng demonyo ang matalino at walang prinsipyong politikong ito ay nanghimok kay Absalom na dagdagan ng malaswang krimen ang panghihimagsik. Sa paningin ng buong Israel ay kanyang sisipingan ang mga kabit ng kanyang ama, ayon sa kaugalian ng mga bansa sa silangan, na sa gano'ng paraan ay ipinapahayag na siya ay humalili sa trono ng kanyang ama. At isinakatuparan ni Absalom ang maraming mungkahi. Sa gano'ng paraan ay natupad ang sinalita ng Dios kay David sa pamamagitan ng propeta na, “Narito, ako'y magtitindig ng kasamaan laban sa iyo na mula sa iyong sariling sambahayan, at aking kukunin ang iyong mga asawa sa harap ng iyong mga mata, at aking ipagbibigay sa iyong kapwa.... Sapagkat iyong ginawa na lihim: ngunit Aking gagawin ang bagay na ito sa harap ng buong Israel, at sa harap ng araw.” 2 Samuel 12:11, 12. Hindi ang Dios ang nag-udyok sa mga gawang ito ng kasamaan, kundi dahil sa kasalanan ni David hindi Niya ginamit ang Kanyang kapangyarihan upang hadlangan ang mga iyon.MPMP 880.2

    Mataas ang naging pagtingin kay Achitophel dahil sa kanyang karanungan, subalit siya ay kulang sa liwanag na nagmumula sa Dios. “Ang pagkatakot sa Dios ang pasimula ng karunungan” (Kawikaan 9:10); at ang bagay na ito, ay wala kay Achitophel, kung di gayon ay hindi niya isasalalay ang tagumpay ng katraydoran sa malaswang krimen. Ang mga lalaking may maraming puso ay nagpapanukala ng kasamaan, na tila walang higit na makapangyarihang awa at tulong ng Dios na sisira sa kanilang mga panukala; subalit “Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa: ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.” Mga Awit 2:4. Ang Panginoon ay nagpapahayag: “Ayaw nila sa Aking payo: kanilang hinamak ang buo Kong pagsaway: kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan. Sapagkat papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila.” Kawikaan 1:30-32.MPMP 881.1

    Nang makapagtagumpay sa panukala para sa sarili niyang kaligtasan, iginiit ni Achitophel ang pangangailangan ng madaliang pagkilos laban kay David. “Papiliin mo ako ng labing dalawang libong lalaki, at ako'y titindig at aking hahabulin si David sa gabing ito; at ako'y darating sa kanya samantalang siya'y pagod at may mahinang kamay, at akin siyang tatakutin: at ang buong bayan na nasa kanya ay tatakas; at ang hari lamang ang aking sasaktan: at aking ibabalik sa iyo ang buong bayan” Ang panukalang ito ay sinang-ayunan ng mga tagapayo ng hari. Kung iyon ay nasunod, tiyak sanang napatay si David, kung hindi tuwirang mamamagitan ang Panginoon upang iligtas siya. Subalit isang karunungan na higit kaysa nasa kilalang si Achitophel ang nangunguna sa mga pangyayari. “Ipinasya ng Panginoon na masansala ang mabuting payo ni Achitophel, upang dalhin ng Panginoon ang kasamaan kay Absalom.”MPMP 881.2

    Si Husai ay hindi tinawag sa konsilyo, at hindi niya gagawing pumasok doon na hindi hinihilingan, baka magkaroon ng paghihinala laban sa kanya na siya'y isang tiktik; subalit nang ang mga nagpulong ay pauwiin, si Absalom, na may mataas na pagtingin sa kapasyahan ng tagapayo ng kanyang ama ay ipinaalam sa kanya ang panukala ni Achitophel. Nakita ni Husai na kung ang iniharap na panukala ay masusunod si David ay maaaring mawala. At kanyang sinabi, “Ang payo na ibinigay ni Achitophel ngayon ay hindi mabuti. Sinabi ni Husai bukod sa rito, Iyong kilala ang iyong ama at ang kanyang mga lalaki, na sila'y nagngitngit sa kanilang mga pag-iisip na gaya ng isang oso na ninakawan sa parang ng kanyang mga anak: at ang iyong ama ay lalaking mandirigma, at hindi tatahan na kasama ng bayan. Narito, siya'y nagkukubli ngayon sa isang hukay o sa ibang dako;” idinahilan niya na, kung ang mga puwersa ni Absalom ay hahabol kay David, hindi nila mahuhuli ang hari; at kung sila ang matalo, iyon ay magpapahina ng kanilang loob at gagawa ng malaking pinsala sa ikabubuti ni Absalom. “Sapagkat,” wika niya, “kilala ng buong Israel na ang iyong ama ay makapangyarihang lalaki, at sila na nasa kanya ay matatapang na lalaki.” At siya ay nagmungkahi ng isang panukalang kaakit-akit sa isang mapagmalaki at makasariling likas kinaluluguran ang pagpapakita ng kapangyarihan: “Aking ipina- payo na ang buong Israel ay mapisan sa iyo, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, na gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat ang dami; at ikaw ay pumaroon sa pagbabaka ng iyong sariling pagkatao. Sa gayo'y aabutin natin siya sa ibang dako na kasusumpungan natin sa kanya, at tayo'y babagsak sa kanya na gaya ng hamog na lumalagpak sa lupa: at sa kanya at sa lahat ng mga lalaki na nasa kanya ay hindi tayo mag- iiwan kahit isa. Bukod dito, kung siya'y umurong sa isang bayan, ang buong Israel ay magdadala ng mga lubid sa bayang yaon, at ating babatakin sa ilog, hanggang sa walang masumpungan doon na kahit isang maliit na bato.”MPMP 882.1

    “At si Absalom at ang lahat na lalaki ng Israel ay nagsipagsabi, Ang payo ni Husai ni Arachita ay lalong mabuti kaysa payo ni Achitophel.” Subalit mayroong isa na hindi nalinlang—isa na malinaw na nakikita ang magiging bunga ng nakamamatay na pagkakamaling ito ni Absalom. Alam ni Achitophel na ang makabubuti para sa mga rebelde ay natalo na. At alam niya na anuman ang maging kapalaran ng prinsipe, walang pag-asa ang tagapayo na nagmungkahi ng pinakamalaking mga krimen. Si Achitophel ang humimok kay Absalom upang maghimagsik; pinayuhan niya siya ng pinaka kasuklam-suklam na kasamaan, upang malapastangan ang kanyang ama; ipinayo niya ang pagpatay kay David at nagpanukala ng pagsasakatuparan noon; pinutol na niya ang pinakahuling posibilidad sa sarili niyang muling pakikipagkasundo sa hari; at ngayon may isang higit na pinahalagahan kaysa kanya, at sa pamamagitan pa ni Absalom. Naninibugho, galit, at walang pag-asa, si Achitophel ay “umuwi siya sa bahay, sa kanyang bayan at kanyang inayos ang kanyang bahay, at nagbigti, at siya'y namatay.” Gano'n ang bunga ng isipan ng isa, na, dahil sa lahat ng mga kaloob sa kanya, ay hindi niya ginawang tagapayo ang Dios. Inaakit ni Satanas ang mga lalaki sa pamamagitan ng nakalilinlang na mga pangako, subalit sa huli ay masusumpungan ng bawat kaluluwa, na “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” Roma 6:23.MPMP 882.2

    Si Husai, dahil hindi nakatitiyak na ang kanyang payo ay susundin ng hari na pabago-bago ang isip, ay hindi nag-aksaya ng panahon sa pagbibigay ng babala kay David upang tumakas sa kabila ng Jordan kaagad. Sa mga saserdote na magpaparating noon sa pamamagitan ng kanilang mga anak, ay pinarating ni Husai ang pahayag: “Ganito't ganito ang ipinayo ni Achitophel kay Absalom at sa mga matanda sa Israel; at ganito't ganito ang aking ipinayo. Ngayon nga...huwag kang tumigil ng gabing ito sa mga tawiran sa ilang, kundi sa anumang paraan ay tumawid ka: baka ang hari ay mapatay at ang buong bayan na nasa kanya.”MPMP 883.1

    Ang mga kabataang lalaki ay pinaghinalaan at hinabol, gano'n pa man sila ay nagtagumpay sa pagsasakatuparan sa kanilang mapanganib na misyon. Si David, nanghihina dahil sa pagod at lungkot makalipas ang unang araw ng paglikas, ay tumanggap sa pahayag na kinakailangang siya ay tumawid ng Jordan nang gabing iyon, sapagkat nais kitilin ng kanyang anak ang kanyang buhay.MPMP 883.2

    Anu-ano ang nadarama ng ama at hari, na ginagawan ng gano'ng kasamaan, sa kilabot na panganib na ito? “Makapangyarihang lalaki na may tapang,” isang mandirigma, isang hari, na ang salita ay batas, pinagtaksilan ng kanyang anak na kanyang minahal at binigyang layaw at pinagkatiwalaan sa maling paraan, ginawan ng sala at iniwan ng mga sakop na kalakip niya sa pinakamatibay na tali ng karangalan at pagtatapat—sa anong mga pananalita ibinuhos ni David ang dam- damin ng kanyang kaluluwa? Sa oras ng kanyang pinakamadilim na pagsubok ang puso ni David ay nanatili sa Dios, at kanyang inawit:MPMP 883.3

    “Panginoon, ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami!
    Marami sila na nagsisibangon laban sa akin.
    Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa,
    Walang tulong sa kanya ang Dios.
    Ngunit ikaw, Oh Panginoon, ay isang kalasag sa palibot ko;
    Aking kaluwalhatian, at siyang tagapagtaas ng aking ulo.
    Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon,
    At sinasagot Niya ako mula sa Kanyang banal na bundok.
    Ako'y nahiga, at natulog;
    Ako'y nagising; sapagkat inalalayan ako ng Panginoon.
    Ako'y hindi matatakot sa sampung libo ng bayan,.
    Na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot....
    Pagliligtas ay ukol sa Panginoon:
    Sumaiyong bayan nawa ang Iyong pagpapala.” Mga Awit 3:1-8.
    MPMP 884.1

    Si David at ang lahat niyang mga kasama—mga mandirigma at ang opisyal ng bayan, matatanda at mga kabataan, mga babae at maliliit na mga bata—sa kadiliman ng gabi ay tumawid sa malalim at mabilis na agos ng ilog. “Sa pagbubukang liwayway ay walang naiwan kahit isa sa kanila na hindi tumawid sa Jordan.”MPMP 884.2

    Si David at ang kanyang puwersa ay umurong tungo sa Mahanaim, na naging makaharing tirahan ni Isboseth. Ito ay isang matibay na nakukutaang lungsod, na napapalibutan ng bulubunduking mga lugar na angkop na pahingahan sa panahon ng digmaan. Ang lupain ay may sapat na makakain, at ang mga tao ay palakaibigan sa makabubuti kay David. Dito maraming tagasunod ang sumama sa kanya, samantalang ang mga mayayamang naninirahan doon ay naghahatid ng mayamang mga kaloob na mga pagkain, at iba pang mga bagay na kailangan.MPMP 884.3

    Ang payo ni Husai ay nagtagumpay sa kanyang layunin, na nagbigay kay David ng pagkakataon upang makatakas; subalit ang padalus- dalos at mapusok na prinsipe ay hindi na mapipigilan pa ng matagal, at pagdaka ay humayo siya upang usigin ang kanyang ama. “At si Absalom ay tumawid sa Jordan, siya at ang lahat na lalaki ng Israel na kasama niya.” Si Amasa, na anak na lalaki ng kapatid na babae ni David na si Abigail, ay ginawa ni Absalom na punong kawal ng kanyang mga puwersa. Ang kanyang hukbo ay malaki, subalit iyon ay walang disiplina at hindi handa upang lumaban sa mga subok na mga kawal ng kanyang ama.MPMP 884.4

    Binabahagi ni David ang kanyang puwersa sa tatlong batalyon sa ilalim ng pamumuno ni Joab, ni Abisai, at ni Ittai na Getheo. Balak niya na pangunahan ang hukbo sa parang; subalit mahigpit na tinutulan ito ng mga opisyal ng hukbo, at ng mga tagapayo, at ng bayan. “Huwag kang lalabas,” wika nila: “sapagkat kung kami man ay tumakas, ay hindi nila kami aalumanahin, o kung ang kalahati man namin ay mamatay, ay hindi nila kami aalumanahin: ngunit ikaw ay may halagang sampung libo sa amin: kaya't ngayo'y lalong maigi na ikaw ay maghanda na iyong saklolohan kami mula sa bayan. At sinabi ng hari sa kanila, kung ano ang inaakala ninyong mabuti ay aking gagawin.” 2 Samuel 18:3, 4.MPMP 885.1

    Mula sa mga pader ng lungsod ang mahabang mga hanay ng hukbo ng mga rebelde ay lubos na natatanaw. Ang mang-aagaw ay sinamahan ng isang malaking hukbo, na kumpara doon ang puwersa ni David ay pawang kaunti lamang. Subalit samantalang ang hari ay nakatingin sa magkalabang mga puwersa, ang kaisipan na pina- katampok sa kanyang isip ay hindi ang korona at ang kaharian, ni ang kanyang sariling buhay, na pinaka kabayaran ng digmaan. Ang puso ng ama ay puno ng pag-ibig at habag sa kanyang nanghihimagsik na anak. Samantalang ang hukbo ay nakahanay na lumalabas sa pintuang daan pinasigla ni David ang kanyang tapat na mga kawal, sinasabi sa kanila na humayo na nagtitiwala na ang tagumpay ay ibibigay ng Dios ng Israel sa kanila. Subalit dito man ay hindi niya mapigil ang kanyang pag-ibig kay Absalom. Samantalang si Joab, na pinangungunahan ang kanyang unang hanay, ay dumadaan sa hari, ang manlulupig ng isang daang mga pagbabaka ay itinigil ang kanyang mapagmalaking ulo upang pakinggan ang huling tagubilin ng hari, samantalang nanginginig ang kanyang tinig na sinabi, “Inyong gamitan ng kaawaan, alang-alang sa akin, ang binata, sa makatuwid baga'y si Absalom.” At si Abisai at si Ittai ay tumanggap rin ng gano'ng tagubilin—“Inyong gamitan ng kaawaan, alang-alang sa akin, ang binata, sa makatuwid baga'y si Absalom.” Subalit ang pakiusap ng hari, na tila nagpapahayag na si Absalom ay higit pang mahalaga para sa kanya kaysa kanyang kaharian, higit na mahalaga kaysa mga tapat niyang mga sakop na tapat sa kanyang trono, ay nagpatindi lamang lalo sa galit ng mga kawal laban sa balintunang anak.MPMP 885.2

    Ang lugar ng labanan ay isang kakahuyan malapit sa Jordan, na kung saan ang malaking bilang ng hukbo ni Absalom ay isang kalugihan lamang sa kanya. Sa kalagitnaan ng mga sukal at mga burak ng kagubatan ang mga hukbong ito na walang disiplina ay nalito at hindi na mapangasiwaan. At “ang bayan ng Israel ay nasaktan doon sa harap ng mga lingkod ni David, at nagkaroon ng malaking patayan doon sa araw na yaon, na may dalawampung libung lalaki.” Si Absalom, nang makita na sila ay talo na, ay pumihit upang tumakas, nang ang kanyang ulo ay nasabit sa pagitan ng dalawang sanga ng isang malaking puno, at ang kanyang kabayo ay nakaalis mula sa ilalim niya, siya ay naiwang walang magawa na nakabitin, isang mabibiktima ng kanyang mga kaaway. Sa ganitong kalagayan siya ay nasumpungan ng isang kawal, na, dahil sa takot na baka hindi kaluguran ng hari, ay hindi pinatay si Absalom, sa halip ay iniulat kay Joab ang kanyang nakita. Walang ano pa mang bagay ang nakapigil kay Joab. Kinaibigan na niya si Absalom, dalawang beses niyang ginawan ng paraan upang makasundo ng kanyang ama, at ang pagtitiwala ay walang kahihiyan na pinagtaksilan. Kung hindi dahil sa mga kahigitang naging pakinabang ni Absalom bunga ng pamamagitan ni Joab, ang paghihimagsik na ito, kasama ng lahat ng kakilabutan nito, ay hindi sana kailan man nangyari. Ngayon ay nasa kapangyarihan ni Joab sa isang hampas upang puksain ang pasimuno sa lahat ng kasamaang ito. “At siya'y kumuha ng tatlong pana sa kanyang kamay at pinalagpas sa puso ni Absalom.... At kanilang kinuha si Absalom at inihagis nila siya sa malaking hukay sa gubat, at tinabunan siya ng isang malaking bunton ng bato.”MPMP 886.1

    Sa gano'ng paraan ay namatay ang pasimuno ng panghihimagsik sa Israel. Si Achitophel ay namatay sa pamamagitan ng sarili niyang kamay. Ang prinsipeng si Absalom, na ang maluwalhating kagandahan ay ipinagmamalaki ng Israel, ay naibuwal sa kalakasan ng kanyang kabataan, ang kanyang bangkay ay itinapon sa hukay, at tinakluban ng isang bunton ng mga bato, bilang tanda ng pangwalang hanggang kahihiyan. Sa buong panahon ng kanyang buhay si Absalom ay nan- garap para sa kanyang sarili ng isang mamahaling bantayog sa libis ng hari, subalit ang tanging bantayog na naging tanda ng kanyang libingan ay ang bunton ng mga bato sa ilang.MPMP 886.2

    Nang mapatay ang pinuno ng panghihimagsik, si Joab sa pama- magitan ng hudyat ng pakakak ay tinawagan ang kanyang hukbo mula sa paghabol sa mga tumatakas na hukbo, at ang mga sugo ay kaagad pinahayo upang paratingin ang balita sa hari.MPMP 886.3

    Ang bantay sa pader ng lungsod, na nakatingin sa lugar ng labanan, ay nakasumpong ng lalaki na tumatakbong nag-iisa. Di nagtagal ay may isa pa uling nakita. Samantalang ang una ay lumalapit, ang bantay ay nagsabi sa hari, na naghihintay sa tabi ng pintuang bayan, “Inaakala ko na ang takbo ng una ay gaya ng takbo ni Ahimaas na anak ni Sadoc. At sinabi ng hari, Siya'y mabuting lalaki at naparitong may mabuting balita. At tumawag si Ahimaas at nagsabi sa hari, lahat ay mabuti. At siya'y nagpatirapa sa lupa sa harap ng hari, at nagsabi, Purihin ang Panginoon mong Dios, na nagbigay ng mga lalaking nagsipagtaas ng kanilang kamay laban sa aking panginoon na hari.” Sa tanong ng hari, “Ligtas ba ang binatang si Absalom?” Si Ahimaas ay nagbigay ng isang paiwas na sagot.MPMP 887.1

    Ang ikalawang tagapagbalita ay dumating, na sumisigaw, “Balita sa aking panginoon na hari: sapagkat iginanti ka ng Panginoon sa araw na ito doon sa lahat na nagsibangon laban sa iyo.” At muli mula sa mga labi ng ama ay namutawi ang lubhang nakagaganyak na tanong, “Ligtas ba ang binatang si Absalom?” Hindi maikubli ang mabigat na balita, ang tagapagbalita ay sumagot, “Ang mga kaaway ng aking panginoon na hari, at yaong lahat na nagsisibangon laban sa iyo upang gawan ka ng masama ay maging gaya nawa ng binatang yaon.” Iyon ay sapat na. Si David ay hindi na nagtanong pa, ngunit samantalang nakayuko, siya ay “sumampa sa silid na nasa ibabaw ng pintuang bayan, at umiyak: at habang siya'y yumayaon, ganito ang sinasabi niya, Oh anak kong Absalom, anak ko, anak kong Absalom! Mano nawa'y ako ang namatay na kahalili mo, Oh Absalom, anak ko, anak ko!”MPMP 887.2

    Ang nagtagumpay na hukbo, sa pag-uwi mula sa parang, papalapit sa lungsod, na ang mga sigaw ng pagtatagumpay ay pumupukaw ng mga alingawngaw sa mga burol. Subalit sa kanilang pagpasok sa pintuang bayan ang sigaw ay napawi, ang kanilang mga sagisag ay nanlupaypay na kasama ng kanilang mga kamay, at samantalang nakayuko siya ay sumulong na higit ang hitsurang natalo kaysa nanalo. Sapagkat ang hari ay hindi naghihintay upang sila'y salubungin, sa halip ay naririnig ang kanyang hagulhol mula sa silid sa itaas ng pintuang bayan, “Oh anak kong Absalom, anak ko, anak kong Absalom! Mano nawa'y ako ang namatay na kahalili mo, Oh Absalom, anak ko, anak!”MPMP 887.3

    “At ang pagtatagumpay sa araw na yaon ay naging kapanglawan sa buong bayan: sapagkat narinig ng bayan na sinasabi sa araw na yaon, Ang hari ay nahahapis dahil sa kanyang anak.”MPMP 888.1

    Si Joab ay napuno ng galit. Sila ay binigyan ng dahilan upang managumpay at magsaya; ang pinakamalaking panghihimagsik na kailan man na nalaman sa Israel ay naiguho; at gano'n pa man ang dakilang pagtatagumpay na ito ay naging pagdadalamhati para sa kanya na ang krimen ay naging sanhi ng pagdanak ng dugo ng libu- libong matatapang na mga lalaki. Ang marahas at tapatang magsalitang kapitan ay nagpilit makarating sa harap ng hari at may katapangang sinabi, “Iyong hiniya sa araw na ito ang mga mukha ng lahat na iyong lingkod na nagligtas sa araw na ito ng iyong buhay, at ng mga buhay ng iyong mga anak na lalaki at babae;...sa iyong pag-ibig sa napopoot sa iyo, at pagkapoot sa nagsisiibig sa iyo. Sapagkat iyong inihayag sa araw na ito, na ang mga prinsipe at mga lingkod ay walang anoman sa iyo: sapagkat aking nagugunita sa araw na ito, na kung si Absalom ay nabuhay, at kaming lahat ay namatay sa araw na ito, sa gayo'y nakapagpalugod na mabuti sa iyo. Ngayon nga'y bumangon ka, ikaw ay lumabas, at magsalita na may kagandahang loob sa iyong mga lingkod: sapagkat along isinusumpa sa pangalan ng Panginoon, na kung ikaw ay hindi lalabas, ay walang matitira sa iyong isang tao sa gabing ito: at yao'y magiging masama sa iyo kaysa lahat ng kasamaan na sumapit sa iyo mula sa iyong kabataan hanggang ngayon.”MPMP 888.2

    Mapait at maging malupit man tulad ng pagsansala sa haring pinalo ang puso, hindi iyon nilabanan ni David. Nang makita na ang kanyang heneral ay tama, siya ay bumaba tungo sa pintuang bayan, at sa pamamagitan ng mga pananalita ng pagpapasigla at pagpuri ay binati ang kanyang matatapang na mga kawal samantalang sila ay lumalampas sa kanya.MPMP 888.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents