Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 10—Ang Tore ng Babel

    Ang kabanatang ito ay batay sa Genesis 9:25-27;11:1-9.

    Upang muling magkatao ang nasirang sanlibutan, na dinaanan pa lamang ng Baha upang alisan ng pagkabulok ng moralidad, ang Dios ay nag-ingat ng isang sambahayan lamang, ang sambahayan ni Noe, Kanyang sinabi, “Ikaw ay Aking nakitang matuwid sa harap Ko sa panahong ito.” Genesis 7:1. Gano'n pa man sa tadong mga anak ni Noe ay mabilis na lumago ang mga tampok na mapagkikilanlan ng sanlibutan bago ang Baha. Kay Sem, Cham, at Japeth, na magiging pundasyon ng lahi ng tao, ay mababakas ang likas ng kanilang mga ninuno.MPMP 133.1

    Si Noe, sa pagsasalita sa ilalim ng banal na pagkasi, ay hinulaan ang magiging kasaysayan ng tatlong lahi na magmula sa tatlong mga amang ito ng sangkatauhan. Sa pagtuntun sa magiging mga angkan ni Cham, mula sa anak sa halip na sa ama, ay kanyang sinabi, “Sumpain si Canaan; siya'y magiging alipin ng mga alipin sa kanyang mga kapatid.” Ang di pangkaraniwang krimen ni Cham ay nagpapahayag na ang paggalang sa kapwa ay matagal nang nawala sa kanyang kalu- luwa, at iyon ay naghayag ng pagkawalang galang sa Dios at pagka- masama ng kanyang likas. Ang masasamang likas na ito ay nagpatuloy kay Canaan at sa kanyang mga anak, na ang patuloy na paggawa ng kasalanan ay tumawag sa hatol ng Dios para sa kanila.MPMP 133.2

    Sa kabilang dako naman, ang paggalang na inihayag ni Sem at ni Japeth sa kanilang ama, at dahil doon ay gano'n din naman sa mga banal na palatuntunan, ay nagpapahayag ng magandang kinabukasan para sa kanilang mga anak. Tungkol sa mga anak na ito ay sinabi: “Purihin ang Panginoon, ang Dios ni Sem; at si Canaan ay maging alipin niya. Pakaramihin ng Dios si Japeth, at magtira siya sa mga tolda ni Sem; at si Canaan ay maging alipin niya.” Ang linya ni Sem ang magiging linya ng piniling bayan, ng pakikipagtipan ng Dios, tungkol sa ipinangakong Tagapagligtas. Si Jehova ang Dios ni Sem. Sa kanya magmumula si Abraham, at ang bayang Israel, na sa pamamagitan niya ay darating si Kristo. “Maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.” Awit 144:15. At si Japeth ay “titira sa mga tolda ni Sem.” Sa mga pagpapala ng ebanghelyo ang mga anak ni Japeth ay magkakaroon ng tanging bahagi.MPMP 133.3

    Ang mga anak ni Canaan ay bumaba ng husto sa pinakahamak na uri ng kawalan ng pagkilala sa Dios. Bagaman ang inihulang sumpa ay hinatulan sila ng pagiging alipin, ang hatol ay hindi iginawad sa loob ng maraming siglo. Tiniis ng Dios ang kanilang kapusungan at kasamaan hanggang sila ay lumampas sa hangganan ng banal na pagtitiis. Nang magkaganon sila'y binawian ng mga ari-arian, at naging mga alipin ng mga anak si Sem at Japeth.MPMP 134.1

    Ang inihula ni Noe ay hindi isang walang pakundangang pagbibitiw ng galit o kaluguran. Hindi iyon nagtakda ng likas at kahihinatnan ng kanyang mga anak. Subalit ipinahayag noon ang magiging bunga ng uri ng buhay na kanilang pinili at uri ng likas na kanilang pinalago. Iyon ay isang paghahayag ng panukala ng Dios para sa kanila at sa kanilang mga anak batay sa sarili nilang likas at pag-uugali. Bilang isang patakaran, minamana ng mga anak ang disposisyon at hilig ng kanilang mga magulang, at ginagaya ang kanilang halimbawa; kung kaya't ang mga kasalanan ng mga magulang ay siyang ginagawa ng mga anak mula sa isang lahi tungo sa isang lahi. Kung kaya't ang kasamaan at pagkawalang galang ni Ham ay ginaya ng kanyang mga anak, at naghatid ng sumpa sa kanila sa loob ng maraming panahon. “Ang isang makasalanan ay sumisira ng maraming mabuti.” Eclesiastes 9:18.MPMP 134.2

    Sa isang panig naman, lubos na pinagpala ang paggalang ni Sem sa kanyang ama; at anong magigiting na linya ng mga banal na tao ang lumabas sa kanyang mga anak! “Nalalaman ng Panginoon ang kaa- rawan ng mga sakdal,” “at ang kanyang lahi ay pinagpapala.” Awit 37:18, 26. “Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay Siyang Dios, ang tapat na Dios, na nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagantihang-loob sa mga umiibig sa Kanya, at tumutupad ng Kanyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng mga lahi.” Deuteronomio 7:9.MPMP 134.3

    Sa ilang panahon ang mga anak ni Noe ay patuloy na nanirahan sa mga bundok na pinagtigilan ng daong. Samantalang ang kanilang bilang ay dumadami, ang pagtalikod sa pananampalataya ay kaagad humantong sa paghihiwalay. Yaong mga nagnais kalimutan ang kanilang Manlalalang at iwaksi ang pamimigil ng Kanyang Kautusan ay nakadama ng walang sawang pagkainis sa mga pagtuturo at halimbawa ng mga kasamahan nilang may pagkatakot sa Dios, at pagkalipas ng ilang panahon ay nagpasiya silang humiwalay sa mga sumasamba sa Dios. Dahil doon sila ay naglakbay tungo sa kapatagan ng Shinar, sa mga tabi ng ilog Eufirates. Sila ay naalat ng kagandahan ng lugar at ng katabaan ng lupa, at ipinasiya nilang gawing tahanan ang kapatagang ito.MPMP 134.4

    Dito ay nagpasiya silang gumawa ng isang lungsod, na doon ay may isang mataas at matayog na tore na maaaring hangaan ng sanlibutan. Ang layunin ng mga panukalang ito ay upang iiwas ang mga tao mula sa pagkalat sa malalayong lugar. Iniutos ng Dios sa tao ang humayo sa buong lupa, upang kalatan at supilin; subalit ang mga manggagawang ito ng tore ay nagpasiyang ingatang magkakasama ang kanilang komyunidad bilang isa, at magtatag ng isang kaharian na sa pagdating ng panahon ay magpuno sa buong lupa. Kung mag- kagano'n ang kanilang lungsod ay magiging sentro ng isang kahariang pangbuong sansinukob; ang kaluwalhatian noon ay tatawag ng pag- hanga at pakikiisa ng sanlibutan at kikilalanin ang mga nagtatag noon bilang mahuhusay. Ang dambuhalang tore, na umaabot sa mga langit, ay iginayak upang tumindig bilang isang bantayug ng kapangyarihan at karunungan ng mga gumawa noon, nagpapanatili sa kanilang katanyagan hanggang sa huling mga kalahian.MPMP 135.1

    Ang mga naninirahan sa kapatagan ng Shinar ay hindi naniwala sa pangako ng Dios na hindi na Niya muling gugunawin ang lupa sa pamamagitan ng baha. Marami sa kanila ang tinanggihan ang pagkakaroon ng Dios at sinabing ang baha ay bunga ng katutubong pagkilos ng kalikasan. Ang iba ay naniniwala sa isang Makapangyarihan sa lahat, at Siya yaong gumunaw sa sanlibutan; at ang kanilang mga puso, gaya ni Cain, ay nanghimagsik laban sa Kanya. Ang isang layunin nila sa pagtatayo ng tore ay ang pagkakaroon ng sarili nilang kaligtasan kung sakaling magkakaroon ng isa pang pagbaha. Sa pamamagitan ng pagpapataas sa tore ng higit sa naabot ng mga tubig ng baha, ay inisip nilang mailalagay ang kanilang sarili sa hindi maaabot ng anumang posibleng kapahamakan. At pagdating nila sa kinaro- roonan ng mga ulap, ay inaasahan nilang matitiyak ang sanhi ng Baha. Ang buong proyekto ay iginayak upang lubos pang parangalan ang kapalaluan ng mga nagsasagawa noon at upang ilayo ang isipan ng mga tao sa hinaharap mula sa Dios at akayin sila sa pagsamba sa diyus-diyusan.MPMP 135.2

    Noong ang ilang bahagi ng tore ay matapos, ang isang bahagi noon ay ginawang tirahan ng mga gumagawa; ang ibang bahagi, lubos na nagayakan at mahusay na nilagyan ng mga kasangkapan, ay nakatalaga para sa mga diyus-diyusan. Ang mga tao ay nagalak sa kanilang pagtatagumpay, at pinuri ang kanilang mga diyos na pilak at ginto, at iniharap ang kanilang sarili laban sa Hari ng langit at ng lupa. Pagdaka ang gawaing nagpapatuloy sa pag-unlad ay natigil. Ang mga anghel ay isinugo upang pigilin ang layunin ng mga mang- gagawa. Mataas ng lubha ang naabot ng tore, at naging napakahirap na upang ang mga nasa itaas ay magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga nasa ibaba; kung kaya may mga lalaking itinalaga sa mga estasyon, bawat isa ay tatanggap at magbibigay ng ulat sa sunod sa kanya tungkol sa hinihinging kagamitan o tagubilin tungkol sa gawain. Samantalang ang mga mensahe ay ipinapasa sa isa't isa sa ganoong paraan ang wika ay nagulo, kung kaya't ang kasangkapang tinatanggap ay yaong hindi kailangan, at ang tagubiling ibinigay ay malimit nagiging kabaliktaran noon. Nagkaroon ng kaguluhan at pagkalito. Ang lahat ng paggawa ay napatigil. Hindi na maaaring magkaroon pa man ng kaayusan o pagkakaisa. Ganap na hindi maipaliwanag ng mga gumagawa ang kahima-himalang nangyayari sa kanila, at sa kanilang galit at pagkabigo ay sinisi nila ang isa't isa. Ang kanilang pagkakampi-kampi ay humantong sa labanan at pagdanak ng dugo. Mga kidlat mula sa langit, bilang tanda ng galit ng Dios, ang sumira sa itaas na bahagi ng tore at ito ay ibinagsak sa lupa. Pinadama sa kanila na mayroong isang Dios na namumuno sa mga langit.MPMP 136.1

    Hanggang sa mga panahong yaon ang lahat ng mga tao ay guma- gamit ng isang wika lamang; ngayon yaong mga nagkakaunawaan sa isa't isa ay nagsama-sama; ang iba ay nagtungo sa isang dako, ang iba naman ay sa iba. “Mula roon ay binulabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa.” Ang pangangalat na ito ang paraan ng pag- pupuno ng tao sa lupa, kung kaya ang layunin ng Panginoon ay naisakatuparan sa pamamagitan ng isang paraang iginayak ng tao upang hadlangan ang katuparan noon.MPMP 136.2

    Subalit ang lahat ay naging pagkatalo noong mga inilagay ang kanilang sarili sa paglaban sa Dios! Kanyang layunin na samantalang ang mga tao ay humahayo upang magtatag ng mga bansa sa iba't ibang bahagi ng lupa ay magdala sila ng pagkaalam, tungkol sa Kanyang kalooban, upang ang liwanag ng katotohanan ay patuloy na magliwanag sa niga sumusunod na kalahian. Si Noe, ang tapat na nangangaral ng katuwiran, ay nabuhay sa loob ng tatlong daan at limampung taon pa makalipas ang Baha, si Sem sa loob ng limang daang taon, at sa pamamagitan noon ang kanilang mga anak upang malaman ang kalooban ng Dios at ang kasaysayan ng Kanyang pa- kikitungo sa kanilang mga ama. Subalit hindi sila handang makinig sa mga katotohanang hindi kaaya-aya; wala silang pagnanasang pana- tilihin ang Dios sa kanilang kaisipan; at sa pamamagitan ng pagka- karoon ng maraming wika sila sa isang malaking banda, nawalay sa pakikisalamuha doon sa sana ay nakapagbigay sa kanila ng liwanag.MPMP 136.3

    Ang mga manggagawa ng tore ay nagumon sa espiritu ng pag- mumukmok laban sa Dios. Sa halip na may pagpapasalamat na ala- lahanin ang Kanyang kaawaan kay Adan at ang Kanyang mabiyayang pakikipagtipan kay Noe, sila ay nagreklamo sa Kanyang karahasan sa pagpapalabas sa unang mag-asawa mula sa halamanan ng Eden at sa paggunaw sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang baha. Subalit saman- talang sila ay di nasisiyahan sa Dios sa pagiging walang pakundangan at malupit, ay kanilang tinatanggap ang patakaran ng pinakamalupit sa mga manghihimagsik. Si Satanas ay nagsisikap makasumpong ng ikagagalit sa mga pagbibigay ng handog na naglalarawan sa pag- kamatay ni Kristo; at samantalang ang isipan ng tao ay nadidiliman ng pagsamba sa diyus-diyusan; ay inakay niya sila upang gumawa ng huwad na pag-aalay ng mga handog at sakripisyo at isakripisyo ang kanilang mga anak sa mga altar ng kanilang mga diyus-diyusan. Samantalang ang mga tao ay lumalayo sa Dios, ang mga banal na katangian—ang pagiging makatarungan, pagiging dalisay, at pagka mapagmahal—ay hinalinhinan ng pagsasamantala, labanan at pag- papatayan.MPMP 139.1

    Ang mga tao ng Babel ay nagpasya upang magtatag ng isang pama- halaang hiwalay sa Dios. Mayroong ilan sa kanila, gano'n pa man, ang may pagkatakot sa Panginoon, subalit nadaya ng mga pagpa- pahayag ng mga hindi naniniwala sa Dios at naakit sa kanilang mga panukala. Alang-alang sa mga tapat na ito ay pinagpaliban ng Panginoon ang Kanyang paghatol at binigyan ang tao ng panahon upang makilala ang tunay na likas at maipahayag nila ang kanilang tunay na ugali. At samantalang ito ay susulong, ang mga anak ng Dios ay gumawa upang ilayo sila sa kanilang layunin; subalit ang mga tao ay lubos na nagkakaisa sa kanilang gawang mapanghamon sa langit. Kung sila lamang ay hindi napigil ay maaaring nakuha nila ang sanlibutan sa kamusmusan noon. Ang kanilang pagkakampi- kampi ay nakabatay sa panghihimagsik; isang kahariang itinatag sa pagpaparangal sa sarili, isa kung saan ang Dios ay walang kapama- halaan o karangalan. Kung ito lamang pagkakampi-kamping ito ay pinahintulutan, isang malaking kapangyarihan ang maaaring nag- karoon ng kapamahalaan upang pawiin ang mga matuwid—at kasama noon ang kapayapaan, kaligayahan, at kasiguruhan—mula sa lupa. Sapagkat ang mga banal na utos, na “banal, at matuwid, at mabuti” (Roma 7:12), ay sinisikap ng mga taong palitan ng mga kautusang sumasang-ayon sa mga layunin ng sarili nilang sakim at malulupit na puso.MPMP 139.2

    Yaong mga may pagkatakot sa Panginoon ay nanawagan sa Kanya upang mamagitan. “At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao.” Sa kaawaan sa sanlibutan ay ibinagsak Niya ang mga layunin ng mga gumagawa ng tore at ibinagsak ang bantayog ng kanilang kapusungan. Sa kaawaan ay nilito nila ang kanyang wika, sa gano'n ay nahadlangan ang mga layunin ng kanilang panghihimagsik. Ang Dios ay matiisin sa kasa- maan ng mga tao, binibigyan sila ng sapat na panahon upang maka- pagsisi; subalit tinatandaan Niya ang lahat ng kanilang ginagawa upang tanggihan ang awtoridad ng Kanyang makatarungan at banal na kautusan. Sa bawat panahon ang hindi nakikitang mga kamay na humahawak sa setro ng kapamahalaan ay inilalawit upang pigilin ang kasamaan. Di mapagkakamaliang mga katibayan ang ibinibigay ng Manlalalang ng sansinukob, ang Isang walang hanggan sa kaalaman at pag-ibig at katotohanan, ang Kataas-taasang Hari ng langit at ng lupa, at walang sinuman ang hindi mapaparusahang makalalaban sa Kanyang kapangyarihan.MPMP 140.1

    Ang mga panukala ng mga gumagawa ng tore ay humantong sa kahihiyan at pagkatalo. Ang bantayog ng kanilang pagmamalaki ay naging bantayog ng kanilang kahangalan. Gano'n pa man ang mga tao ay nagpapatuloy sa pagtahak sa gano'ng landasin—umaasa sa sarili, at tinatanggihan ang mga utos ng Dios. Iyon ang prinsipyong sinikap ikalat ni Satanas sa langit; iyon din ang nangibabaw kay Cain sa pagdadala ng kanyang handog.MPMP 140.2

    Mayroong mga gumagawa nang tore sa ating kapanahunan. Ang mga hindi naniniwla sa Dios ay nagtatayo ng kanilang mga teoriya mula sa kinikilalang pahayag ng agham, at tinatanggihan ang hayag na salita ng Dios. Ginagawa nilang magsalita tungkol sa pamahalaan ng moralidad; tinatanggihan nila ang Kanyang mga utos at ipinag- mamalaki ang kasapatan ng pangangatuwiran ng tao. At, “sapagkat ang hatol laban sa masamang gawa ay hindi isinasagawa agad, kaya't ang puso ng mga anak ng tao ay lubos na nangagagalak sa paggawa ng kasamaan.” Eclesiastes 8:11.MPMP 140.3

    Sa sanlibutan ng mga nagpapanggap na Kristiano marami ang lumalayo mula sa malinaw na pahayag ng Banal na Kasulatan at gumagawa ng mga aral mula sa mga kaisipan ng tao at nakalulugod na kasinungalingan, at itinuturo nila ang kanilang tore bilang isang paraan upang makapanhik sa langit. Ang mga tao ay humahanga sa kahusayan ng nagsasalita samantalang iyon ay nagtuturo na ang suma- salansang ay hindi mamamatay, na ang kaligtasan ay makakamtan ng walang pagsunod sa kalooban ng Dios. Kung ang mga nagpapanggap na tagasunod ni Kristo ay tatanggapin ang pamantayan ng Dios, iyon ay mag-aakay sa kanila sa pagkakaisa; subalit hanggang ang kaalaman ng tao ay itinataas ng higit sa Kanyang Banal na Salita, ay magkakaroon ng dibisyon at paglalabanan. Ang lumalaganap na kagu- luhan ng nagtatalo-talong mga pananampalataya at mga sekta ay angkop na inilalarawan ng salitang “Babylon,” na ikinakapit ng hula (Apocalipsis 14:8; 18:12) sa mga iglesiang umiibig sa sanlibutan sa mga huling araw.MPMP 141.1

    Marami ang nagsisikap gumawa ng langit para sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pagkakamit ng mga kayamanan at kapangyarihan. Sila'y “nanunungayaw ng pagpighati: sila'y nangagsasalitang may ka- taasan” (Awit 73:8), niyuyurakan ang karapatang pang tao at wina- walang halaga ang banal na kapangyarihan. Ang mapagmataas ay maaaring sa isang panahon ay nasa kapangyarihan, at maaaring ma- kakita ng pagtatagumpay sa lahat ng kanilang isinasagawa; subalit sa wakas makasusumpong lamang sila ng pagkabigo at kaabahan.MPMP 141.2

    Ang panahon ng pagsisiyasat ng Panginoon ay ngayon na. Ang Kataas-taasan ay bababa upang tingnan ang ginawa ng mga anak ng tao. Ang Kanyang ganap na kapangyarihan ay mahahayag; ang mga gawa ng pagmamataas ay ibababa. “Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit; Kanyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao; mula sa dakong Kanyang tahanan ay tumitingin siya sa lahat nangananahan sa lupa.” “Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa: Kanyang niwawalang halaga ang mga pag-iisip ng mga bayan. Ang payo ng Panginoon ay nangatayong matibay mag- pakailan man, ang mga pag-iisip ng Kanyang puso sa lahat ng sali't saling lahi.” Awit 33:13, 14, 10, 11.MPMP 141.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents