Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mga Sulat sa Tesalonica

    Ang pagdating ni Silas at Timoteo mula sa Macedonia, sa panahon ng pamamalagi ni Pablo sa Corinto, ay tunay na nagpasigla sa apostol. Taglay nila ang “mabuting balita” ng “pananampalataya at kagandahang loob” nilang tumanggap sa katotohanan sa panahon ng unang pagdalaw ng mga mensahero ng ebanghelyo sa Tesalonica. Ang puso ni Pablo ay tunay na naluha sa mga mananampalatayang ito na sa harap ng mga pagsubok at kahirapan, ay nanatiling tapat sa Dios. Nanabik siyang muli silang madalaw na personal, at sapagkat ito ay hindi magagawa, ay sinulatan na lamang niya.AGA 194.1

    Sa liham na ito sa iglesia sa Tesalonica ang apostol ay nagpahayag ng pasasalamat sa Dios sa masiglang balita ng paglago ng kanilang pananampalataya. “Mga kapatid,” kanyang sinulat, “dahil dito’y nangaaliw kami tungkol sa inyo sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa lahat naming kagipitan at kapighatian: sapagkat ngayo’y nangabubuhay kami, kung kayo’y nangamamalaging matibay sa Panginoon. Sapagkat ano ngang pagpapasalamat ang aming muling maibibigay sa Dios dahil sa inyo, dahil sa buong kagalakan na aming ikinagalak dahil sa inyo sa harapan ng aming Dios; gabi at araw ay idinadalangin naming buong ningas na aming makita ang inyong mukha, at aming malubos ang inyong pananampalataya?” “Nangagpapasalamat kaming lagi sa Dios dahil sa inyong lahat, na aming binabanggit kayo sa aming mga dalangin; na aming inaalalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, ang inyong mga gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pag-ibig, at pagtitiis sa pag-asa sa ating Panginoongjesu-Cristo, sa paningin ng Dios at ating Ama.” Maraming mananampalataya sa Tesalonica ang “umalis sa mga diyus-diyusan upang maglingkod sa buhay at tunay na Dios.” “Tinanggap nila ang salita na may malaking kapighatian;” at ang kanilang mga puso ay napuspos ng “kagalakan ng Banal na Espiritu.” Inihayag ng apostol na sa kanilang pagtatapat sa pagsunod sa Ang kabanatang ito ay batay sa Mga Sulat sa Mga Taga Tesalonica. Panginoon, sila ay naging “halimbawa sa lahat ng mananampalataya sa Macedonia at Achaia.” Ang mga salitang ito ng papuri ay marapat lamang; “sapagkat mula sa inyo,” kanyang sinulat, “ay nadinig ang salita ng Panginoon hindi lamang sa Macedonia at Achaia, kundi sa bawat dakong ang inyong pananampalataya sa Dios ay naikalat.”AGA 194.2

    Ang mga mananampalataya sa Tesalonica ay tunay na mga misyonero. Ang kanilang mga puso ay nag-alab sa sigasig para sa kanilang Tagapagligtas, na nag-alis sa kanila sa pagkatakot sa “galit na darating.” Sa biyaya ni Kristo, isang kahanga-hangang pagbabago ang naganap sa kanilang mga buhay; at ang salita ng Panginoon na kanilang inihayag ay naging makapangyarihan. Mga puso ay naakit sa mga katotohanang inilahad, at mga tao ay nadagdag sa bilang ng mananampalataya.AGA 195.1

    Sa unang sulat, binanggit ni Pablo ang ganitong paggawa ng mga taga Tesalonica. Sinabi niya kung paanong hindi siya umakit ng tao sa pamamagitan ng daya o linlang. “Kundi kung paanong kami’y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng ebanghelyo, ay gayon din namin sinasalita; hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios, na sumusubok ng aming mga puso. Sapagkat hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailanman ng mga salitang paimbabaw, gaya ng nalalaman ninyo, ni ng balabal man ng kasakiman; saksi ang Dios: ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan, ni sa inyo man, ni sa mga iba man, nang maaaring magsigamit kami ng kapamahalaan gaya ng mga apostol ni Kristo. Kundi kami ay nangagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang sisiwa pagka inaamo-amo ang kanyang sariling anak: gayon din kami, palibhasa’y may magiliw na pag-ibig sa inyo, ay kinalugdan naming kayo’y bahaginan, hindi lamang ng ebanghelyo ng Dios, kundi naman ng aming sariling mga kaluluwa, sapagkat kayo’y naging lalong mahal sa amin.”AGA 195.2

    “Kayo’y mga saksi, at ang Dios man,” ang apostol ay nagpatuloy, “kung gaanong pagkabanal at pagkamatuwid at pagkawalang kapintasan ang inugali namin sa inyong nagsisampalataya: gaya ng inyong nalalaman na inugali namin sa bawat isa sa inyo, na gaya ng isang ama sa kanyang sariling mga anak, na kayo’y inaaralan at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo, upang kayo’y magsilakad ng nararapat sa Dios, na siyang tumawag sa inyo sa Kanyang sariling kaharian at kaluwalhatian.AGA 195.3

    “At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral, samakatuwid haga’y ang salita ng Dios, ay inyong tinanggap na hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi ayon sa katotohanan, na salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya.” “Sapagkat ano ang aming pag-asa, o katuwaan, o putong na ipinagmamapuri? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa Kanyang pagparito? Sapagkat kayo ang aming kaluwalhatian at aming katuwaan.”AGA 196.1

    Sa kanyang unang sulat sa mananampalataya sa Tesalonica, sinikap ni Pablo na turuan sila tungkol sa tunay na kalagayan ng mga patay. Sinabi niya ang tungkol sa namamatay bilang natutulog—sa isang kalagayang walang malay: “Hindi ko nais na kayo ay hindi makaalam, mga kapatid, tungkol sa kanilang nangatutulog, tulad ng iba na walang pag-asa, upang huwag kayong mangalumbay, katulad ng iba na walang pag-asa. Sapagkat kung tayo’y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay mag-uli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama Niya.... Sapagkat ang Panginoon din ang bababang mula sa langit na may isang sigaw, may tinig ng Arkanghel, at may trumpeta ng Dios: at ang nangamatay kay Kristo ay unang mangabubuhay na mag-uli: kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailanman.”AGA 196.2

    Masiglang tinanggap ng mga taga Tesalonica ang katotohanang si Kristo ay darating upang baguhin ang mga tapat na matitirang buhay, upang isama sa Kanya. Masinop na iningatan nila ang buhay ng kanilang mga kaibigan, upang di ito mangamatay, at mawalan ng pagpapalang inaasahang tatanggapin sa pagdating ng Panginoon. Ngunit isa-isa na ang mga mahal na ito ay nangamatay; at may kapaitang sa huling pagkakataon ay minamasdan ng mga taga Tesalonica ang mga mukha ng kanilang namamatay na mga kaibigan, na sa akala ay wala nang pag-asa pang makitang muli sa hinaharap na buhay.AGA 196.3

    Nang buksan at basahin nila ang sulat ni Pablo, malaking kaga-lakan at kaaliwan ang dumating sa iglesia sa mga salitang naghahayag ng tunay na kalagayan ng mga patay. Ipinakita ni Pablo na silang aabutang buhay sa pagdating ni Kristo ay hindi mauunang sasalubong sa Panginoon sa mga natulog na kay Jesus. Ang tinig ng Arkanghel at ang trumpeta ng Dios ang gigising sa mga natutulog na ito, at ang nangamatay kay Kristo ay unang mabubuhay, bago ipagkaloob ang imortalidad sa kanilang buhay na aabutan. “Sa gayon tayong nangabubuhay na natitira ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at tayo ay sasa Panginoon magpakailanman. Mag-aliwan kayo sa isa’t isa ng mga salitang ito.”AGA 196.4

    Ang pag-asa at kagalakang idinulot ng mga salitang ito sa batang iglesia sa Tesalonica ay halos di natin maunawaan. Sila ay nanampalataya at nagmahal sa sulat na ito mula sa ama ng ebanghelyo, at labis nila siyang minahal. Dati ay nasabi na ito sa kanila; ngunit sa panahong iyon ang kanilang mga puso at isipan ay nagsisikap na manghawakan sa mga bago at kakaiba; at di nakapagtatakang may mga puntong ang puwersa ay hindi nila lubos na nakita. Ngunit sila ay gutom sa katotohanan, at ang liham ni Pablo ay nagbigay sa kanila ng bagong pag-asa at lakas, at lalong matatag na pananampalataya, at lalong malalim na pag-ibig sa Kanya na sa kamatayan ay naghatid ng liwanag sa buhay at imortalidad.AGA 197.1

    Ngayon ay nagdiwang sila sa pagkaalam na ang mga kaibigang kapanampalataya na nangamatay na ay ibabangong muli sa libingan upang mabuhay na kasama nila sa walang hanggan sa kaharian ng Dios. Ang kadilimang lumambong sa pahingahan ng mga patay ay naitaboy. Isang bagong kagandahan ang naging putong ng pananampalatayang Kristiano, at nakita nila ang isang bagong luwalhati sa buhay, kamatayan, at pagkabuhay mag-uli ni Kristo.AGA 197.2

    “At gayon din naman silang natutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama Niya,” sulat ni Pablo. Marami ang nag-isip na ang talatang ito ay nangangahulugan na ang mga natutulog ay isasama ni Kristo sa langit; ngunit ang kahulugan ng salita ni Pablo ay kung paanong si Kristo ay bumangon sa mga patay, gayon din ay tatawagan ng Dios ang mga natutulog na banal mula sa mga libingan, at dadalhing kasama Niya sa langit. Anong mahal na pampalubag loob! maluwalhating pag-asa! hindi lamang sa iglesia sa Tesalonica, kundi sa lahat ng Kristiano saan man sila naroroon.AGA 197.3

    Samantalang gumagawa sa Tesalonica, lubusang tinalakay ni Pablo ang paksa ng mga tanda ng kapanahunan, at ipinakita ang mga pangyayaring magaganap bago ang pagpapakita ng Anak ng tao sa mga alapaap ng langit, anupa’t hindi na niya inisip na kailangang pang habaan ang pagsulat tungkol sa bagay na ito. Gayon pa man, kanyang tinukoy ang mga dating turo, “Tungkol sa mga panahon,” kanyang sinabi, “ay hindi na kailangang isulat ko pa sa inyo. Sapagkat alain ninyong lahat na ang pagdating ng araw ng Panginoon ay tulad sa magnanakaw sa _gabi. Sapagkat kapag kanilang sasabihin, Kapayapaan at kapanatagan; ay darating ang biglang pagkawasak sa kanila.”AGA 197.4

    Sa sanlibutan ngayon ay marami ang nagpipikit ng mga mata sa mga katibayang kaloob ni Kristo upang babalaan ang tao sa Kanyang pagdating. Sinisikap nilang patahimikin ang lahat ng pangamba, kasabay ng mga tandang mabilis na natutupad, at ang mundo ay mabilis na lumalapit sa panahong ang Anak ng tao ay mahahayag sa mga alapaap ng langit. Itinuturo ni Pablo na kasalanan ang magtakwil sa mga tandang ito na magaganap bago dumating sa ikalawa si Kristo. Silang magpapabaya dito ay tinatawag niyang mga anak ng kadiliman at ng gabi. Pinasisigla niya tayo na magbantay at maging gising: “Datapuwat, kayo mga kapatid, ay wala sa kadiliman, anupa’t ang araw ay dumating sa inyo tulad ng isang magnanakaw. Kayo ay mga anak ng kaliwanagan at ng araw: hindi tayo ng gabi, o ng kadiliman man. Kung magkagayon ay di tayo dapat mangatulog, gaya ng iba; kundi maging mapagbantay at mapagpigil.”AGA 198.1

    Lalong mahalaga sa iglesia sa ating kapanahunan ang mga turo ng apostol sa puntong ito. Sa kanilang nabubuhay na napakalapit sa dakilang katuparan, ang mga salita ni Pablo ay dapat dumating na may kakaibang puwersa: “Datapuwat, palibhasa’y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pag-ibig; at ang maging turbante ay ang pag-asa ng kaligtasan. Sapagkat tayo’y hindi tinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama Niya.”AGA 198.2

    Ang nagbabantay na Kristiano ay Kristianong gumagawa, maningas na sinisikap na gawin ang lahat sa kanyang kapangyarihan na pasulungin ang ebanghelyo. Sa paglago ng pag-ibig sa Manunubos, gayon din ang pag-ibig sa kapwa. Magkakaroon siya ng mahigpit na pagsubok, tulad ng kanyang Panginoon; ngunit hindi niya tutulutang ang mga kapighatian ay magpaasim ng kanyang ugali o magwasak ng kapayapaan ng isip. Alam niyang kung ang mga pagsubok ay haha- raping mainam, ang mga ito ay dadalisay at pipino sa kanya, at maghahatid sa kanya sa lalong malapit na pakikisama kay Kristo. Silang kabahagi ng mga pagdurusa ni Kristo ay magiging kabahagi rin sa Kanyang kaginhawahan at sa wakas sa Kanyang kaluwalhatian.AGA 198.3

    “Datapuwat ipinamamanhik namin sa inyo mga kapatid,” pinagpatuloy ni Pablo ang kanyang sulat sa mga taga Tesanolica, “na inyong kilalanin ang mga nangagpapagal sa inyo, at nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo; at inyong lubos na pakamahalin sila sa pag-ibig, dahil sa kanilang gawa. Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.”AGA 199.1

    Ang mga mananampalatayang taga Tesalonica ay lubos na nabagabag ng mga lalaking may mga isipan at doktrinang panatiko. Ang ilan ay “manggugulo, na wala namang ginagawa...kundi nagsasabog ng tsismis.” Ang iglesia ay naitatag na mainam, mga namumuno ay nahirang bilang mga ministro at diakono. Ngunit mayroong ilan na may sariling isip at mapusok, na tumatangging pasailalim sa kanilang nasa katungkulan sa iglesia. Hindi lamang nila inaangkin ang pansariling paghatol, kundi hayagan pang ipinipilit nila ang kanilang isipan sa iglesia. Dahil dito, tinawag ni Pablo ang pansin ng taga Tesalonica na igalang at pahalagahan silang napili upang humawak ng mga tungkulin ng otoridad sa iglesia.AGA 199.2

    Sa kanyang marubdob na hangaring ang mga mananampalataya sa Tesalonica ay makalakad sa pagkatakot sa Dios, si Pablo ay nanawagan sa kanila na mabuhay na may kabanalan. “Kayo’y aming pinamamanhikan,” kanyang sinulat, “at inaaralan sa Panginoong Jesus, na ayon sa tinanggap ninyo sa amin, na kung paanong kayo’y dapat magsilakad at mangagbigay lugod sa Dios, na gaya ng inyong paglakad, upang kayo’y magsipanaganang higit at higit. Sapagkat talastas ninyo kung anong mga tagubilin ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. Sapagkat ito ang kalooban ng Dios, samakatuwid baga’y ang inyong pagpapakabanal; na kayo’y magsiilag sa pakikiapid.” “Sapagkat tayo’y tinawag ng Dios hindi sa ikarurumi, kundi sa pagpapakabanal.”AGA 199.3

    Nadama ng apostol na sa kalakhang bahagi siya ay may kapanagutan sa kapanutuhang espirituwal ng mga nahikayat sa kanyang paggawa. Ang naisin niya para sa kanila ay magsilago sila sa pagkakilala sa tanging tunay na Dios, at kay Jesu-Cristo, na Kanyang isinugo. Madalas sa kanyang gawain, naldldpagtagpo siya sa maliliit na pulutong ng mga lalaki at babaeng nagmamahal kay Jesus, at nananalanging kasama nila, na hinihiling sa Dios na turuan silang magkaroon ng buhay na may kaugnayan sa Kanya. Madalas na nagpayo siya sa kanila sa pinakamabuting paraan ng pagbibigay sa iba ng liwanag ng katotohanan ng ebanghelyo. At madalas din, kung hiwalay sa mga kasama sa gawain, ay sumasamo siya sa Dios na ingatan sila sa kasamaan, at tulungan silang maging masikap at masiglang mga misyonero.AGA 199.4

    Isa sa matibay na katibayan ng tunay na pagkahikayat ay ang pagibig sa Dios at sa kapwa tao. Silang tatanggap kay Jesus bilang kanilang Manunubos ay mayroong malalim at taimtim na pagmamahal sa iba tulad ng mahalagang pananampalataya. At ganito nga sa mga mananampalataya sa Tesalonica. “Datapuwat tungkol sa pag-iibigang kapatid,” sinulat ni Pablo, “ay hindi ninyo kailangan na kayo’y sulatan ng sinuman: sapagkat kayo rin ay tinuruan ng Dios na mangagibigan sa isa’t isa, sapagkat katotohanang ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nangasa Macedonia: ngunit aming iniaaral sa inyo, mga kapatid, na kayo’y lalo’t lalong magsipanagana; at pagaralan ninyong maging matahimik, at gawin ang inyong sariling gawain, at kayo’y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo; upang kayo’y magsilakad ng nararapat sa nangasa labas, at huwag kayong maging mapagkailangan.”AGA 200.1

    “At kayo’y palaguin at pasaganain ng Panginoon sa pag-ibig sa isa’t isa, at sa lahat ng mga tao, na gaya naman ng amin sa inyo: upang patibayin Niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ng Kanyang lahat na mga banal.”AGA 200.2

    “Aming ipinamamanhik sa inyo mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mahihinang loob, alalayan ang mahihina, at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat. Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinuman ng masama sa masama; ngunit sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa’y sa iba, at sa lahat. Mangagalak kayong lagi. Magsipanalangin kayong walang patid. Sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo: sapagkat ito ang kalooban ng Dios kay Kristo tungkol sa inyo.”AGA 200.3

    Pinayuhan ni Pablo ang mga taga Tesalonica na huwag aglahiin ang kaloob ng propesiya, at sa mga salitang, “Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu; huwag ninyong hamakin ang pagpropropesiya; subukin ninyo ang lahat ng mga bagay; ingatan ninyo ang mabuti,” nagpayo siya ng maingat na pagsusuri upang makita ang pagkakaiba ng huwad sa tunay. Nagpayo siya sa kanila, “Layuan ninyo ang bawat anyo ng masama;” at tinapos ang kanyang liham sa panalanging ang Dios ang magpapabanal sa kanila nang lubusan, upang sa “espiritu, at kaluluwa at katawan” ay “ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat yaong sa inyo ay tumatawag, na gagawa rin naman nito.”AGA 200.4

    Ang turong ipinadala ni Pablo sa Tesalonica sa unang pagliham tungkol sa ikalawang pagparito ni Kristo ay katugma ng kanyang mga unang aral. Ngunit ang kanyang mga salita ay maling naunawaan ng ilang mga kapatid sa Tesalonica. Akala nila ay nagpapahayag si Pablo ng sariling pag-asang makikita niyang buhay ang pagdating ng Tagapagligtas. Ang paniniwalang ‘ ito ay nagpadagdag ng kanilang sigla at sigasig. Silang dati ay naging pabaya sa mga kapanagutan, ngayon ay naging maigting sa paglalahad ng kanilang maling paniniwala.AGA 201.1

    Sa ikalawang pagliham, sinikap ni Pablo na ituwid ang maling pagkaunawang ito ng kanyang aral, at iniharap sa kanila ang tunay na kalagayan. Muli ay ipinahayag niya ang kanyang pagtitiwala sa kanilang katapatan, at ang kanyang pagpapasalamat sa malakas nilang pananampalataya, at ang pananagana ng kanilang pag-ibig sa isa’t isa para sa gawain ng kanilang Panginoon. Sinabi niya sa kanila ang pagbibigay niya ng kanilang halimbawa sa ibang mga iglesia, ang kanilang pagtitiis, pananampalatayang tumatayong matapang sa mga pag-uusig at kahirapan; at inakay niya ang kanilang mga isipan sa panahong si Kristo ay darating sa ikalawa, na ang bayan ng Dios ay mamamahinga sa lahat ng kanilang kaabalahan at bagabag.AGA 201.2

    “Anupa’t kami sa aming sarili,” kanyang sinulat, “ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga pag-uusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis:...at kayong mga pinighati ay bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kanyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy, na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa ebanghelyo ng ating Panginoong Jesus: na siyang tatanggap ng kaparusahan na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon, at mula sa kaluwalhatian ng Kanyang kapangyarihan.... Dahil dito ay lagi naming idinadalangin kayo, upang kayo’y ariing karapat-dapat ng ating Dios sa pagkatawag sa inyo, at ganaping may kapangyarihan ang bawat nais sa kabutihan at gawa ng pananampalataya; upang ang pangalan ng ating Panginoong Jesus ay luwalhatiin sa inyo, at kayo’y sa Kanya, ayon sa biyaya ng ating Dios at ng Panginoong JesuCristo.”AGA 201.3

    Datapuwat bago dumating si Kristo, magaganap sa daigdig ng relihiyon ang mahalagang pangyayaring sinabi sa propesiya. Inihayag ng apostol: “Huwag kayong madaling makilos sa inyong pag-iisip, at huwag din naman kayong mabagabag, maging sa pamamagitan man ng espiritu, o sa pamamagitan ng salita, o sa pamamagitan ng sulat na waring galing sa amin, na wari bagang nalalapit na ang kaarawan ng Panginoon. Huwag kayong padaya kaninuman sa anumang paraan: sapagkat ito’y hindi darating, maliban nang dumating muna ang pagtaliwakas; at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan, na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios, o sinasamba; anupa’t siya’y nauupo sa templo ng Dios, na siya’y nagtatanyag sa kanyang sarili na tulad sa Dios.”AGA 202.1

    Ang mga salita ni Pablo ay di dapat bigyan ng maling kahulugan. Hindi ito dapat iturong siya, sa tanging pagpapahayag ng Dios, ay nagbabala sa mga taga Tesalonica ng madaliang pagbabalik ni Kristo. Ang ganitong turo ay magbibigay kaguluhan sa pananampalataya; sapagkat ang pagkabigo ay madalas na nagdadala ng kawalang pananampalataya. Ang apostol kung gayon ay nagbigay babala sa kapatiran na huwag tanggapin ang ganitong balita na galing sa kanya; at nagpatuloy siyang idiin ang katunayan na ang kapangyarihan ng kapapahan, na malinaw na inilahad ni propeta Daniel, ay babangon, at makikipagbaka sa bayan ng Dios. Hanggang ang kapangyarihang ito ay makagawa ng nakamamatay at namumusong na gawain, walang kabuluhang ang iglesia ay tatanaw sa pagdating ng Panginoon. “Hindi ba ninyo naaalaala, na nang ako ay kasama pa ninyo ay sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito?”AGA 202.2

    Kalunos-lunos ang mga pagsubok na dadaanan ng tunay na iglesia. Kahit na sa panahong ang propeta ay sumusulat, ang “hiwaga ng kasamaan” ay nagsisimula nang gumawa. Ang mga magaganap sa hinaharap ay magiging “gawain ni Satanas na buong kapangyarihan taglay ang mga tanda at kasinungalingan, at pandaraya ng kawalang katuwiran sa kanilang napapahamak.”AGA 202.3

    Higit na maselan ay ang salita ng apostol tungkol sa kanilang tatangging tumanggap ng “pag-ibig sa katotohanan.” “Dahilan dito,” pahayag niya sa sadyang tatanggi sa mga pabalita ng katotohanan, “Ang Dios ay magsusugo sa kanila ng malakas na delusyon, na kanilang paniniwalaan ang kasinungalingan: upang silang lahat na ayaw maniwala sa katotohanan at nalulugod sa kasamaan ay mahatulan.” Hindi maaaring ang tao ay walang pakundangang tatanggi sa mga babala ng habag na padala sa kanila. Sa kanilang patuloy na magwawalang bahala sa mga babala ng Dios, aalisin ang Espiritu mula sa kanila, at sila’y maiiwan sa mga dayang kanilang minamahal.AGA 203.1

    Sa ganito ay inihanay ni Pablo ang kalunos-lunos na paggawa ng kapangyarihan ng kasamaan na magpapatuloy sa mga daantaon ng kadiliman at pag-uusig, bago ang ikalawang pagdating ni Kristo. Ang mga mananampalataya sa Tesalonica ay umasa sa madaliang kaligtasan; ngayon sila ay pinapayuhang matapang at may pagkatakot sa Dios na harapin ang gawain. Nagtagubilin ang apostol na huwag nilang pabayaan ang mga kapanagutan o maghintay na walang ginagawa. Matapos ang maningas na pag-asam ng madaliang kaligtasan, ang magiging gawain nila sa bawat araw ay doble ang hirap sa paningin. Kung kaya’t nagpayo siya tungkol sa katatagan sa pananampalataya:AGA 203.2

    “Kaya nga mga kapatid, kayo’y mangagpakatibay, at inyong panghawakan ang mga aral na sa inyo’y itinuro, maging sa pamamagitan ng salita, o ng aming sulat. Ngayon ang ating Panginoong JesuCristo, at ang ating Dios na Ama, na sa amin ay umibig, at sa amin ay nagbigay ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pag-asa sa pamamagitan ng biyaya, aliwin nawa ang inyong puso, at patibayin kayo sa bawat mabuting gawa at salita.” “At may pagtitiwala kami sa Panginoon tungkol sa inyo, na inyong ginagawa at gagawin naman ang mga bagay na aming iniuutos. At patnubayan nawa ng Panginoon ang inyong mga puso sa pag-ibig ng Dios, at sa pagtitiis ni Kristo.”AGA 203.3

    Ang gawain ng mga mananampalataya ay kaloob ng Dios sa kanila. Sa kanilang tapat na pananatili sa katotohanan ay ibabahagi nila ang liwanag sa iba. Nagtagubilin ang apostol na huwag silang manghina sa paggawa ng mabuti, at ibinigay ang sariling halimbawa ng kasipagan sa hanapbuhay at walang pagod na sigasig sa gawain ni Kristo. Sinan- sala niya ang mga tamad at may siglang walang direksyon, at nagatas na “gumawang matahimik, at kumain ng sariling tinapay.” Tinagubilinan din ang iglesia na ihiwalay sa samahan ang sinumang magpapatuloy na magwalang bahala sa mga tagubilin ng mga ministro ng Dios. “Gayunman,” dagdag niya, “huwag siyang ituring na kaaway, kundi payuhang tulad sa isang kapatid.”AGA 203.4

    Ang sulat na ito ay winakasan ni Pablo sa isang dalangin upang sa gitna ng mga paggawa at pagsubok ang kapayapaan ng Dios at ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo ang maging kaaliwan at lakas.AGA 204.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents