Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Isinulot Mula sa Roma

    Maaga pa sa karanasang Kristiano ni Pablo ay nabigyan siya ng tanging pagkakataon upang malaman ang kalooban ng Dios tungkol sa mga alagad ni Jesus. Siya ay “inagaw sa ikatlong langit,” “sa paraiso, at nakarinig ng mga salitang di masayod, na hindi nararapat salitain ng tao.” Siya na rin ang kumilalang maraming “pangitain at pagpapahayag” ang ipinagkaloob sa kanya “ng Panginoon.” Ang kanyang unawa sa mga simulain ng katotohanan ng ebanghelyo ay katumbas ng “mga pangunahin sa mga apostol.” 2 Corinto 12:2, 4, 1, 11. Taglay niya ang malinaw at buong pagkaunawa sa “lawak, at haba, at lalim, at taas” ng “pag-ibig ni Kristo na di masayod ng kaalaman.” Efeso 3:18, 19AGA 354.1

    Hindi masabing lahat ni Pablo ang lahat ng nakita niya sa pangitain; sapagkat kabilang sa mga nakikinig sa kanya ay mga taong maaaring bigyang maling kahulugan ang mga ito. Ngunit ang mga bagay na inihayag sa kanya ay nagbigay kapangyarihan sa kanya upang gumawa bilang isang lider at matalinong guro, at siya ring naghubog ng mga pabalitang ipadadala niya sa mga iglesia sa darating na mga taon. Ang liwanag na tinanggap niya sa pangitain ay tinaglay niyang palagi, at nagbigay sa kanya ng wastong paglalarawan ng likas Kristiano. Sa salita ng bibig at sa liham ay nagtaglay siya ng pabalitang lagi na lamang naghatid ng tulong at kalakasan sa iglesia ng Dios. Sa mananampalataya ngayon ang pabalitang ito ay nangungusap na malinaw ng mga panganib na nakabanta sa iglesia, at ng mga huwad na doktrinang kailangang harapin.AGA 354.2

    Ang naisin ng apostol para sa kanilang tatanggap ng mga liham ng pagpapayo at pagsamo, ay upang sila ay hindi na matulad pa “sa mga maliliit na bata, na kung saan hipan ng hangin ng bawat doktrina ay nadadala;” kundi sila ay makaabot sa “pagkakaisa ng pananampalataya, at sa pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa kasakdalan ng tao, hanggang sa sukat ng kahustuhan ni Kristo.” Sumamo siya sa mga Ang kabanatang ito ay batay sa mga Sulat sa Colosas at Filipos. alagad ni Kristo sa gitna ng mga Gentil na huwag lumakad tulad ng “ibang mga Gentil, sa kawalang kabuluhan ng kanilang pag-iisip, na ang mga pagkaunawa ay pinadilim, na napalayo sa buhay ng Dios... dahilan sa pagkabulag ng kanilang mga puso,” at “sa halip ay lumakad na tulad ng marurunong, at di tulad ng mga mangmang, na sinasamantala ang panahon.” Efeso 4:14, 13, 17, 18; 5:15, 16. Pinasigla niya ang mga mananampalatayang tumanaw sa hinaharap sa panahong si Kristo, na “umibig sa iglesia, at nagbigay ng Kanyang sarili para dito,” ay “haharap sa Kanyang sarili ng isang iglesiang maluwalhati, walang mantsa, o kulubot o anumang bagay”—isang iglesiang “banal at walang kapintasan.” Efeso 5:25, 27.AGA 354.3

    Ang mga pabalitang ito, isinulat sa isang kapangyarihang hindi sa tao kundi sa Dios, ay nagtataglay ng mga liksyong dapat mapagaralan ng lahat, at ulit-ulitin upang makinabang mula rito. Nakahanay dito ang praktikal na kabanalan, mga simulaing dapat sundin ng bawat iglesia, at ang landas na tungo sa walang hanggan ay nililinaw.AGA 355.1

    Sa kanyang pagliham sa “mga banal at mga tapat na kapatid kay Kristo na nasa Colosas,” na nasulat habang siya ay nakabilanggo sa Roma, binanggit ni Pablo ang kanyang kagalakan sa kanilang tatag sa pananampalataya, na ang balita nito ay dala sa kanya ni Epaphras, na naghayag sa amin “ng inyong pag-ibig sa Espiritu.” Dahil dito, ipinagpatuloy niya, “kami naman matapos na aming marinig ito, ay hindi tumigil na manalangin para sa inyo, at naising kayo ay mapuspos ng kaalaman sa Kanyang kalooban sa buong karunungan at pagkaunawang espirituwal; upang kayo’y magsilakad na marapat sa ikalulugod ng Panginoon, na mabunga sa bawat mabubuting gawa, at lumalago sa kaalaman sa Dios; pinalakas ng buong kapangyarihan, ayon sa Kanyang maluwalhating kapangyarihan, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may kagalakan.”AGA 355.2

    Sa ganito ay inilahad ni Pablo sa mga salita ang kanyang naisin para sa mga mananampalataya sa Colosas. Gaano nga kataas ang pamantayang nasa harapan ng alagad ni Kristo! Ipinakikita nito ang mga kahanga-hangang katunayan ng buhay Kristiano, at nililiwanag na walang hangganan sa mga pagpapalang nakalaan sa mga anak ng Dios. Sa patuloy na paglago sa kaalaman sa Dios, sila ay hahayo sa kalakasan, sa pag-angat sa karanasang Kristiano, hanggang sa “Kanyang maluwalhating kapangyarihan” sila ay maging “kabahagi ng pamana ng mga banal sa kaliwanagan.”AGA 355.3

    Itinaas ng apostol si Kristo sa mga kapatid bilang Siyang sa pamamagitan Niya ay nilalang ng Dios ang lahat ng bagay, at sa Kanya rin ay naisagawa ang kanilang pagtubos. Inihayag niyang ang kamay na nagpapanatili sa mga sanlibutan sa kalawakan, at humahawak sa maayos na paggalaw ang lahat ng bagay sa malawak na sansinukob ng Dios, ay ang mga kamay na napako sa krus. “Sapagkat sa Kanya ay nilalang ang lahat ng mga bagay,” sinulat ni Pablo, “sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan, o mga pagsakop, o mga pamunuan, o mga kapangyarihan: lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan Niya, at ukol sa Kanya: at Siya ay una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa Kanya.” “At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pag-iisip sa inyong mga’ gawang masasama, gayunman’y ipinagkasundo Niya ngayon sa katawan ng Kanyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo’y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan Niya.”AGA 356.1

    Ang Anak ng Dios ay nagpakababa upang itaas ang nalugmok. Dahil dito ay nilisan Niya ang sanlibutang hindi nagkasala, ang siyamnapu’t-siyam na nagmamahal sa Kanya, at naparito sa lupa upang “masugatan dahilan sa ating mga pagsalangsang.” Isaias 53:5. Sa lahat ng bagay Siya ay natulad sa Kanyang mga kapatid. Naging laman na katulad natin. Naalaman Niya ang magutom at mauhaw at mapagod. Pinalakas Siya ng pagkain at pinasigla ng pagtulog. Siya ay naging manlalakbay at taga ibang lupa sa mundong ito—nasa sanlibutan, datapuwat hindi sa sanlibutan; tinukso gayunman ay nabuhay na hiwalay sa kasalanan. Mapagmahal, mairugin, mapagmalasakit, laging kapakanan ng iba ang nasa isip, kinatawanan Niya ang likas ng Dios. “Ang Verbo ay nagkatawang tao at tumahang kasama natin,...puspos ng biyaya at katotohanan.” Juan 1:14.AGA 356.2

    Napapalibutan ng mga gawa at impluwensya ng paganismo, ang mga mananampalataya sa Colosas ay nasa panganib na mailayo sa kasimplihan ng ebanghelyo, at sa pagbibigay ni Pablo ng babala sa kanila, itinuro niya si Kristo bilang tanging panatag na patnubay. “Sapagkat ibig ko na inyong maalaman kung gaano kalaki ang aking pagpipilit dahil sa inyo, at sa nangasa Laodicea, at sa lahat na hindi nakakita ng mukha ko sa laman; upang mangaaliw ang kanilang mga puso, sa kanilang pagkakalakip sa pag-ibig, at sa lahat ng mga kayamanan ng lubos na katiwasayan ng pagkaunawa, upang makilala nila ang hiwaga ng Dios, samakatuwid baga’y si Kristo.”AGA 356.3

    “Ito’y sinasabi ko, upang huwag kayong madaya ng sinuman sa mga pananalitang kaakit-akit.... Kung paano nga na inyong tinanggap si Kristo Jesus na Panginoon, ay magsilakad kayong gayon sa Kanya: na nangauugat at nangatatayo sa Kanya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat. Kayo’y magsipag-ingat, baka sa inyo’y may bumihag sa pamamagitan ng pilosopiya at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali’t saling sabi ng tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanlibutan, at di ayon kay Kristo: sapagkat sa Kanya’y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman. At sa Kanya kayo’y napuspos na siyang pangulo ng lahat na pamunuan at kapangyarihan.”AGA 357.1

    Sa pamamagitan ng propesiya sinabi ni Kristo na ang mga mandaraya ay babangon, na sa kanilang impluwensya ay “sasagana” ang “kasamaan,” at “ang pag-ibig” ng marami ay “manlalamig.” Mateo 24:12. Nagbabala Siya sa mga alagad na ang iglesia ay higit na manganganib sa kasamaang ito kaysa mga pag-uusig ng kaaway. Muli at muli ay nagbabala si Pablo sa mga mananampalataya tungkol sa mga bulaang guro. Ang panganib na ito, higit sa lahat, ay dapat bantayan; sapagkat sa pagtanggap sa mga bulaang guro, mabubuksan ang pintuah sa mga kamalian at sa pamamagitan nito ay mapadidilim ng kaaway ang pandama sa mga bagay na espirituwal at maliliglig ang pagtitiwala ng mga bagong hikayat sa pananampalataya sa ebanghelyo. Si Kristo ang pamantayang sa Kanya ay nakasalig ang lahat ng aral. Lahat ng hindi katugma ng Kanyang mga turo ay dapat tanggihan. Si Kristo na ipinako dahilan sa kasalanan, si Kristo na bumangon sa mga patay, si Kristo na pumanhik sa itaas—ito ang siyensya ng kaligtasang dapat nilang matutuhan at ituro.AGA 357.2

    Ang mga babala ng salita ng Dios tungkol sa mga panganib na haharapin ng iglesia Kristiana ay para sa atin din ngayon. Tulad sa panahon ng mga apostol, sinikap ng mga taong wasakin ang pananampalataya sa Kasulatan sa pamamagitan ng mga tradisyon at pilosopiya, gayundin ngayon na sa nakahahalinang isipan ng mas “mataas na kritisismo,” ebolusyon, espirituwalismo, teosopiya at panteismo, ang kaaway ng katuwiran ay nagsisikap na umakay ng mga kaluluwa sa mga ipinagbabawal na landas. Sa marami, ang Biblia ay nagiging ilawang walang langis, sapagkat ibinaling nila ang kanilang mga pag-iisip sa mga daluyan ng haka-hakang paniniwala na naghahatid ng kaguluhan at maling pagkaunawa. Ang gawain ng “mas mataas na kritisismo,” sa paghihimay, pagpapalagay, muling pagbabalangkas, ay nagwawasak ng pananampalataya sa Biblia bilang banal na paghahayag ng Dios. Ninanakaw nito sa Dios ang kapangyarihang magkontrol, mag-angat, at magpasigla sa buhay ng tao. Sa espirituwalismo, marami ang natuturuang maniwala na ang kagustuhan ang pinakamataas na batas, na ang lisensya ay kalayaan, na ang tao ay mananagot lamang sa sarili.AGA 357.3

    Ang alagad ni Kristo ay makasasagupa ng mga ganitong “nakahahalinang mga salita” na binigyang babala ng apostol sa mga mananampalataya sa Colosas. Makakaharap niya ang mga pagpapaliwanag ng espirituwalismo sa Biblia, datapuwat hindi sa kanya upang tanggapin ang mga ito. Ang kanyang tinig ay dapat madinig sa matatag na pagpapatibay ng mga walang hanggang katotohanan ng Kasulatan. May matang nakatitig kay Kristo, siya ay patuloy na lalakad sa landas na inilahad sa kanya, na itinatakwil ang mga isipang hindi kaayon ng Kanyang turo. Ang katotohanan ng Dios ang siyang dapat na maging paksa ng kanyang pagbubulay-bulay. Ituturing niya ang Biblia bilang tinig ng Dios na tuwirang nagsasalita sa kanya. Sa ganito ay makasusumpong siya ng karunungang banal.AGA 358.1

    Ang pagkakilala sa Dios tulad ng nahayag kay Kristo ang kaalamang dapat matamo ng lahat ng iniligtas. Ito ang gagawa sa pagpapabago ng likas. Kapag tinanggap sa buhay, ito ang muling lalalang sa kaluluwa sa wangis ni Kristo. Ito ang kaalamang ipinag-aanyaya ng Dios na tanggapin ng Kanyang mga anak, at bukod dito ay kahangalan at kawalan.AGA 358.2

    Sa bawat lahi at sa bawat lupain ang tunay na pundasyon ng pagtatayo ng likas ay iisa—mga simulaing taglay ng salita ng Dios. Ang tanging ligtas at panatag na batas ay sundin ang sinasabi ng Dios. “Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid,” at “siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailanman.” Awit 19:8; 15:5. Sa pamamagitan ng salita ng Dios hinarap ng mga apostol ang mga huwad na teoriya sa kanilang kapanahunan, “Sapagkat sinuman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na.” 1 Corinto 3:11.AGA 358.3

    Sa panahon ng kanilang pagkahikayat at bautismo ang mga mana- nampalataya sa Colosas ay nagpanatang iwawaksi ang mga gawi at paniniwalang dati’y naging bahagi ng kanilang mga buhay, at sila’y magiging tapat kay Kristo. Sa kanyang liham, si Pablo ay nagpaalaala sa kanila ng bagay na ito, at sumamo sa kanilang huwag kalilimutan upang makatupad sa kanilang pangako, dapat silang laging magsikap na labanan ang mga kasamaang nais mangibabaw sa kanila. “Kung kayo nga’y muling binuhay na kalakip ni Kristo,” kanyang sinabi, “hanapin ninyo ang mga bagay na nasa itaas, na doo’y nakaupo si Kristo sa kanang kamay ng Dios. Ilagak ninyo ang inyong mga pagmamahal sa mga bagay sa itaas, hindi ang nasa lupa. Sapagkat kayo ay nangamatay na, at ang inyong mga buhay ay natatago kay Kristo sa Dios.”AGA 358.4

    “Kung ang sinuman ay na kay Kristo, siya ay bagong nilalang: ang mga bagay na luma ay lumipas na; narito, lahat ng bagay ay bago na.” 2 Corinto 5:17. Sa kapangyarihan ni Kristo, mga lalaki at babae ay nakakalag sa mga tanikala ng makasalanang ugali. Iwinaksi nila ang kasakiman. Ang magaspang ay naging pino at banal, ang lasenggo ay naging matino, ang masama ay dumalisay. Ang mga kaluluwang dati’y sa wangis ni Satanas ay nabago sa wangis ng Dios. Ang pagbabagong ito ay isang kababalaghan. Isang milagrong naisagawa ng salita ng Dios, ito ang isa sa pinakamalalim na hiwaga ng Salita. Hindi natin ito mauunawaan; maaari lamang nating sampalatayanan, tulad ng mababasa natin sa mga Kasulatan, “si Kristo sa loob ninyo, ang pag-asa ng kaluwalhatian.”AGA 359.1

    Kapag ang Espiritu ng Dios ang nagkokontrol sa puso at isipan, ang kaluluwang nahikayat ay aawit ng bagong awit; sapagkat nadadama niyang sa kanyang karanasan ay natupad ang pangako ng Dios, ang kanyang mga kasalanan ay napatawad at natakpan. Naranasan niya ang pagsisisi sa pagkalabag sa kautusan ng Dios, at pananampalataya kay Kristo na namatay sa ikaaaring ganap ng makasalanan. “Yamang inaaring ganap sa pananampalataya,” mayroon siyang “kapayapaan sa Dios sa Panginoong Jesu-Cristo.” Roma 5:1.AGA 359.2

    At sapagkat ang karanasang ito ay sa kanya, ang Kristiano naman ay hindi dapat maghalukipkip ng mga kamay, na nasisiyahan sa nagawa na para sa kanya. Malalaman ng nagpasiyang pumasok sa kahariang espirituwal ang lahat ng mga kapangyarihan at damdamin ng likas na hindi pa nababago, at pinalalakas ng lahat ng puwersa ng kadiliman, ay nakahanay laban sa kanya. Sa bawat araw ay dapat siyang magpanibagong pagtatalaga, bawat araw ay sasagupa sa kasamaan. Ang mga dating ugali, mga hilig sa kasamaan na namana, ay magsisikap na mamayani, at laban sa mga ito ay dapat siyang maging listo, na nagsisikap sa pagtatagumpay sa lakas ni Kristo.AGA 359.3

    “Patayin nga ninyo ang mga inyong sangkap na nasa lupa,” sinulat ni Pablo sa mga taga Colosas; “na dati’y inyong nilakaran noong una, nang kayo ay nabubuhay pa sa mga iyon. Ngunit ngayon ay itinakwil na ninyo ang mga ito: galit, poot, hinala, tungayaw, mga salitang mahalay na lumalabas sa inyong mga bibig.... At magbihis kayo, bilang mga hirang ng Dios, banal at minamahal, ng pusong mahabagin, magandang-loob, mababa, maamo, at mapagpahinuhod; magtiisan kayo sa isa’t isa, magpatawaran, kung sino man ay mayroong laban sa sinuman: kung paanong pinatawad kayo ni Kristo, ay gayundin ang inyong gawin. At sa ibabaw ng lahat ng bagay na ito ay magbihis kayo ng pag-ibig na siyang tali ng kasakdalan. At maghari sa inyong mga puso ang kapayapaan ng Dios, na dito ay tinawag kayo bilang isang katawan; at kayo’y maging mapagpasalamat.”AGA 360.1

    Ang sulat sa mga taga Colosas ay puno ng mga liksyong’ may pinakamataas na halaga sa lahat ng kasangkot sa paglilingkod kay Kristo, mga liksyong naghahayag ng iisang adhikain at mataas na hangaring makikita sa buhay ng isang matuwid na kumakatawan kay Kristo. Sa pagtatakwil ng lahat na hahadlang sa kanyang pagsulong sa landas na paitaas, o maglilihis ng paa ng ibang nasa makitid na landas, ang mananampalataya ay maghahayag sa araw-araw ng buhay ng kahabagan, kababaan, kaamuan, pagpapahinuhod, at pag-ibig ni Kristo.AGA 360.2

    Ang kapangyarihan ng isang mas mataas, mas dalisay, at mas marangal na kabuhayan ang siyang dakilang pangangailangan natin. Ang sanlibutan ang halos laman ng ating mga pag-iisip, habang ang kaharian ng langit ay halos wala doon.AGA 360.3

    Ang Kristiano ay hindi dapat manghimagod sa pagsisikap na maabot ang pamantayan ng Dios para sa kanya. Ang kasakdalang moral at espirituwal sa kapangyarihan at biyaya ni Kristo, ay ipinapangako sa lahat. Si Jesus ang bukal ng kapangyarihan, ang bukal ng buhay. Inilalapit Niya tayo sa Kanyang salita, at mula sa punong kahoy ng buhay ay nagkakaloob Siya ng mga dahong pampagaling sa kaluluwang maysakit. Inaakay Niya tayo sa trono ng Dios, at inilalagay sa ating mga labi ang isang dalanging sa pamamagitan nito ay ini- uugnay Niya tayo sa Kanya. Sa ating kapakanan ay pinakikilos Niya ang makapangyarihan sa lahat na mga ahensya ng langit. Sa bawat hakbang ay nahahawakan natin ang Kanyang buhay na kapangyarihan.AGA 360.4

    Ang Dios ay hindi nagtatakda ng hangganan sa pagsulong nilang nagnanais na “mapuno ng kaalaman sa Kanyang kalooban sa buong karunungan at espirituwal na pagkaunawa.” Sa panalangin, sa pagbabantay, sa paglago sa kaalaman at unawa, sila ay “mapapalakas sa buong kapangyarihan sa Kanyang maluwalhating kapangyarihan.” Sa ganito ay nahahanda sila upang gumawa para sa iba. Adhikain ng Tagapagligtas na ang taong dinalisay at binanal, ay maging kawaksi Niya. Sa dakilang karapatang ito ay dapat tayong magpasalamat sa Kanya na “nag-angkop sa atin upang makabahagi sa pamana ng mga banal sa kaliwanagan: na nagligtas sa atin mula sa kapangyarihan ng kadiliman at naglipat sa atin sa kaharian ng Kanyang mahal na Anak.” Ang sulat ni Pablo sa mga taga Filipos, tulad ng sa mga taga Colosas, ay nasulat habang siya ay bilanggo sa Roma. Ang iglesia ng Filipos ay nagpadala ng mga kaloob kay Pablo sa pamamagitan ni Epafrodito, na tinatawag ni Pablo na “aking kapatid, at kamanggagawa, at kapwa kawal, ngunit inyong mensahero, at siya ay naglingkod sa aking mga pangangailangan.” Habang nasa Roma, si Epafrodito ay nagkasakit na, “halos ikamatay: ngunit ang Panginoon ay nahabag sa kanya,” sinulat ni Pablo, “at hindi lamang sa kanya kundi sa akin na rin, kung hindi ay kapanglawan at kapanglawan ang sumaakin.” Nang madinig ng mga taga Filipos na si Epafrodito ay nagkasakit, sila ay tunay na nabahala, at ito ay nagnais na makabalik sa kanila. “Nananabik siyang labis sa inyong lahat,” sinulat ni Pablo, “at siya ay bagabag, sapagkat nabalitaan ninyong siya ay nagkasakit.... Isinusugo ko siya sa inyo, upang muli ninyong makita at kayo ay magalak, at upang mabawasan ang aking kapanglawan. Tanggapin ninyo siya sa Panginoon na may buong kagalakan; at inyo siyang pagpitaganan: sapagkat dahilan sa paggawa kay Kristo ay halos mamatay siya, na hindi niya inalintana ang buhay, upang paglingkuran niya ako para sa inyo.”AGA 361.1

    Ipinadala ni Pablo kay Epafrodito ang sulat sa mga mananam-palataya sa Filipos, na nagpasalamat siya sa mga kaloob nila. Sa lahat ng mga iglesia, ang Filipos ang pinakamapagkaloob sa mga pangangailangan ni Pablo. “At kayo mga taga Filipos,” nalalaman naman ninyo na nang pasimulan ang ebanghelyo nang ako’y umalis sa Macedonia, alin mang iglesia ay walang nakipagkaisa sa akin sa pagkakaloob at pagtanggap kundi kayo lamang. Sapagkat sa Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan. Hindi sa ako’y naghahanap ng kaloob: kundi hinahanap ko ang bunga na dumadami sa ganang inyo. Datapuwat mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako’y busog, palibhasa’y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, na isang samyo ng masarap na amoy, isang handog na kaaya-aya, na lubhang nakalulugod sa Dios.”AGA 361.2

    “Sumainyo nawa ang biyaya at kayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Ako’y nagpapasalamat sa aking Dios sa tuwing kayo’y aking naalaala, na parating sa bawat daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat, dahil sa inyong pakikisama sa pagpapalaganap ng ebanghelyo mula nang unang araw hanggang ngayon; na ako’y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesu-Cristo: gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagkat kayo’y nasa aking puso; palibhasa’y sa aking mga tanikala at pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa ebanghelyo, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya. Sapagkat saksi ko ang Dios, kung paano ang pananabik ko sa inyong lahat.... At ito’y idadalangin ko, na ang inyong pag-ibig ay lalo’t lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pagkakilala; upang inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo’y maging mga tapat at walang kapintasan hanggang sa kaarawan ni Kristo; na mangapuspos ng bunga ng kabanalan, na ito’y sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios.”AGA 362.1

    Ang biyaya ng Dios ay nagtaguyod kay Pablo sa kanyang pagka-bilanggo, at nagbigay kagalakan sa paghihirap. Sa pananampalataya at katiyakan ay sumulat siya sa Filipos na ang kanyang pagkabilanggo ay nagpasulong pa sa ebanghelyo. “Ngayon ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid,” kanyang sinabi, “na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng ebanghelyo; anupa’t ang aking mga tanikala ang nagbukas ng gawain sa palasyo, at sa iba pang mga dako; at maraming mga kapatid sa Panginoon, ang nabigyang lakas loob ng kanyang mga tanikala, upang lalong maging matapang sa pagsasalita ng katotohanan.AGA 362.2

    May liksyon para sa atin ang karanasang ito ni Pablo; sapagkat ito’y naghahayag ng paraan ng paggawa ng Dios. Ang Panginoon ay maaaring maghatid ng tagumpay mula sa pangyayaring sa tingin natin ay pagkatalo at kalugihan. May panganib na makalimutan natin ang Dios, sa pagtingin sa mga bagay na nakikita, sa halip na masdan ng mata ng pananampalataya ang mga bagay na hindi nakikita. Kapag dumating ang kalamidad o masamang karanasan, mabilis tayong magparatang sa Dios ng pagpapabaya at kalupitan. Kapag nais Niyang putulin ang ating bisa sa isang linya ng paggawa, nananangis tayo, na hindi muna iniisip na ito ay sa ating kabutihan. Dapat nating matutuhan na ang pamalo ay bahagi ng Kanyang dakilang panukala, at sa ilalim ng pamalo ng pagsubok ang Kristiano kung minsan ay higit na nakagagawa para sa Panginoon kaysa sa panahon ng aktibong paggawa.AGA 363.1

    Bilang halimbawa sa kabuhayang Kristiano, itinuro ni Pablo ang mga taga Filipos kay Kristo, na “bagama’t nasa anyong Dios, ay hindi Niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay Niya sa Dios: kundi bagkus hinubad Niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: at palibhasa’y nasumpungan sa anyong tao, Siya’y nagpakababa sa Kanyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.”AGA 363.2

    “Kaya nga, mga minamahal ko,” kanyang ipinagpatuloy, “kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako’y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig. Sapagkat Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa Kanyang mabuting kalooban. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulung-bulong at pagtatalo: upang kayo’y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Dios, na walang dungis, sa gitna ng isang lahing liko at masama, na sa gitna nila’y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanlibutan; na nagpapahayag ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri ako sa kaarawan ni Kristo, na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan.”AGA 363.3

    Ang mga salitang ito ay nasulat upang tumulong sa bawat kaluluwang nagsisikap. Itinataas ni Pablo ang pamantayan ng kasakdalan at ipinapakita kung paano ito maaabot. “Magsikap kayo sa inyong sariling kaligtasan, sapagkat ang Dios ang gumagawa sa inyo.”AGA 363.4

    Ang pag-abot sa kaligtasan ay isang pagbabakas, isang magkatuwang na paggawa. Dapat na may pagkakaisa ang Dios at ang nagsisising makasalanan. Ito ay mahalaga sa pagbubuo ng mga matuwid na simulain ng likas. Ang tao ay dapat gumawang masikap upang pagtagumpayan ang mga nagiging hadlang sa kanyang pag-abot sa kasakdalan. Ang pagsisikap ng tao sa ganang sarili ay hindi sapat. Kung wala ang tulong ng langit, ito ay walang kabuluhan. Ang Dios at ang tao ay gumagawa. Ang paglaban sa tukso ay bahagi ng tao, na kumukuha ng lakas mula sa kapangyarihan ng Dios. Sa isang dako ay naroon ang walang katapusang karunungan, kahabagan, at kapangyarihan; sa kabila naman, ay ang kahinaan, pagkamakasalanan, kawalang lakas.AGA 364.1

    Nais ng Dios na tayo ay managumpay sa sarili. Ngunit hindi Siya makatutulong sa atin kung hindi naman natin nais na matulungan. Ang banal na Espiritu ay gumagawa sa pamamagitan ng mga kakayahan ng tao. Sa ating sarili, ay hindi natin maitutugma ang mga sariling naisin, adhikain at hilig sa kalooban ng Dios; datapuwat kung tayo ay “may pagnanasa,” isasagawa ito ng Tagapagligtas sa atin, “na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawat bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pag-iisip sa pagtalima kay Kristo.” 2 Corinto 10:5.AGA 364.2

    Siyang naghahangad na magbuo ng likas na pantay at malakas, siyang nagnanais maging Kristianong balanse, ay dapat maghandog ng sarili at gumawa ng lahat para kay Kristo; sapagkat hindi tatanggapin ng Manunubos ang hating paglilingkod. Sa bawat araw ay dapat niyang matutuhan ang kahulugan ng pagpapasakop ng sarili. Dapat niyang pag-aralan ang salita ng Dios, na natututuhan ang mga kahulugan nito at tinutupad ang mga utos. Sa ganito ay maaabot niya ang pamantayan ng kagalingang Kristiano. Sa bawat araw ay gumagawa sa kanya ang Dios, pinasasakdal ang likas na tatayong matatag sa huling subukan. At sa bawat araw ang mananampalataya ay naghahayag sa harapan ng mga anghel at mga tao ng isang banal na eksperimento na makikita dito kung paanong ang ebanghelyo ay gumagawa para sa nagkasalang tao.AGA 364.3

    “Hindi ko pa inaaring inabot,” sinulat ni Pablo, “datapuwat isang bagay ang ginagawa ko, na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap, nagtutumulin ako sa hangganan ng gantimpala ng dakilang pagkatawag ng Dios na kay Kristo Jesus.”AGA 364.4

    Maraming ginawa si Pablo. Sa paglakad ng panahon ay naghayag siya ng katapatan kay Kristo, ang kanyang buhay ay puno ng walang kapagurang paggawa. Sa bawat siyudad, sa mga lupain, siya ay naglakbay, sa pagbabalita ng kasaysayan ng krus, nakahikayat ng mga kaluluwa para sa ebanghelyo, at nagtatag ng mga iglesia. Sa mga iglesiang ito ay mayroon siyang patuluyang malasakit, at sumulat siya ng mga liham sa mga ito. Kung minsan kinailangang siya ay maghanap-buhay, upang magkaroon ng tinapay sa araw-araw. Datapuwat sa lahat ng mga kaabalahang ito, hindi nawala kay Pablo ang pananaw sa iisang dakilang adhikain—magpatuloy tungo sa gantimpala ng kanyang mataas na pagkatawag. Iisang mithiin ang nasa harapan niya—ang maging tapat sa kanyang nagpahayag ng Sarili sa pintuan ng Damasco. Mula rito ay walang anumang kapangyarihang makapipigil sa kanya. Ang motibong nagpakilos ng kanyang mga salita at gawa ay ang pagtataas sa krus ng kalbaryo.AGA 365.1

    Ang dakilang adhikaing nagtulak kay Pablo upang magpatuloy sa kabila ng dakilang kahirapan ang siya ring dapat umakay sa bawat Kristianong manggagawa upang lubusang magtalaga ng sarili sa paglilingkod sa Dios. Ang mga pang-akit ng mundo ay laging ihaharap sa kanya upang ilayo siya sa Tagapagligtas, ngunit siya ay dapat magpatuloy, at ihayag sa sanlibutan, sa mga anghel, at sa mga tao na ang pag-asang makita ang mukha ng Dios ay marapat sa lahat ng pagsisikap at sakripisyo.AGA 365.2

    Bagaman isang bilanggo, si Pablo ay hindi nanlupaypay. Sa halip, isang awit ng tagumpay ang makikita sa kanyang bawat pagliham mula Roma patungo sa mga iglesia. “Magalak sa Panginoong palagi,” sinulat niya sa mga taga Filipos, at “muli Magalak kayo.... Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pag-iisip, ay mag-iingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pag-iisip kay Kristo Jesus. Katapus-tapusan, mga kapatid, anumang bagay na matuwid, anumang bagay na malinis, anumang bagay na kaibig-ibig, anumang bagay na may mabuting ulat; kung may anumang kagalingan, at kung may anumang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.”AGA 365.3

    “At pupunan ng aking Dios ang bawat kahilingan ninyo ayon sa kanyang kayamanan sa kaluwalhatian kay Kristo Jesus.... Ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo nawang lahat.”AGA 366.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents