Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Masayang Pamumuhay - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kapitulo 22—Hindi ang Iyong Sinasabi

    ISANG TAO ay may dalawang anak; at lumapit siya sa una, at sinabi, Anak, pumaroon ka at gumawa ngayon sa aking ubasan. Siya'y sumagot at nagsabi, Ayaw ko; datapwa't nagsisi siya pagkatapos, at naparoon. At siya'y lumapit sa ikalawa, at gayundin ang sinabi. At sumagot siya at sinabi, Ginoo, ako'y paroroon; at hindi naparoon. Alin baga sa dalawa ang gumanap ng kalooban ng kanyang ama? Sinabi nila sa kanya, Ang una.”MP 282.1

    Sa sermon sa bundok ay sinabi ni Kristo, “Hindi ang bawa't nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit.”1Mat. 7:21. Ang subukan ng katapatan ay hindi sa mga salita, kundi nasa mga gawa. Sa sinumang tao ay hindi sinasabi ni Kristo, Ano ang sinasabi ninyo na higit kaysa mga iba? kundi, “Ano ang ginagawa ninyo na higit kaysa mga iba?”2Mat. 5:47. Punungpuno ng kahulugan ang sinabi Niyang, “Kung nalalaman ninyo ang mga bagay na ito, kavo ay mapapalad kung inyong mga gawin.”3Juan 13.17. Ang mga salita ay walang halaga malibang sinasamahan ng naaangkop na mga gawa. Ito ang aral na itinuturo sa talinhaga tungkol sa dalawang anak na lalaki.MP 282.2

    Sinalita ang talinhagang ito noong huling dumalaw si Kristo sa Jerusalem bago Siya namatay. Ipinagtabu- yan Niya ang mga bumibili at mga nagbibili sa templo. Nagsalita ang tinig Niya sa kanilang mga puso na taglay ang kapangyarihan ng Diyos. Gilalas at takot, tinalima nila ang Kanyang utos nang walang pagdadahilan o paglaban.MP 282.3

    Nang humupa na ang pagkatakot nila, nagbalik sa templo ang mga saserdote at mga matatanda, at nasumpungan nila si Kristo na nagpapagaling ng mga maysakit at ng mga naghihingalo. Napakinggan nila ang tinig na nagsasaya at ang awit na nagpupuri. Sa templo mismo ay naroon ang mga batang pinagaling at nagsisipagwasiwas ng mga sanga ng palma at nagsisiawit ng mga hosana sa Anak ni David. Ang mga tinig ng mga bata ay umuusal ng papuri sa makapangyarihang Tagapagpagaling. Nguni't sa mga saserdote at mga matatanda ay hindi naging sapat ang lahat nang ito upang mawala ang kanilang masamang pagkakilala at pagkainggit.MP 283.1

    Kinabukasan, nang nagtuturo si Kristo sa templo, lumapit sa Kanya ang mga punong saserdote at mga matatanda sa bayan at nagwika, “Sa anong kapamahalaan ginagawa Mo ang mga bagay na ito? at sino ang sa Iyo'y nagbigay ng kapamahalaang ito?”MP 283.2

    Nasaksihan na ng mga saserdote at mga matatanda ang di-mapagkakamaliang katunayan ng kapangyarihan ni Kristo. Noong linisin Niya ang templo ay nakita nilang kumislap at nagliwanag sa Kanyang mukha ang kapangyarihan o pamahalaan ng Langit. Hindi nila nalabanan ang kapangyarihang sa pamamagitan niyon Siya nagsalita. Sa Kanyang kamangha-manghang mga gawang pagpapagaling ay muli na namang sinagot Niya ang kanilang pagtatanong. Nagbigay na Siya ng katunayan ng Kanyang kapangyarihan na hindi mapasisinungalingan o hindi maitatatwa. Nguni't hindi katunayan ang ibig nila. Hinihintay-hintay ng mga saserdote at mga matatanda na itanyag ni Jesus ang Kanyang sarili na Mesiyas, upang mabaluktot nila ang Kanyang mga salita at maudyukan ang mga tao laban sa Kanya. Nais nilang sirain ang Kanyang impluwensiya at Siya'y maipapatay.MP 283.3

    Batid ni Jesus na kung hindi nila makikilala ang Diyos sa Kanya, o kung hindi nila makikita sa Kanyang mga gawa ang katunayan ng Kanyang likas na pagka-Diyos, ay hindi nila” paniniwalaan ang sarili Niyang patotoo na Siya ang Kristo. Sa Kanyang sagot ay iniwasan Niya ang bagay na siya nilang inaasahang mapalabas, at sa gayo'y naibaling sa kanila ang hatol.MP 284.1

    “Tatanungin Ko rin naman kayo ng isang bagay,” sabi Niya, “na kung inyong sasabihin sa Akin, ay sasabihin Ko naman sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa Ko ang mga bagay na ito. Ang bautismo ni Juan, saan baga nagmula? sa langit, o sa mga tao?”MP 284.2

    Nagulumihanan ang mga saserdote at mga pinuno. “Kanilang pinagkatwiranan sa kanilang sarili, na nangagsasabi, Kung sabihin natin, Sa langit, sasabihin Niya sa atin, Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan? Datapwa't kung sasabihin natin, Sa mga tao, nangatatakot tayo sa karamihan; sapagka't kinikilala ng lahat na propeta si Juan. At sila'y nagsisagot kay Jesus, at sinabi, Hindi namin nalalaman. At Kanyang sinabi naman sa kanila, Hindi Ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa Ko ang mga bagay na ito.”MP 284.3

    “Hindi namin nalalaman.” Ang sagot na ito ay kasinungalingan. Nguni't nakita ng mga saserdote na nasa gipit na kalagayan sila, kaya nga sila'y nagsinungaling upang pagtakpan ang kanilang sarili. Dumating si Juan Bautista na nagpapatotoo tungkol sa Isa na ang kapangyarihan o kapamahalaan ay kanila ngayong pinag-aalinlanganan. Itinuro nito Siya, na sinasabi, “Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.”1Juan 1:29. Bininyagan Siya nito, at pagkabinyag, nang si Kristo'y nananalangin, ay nabuksan ang mga langit, at ang Espiritu ng Diyos na tulad sa isang kalapati ay lumapag sa Kanya, samantala'y isang tinig naman buhat sa langit ang narinig na nagsasabi, “Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya Kong lubos na kinalulugdan.”1Mat. 3:17.MP 284.4

    Palibhasa'y naaalaala nila kung paano inulit-ulit ni Juan ang mga hula tungkol sa Mesiyas, at palibhasa'y natatandaan pa nila ang tagpong naganap nang binyagan si Jesus, hindi nga nakapangahas ang mga saserdote at mga pinuno na magsabing ang bautismo ni Juan ay nagmula sa langit. Kung kikilalanin nilang si Juan ay isang propeta, gaya nga ng paniniwala nila, ay paano nila maitatatwa ang patotoo niya na si Jesus na tagaNazareth ay siyang Anak ng Diyos? At hindi naman nila masabing ang bautismo ni Juan ay nagmula sa mga tao, dahil sa mga tao o sa bayan, na naniniwalang si Juan ay isa ngang propeta. Kaya nga sinabi nilang, “Hindi namin nalalaman.”MP 285.1

    Nang magkagayo'y nagbigay si Kristo ng talinhaga tungkol sa ama at sa dalawang anak. Nang paroonan ng ama ang unang anak, na sinasabi, “Pumaroon ka at gumawa ngayon sa aking ubasan,” ay agad sumagot ang anak, “Ayaw ko.” Tumanggi itong tumalima, at nagpakalulong sa masasamang lakad at masasamang kasama. Nguni't nang dakong huli'y nagsisi, at tinalima ang panawagan.MP 285.2

    Ang ama ay pumaroon sa ikalawang anak na may gayunding utos, “Pumaroon ka at gumawa ngayon sa aking ubasan.” Sumagot ang anak na ito, “Ako'y paroroon,” nguni't hindi ito nagpunta.MP 285.3

    Sa talinhagang ito ay kinakatawan ng ama ang Diyos, ang ubasan ay ang iglesya. Ang kinakatawanan naman ng dalawang anak ay dalawang uri ng mga tao. Ang anak na tumangging sumunod sa utos, na nagsasabing, “Ayaw ko,” ay kumakatawan sa mga taong hayagang namumuhay sa gawang pagsalansang, na hindi gumagawa ng anumang pagpapanggap ng kabanalan, at hayagang tu- matangging pailalim sa pamatok ng pagsansala at pagtalima na ipinapataw ng kautusan ng Diyos. Datapwa't marami sa mga ito ang nang dakong huli ay nagsipagsisi, at tumalima sa tawag ng Diyos. Nang dumating sa kanila ang pabalita ni Juan Bautista na, “Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit,”1Mat. 3:2. ay nagsipagsisi sila, at nagsipagpahayag ng kanilang mga kasalanan.MP 285.4

    Sa anak na nagsabing, “Ako'y paroroon,” at hindi naman nagpunta, ay inihayag ang likas ng mga Pariseo. Tulad ng anak na ito, ang mga pinunong Hudyo ay hindi nagsisisi at mga palalo. Ang kabuhayang relihiyoso ng bansang Hudyo ay naging isang pagkukunwari. Nang ang kautusan ay itanyag sa Bundok ng Sinai ng tinig ng Diyos, lahat ng mga tao ay nangakong magsisitalima. Sinabi nila, “Ako'y paroroon,” nguni't hindi naman sila nagpunta. Nang dumating si Kristo at ilahad sa harap nila ang mga simulain ng kautusan, ay itinakwil nila Siya. Binigyan ni Kristo ang mga pinunong Hudyo ng saganang katibayan ng Kanyang kapamahalaan at banal na kapangyarihan, nguni't kahit na sila'y kumbinsido na, ay ayaw pa rin nilang tanggapin ang katibayan. Ipinakilala sa kanila ni Kristo na patuloy sila sa di-paniniwala dahil sa wala sa kanila ang espiritung aakay sa kanila sa pagtalima. Sinabi Niya sa kanila, “Niwalan ninyong kabuluhan ang utos ng Diyos dahil sa inyong sali't saling sabi. . . . Walang kabuluhan ang pagsamba nila sa Akin, na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.”2Mat. 15:6, 9.MP 286.1

    Kasama sa pulutong na nasa harapan ni Kristo ay ang mga eskriba at mga Pariseo, mga saserdote at mga pinuno, at pagkatapos Niyang maibigay ang talinhaga tungkol sa dalawang anak, ay tinanong ni Kristo ang mga nakikinig sa Kanya, “Alin baga sa dalawa ang gumanap ng kalooban ng kanyang ama?” Sa pagkalibang ng kanilang mga sarili, ay nagsisagot ang mga Pariseo, “Ang una.” Sinabi nila ito nang hindi namamalayang naggagawad sila ng hatol sa kanila na ring mga sarili. Nang magkagayo'y namutawi sa mga labi ni Kristo ang tuligsa, “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Na ang mga maniningil ng buwis at ang mga patutot ay nangauuna sa inyo ng pagpasok sa kaharian ng Diyos. Sapagka't naparito si Juan sa inyo sa daan ng katwiran, at hindi ninyo siya pinaniwalaan; datapwa't pinaniwalaan siya ng mga maniningil ng buwis at ng mga patutot: at kayo, sa pagkakita ninyo nito, ay hindi man kayo nangagsisi pagkatapos, upang kayo'y magsipaniwala sa kanya.”MP 286.2

    Dumating si Juan Bautista na nangangaral ng katotohanan, at sa pamamagitan ng kanyang pangangaral ay nangasumbatan at nangahikayat ang mga makasalanan. Ang mga ito ay mangauuna sa kaharian ng langit kaysa mga taong dahil sa pagbabanal-banalan ay nilabanan ang banal na babala. Ang mga maniningil ng buwis at ang mga patutot ay mga mangmang, subali't ang mga nagsipag-aral at marurunong na mga taong ito ay nakaaalam ng daan ng katotohanan. Gayunma'y tumanggi silang magsilakad sa landas na maghahantong sa kanila sa Paraiso ng Diyos. Ang katotohanan na dapat sanang sa kanila'y naging isang samyo ng buhay sa ikabubuhay ay naging samyo ng kamatayan sa ikamamatay. Ang mga hayag na gumagawa ng kasalanan na nasuklam sa kanilang mga sarili ay tumanggap ng bautismo sa mga kamay ni Juan; nguni't ang mga gurong ito naman ay pawang mga mapagpaimbabaw. Ang katigasan ng kanilang sariling mga puso ang nakasagabal sa pagtanggap nila ng katotohanan. Nilabanan nila ang sumbat ng Espiritu ng Diyos. Tumanggi silang magsitalima sa mga utos ng Diyos.MP 287.1

    Hindi sinabi ni Kristo sa kanila, Hindi kayo mangakapapasok sa kaharian ng langit; kundi ipinakilala Niya na ang sagabal na nakahahadlang sa kanila upang makapasok doon ay sila na rin ang may kagagawan. Na- kabukas pa rin ang pintuan para sa mga pinunong Hudyong ito; patuloy pa ring ibinibigay sa kanila ang paanyaya. Ang hangad ni Kristo'y makita sana silang nasumbatan at nahikayat.MP 287.2

    Sinabi ni Kristong si Juan Bautista ay isa sa mga pinakadakilang propeta, at ipinakilala Niya sa mga nakikinig sa Kanya na nagkaroon na sila ng sapat na katibayan na si Juan ay isang tagapagbalitang buhat sa Diyos. Ang mga pagsasalita ng mangangaral sa ilang ay may taglay na kapangyarihan. Buo ang loob na dinala niya ang kanyang pabalita, na sinusuwatan ang mga pagkakasala ng mga saserdote at mga pinuno, at ipinagagawa sa kanila ang mga gawain sa kaharian ng langit. Dinaliri niya sa kanila ang makasalanan niyang pagpapawalang-halaga sa kapangyarihan ng kanilang Ama, sa pagtangging ganapin ang gawaing itinakda sa kanila. Hindi siya gumawa ng anumang pakikipagkasundo sa kasalanan, at marami ang napatalikod niya sa kanilang kalikuan.MP 288.1

    Kung naging tunay lamang ang pagpapanggap ng mga pinunong Hudyo, sana'y tinanggap nila ang patotoo ni Juan, at tinanggap din sana nila si Jesus bilang Mesiyas. Nguni't hindi nakita sa kanila ang mga bunga ng pagsisisi at katwiran. Ang mga hinahamak nila ay siyang nangauuna sa kanila sa pagpasok sa kaharian ng Diyos.MP 288.2

    Sa talinhaga ang anak na nagsabing, “Ako'y paroroon,” ay inilarawan ang kanyang sarili na tapat at masunurin; nguni't pinatunayan ng panahon na hindi totoo ang kanyang pagpapanggap. Hindi tunay ang pagibig niya sa kanyang ama. Ganyan ipinagyabang ng mga Pariseo ang kanilang kabanalan, subali't nang subukin, nasumpungan itong kulang. Kapag sa ikabubuti nila ang paggawa nang gayon, napakahigpit nila sa pagpapatupad ng mga hinihingi ng kautusan; subali't kapag sila na ang hinihinging sumunod o tumalima, sa pamamagitan ng tusong pangangatwiran ay iniiwasan nila ang kapangyarihan ng mga utos ng Diyos. Tungkol sa kanila ay ganito ang sinabi ni Kristo, “Huwag kayong magsigawa nang alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka't kanilang sinasabi at hindi naman ginagawa.”1Mat. 23:3. Wala silang tunay na pag-ibig sa Diyos o sa tao. Tinawag sila ng Diyos upang maging kamanggagawa Niya sa pagpapala sa sanlibutan; nguni't bagaman nagpapanggap na tinanggap nila ang panawagan, hindi naman nakikita sa kanilang gawa ang pagtalima. Nagtiwala sila sa kanilang sarili, at ipinaghambog nila ang kanilang kabutihan; nguni't nilalabanan naman nila ang mga utos ng Diyos. Tumanggi silang ganapin ang gawaing itinakda sa kanila ng Diyos, at dahil sa kanilang pagsalansang ay malapit nang makipaghiwalay ang Panginoon sa bansang masuwayin.MP 288.3

    Ang pag-aaring-matwid sa sarili ay hindi tunay na katwiran, at ang mga nanghahawak dito ay tatanggap ng mga ibubunga ng panghahawak sa nakamamatay na pagkadaya. Marami ngayon ang nagpapanggap na tumatalima sa mga utos ng Diyos, nguni't wala naman ang pag-ibig ng Diyos sa kanilang mga puso upang makadaloy sa iba. Tinatawagan sila ni Kristo na makipagkaisa sa Kanya sa gawain ng pagliligtas sa sanlibutan, nguni't nasisiyahan na lamang sila sa pagsasabing, “Ako'y paroroon.” Nguni't hindi naman naparoroon. Hindi sila nakikipagtulungan sa mga gumagawa ng paglilingkod sa Diyos. Sila'y mga tamad. Tulad ng di-tapat na anak, gumagawa sila ng mga bulaang pangangako sa Diyos. Sa pagtanggap nila ng solemneng tipan o pangako ng iglesya ay nangangako naman sila na tatanggapin at tatalimahin ang salita ng Diyos, na ibibigay ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa Diyos, subali't hindi naman nila ito ginagawa. Sa kanilang pagpapanggap ay sinasabi nilang sila'y mga anak ng Diyos, subali't sa buhay at likas nila ay kanilang itinatatwa o itinatanggi ang pagkakaugnay nilang ito sa Diyos. Hindi nila ipinasasakop ang kanilang kalooban sa Diyos. Nabubuhay sila sa kasinungalingan.MP 289.1

    Ang pangakong pagtalima ay waring handa nilang tuparin kapag walang nasasangkot na anumang pagsasakripisyo; subali't kapag sila'y hinihilingang magkait at magpakasakit sa sarili, kapag nakikita nila ang krus na dapat itaas, ay sila'y nagsisiurong. Sa ganitong paraan nawawala ang sumbat ng tungkulin at nagiging ugali na ang hayag na pagsalansang sa mga utos ng Diyos. Maaaring naririnig ng tainga ang salita ng Diyos, subali't nawala na ang mga kapangyarihan sa espirituwal na pag-unawa. Tumitigas ang puso, at nagiging manhid ang budhi.MP 290.1

    Huwag ninyong akalain na sapagka't hindi kayo nagpapakita ng tiyak na paglaban kay Kristo ay napaglilingkuran ninyo Siya. Sa ganitong paraan dinadaya natin ang ating sariling mga kaluluwa. Sa pagkakait natin niyaong bagay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos upang gamitin natin sa paglilingkod sa Kanya, maging ito'y panahon o salapi o anumang ibang mga kaloob na ipinagkatiwala Niya sa atin, ay gumagawa tayo laban sa Kanya.MP 290.2

    Ginagamit ni Satanas ang nakakaunsiyami at nakakaantok na katamaran ng mga nagpapanggap na Kristiyano upang mapalakas ang kanyang mga puwersa at makakuha ng mga kaluluwa sa kanyang panig. Ang kaaway ay nabibigyan ng daang una nang makakuha ng lugar at makalamang, ng maraming nag-aakalang kahit na wala silang ginagawang aktuwal na gawain para kay Kristo, ay sila'y nasa panig pa rin Niya. Dahil sa hindi sila nagiging masisikap na manggagawa ng Panginoon, at dahil sa iniiwan nilang di-nagagampanan ang kanilang mga tungkulin at di-nasasabi ang mga salitang dapat sabihin, ay napahintulutan nila si Satanas na magkaroon ng kontrol sa mga kaluluwang dapat sana'y nahikayat kay Kristo.MP 290.3

    Hindi tayo kailanman maliligtas sa pagtatamad-ta- maran at sa di-paggawa. Walang taong tunay na nahikayat na namumuhay ng isang kabuhayang walang-kaya at walang-saysay. Hindi mangyayaring tayo'y magpaanod na patungo sa langit. Walang tamad na papasok doon. Kung hindi tayo magsisikap na makapasok sa kaharian, kung hindi natin pagsusumigasigang maalaman kung ano ang bumubuo sa mga kautusan nito, ay hindi tayo karapat-dapat makabahagi niyon. Ang mga tumatangging makipagtulungan sa Diyos dito sa lupa, ay hindi rin makikipagtulungan sa Kanya doon sa langit. Hindi magiging ligtas na sila'y isama sa langit.MP 290.4

    Higit pang may pag-asa ang mga maniningil ng buwis at mga makasalanan kaysa sa mga nakakaalam ng salita ng Diyos nguni't hindi naman ito tinatalima. Ang taong nakakakitang siya'y isang makasalanan, na walang ipantakip sa kanyang kasalanan, na nakababatid na kanyang pinasasama ang kanyang kaluluwa, katawan, at espiritu sa harap ng Diyos ay nababahala baka lubusan na siyang mahiwalay sa kaharian ng langit. Natatanto niya ang kalagayan niyang may sakit, at hinihingi niyang siya'y pagalingin ng dakilang Manggagamot na nagsabing, “Ang lumalapit sa Akin, sa anumang paraan ay hindi Ko itataboy.”1Juan 6:37. Ang mga kaluluwang ito ay magagamit ng Panginoon bilang mga manggagawa sa Kanyang ubasan.MP 291.1

    Ang anak na tumangging tumalima sa utos ng kanyang ama sa loob ng isang panahon ay hindi hinatulan ni Kristo; ni hindi rin naman siya pinuri. Ang uri ng taong gumaganap ng bahagi ng unang anak na tumatangging sumunod ay hindi karapat-dapat papurihan sa panghahawak sa ganitong katayuan. Ang pagiging-matapat nila ay hindi dapat ituring na kabutihan. Kapag pinabanal ng katotohanan at kabanalan, gagawin nitong matatapang na mga saksi ni Kristo ang mga tao; subali't kapag ginamit ito ng makasalanan, ito'y dumuduhagi at lumalaban, at namiminto sa pamumusong. Ang pagiging hindi mapagpaimbabaw ng isang tao ay hindi si- ya ginagawang hindi gasinong tunay na makasalanan. Kapag ang mga pakikiusap ng Banal na Espiritu ay dumarating sa puso, ang tangi nating kaligtasan o katiwasayan ay nakasalalay sa pagtugon dito karaka-raka. Kapag dumating ang panawagang, “Pumaroon ka at gumawa ngayon sa Aking ubasan,” ay huwag ninyong tatanggihan ang paanyaya. “Ngayon kung marinig ninyo ang Kanyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso.”1Heb. 4:7. Mapanganib na patagal-tagalin ang pagsunod o pagtalima. Maaaring hindi na ninyo marinig kailanman ang anyaya.MP 291.2

    At huwag sanang akalain ng kahit sino na ang mga kasalanang kinimkim-kimkim sa loob ng isang panahon ay karaka-raka nilang maiwawaksi balang araw. Hindi ito mangyayari. Bawa't kasalanang kinikimkim ay nagpapahina sa likas at pinagtitibay ang ugaling pagkakasala; at ang ibinubunga ay kasamaang ukol sa pangangatawan, sa kaisipan, at sa moral. Maaaring kayo'y magsisi sa kamaliang inyong ginawa, at itinalunton ninyo ang inyong mga paa sa matutuwid na landas; subali't ang hugis ng inyong pag-iisip at ang pagkabihasa ninyo sa kasamaan ay magpapahirap sa inyo na makilala ang tama at ang mali. Dahil sa mga maling kaugaliang nahugis, muli at muli kayong sasalakayin ni Satanas.MP 292.1

    Sa utos na, “Pumaroon ka at gumawa ngayon sa Aking ubasan,” ay inihahatid sa bawa't kaluluwa ang pansubok sa katapatan. Magkakaroon ba ng mga gawa at ng mga salita? Ang isa kayang matatawagan ay gagamit ng lahat niyang kaalaman o karunungan, at gagawang buong tapat, nang walang sariling pagmamalasakit, para sa May-ari ng ubasan?MP 292.2

    Tinatagubilinan tayo ni Apostol Pedro tungkol sa panukalang kinasasaligan ng dapat nating gawin. “Biyaya at kapayapaan ang sa inyo'y dumami,” wika niya, “sa pagkakilala sa Diyos, at kay Jesus na Panginoon natin, yamang pinagkaloob sa atin ng Kanyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa Kanya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng Kanyang sariling kaluwalhatian at kagalingan: na dahil dito ay ipinagkaloob Niya sa atin ng Kanyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Diyos, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanlibutan dahil sa masamang pita.MP 292.3

    “At bukod dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang kaalaman; at sa kaalaman ay ang pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang kabanalan; at sa kabanalan ay ang mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang pag-ibig”12 Ped. 1:2-7.MP 293.1

    Kung buong katapatan ninyong nililinang ang ubasan ng inyong kaluluwa, ginagawa kayo ng Diyos na isang manggagawang kasama Niya. At magkakaroon kayo ng gawaing gagawin ninyo hindi lamang para sa inyong sarili, kundi para sa iba rin naman. Sa paglalarawan sa iglesya bilang siyang ubasan, ay hindi itinuturo ni Kristo na sa sarili lamang nating bilang tayo makikiramay at magpapagal. Ang ubasan ng Panginoon ay kailangang palawakin. Nais Niyang ito ay mapaabot hanggang sa lahat ng mga dako ng lupa. Habang tayo'y tumatanggap ng turo at biyaya ng Diyos, dapat naman tayong magbahagi sa iba ng kaalaman kung paano aalagaan ang mahahalagang pananim. Sa ganitong paraan maaari nating mapalawak ang ubasan ng Panginoon. Nag-aabang ang Diyos ng katunayan ng ating pananampalataya, pag-ibig, at pagtitiis. Tinitingnan Niya kung ginagamit natin ang bawa't kalamangang espirituwal upang maging mga sanay na manggagawa tayo sa Kanyang ubasan sa lupa, upang tayo'y makapasok sa Para- iso ng Diyos, sa Edeng tahanang yaon na mula roon ay pinalayas sina Adan at Eba dahil sa pagsalansang.MP 293.2

    Ang Diyos ay tumatayong isang ama sa Kanyang bayan, at bilang ama ay hinihingi Niya ang ating tapat na paglilingkod. Ating isaalang-alang ang buhay ni Kristo. Sa Kanyang pagkakatayo bilang pangulo ng sangkatauhan, na naglilingkod sa Kanyang Ama, Siya ay isang halimbawa ng kung dapat maging ano ang bawa't anak. Ang pagtalimang ipinakita ni Kristo ay siyang hinihingi ng Diyos sa mga taong kinapal ngayon. Pinaglingkuran Niya ang Kanyang Ama nang may pag-ibig, bukal sa loob at malaya. “Aking kinalulugurang sundin ang Iyong kalooban, Oh Diyos Ko,” wika Niya, “oo, ang Iyong kautusan ay nasa loob ng Aking puso.”1Awit 40:8. Si Kristo'y walang itinuring na sakripisyong totoong malaki, walang pagpapagal na totoong mahirap, upang magampanan lamang ang gawaing pinarituhan Niya upang gawin. Sa gulang na labindalawa ay sinabi Niya, “Di baga talastas ninyo na dapat Akong maglumagak sa gawain ng Aking Ama?”2Lu. 2:49. Narinig Niya ang panawagan, at isinabalikat Niya ang gawain. “Ang pagkain Ko,” sabi Niya, “ay ang Aking gawin ang kalooban ng sa Akin ay nagsugo, at tapusin ang Kanyang gawain.”3Juan 4:34.MP 294.1

    Sa ganyan ding paraan dapat nating paglingkuran ang Diyos. Ang naglilingkod lamang ay ang gumagawa hanggang sa pinakamataas na pamantayan ng pagtalima. Lahat ng mga nagnanais na maging mga anak na lalaki at mga anak na babae ng Diyos ay kailangang patunayan nila na sila'y mga kamanggagawa ng Diyos at ni Kristo at ng mga anghel sa langit. Ito ang subukan sa bawa't kaluluwa. Sa mga tapat na naglilingkod sa Kanya ay ganito ang sinasabi ng Panginoon, “Sila'y magiging Akin . . . sa araw na Aking gawin, samakatwid baga'y isang tanging kayamanan; at Akin silang kaaawaan, na gaya ng isang tao na naaawa sa kanyang anak na naglilingkod sa kanya.”4Mal. 3:17.MP 294.2

    Ang dakilang layunin ng Diyos sa ikagaganap ng Kanyang mga pamamatnubay ay upang subukin ang mga tao, upang bigyan sila ng pagkakataong makapagpabuti ng likas. Sa gayo'y napapatunayan Niya kung sila'y masunurin o masuwayin sa Kanyang mga utos. Hindi nabibili ng mabubuting gawa ang pag-ibig ng Diyos, nguni't inihahayag naman nito na tayo'y nag-aangkin ng pag-ibig na yaon. Kung ipinasasakop natin sa Diyos ang ating kalooban, ay hindi tayo gagawa upang makamtan ang pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig Niya bilang isang walang-bayad na kaloob ay tatanggapin sa kaluluwa, at dahil sa pag-ibig natin sa Kanya ay ikalulugod nating sundin o talimahin ang Kanyang mga utos.MP 295.1

    May dalawang uri lamang ng mga tao sa sanlibutan ngayon, at dalawang uri lamang ang kikilalanin sa Paghuhukom,—yaong mga nagsisilabag sa kautusan ng Diyos, at yaong mga nagsisitalima roon. Ibinibigay ni Kristo ang subukang sa pamamagitan niyaon mapatutunayan ang ating pagtatapat o di-pagtatapat. “Kung Ako'y inyong iniibig,” wika Niya, “ay tutuparin ninyo ang Aking mga utos. . . . Ang mayroon ng Aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa Akin. At ang umiibig sa Akin ay iibigin ng Aking Ama, at siya'y iibigin Ko, at Ako'y magpapakahayag sa kanya. . . . Ang hindi umiibig sa Akin ay hindi tumutupad ng Aking mga salita: at ang salitang inyong naririnig ay hindi Akin, kundi sa Amang nagsugo sa Akin.” “Kung tinutupad ninyo ang Aking mga utos, ay magsisipanahan kayo sa Aking pag-ibig; gaya ng Aking pagtupad sa mga utos ng Aking Ama, at Ako'y nananatili sa Kanyang pag-ibig.”1Juan 14:15-24; 15:10.MP 295.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents